Interview

Cabinet Report sa Teleradyo with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Asec Kris Ablan


ASEC. ABLAN: Secretary Martin, magandang gabi po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Hello, magandang gabi sa’yo Asec. Kris at magandang gabi sa lahat ng nakikinig at nanonood po sa atin sa Radyo Pilipinas Uno at sa PTV, ganu’n din po ‘yung mga nakikinig at nanonood sa pamamagitan ng ating mga social media pages ng Presidential Communications Operations Office.

At tamang-tama ang pagtawag n’yo Kris, dahil katatapos lang ng Joint Regional Development Council at Regional Peace and Order Council Meeting na ginanap sa Malaybalay, Bukidnon dahil ito po ‘yung kauna-unahang meeting ng RDC at RPOC ng Region-X na ako ang nag-preside as the CORDS. Ano po na ‘yung CORDS? Ito po ‘yung Cabinet Officer for Regional Development and Security.

So, si Presidente po ay nag-appoint ng mga CORDS sa lahat po ng rehiyon sa Pilipinas at dito po sa Region-X sa Northern Mindanao, ako po ‘yung itinalagang CORDS or cabinet officer. At nagkaroon po kami nga ng meeting at gaya ng nabanggit ko at napag-usapan po doon iyong mga hakbang na dapat gawin ng Region-X para po masolusyunan ang problema po sa kahirapan at problema po sa communist insurgency, ito po ay bahagi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, itong CORDS, at ito pong naging joint meeting between Regional Development Council at Regional Peace and Order Council.

At doon sa meeting nandoon din po ‘yung mga representatives ng ating national government. Apart from myself, ay nandoon din po iyong undersecretary po ng National Security Council, nandoon din po ‘yung assistant secretary ng Department on Interior and Local Government, at mayroon pong regional directors ng DILG, Asec ng DILG, mayroon din pong regional director ng NEDA, TESDA, Department of Health, at iba pang mga national government agencies para pag-usapan ang mga dapat gawin para nang masolusyunan ang communist armed conflict.

At before that, Kris ay naging productive din ang lakad ko dahil kaninang umaga ako ay nagtungo sa isang barangay—

ASEC. ABLAN: Yes, Sec.

SEC. ANDANAR: Ang barangay po ay Barangay Iba dito po sa Bukidnon at doon ay nag-turnover po ako, kasama ko si Sec. Rolly Bautista, ng limampung bahay—

ASEC. ABLAN: Wow!

SEC. ANDANAR: Para po, oo, limampung bahay, nag-turnover po kami.

ASEC. ABLAN: Ready-made na po, I mean na-complete na po, Sec. Mart?

SEC. ANDANAR: Oo, kumpleto na ‘yung bahay. Ito po ay para sa mga displaced farmers gawa nung bagyo na dumaan sa Bukidnon, I think it was a year ago–two years ago. So, ito po ay tinurn-over na at nagkaroon din po ng launching ng CAPDev, ano po ba ‘yung CAPDev? Ito po ‘yung Convergence Areas for Peace and Development; so, it has something to do also with the ending local communist armed conflict at sa launching po na ‘yun ay tinurn-over din namin ‘yung pabahay at nag-turnover din kami ng mga projects from TESDA, from Department of Health, from Department of Agriculture, from the Provincial Government of Bukidnon at marami pang ibang itinurn-over na mga proyekto on… mga magagandang proyekto para sa mga beneficiaries ng ano… nung Barangay Iba.

Itong Barangay Iba ay rebel-infested po ito noon at ngayon po ay na-clear na at umalis na po ‘yung mga rebelde at lumipat na sa mas malayong lugar kaya masasabi po na effective po itong National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ni Presidente. And I’ll be reporting the activities that happened today sa Palasyo ngayong darating na Lunes.

ASEC. ABLAN: Maganda po iyan, Sec. Mart. So, this week po na sa CDO at saka Bukidnon lang po kayo, ano?

SEC. ANDANAR: Opo, opo. Ngayong gabi ay babalik na ako ng Maynila.

ASEC. ABLAN: Yes. Sec. Martin, para po sa mga kababayan po nating nakikinig ngayon, ‘yung CORDS po, sabi n’yo nga po kayo po ‘yung naitalaga po ni Presidente diyan sa Region X, so, ibig sabihin po ‘yung mga ibang mga Kalihim, mga ibang katulad n’yo pong secretary ay na-assign din po bilang CORDS sa ibang rehiyon, ganu’n po ba, sir?

SEC. ANDANAR: Opo, iba-ibang regions, iba-ibang CORDS ang namumuno. For example, sa Region XIII, sa CARAGA, si Sec. Karlo Nograles; dito naman po sa Region I, si Sec. Jun Esperon; sa Region Xl, si Sec. Sonny Dominguez. So, iba-ibang CORDS, iba-ibang cabinet officer for regional development and security ang in-assign po ni Presidente at—

ASEC. ABLAN: Parang innovation po iyan, Sec. Martin para mayroon po talagang Kalihim na maging focal for a particular region para sila po ang mag-report sa Presidente kung talagang nagkakaroon ng aksyon ang ating mga government agencies diyan?

SEC. ANDANAR: Opo, tama po. Lahat ng mga project ni Presidente sa Region X, ako po ‘yung magre-report, magmo-monitor para sa kaniya para alam po ni Presidente ang mga nangyayari sa mga proyekto. Kung ito ba’y naipatupad, kung ito ba’y na –stall, kung ito ba’y hindi talaga nangyari at kung ano po ‘yung mga naging problema.

ASEC. ABLAN: Parang check and balance lang, Sec. Mart, ‘no? May mga tao naman tayo dun pero siyempre kailangan din na may check and balance, so kayo po ‘yung agent ni President Duterte diyan sa Region X.

SEC. ANDANAR: Opo. For the last three years [unclear] kasi siyempre nakatutok tayo ngayon sa mga legacy project ni Presidente.

ASEC. ABLAN: Yes, sir.

SEC. ANDANAR: Mga hard infrastructure projects. Alam naman natin na napakahalaga ng isang hard infrastructure project para sa isang presidency dahil you know, after six years or after twelve years, may makikita ‘yung taumbayan at sasabihin nila, “Ayan, ginawa ‘yan ni Presidente Duterte. Ayan ang ginawa ni Presidente Arroyo. Iyan ang ginawa ni Presidente Aquino, Presidente Marcos, Ramos” ‘di ba? So, mahalaga na mayroong legacy po ang bawat Pangulo pagdating po sa infrastructure.

ASEC. ABLAN: And then, Sec. Mart, so, despite your busy schedule balik na po kayo ng Manila kasi next week sir, start na po ng ating pre-SONA and then magkakaroon din tayo ng regional town halls, so, we expect you to be there po?

SEC. ANDANAR: Opo. Alam ko na mayroon po akong commitment sa’yo dahil mayroon ka ring mga Freedom of Information at ‘yung Open Government… ‘yung Open Government Projects.

ASEC. ABLAN: Yes, ‘yung regional town halls, Sec. Mart.

SEC. ANDANAR: Opo. So, I’ll be there. thank you so much, Kris for at least giving me this time to report to you, to report to the entire country kung ano po ‘yung nangyari sa akin ngayong araw na ito at ‘yun nga, napakahalaga dahil itong National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ay cornerstone project po ito ni Presidente na napakahalaga. Thank you. Thank you, Kris.

ASEC. ABLAN: So, mamaya po mayroon po tayong guest sir from the DBM, si Asec. Roland Toledo, ang ating topic ngayong gabi ay ‘yung Dagyao nga po, Dagyao 2019. ‘Iyun po ‘yung OGP Regional dialogues or town halls and I think we will be going to Region-X. So, hopefully your schedule permits, Sec. Mart at kayo po ang isa sa mga keynote speaker namin.

SEC. ANDANAR: Oo. Sa Region-X hindi puwedeng wala ako doon dahil ako ‘yung CORDS sa Region-X, so kailangan nandoon ako and of course, I support you and all your projects. Sige, Kris, mabuhay ka!

ASEC. ABLAN: Maraming salamat po, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Okay.

 ###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource