Interview

Cabinet Report sa Teleradyo with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Leo Palo III with PCOO Director Vinci Beltran


DIR. BELTRAN: Sec. Martin Andanar.

MR. PALO: Sec. Mart, good morning. Maayong Buntag. 

SEC. ANDANAR: Hi, good morning at salamat po sa pag-guest ninyo sa akin dito. 

DIR. BELTRAN: Pinanindigan na ni Sec. Mart.

MR. PALO: Lagi na lang guest eh ‘no. 

DIR. BELTRAN: Hello po, Sec. Mart, kamusta po kayo.

MR. PALO: Maayong Buntag diyan sa Tacloban, mga Taclobanos; naa man di ay di si Secretary Martin Andanar. 

SEC. ANDANAR: Maupay nga adlaw.

MR. PALO: Maupay. Oo nga pala, halo nga pala ang Tacloban – Waray and Cebuano ang salita. 

SEC. ANDANAR: Oo. So—

MR. PALO: Anyway, Sec., kamusta diyan? 

SEC. ANDANAR: Well, mas maaga tayong nakarating dito sa Tacloban galing diyan sa Manila sapagkat kagabi ay nagkaroon tayo ng mga Christmas party – mula sa FOI, pinuntahan natin sila Asec. Kris Ablan, tapos Christmas party ni Presidente para sa kaniyang gabinete. Eh akalain mo ikatlong Christmas party na ni Presidente sa kaniyang mga Cabinet members.

MR. PALO: Mayroon bang mensahe si Presidente sa inyo sa mga Cabinet officials? 

SEC. ANDANAR: The same, nagsalita siya na kaunti about doon kay Secretary Ben Diokno, iyong nangyari doon sa Kongreso tapos ipinaliwanag din niya at ipinaaalala sa amin na, sabi niya na ‘he is proud of this present cabinet na—actually, dominated by non-politician ang kanyang present cabinet ngayon at ipinaaalala niya sa amin na iyong non-corrupt, iyong no corruption, iyong mga ganoon, tapos masaya siya overall. Masaya siya sa naging trabaho ng mga miyembro ng kaniyang gabinete.

And then we proceeded to the party of the Manila Police District Press Club. Doon tayo nagpunta at na-meet natin iyong ating dating kasamahan, madami, sila Ludi, Gina.., sa print natin nakasama; sila Ally and—parang bumabalik iyong ano, Leo eh, alam mo iyong mga 1998, 1999 na Manila Press Club days. Albeit ngayon ay kaunti na lang kami na original at halos lahat ay mga bago na, mga millennial tulad ni Vinci.

MR. PALO:: Talaga ha? 

SEC. ANDANAR: At kaninang umaga—Oo naman. At kaninang umaga dito sa Tacloban ay nakipag-meeting tayo sa ating mga kasamahan na mga mediamen and women dito sa Tacloban para alamin din kung ano ang kanilang isyu, saloobin kung papaano tayo makatulong dito sa Presidential Communications Operations Office. So ngayon, we will be proceeding already to Balangiga para i-witness iyong pag-turnover ni Presidente. Ang mangyayari kasi kung hindi magbabago ang plano, itu-turnover ng US government sa national government – meaning, kay Presidente then the President will turn it over to the local government units and including the province. At iyong LGU, sila iyong magtu-turnover naman sa simbahan, ganoon iyong sistema.

MR. PALO: Sec., sandali ha, balikan ko lang iyong sinabi mo kanina. You been with the media people diyan sa area, alam naman natin na isa iyan sa nagiging—actually trabaho—ginagawa mong Divisoria ang Cebu, ang Cagayan pero nalaman ko na lang, nag-iikot ka pala para makisalamuha sa ating mga kasamahan na mga nasa rehiyon, iyong mga media people at napag-alaman ko kagabi, kung hindi ako nagkakamali kagabi o noong isang araw. Itong si Presidential—Special Assistant to the President to the people, Kuya Bong Go eh naglaan pala, nagbigay ng cash gift para sa mga media na sinasabing may karamdaman. 

SEC. ANDANAR: Naku, naku mabuti’t nabanggit mo iyan kasi mayroon tayong mga listahan na may malubhang sakit na kasamahan natin sa media, sa pag-ikot natin sa buong Pilipinas ay binibigyan tayo ng listahan kung sino iyong may mga sakit. Kaya mayroong isang kasamahan natin doon sa Cagayan de Oro sabi niya baka puwede naman tayong kumatok sa puso ng dating Special Assistant to the President. Sabi ko, walang problema. So iyon po ang ginawa natin, inilista natin iyong sampung mediamen na seriously ill at sabi ko kay SAP baka puwede nating tulungan, kung puwede lang naman, hindi naman tayo namimilit ‘di ba? Tapos automatic hindi nagdalawang isip. Sabi niya, ‘Noche Buena – cash gift.’ 

DIR. BELTRAN: Wow.

MR. PALO: Puwede bang malaman magkano? 

SEC. ANDANAR: Ay huwag na lang. Basta importante iyong Noche Buena— 

DIR. BELTRAN: May biglang tumugtog.

SEC. ANDANAR: So iyong may sakit, sina Ernie Gabonada, nagda-dialysis every week. 

DIR. BELTRAN: Yes po, Sec. Martin?

[LINE CUT] 

DIR. BELTRAN: Hello po, Sec. Martin. 

SEC. ANDANAR: So iyon nga ang mga recepient sina Ernie Gabonada na nagda-dialysis every week; si Mon Dakawi nagda-dialysis every week; si Bon Montalban, iyong kaibigan kong DJ na nagkaroon ng aneurism; tapos si Edward Buyano na-stroke, isang reporter diyan sa Bohol; mayroon tayong taga-Gensan taga Baguio, Cagayan de Oro, taga-Bohol. Si Pareng Ed Verzola taga diyan sa RP na may throat cancer; si Maria Molejor na taga-Bukidnon na nagkaroon po ng sakit na myoma; tapos si John Revecio na may heart enlargement doon sa Calibo, si Alex Badayos na mayroon pong slipped disc, hindi makatrabaho, diyan sa Cebu;; Mario Arguelles na mayroon pong sakit sa puso diyan sa Albay; at si Elmo Roque na may bone cancer diyan po sa Nueva Ecija.

MR. PALO: Parang pansin ko puro ang babata ah; mga bata pa, Sec. ‘no? 

SEC. ANDANAR: Well, may mga edad na rin ito eh, iyong iba bata pa, at least kahit papaano natutulungan natin, napapasaya natin iyong kanilang pasko.

 MR. PALO: Correct. Kami din po sa ngalan po ng mga mamamahayag, mga radio announcers, nasa radio group sa Palasyo ng Malacañang kami po ay nagpapaabot din po ng aming greetings sa lahat ng mga nandiyan sa ospital pa na mga kasamahan namin na talaga namang hindi lang nakikipaglaban sa kanilang karamdaman kung hindi ipinaglalaban po ang bansang ito sa ngalan po ng pagbo-broadcast. 

DIR. BELTRAN: Kaya talagang deserve naman nila kung ano man iyong nai-abot sa kanila.

 MR. PALO: Si Ed Verzola kilala mo ‘di ba, nagpo-program dati dito? Kaya pala nawala si Pareng Ed Verzola dahil wala na talagang boses. 

SEC. ANDANAR: Literally walang boses.

 MR. PALO: So iyan po ang—warning ito sa lahat ng mga broadcaster. Sa totoo lang ako, kaya noong—noong simula noong—kasalanan ko rin naman eh, nagkasakit ako then nabinat ako, pumasok pa rin ako, nabinat pa ulit. Iyon ang dahilan kung bakit naging medyo paos ang boses ko, until now naging parang paos ang boses ko kapag ka pinapakinggan mo.

DIR. BELTRAN: Naku.

PALO: Ito naman iyong dahil sa work naman. Iyong iba naman kasi nagwo-work, then after that naninigarilyo; actually, isa iyan sa sinasabi ni Sec. Martin sa akin eh kapag nag-uusap kami minsan. Sabi niya, “Ikaw ba naninigarilyo ka?” Ginaganoon ako eh. “Hindi, hindi ako naninigarilyo.” Lalo na iyong mga kasamahan natin, medyo iwas-iwas din nang konti.

DIR. BELTRAN: Iyan ang puhunan.

SEC. ANDANAR: Iyan talaga ang puhunan sa—alam mo, iyan si Leo, iyan matagal nang radio announcer at saka very passionate kapag nag-announce iyan eh, halos sumisigaw na sa ere.

DIR. BELTRAN: [Laughs]

SEC. ANDANAR: Hindi, totoo ‘di ba. And then, ako na-experience ko iyan dahil … ilang taon na? More than 22 years akong nag-broadcast tapos halos mga – ilang taon? – mga seven years akong naging voice over, official voice over ng Channel 5 at Radyo Singko. So, ngayon naramdaman ko na ngayon. Kapag maaga akong nagsimula, mga alas singko ng umaga—

PALO: Sumasabit.

SEC. ANDANAR: Pare, by 11 o’ clock in the morning, wala na akong boses. So ano iyan eh, naii-strain eh – sobrang gamit. So buti na lang hindi ako kasing daldal ni Leo.

PALO: [Laughs]

DIR. BELTRAN: Naipapahinga ninyo pa po kahit papaano iyong boses ninyo.

PALO: Hindi kasi magkaiba kaming dalawa, as in magkaibang-magkaiba kami. Siya kasi, si Secretary Martin Andanar ay mabagal siya na talagang may phase; ako naman, sobrang tulin naman, as in mabilis talaga ako eh, hyper kasi ako, sobra; ganoon ako kapag nagpu-program. Kaya iyong natutulog, sa akin … alas sais ako eh, natutulog sa akin kapag narinig mo, binuksan mo iyong radyo mo, siguradong gigising ka sa akin – ganoon naman iyon.

SEC. ANDANAR: Oo, kasi kailangan eh. Kailangan iyong style ni Leo sa umaga, parang Mike Enriquez ‘di ba, kailangan maingay talaga eh. Sila ni—sa DZMM, sino iyong sa umaga doon?

PALO: Sina Gerry Baja.

SEC. ANDANAR: Hindi, mayroon pa iyong ano, iyong bago sila Gerry.

PALO: Sina Johnson Manabat, ayan.

SEC. ANDANAR: Si Johnson tapos—

PALO: Si Ricky.

SEC. ANDANAR: Tapos dito sa Double B, sila Carlo Mateo.

PALO: Carlo Mateo at saka si Mao dela Cruz.

SEC. ANDANAR: Oo, maingay but anyway—kasi kailangan iyon, kaya dalawang propesyon ang delikado ang boses – broadcaster pati teacher.

PALO: Oo nga, totoo iyon.

SEC. ANDANAR: Iyong teacher, Diyos ko, napakahirap na—

PALO: Mas mahirap ang teacher.

DIR. BELTRAN: Hindi ako nagsasalita oh. Kasi iyong boses ko, habang nagde-describe kayo parang, “Hala, iyong boses ko.”

SEC. ANDANAR: Iyong mga teacher kasi—kaya mayroong foundation na Saving Your Voice eh. Iyong kasamahan natin dito sa industriya rin na mahilig magbago-bago ng boses, binabagu-bago niya iyong boses niya, mga voice artist, so kailangan talagang ingatan kapag broadcaster.

So paano na lang iyong si Ed, si Pareng Ed Verzola, habang buhay, iyong kaniyang trabaho/hanapbuhay—hindi na nga hanapbuhay itong broadcasting sa kaniya.

PALO: Passion, naging passion.

SEC. ANDANAR: Passion na ito.

DIR. BELTRAN: Way of life.

PALO: Kasi parang ano ‘no, I don’t know kung si Secretary Andanar ay ganoon din ang kaniyang pakiramdam, kasi kami—ako, lalo ako ha, matagal ako eh—parang kapag nawala lang ako, for example, one week, parang magkakasakit ako. Hindi ko alam, ganoon talaga.

DIR. BELTRAN: Hinahanap-hanap ninyo.

PALO: Oo.

SEC. ANDANAR: Hinahanap-hanap niya iyong kaniyang pagka-brodkaster. Ako, hindi naman ako ganyan; hindi ko naman hinahanap-hanap. Kaya lang mahirap din iyan Leo, kapag hinahanap-hanap mo.

PALO: Ano kasi, hindi ko alam, parang mas lalo akong magkakasakit – parang ganoon.

SEC. ANDANAR: Hindi, kailangan mong … you have to learn how to let go.

PALO: Ang lalim ah.

DIR. BELTRAN: Biglang may ganoon.

PALO: Parang may nararamdaman akong hindi maganda rito ah.

SEC. ANDANAR: Parang ano eh, parang nasa … iyong mga love clinic.

DIR. BELTRAN: Cabinet Report po ito ha. Baka akala po ng mga—

SEC. ANDANAR: Hindi kasi, alam mo ang problema sa buhay, iyong you get too attached to anything, kahit iyan ay isang material; isang pag-ibig; iyan ay isang—

PALO: Kailangang matutunan mong ibigay.

DIR. BELTRAN: Dapat may acceptance.

SEC. ANDANAR: Iyong trabaho. Hindi lahat ay forever at walang katapusan; may hangganan ang lahat.

PALO: Kailan po ang Christmas party ng PCOO?

DIR. BELTRAN: Sa Monday.

SEC. ANDANAR: Lilipas din iyan.

PALO: [Laughs] Inunahan ako. Sasabihin ko pa sana—ang galing niya, alam niya kung ano ang punto ko eh. Kasi sabi niya, di ba ‘let go.’ Let go mo na, Sec., iyong bonus.

SEC. ANDANAR: Lilipas din iyan.

PALO: Lilipas din iyan, ang galing.

DIR. BELTRAN: Mamano tayo kay Sec. Mart sa Lunes.

PALO: Ang bilis ng sagot. Paano iyan, inunahan na kayo.

SEC. ANDANAR: Sabi sa Bibliya, “This too shall pass.” Biblical iyan, Leo.

PALO: Biblical din iyong ano, “It’s better to give than to receive.” [Sings] Ibigay mo na ang aming Christmas bonus; anong sagot?

DIR. BELTRAN: Yes, Ninong Martin – nagkaroon bigla ng inaanak.

PALO: Bigla yata nawala; Sec., andyan ka pa ba?

SEC. ANDANAR: Hinaan mo muna iyong sound. Hinaan mo muna.

PALO: Hinaan mo raw iyong sounds.

DIR. BELTRAN:  May nais iparating si Secretary.

PALO: Hiwaga iyan, hiwaga iyang “Ibigay mo na ang Christmas bonus.”

SEC. ANDANAR: Hinaan mo muna. Mayroon ka bang ‘Give Love on Christmas Day.”

PALO: Oh, give love daw, give love. Bilis, bilis. Dali, dali. [Laughs] Ang bilis ni Richard.

DIR. BELTRAN: Love ang ibibigay ni Sec. Martin.

PALO: Baka raw puro love lang ang ibibigay mo.

SEC. ANDANAR: Hindi ba, di bale nang wala basta may pagmamahal.

DIR. BELTRAN: Marami na raw kaming love.

SEC. ANDANAR: Jackson 5.

PALO: Sec., ang laki ng letrang nakalagay dito – marami na kami niyan.

SEC. ANDANAR: Maraming nagmamahal.

PALO: Anyways, Merry Christmas daw sabi ni Maharlika, nanunood.

DIR. BELTRAN: Merry Christmas, Maharlika,

SEC. ANDANAR: Merry Christmas, Maharlika. Alam mo naman iba ang Pasko diyan sa States. I-kain mo na lang kami ng hamon diyan.

PALO: Malungkot ang Pasko diyan sa Amerika. Iba sa Pilipinas. Uwi na kayo.

DIR. BELTRAN: Literal na malamig ang Pasko.

SEC. ANDANAR: Uy, hindi na malungkot ha. Leo, hindi malungkot ang Pasko diyan sa—

PALO: Ah ganoon ba.

SEC. ANDANAR: Napakadaming Pilipino diyan.

PALO: Ah kasi marami kasing Pinoy.

SEC. ANDANAR: Oo. Maglalakad-lakad ka kung saan-saan eh, kapag nawala ka, isusoli ka ng Pilipino sa bahay mo. Ganoon kadami.

DIR. BELTRAN: Tabi-tabi ang mga Pilipino.

PALO: Totoo iyon, totoo iyon. Ano ito, nasa Bibliya rin ba ito?

DIR. BELTRAN: Hindi lahat nabubuhay—

PALO: Ano? Hindi daw lahat nabubuhay sa pag-ibig; sa regalo at cash gift din.

SEC. ANDANAR: Wala sa Bibliya iyan. Baka bibliya ni Lucifer iyan.

DIR. BELTRAN: May pangkontra talaga si Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Walang problema basta—

DIR. BELTRAN: Pero, Sec. Mart, iyon pinatugtog ninyo kanina—

PALO: Sandali, sandal, may sinasabi siya.

DIR. BELTRAN: May babanggitin po kayo? Ano po iyon? Wala daw problema …

SEC. ANDANAR: Huwag na lang. Huwag na—

DIR. BELTRAN: Hindi po, ano po iyon, Sec. Mart?

SEC. ANDANAR: Basta iyong tropa natin diyan, iyong kasamahan natin sa Cabinet report, iyong tatlong piloto—sino iyong mga piloto natin diyan, tatlo iyan eh?

 DIR. BELTRAN: Triple R.

PALO: Si Triple R – Richard, Rolly and Rene.

SEC. ANDANAR: Akong bahala sa inyo.

PALO: Ayan ha, hindi kayo mawawalan. Anong kasunod noon?

SEC. ANDANAR: Akong bahala. Kausapin ko si—may kaibigan ako, kausapin ko.

PALO: Hindi sila mawawalan?

SEC. ANDANAR: Hindi sila mawawalan ng regalo.

PALO: Akala ko hindi rin magkakaroon.

SEC. ANDANAR: Gawin mo nang quadruple R – Richard, Rowena at saka si?

PALO: Rowena, Richard, Rolly, Rene.

SEC. ANDANAR: Apat ba iyan?

DIR. BELTRAN: Opo.

SEC. ANDANAR: Richard, Rowena, Rene, Rolly, dagdagan ko ng regalo.

DIR. BELTRAN: Wow.

PALO: So lima na. Panglima iyong regalo. Naka-simulcast tayo sa Radyo Pilipinas 2.

DIR. BELTRAN: Ah ganoon, hello sa mga nakikinig sa RP 2.

PALO: Kasi hindi po tayo naka-live sa Facebook dahil may technical problem lang po tayo. Pero naka-live naman ako sa aking Facebook, kaya marami akong nakikita dito.

SEC. ANDANAR: At least mas malaki iyong reach, mas malawak kasi live sa Facebook ni Leo Palo. Basta malapit na iyang Pasko, ramdam na ramdam ko na at ang message ko sa mga kababayan natin. Tama naman si Leo at si Vinci, the Christmas is also about giving and not receiving – giving. So kailangan eh—

MR. PALO: More on giving, actually more on giving.

SEC. ANDANAR: So mayroon tayong kaunting maibibigay, maitabi na sobra, bigyan natin iyong less fortunate sa buhay. Kapag magmamaneho ka sa Pasko, makikita mo iyong isang pulubi sa tabi na walang kinakain, eh abutan mo rin, hindi naman kailangan pera, puwede namang pagkain. Kung may makita kang nagtatrabaho na DJ sa gabi, tapos iyong kaniyang graveyard shift ‘di ba? Sa Radyo Pilipinas padalhan mo ng Noche Buena, kahit papaano pan de sal pati hamon, mga ganoon ba ‘no.

MR. PALO: Iyong mga mataas ang cholesterol, iyong mga ganoon, ibigay mo iyon.

SEC. ANDANAR: Huwag naman.

MR. PALO: [laughs].

DIR. BELTRAN: Ibigay ang hilig – lechon, crispy pata.

MR. PALO: Well, Sec., segue lang ako ng kaunti. Kasi nalaman namin sinabi mo, you’ll be travelling papunta diyan sa Balangiga with the media. So ano po ang i-e-expect natin sa pagtanggap ng Pangulo mismo diyan or pagkabit na mismo nitong mga ano na ito—

SEC. ANDANAR: Alam mo kausap ko iyong Philippine Information Agency – si Venus dito, tapos iyong mga media men dito. Excited ang mga taga Balangiga, emotional. Kahapon pa sila nakahanda, mayroong mga nagsiuwian mula sa mga kanilang iba’t-ibang mga bansa, kung saan man sila nakatira ngayon, Amerika, Australia, nagsiuwian para lang ma-witness iyong pag-turnover ng bells. So this really means a lot to the people of Balangiga. Noong dumating iyong mga kampana kahapon, ang daming nag-expect na makikita nila. Eh siyempre naka-seal iyon eh ngayong araw yata ibibigay. So very excited sila, Leo and—

MR. PALO: At saka historic kasi eh, historic ito eh.

SEC. ANDANAR: Akalain mo 117 years eh nawala, tapos naging—ito ay isa sa mga istorya kung bakit nagwagi ng isang araw ang mga Pilipino sa Balangiga kontra sa mga mananakop na Kano. So—tapos ito rin naging war booty na kinuha ng mga Amerikano ng—when they turned Balangiga to howling wilderness sabi ni General Smith. So ngayon na nakabalik na, ito ay simbulo ng kagitingan, katapangan, valiance, bravery, courage ng mga Pilipino noong 1901. But on the other hand, ngayong araw na ito, ngayong panahon na ito, it is a symbol of the long-lasting friendship between the Americans and the Filipinos. Kasi ano na tayo eh, kumbaga nagmo-move forward na tayo at akalain mo 50 years ito, Vinci.

Sinubukan ng mga leader natin noon na maisauli itong Balangiga, more than 50 years tapos sa panahon ni Ramos muntik na pero na-udlot. Tapos noong sinabi ni Pangulong Duterte sa kaniyang speech noong 2017 na ‘Those bells are ours. Bring back those bells, return those bells,’ nakita ko mismo iyong mukha ‘di ba nakita mo noong SONA, naka-focus kay Ambassador Sung Kim, ‘di ba finocus sa kaniya tapos tumango lang si Ambassador Sung Kim ‘di ba, so nakuha niya agad. Kaya—

MR. PALO: Sec., sandali ha, pasintabi tayo. Nasa linya kasi natin si General Benigno Durana Jr. ang PNP Spokesperson, batiin muna natin, nasa linya – General Durana, maayong buntag.

PNP SPOKESPERSON DURANA:  Maayong Buntag, Leo at Vinci at sa ating Secretary ng PCOO, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Hi, maayong buntag sir, Merry Christmas.

[LINE CUT]

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource