DIR. BELTRAN: On the line po ang Secretary ng PCOO, Secretary Martin Andanar. Hello po, Sec.
MR. ARCENA: Good morning, Sec.
SEC. ANDANAR: Hi Vinci, hello kay JV. Happy New Year…
MR. ARCENA: Happy New Year po. Kasama po natin Sec. si Superintendent Joanne Vallejo, ang Tagapagsalita po ng Bureau of Fire Protection.
SEC. ANDANAR: Oh, si Ma’am Joanne. Good morning Ma’am Joan—
SUPT. VALLEJO: Good morning, sir.
SEC. ANDANAR: At good morning po sa lahat ng nakikinig sa atin dito sa Cabinet Report sa Teleradyo.
DIR. BELTRAN: ‘Ayan po Sec., napag-usapan po namin slightly po kung ano po iyong—medyo parang kinuwento na rin po ni Ma’am iyong mandate po nila ‘pag New Year po, sila po ay nag-i-inspect. Pati po pala iyong storage ng tubig eh inaalam nila kung mayroon po iyong mga tindahan Sec.
SEC. ANDANAR: Oo. Aba’y talagang maraming trabaho ang opisina ni Ma’am Joanne at kailangan masiguro talaga iyong ating seguridad ngayong New Year’s eve. Pero medyo nabawasan na po Colonel ‘di ba dahil sa ipinapatupad na batas ng ating Pangulo.
SUPT. VALLEJO: Yes, sir. Sa limang taon po nating talaan po ng firecracker related incidents, nanatili pong pababa nang pababa lalo na po noong in-implement po Executive Order No. 28, kasi hindi lang po sa sunog bumaba maging po sa mga manufacturing at saka po sa mga nagtitinda, iyong sa mga number of dealers po na nagre-renew ng business permits. Kasi dito po naging very conscious na rin po sila na talaga pong mahigpit po ang batas na ito.
SEC. ANDANAR: Uhum. Which means… of course mas nabawasan din iyong mga kababayan natin na napuputulan ng daliri, nadidisgrasya… Kaya naalala ko noong ako’y nagsimula na reporter noong 1999, alam ni Weng ‘yan siyempre nag-cover din ‘yan eh doon sa Manila—Philippine General Hospital, napakadaming napuputulan ng daliri. In fact ‘pag December 31 ay doon lahat nakatutok iyong mga media dito sa Metro Manila para bilangin iyong ilan naputulan at doon naman sa Fabella, para alamin kung sinong unang pinanganak – alam ni JV – napagdaanan ng mga reporter ‘yan.
Pero alam ninyo mga kababayan, Ma’am Joanne, Vinci at si JV… napakasarap nang mag-New Year dito sa Manila – noon kasi ay gusto mong umalis ng Maynila, gusto mong pumunta ng probinsiya dahil napakausok. There was a time na halos hindi na maka-landing… hindi na nga maka-landing iyong mga eroplano hindi ho ba Colonel, hindi maka-landing dahil sa sobrang kapal ng smog.
SUPT. VALLEJO: Yes, sir…
MR. ARCENA: Pero kayo Colonel sa ngayon ho ba, doon sa inyo pong ginawang inspeksiyon sa mga lugar na nagbebenta ho ng paputok, kamusta naman po, marami pa rin po ba ang mga lumalabag? Marami pa rin po ba ang—kung mas natututo na sila dahil sa pinatutupad na EO ng Malacañang?
SUPT. VALLEJO: Sir sa ngayon po kasi, pagdating po sa Bureau of Fire Protection, kasi po fire safety measures po ang atin pong tinitingnan dito. Ang BFP po kasi ay hindi po nagkukumpiska, pero karamihan po ng atin pong ginagawa ay joint inspection sir, so para po kasama na po ang pulis, kasama na rin po ang ibang ahensiya na may concern po sa pag-implement ng Executive Order 28. Pero noong nag-ikot po kami sa Bocaue kasama po ang aming Fire Chief, si Director Leonard Bañago ay wala po kaming nakitang violation sir at saka nakikipag-usap din po kami sa kanila ukol po sa kanilang mga karanasan dito sa pagbebenta.
So iyon nga po – malaki ang epekto ng Executive Order 28 dahil tumupad po sila talaga rito at wala po tayong nakitang violations – pero ang kadalasan po nito iyong kasagsagan na po eh, iyong pagdating na po ng 31, iyon na po iyong hindi na po natin talaga halos ma-monitor kung ano na po ang mga nagawa kaya intensified po ang ating presence doon.
DIR. BELTRAN: Hanggang saan po ba ang mandato ng Bureau of Fire Protection po pagdating sa mga ganitong inspection, hanggang saan po?
SUPT. VALLEJO: Kailangan pong makita po natin sa gusali, kung sakali man na gusali po ang nilagyan po nila ng mga paputok na ito, ay kung ano po iyong nakasaad sa Fire Code; katulad nga po ng nabanggit ko – exit, storage at saka fire prevention measures po doon. Ang problema po kasi natin, hindi po kasi gusali po talagang matitibay po ang karamihang tindahan, mga makeshift lang po kasi – kasi ang reason po nila ay pansamantala.
So ang ginagawa po ng Bureau of Fire Protection po diyan ay mayroon po tayong mga alternatibo: so, nagpapalagay po tayo ng fire truck doon mismo sa lugar; nandoon po ang mga bumbero nagmamatyag kasi agad-agad pong sisitahin iyon ‘pag nakitang may mga nakaparada pong sasakyan na very close doon sa tindahan nila. Eh kasi po bawal po ang mainit, bawal pong maitabi ang mga paputok sa ilaw kasi baka po ito’y pagmulan po ng pag-spark. So iyong presence po natin doon ay halos 24 hours din po.
DIR. BELTRAN: Pero ang BFP po ay hanggang warning or reprimand lang po ba or hanggang saan po ang puwede ninyo pong gawin?
SUPT. VALLEJO: Sa fire safety measures po, ‘pag halimbawang may violation ay ino-notice po kaagad iyong owner or bibigyan po kaagad siya ng—aalisin kaagad immediately ma’am eh kapagka… kumbaga imminent po ba iyong danger, agad-agad you’ll remove this parang ganoon. Hindi katulad sa PNP, maari nilang arestuhin, kumpiskahin… kami po, doon po sa pagpanatili po ng kaligtasan po talaga doon.
DIR. BELTRAN: So puwede po kayong magpa-move out po or magpasara?
SUPT. VALLEJO: Magpasara po.
DIR. BELTRAN: Ah okay, so ano rin ha… dapat matakot din iyong mga tindero lalo na iyong mga iligal o kumbaga iyong napaka-hazardous noong kanilang structure.
MR. ARCENA: Oo, iyong mga iligal na paputok ganoon…
SEC. ANDANAR: Vinci at JV, may gusto lang akong—gustong linawin kay Col. Vallejo, tungkol naman doon sa mga designated firecracker locations ng mga barangay. Papaano po ba iyong mechanism nito between the Bureau of Fire Protection, the City Hall kasama iyong Barangay sa pagpili ng lugar kung saan puwedeng magpaputok o magpa-fire display ang isang barangay halimbawa?
SUPT. VALLEJO: Yes, sir… Sila po’y nag-uusap po nito sir ‘no, pinag-uusapan ito, nagkakaroon po ito ng meeting kung saan po ang maaaring lugar na italaga bilang community fireworks display area. Ang kino-consider pong Bureau of Fire Protection dito ay iyong distances mula sa mga residential areas. Kailangan po—iyong halimbawa iyong lumilipad pong mga paputok ay calculated po ‘yan, na ‘pag ‘yan ay lumipad hindi po tatama sa gusali; gaano po kalayo ito.
So iyon po ‘yung isa sa mga konsiderasyon at saka tinitingnan po natin kung gaano kalayo diyan ang mga supply ng tubig; titingnan din po natin kung ano po iyong iba pang gusaling present sa paligid. Kasi hindi porke malaki ang gusali, matibay na po ‘yan – eh ang laman po niyan maaring highly combustible liquids, dapat malayo din po talaga. So ang karamihan po dito walang bubong dapat, ito po’y nasa—karamihan nasa basketball area, iyong walang bubong, open po talaga siya.
SEC. ANDANAR: Uhum… Alam mo gumawa ako, Colonel, ng documentary noon sa Channel 5, Insider iyong documentary at talagang sinundan ko iyong trabaho ng mga bumbero, ng Bureau of Fire Protection. At noong time na iyon, this was a few years ago and even those times na nagre-report pa ako, iyong problema talaga iyong maliliit na kalye minsan, sa mga depressed areas na hindi na makapasok iyong dalawang sasakyan; talagang isa lang, talagang bumbero lang. Minsan hindi nga makapasok iyong malaking bumbero, iyong malaking fire truck. So ano po naging solusyon dito ng Bureau of Fire Protection sa mga ganitong insidente, dahil perennial iyong problema eh – walang katapusan?
SUPT. VALLEJO: Yes, sir. Iyon nga pong nabanggit ko po palagi na hindi nga po natin puwedeng paliitin nang paliitin ang fire truck, kasi para lang po mag-fit ‘di po ba. So ang ginagawa po natin dito ay mayroon po tayong Barangay Ugnayan, at very soon ilulunsad na po namin iyong Oplan Ligtas na Pamayanan – ito iyong iti-train natin ang mga ka-barangay mismo sa fire suppression operations.
So halimbawa po nagkaroon ng sunog sa isang barangay, magtulung-tulong po muna sila; mayroon po silang tinatawag na bucket relay, may sarili silang brigade na marunong na po silang mag-apula kaagad. Kasi ‘pag ganoon pong hindi po natin mapasok agad ang lugar, ay talaga pong every second counts po kasi.
So mayroon po kasing techniques rito at iba’t iba po, kaya kung oriented po ang mga barangay tanods, maging ang mga householders, sa tulong po din ng mga barangay officials natin ay tiyak po naming mababawasan po iyong casualty o kaya mawawalan po talaga ng casualty, kasi alam na po nila kung anong gagawin kaagad.
MR. ARCENA: Talagang importante ang kooperasyon ng mga nasa local government.
DIR. BELTRAN: Lalo na noong barangay.
SUPT. VALLEJO: At saka iyong training po mismo, kasi we will make them realize first kung ano iyong kahalagahan ng bawat segundo pagdating po sa sunog at ano iyong mga techniques. Halimbawa, kuryente po ang cause ng sunog ay hindi po ito maaaring buhusan ng tubig; ano pong gagawin? Ganoon po.
DIR. BELTRAN: Mga ilang barangay na po o lungsod iyong naturuan ninyo po niyan?
SUPT. VALLEJO: Ma’am iyon po ay… depende po kasi iyan sa… per region po iyan, Ma’am. Uniform po ang pagtuturo na iyan at may target po kasi, nasa performance evaluation po iyan ng bawat bumbero na may target po siyang barangay. So halimbawa sa City, noong ako ay hepe, 65 po ang barangays na kinasasakupan ko. So may target po ako na sa isang buwan dapat may sampu akong ma-train. Kasi hindi po basta-basta din po iyong training dahil it will take time din po.
MR. ARCENA: Iyong sa kampanya po ninyo para ho dito sa anti-fire and anti-firecracker sa campaign ninyo, ito po ay nagsimula kailan po at so far ho kamusta ang inyong implementasyon ng kampanya na ito at paano ninyo ito maikukumpara sa nakalipas na taon?
SUPT. VALLEJO: Sir, ang kampanya pong ito ay matagal na po.
MR. ARCENA: Matagal na?
SUPT. VALLEJO: Siguro sabihin na lang nating mahigit na sampung taon ang ating kampanya. Minsan nga po iba-iba lang po ang pangalan po ‘no. Kasi tayo po ay nag-a-adjust kung ano po iyong kautusan ng pamahalaan. Halimbawa, noong hindi pa ganoon ka-istrikto ang pagbabawal ay talaga pong kami nagpapaalala po ukol sa sunog na maaaring ito ay maging sanhi nga po. Pero pagdating po ng EO 28 at iba pa pong batas ay nag-a-adjust din po tayo ng istilo kung paano po iyong approaches ‘no.
So ang masasabi po natin, malaki po ang epekto ng ating mga pangangampanya kasi lumalaki din po kami bilang ahensiya, nadaragdagan, nadaragdagan po iyong mga taong nagpapalaganap, nariyan din po kayo na kami ay na-train na rin pong magkaroon ng media relations kasi hindi na po kami purely bumbero. Natuto na rin po kaming makisalamuha sa media at magpatulong na rin po sa media. So lalo pong lumaki ang ating kampanya sa mga eskuwelahan, sa mga barangay. So in other words, nalalagay na po sa consciousness ng tao. So malaki po kasi, sa mga data po na ating nakolekta sa ilang taon, malaki po ang ibinaba po ng firecracker related incidents po.
MR. ARCENA: Director Vinci, Ma’am, 11:30 na po, magbe-break lang ho tayo saglit, Sec., magbe-break lang po tayo saglit. Magbabalik po ang—
DIR. BELTRAN: Cabinet Report sa Teleradyo.
[COMMERCIAL BREAK]
MR. ARCENA: Nagbabalik po ang Cabinet report sa Teleradyo.
DIR. BELTRAN: Hello po. Si Sec. Mart?
SEC. ANDANAR: Hello.
DIR. BELTRAN: Sec. Mart, you’re still with us.
SEC. ANDANAR: I’m still here.
DIR. BELTRAN: I’m so happy.
SEC. ANDANAR: Ang inyong guest ay nandito pa rin.
MR. ARCENA: Nandito rin po si Ma’am Joan Vallejo – ulitin ko lang po, taga pagsalita po ng Bureau of Fire Protection – ako naman po si JV Arcena.
DIR. BELTRAN: At Vinci Beltran po.
MR. ARCENA: At si Secretary Martin Andanar sa kabilang linya po.
SEC. ANDANAR: Present po. [laughs].
MR. ARCENA: Okay po. Balikan lang po natin, Sec., Ma’am Joanne iyong topic natin. Una, puwede ninyo po bang i-enumerate. Ano ho ba iyong mga pinagbabawal na mga paputok ngayon? May mga nadagdag ba kasi ‘di ba normally every year may mga bagong mas malala, mas dangerous pa na mga—
DIR. BELTRAN: At saka kung saka-sakali po description din po? Brief description kasi iyong iba, iniiba lang iyong pangalan, ganoon din naman iyon.
SUPT. VALLEJO: Yes, Ma’am, ang mga prohibited po nating firecrackers ay watusi, piccolo.
MR. ARCENA: Watusi?
SUPT. VALLEJO: Yes, sir. Kasi po kahit maliit po ito—
DIR. BELTRAN: Malungkot ka? [laughs].
MR. ARCENA: Ang liit lang noon eh.
SUPT. VALLEJO: Pero nakakalason po kasi. May components po siya na toxic.
MR. ARCENA: Noong bata kasi ako, iyon ang paborito ko eh, iyong—
SUPT. VALLEJO: Yes sir, and then piccolo—
MR. ARCENA: Piccolo, iyon talaga.
SUPT. VALLEJO: Super Lolo, Atomic Triangle, large Judas Belt, large Bawang, Pillbox, Boga, Goodbye Philippines, Bin Laden, Mother Rocket, Lolo, Thunder, Coke in Can, Atomic bomb, Five Star, Pla-Pla, Giant Whistle Bomb and Kabasi.
DIR. BELTRAN: May nabanggit po kayo large Judas Belt, ahh, ‘pag hindi po large okay lang po ba?
SUPT. VALLEJO: Yes, Ma’am. Kasi po ang mga ito ay mayroon pong gramo; kapag po beyond po sa dalawang gramo ang pulbura ng laki, that’s already prohibited.
MR. ARCENA: Na talagang number one lagi ‘no iyong Piccolo, kasi noong mga nakalipas na ‘pagko-cover ko ng… iyong parang pagsalubong sa Bagong Taon, ang number one lagi na cause ng mga napuputulan ng kamay, iyong mga nasasabugan o napuputukan ay Piccolo. Anong mayroon sa piccolo? Kasi nag—sir, joke lang iyon – marami kasi talaga tayong mga kababayan, ‘anong mayroon sa Piccolo na mas nae-engganyo iyong mga bata, iyong mga kababayan natin na gamitin ito; at ano naman iyong reason bakit ito talaga ang isa sa mga mapanganib?’
SUPT. VALLEJO: Sir, sa totoo lang po, ako po ay hindi rin nakaranas noong paputok, kaya lang siguro po ito ay malakas kasi.
MR. ARCENA: Talagang malakas siya?
SUPT. VALLEJO: Gusto po kasi natin, katulad po sa videoke kapag kumakanta tayo, ang gusto natin umaalingawngaw ‘di po ba? Para sa paputok rin siguro, attractive po sila sa ‘boom’ – iyong talagang pasabog, yes sir.
DIR. BELTRAN: Siguro rin iyong pamahiin na nakakatanggal ng bad spirits ‘no, parang ‘pag mas malakas mas tanggal iyong mga negative.
MR. ARCENA: Siguro iyong mga napuputulan ng kamay, iyong mga napuputukan, iyon iyong mga—akala nila siguro itong paputok na ito kapag hindi na—‘di ba, kasi may mga ganoong insidente na akala nila hindi sumabog tapos lalapitan nila para i-check, doon sasabog.
DIR. BELTRAN: Kakamayin pa.
MR. ARCENA: Kakamayin pa [laughs].
SUPT. VALLEJO: At saka po iyong pagkain po ng… ‘di ba po minsan before midnight, we eat na, may mga pagkain na po tayong ready ‘no nakahain. Iyong pagkain ng malagkit, pagsubo, malagkit iyong kamay, mamaya hahawak sa paputok, hindi po naalis.
MR. ARCENA: Dumidikit iyong paputok ‘di ba?
DIR. BELTRAN: Eh nasa pamahiin din iyon, ang malagkit daw kailangan talaga iyan.
MR. ARCENA: Oo para iyong suwerte.
DIR. BELTRAN: Oo para madikit tapos iyong pamilya sama-sama, talagang tandem minsan, ingat lang talaga. [laughs].
MR. ARCENA: Iyong paputok [laughs].
DIR. BELTRAN: Kayo po Sec. Mart, ano po ba iyong mga tradisyon ninyo, na ngayon eh bawal na? [laughs].
SEC. ANDANAR: Well ganoon din ‘di ba, siyempre noong mga bata tayo eh—lalo na kami, noong generation namin, mga 5-Star, Super Lolo ganoon… Pero iyong mga magulang ko kasi ay medyo istrikto sila pagdating diyan eh, so nanonood lang kami noong mga bata kami except doon sa kuya ko na pilyo [laughs]. Pero alam mo talagang walang magandang epekto, walang magandang makukuha diyan sa mga iligal na paputok na ‘yan – imbes na espiritu iyong naalis eh daliri iyong naalis ‘di ba? Imbes na dumikit sa’yo iyong suwerte, eh dumikit sa’yo iyong ‘Goodbye Philippines’… goodbye din ‘di ba?
Problema ‘yan, naalala ko iyong mga istorya ni—kuwentuhan nga kami ni Marc Logan kanina eh, naalala ko iyong papaano ka ngayon magsasaludo ‘pag Boy Scout ka ‘pag kulang iyong daliri mo o paano ka ngayon… ‘di ba? Eh paano ka ngayon mag-Lupang Hinirang tapos ilalagay mo iyong kamay mo sa dibdib, sa puso mo kung wala ka nang kamay. O ‘di ba, maraming mga hindi ka na puwede. Medyo nakakatawa iyong mga istorya ni Pareng Marc Logan pero talagang totoo. Napakadami na ho nating mga kaibigan, mga naging biktima dahil sa paputok. Hindi lang doon sa malagkit na pagkain, minsan nasosobrahan sa inom, nakakalimutan; kasi iyong iba hinahagis na lang eh, hinahawakan iyong mga 5-Star tapos hinahagis, iyong mga whistle bomb ganoon ginagawa. O eh nakakalimutan, imbes na iyong 5 Star iyong hinagis, iyong sigarilyo iyong nahagis… eh wala ‘di sabog na naman.
So maganda—alam mo for this year alone, base sa Department of Health – from December 21 to 25, nasa 44 iyong cases ng firecracker related incidents – this is basically 51% lower compared to last year. So malaking achievement ito para sa gobyerno, malaking achievement sa BFP, sa local government; 44 cases lower compared to the same period of 2017 and 129 cases lower than the 5-year average sabi ng Department of Health, so maganda – maganda itong programa ng ating gobyerno ngayon.
DIR. BELTRAN: Sec. nabanggit ninyo na rin po, Department of Health, mayroon po ako… alam ko sigurado ito, may alternative ‘to, siguro mga dance, iyong mga ganoon; speaker lalakasan tapos magda-dance… ‘ayan. Kasama po natin Sec., nasa kabilang linya po si Asec. Eric Tayag…
ASEC. TAYAG: Good morning, Happy New Year.
SEC. ANDANAR: Happy New Year!
MR. ARCENA: Good morning po, Asec.
ASEC. TAYAG: Happy New Year everyone! Happy New Year Secretary, Happy New Year everyone…
MR. ARCENA: Asec., kasama po natin sa linya si Secretary Martin Andanar at nasa studio rin po si Ma’am Joanne Vallejo, ang Tagapagsalita po ng Bureau of Fire Protection, sir…
SEC. ANDANAR: Good morning Asec. Tayag, good morning, how are you?
ASEC. TAYAG: Update lang, kahapon naglabas ng latest daily update iyong Department of Health, umabot na sa apatnapu ang firework related injuries, pero 38 dito dahil sa paputok; iyong dalawa dahil ingestion iyon, firework ingestion – Ibig sabihin, naisubo noong bata. Ngayon ang pinakamaraming paputok na naging sanhi ng mga injuries ay ‘Boga’. Ang magandang balita rito, iyong Piccolo na dati-rati eh talagang number one, mukhang nawala. Isa lang ibig sabihin niyan, mukhang ang ating Kapulisan ay talagang sineryoso po iyong kampanya at panawagan ng ating Pangulo na itong mga ipinagbabawal na paputok ay hindi dapat maibenta po para marami pong makaiwas.
At sana po, iyong fireworks display po natin na siyang ina-advocate po ng maraming ahensiya, sa pangunguna na po namin sa Kagawaran ng Kalusugan ay patuloy po sana. At itong pag-ulan ay maaring may kinalaman din, kaya patuloy pa rin ang pagbantay po namin, baka bilang dumami po ito sa bisperas.
MR. ARCENA: Nabanggit ninyo na po sir iyong inyong mga binabantayan. Ano ho iyong mga ospital ngayon sa—lalo na dito sa Metro Manila na talagang nakataas ho ang inyong alerto?
ASEC. TAYAG: Lahat po ng ospital sa ngayon ay nasa Code White bilang paghahanda sa bisperas – ibig sabihin po niyan, iyong mga essential hospital staff po namin ay nakaantabay na. At maaring sa bisperas mismo ay lahat po ay magdu-duty, bagama’t mababa ang bilang na nire-report namin, kailangan magbantay pa rin tayo kasi sa bisperas eh baka po mas marami po ang gumamit ng paputok at naghihintay lamang po ng pagkakataon na magamit po nila iyong mga binili po nilang paputok. Sana hindi po iyon mga iligal na paputok po.
MR. ARCENA: ‘Yun… Iyong ‘Boga’ ba, isa iyon sa mga kasama sa iligal na paputok?
ASEC. TAYAG: Sinama na namin iyon sa iligal, anumang mga uri po na ginagamit para sa pagsalubong sa Bagong Taon kahit na ito ay PVC pipe, improvised po ‘to… karaniwan po mata iyong tinatamaan eh, kasi ‘pag sinisilip po nila iyong sa may bandang dulo eh biglang… ‘ayun sumasabog at tinatamaan po iyong mata.
MR. ARCENA: Nakakalungkot naman kung tatamaan iyong mata ‘no…
DIR. BELTRAN: Naku hindi lang pala daliri, pati mata dahil diyan sa ‘Boga’.
MR. ARCENA: Oo. Tulad nga ng sinabi ni Sec. kanina, paano kung mawalan ka ng daliri, paano ka maging Boy Scout ‘di ba? Eh kung mawalan ka ng mata?
ASEC. TAYAG: Nawala na po… nawala na po ‘yang ‘Boga’. Ang tantiya namin dahil sa mahigpit nga iyong ginagawa ng Kapulisan sa pagmo-monitor ng mga iligal na paputok, marami sa mga kababayan natin na gumagawa ng mga improvised na mga device. Oo, kasi wala na silang mabilhan noong mga malalakas na paputok, so sila na iyong gumagawa. Kaya lumitaw na naman ‘yang ‘Boga’.
MR. ARCENA: Matitigas pa rin ang ulo ‘no, may mga pasaway pa rin…
SUPT. VALLEJO: Malikhain, sir…
ASEC. TAYAG: Kasi wala na silang mabilan, so iyon ang gagawin.
SEC. ANDANAR: Kaldero na lang gamitin…
MR. ARCENA: Oo, torotot…
DIR. BELTRAN: Kayo po Asec. Tayag, ano po ang latest na dance craze po ba na dapat sayawin natin nitong New Year?
ASEC. TAYAG: Ah, ang sinasayaw ko po ‘pag naimbita po tayo para sa ‘Iwas Paputok’ natin eh iyong ‘Last Christmas’ ng Cascada, hindi iyong version ng Wham(?); mas mabilis po iyong version ng Cascada sa Last Christmas.
SUPT. VALLEJO: Nakasayaw ko po si Asec. Tayag… sa Malacañang po kami mismo.
DIR. BELTRAN: Wow nakapagsayaw pala… May mga other ways naman para mag-celebrate tayo ng New Year natin eh.
ASEC. TAYAG: Ito nga nagba-viral ngayon sa bansang Hapon, ang binabantayan nila iyong pagsikat ng araw, oo ganoon naman iyong kanilang pamahiin. Eh sa atin talaga, to drive away evil spirit – nagpapaputok. Inaasahan namin maraming pamahalaang lokal ang nagkaroon ng magandang plano para sa fireworks display nila; kaya lang dapat ito ay aprubado pa rin ng Kapulisan at mga propesyunal ang inaasahan naming gagawa nito para makaiwas pa rin sa anumang insidente o aksidente. Kasi puwede pa ring magkaroon ng aksidente, halimbawa makaiwas tayo sa sunog so, dapat may naka-standby na mga bumbero.
MR. ARCENA: ‘Ayun, noted daw sabi ni Ma’am Joanne…
ASEC. TAYAG: Oo salamat, nandiyan nga po pala…
SUPT. VALLEJO: Yes sir, kasi na-approve din po namin sir iyong pagdaraos po ng community fireworks display, dahil po titingnan nga po iyong paligid kung pupuwede o hindi.
MR. ARCENA: So hindi rin basta-basta magpapaputok o magkakaroon ng fireworks display sa mga komunidad ‘no…
DIR. BELTRAN: Tapos hindi lang basta po open air ay puwede nang ganoon…
SUPT. VALLEJO: Yes ma’am, opo. Saka kahit po ang mga malalaking malls kung magdaraos po ng fireworks display, kukuha pa rin po ng permit.
ASEC. TAYAG: Ay, salamat naman.
MR. ARCENA: Ano po ang mga guidelines? Ano po ang mga requirements, ‘ika nga…
SUPT. VALLEJO: Actually sir bago po sila pumunta sa amin, galing na rin po sila sa PNP muna kaya ‘yan po iyong mga koordinasyon po namin – galing sa PNP tapos titingnan po kung anong mga klaseng paputok din iyon ‘yung kanilang gagamitin at iyong dami po. Tapos kami naman, kung saan po puwedeng i-posisyon, kasi halimbawa sa mga malls, may shoppers po ‘yan, may mga sasakyan; gaano po kataas ang lipad niyan, titingnan pa po natin.
DIR. BELTRAN: Okay… Asec. Tayag, kapag ganiyan po ba, nakaalerto iyong mga ambulansya po ng DOH po?
ASEC. TAYAG: Kung may koordinasyon iyong pamahalaang lokal. Kaya nga nabanggit ko kanina, sana ay plinano ng maigi po iyan at saka naabisuhan po iyong mga tao o iyong mga maaari nilang gawing first aid. So halimbawa po, marami po kasi sa mga nanonood so, titingala po sila, eh may mga bumabagsak pong abo, eh ingat po baka mapuwing o baka matamaan iyong mata. Iyong mga bata rin po dapat may gabay kahit po dinadala nila doon sa ligtas na lugar o doon sa pagdadausan po.
MR. ARCENA: Asec., may ano rin ho ba kayo, gagawing inspeksiyon a day or two days before the New Year? Mag-iikot ho ba kayo sa mga ospital?
ASEC. TAYAG: Tradisyon na po sa Department of Health, sa bisperas po, namimili po ng ilang ospital kung saan binibisita po ng aming Kalihim, ngayon pong taon si Secretary Duque, parang nang sa ganoon po ay makita ang preparasyon at kung may aabutan pong mga nabiktima ng paputok doon ay magbigay muli ng huling paalala sa publiko kung ano ang nagiging resulta dahil sa mga dulot ng paputok at para ipaalala kung paano po makakaiwas at kinukumusta na rin po iyong mga doctor at nurse. Kasama na rin p0 iyong pagpapasalamat sa kanila kasi magdu-duty po sila lahat eh.
MR. ARCENA: Kasi nakataas ang inyong alerto ‘no. So kailangan talaga sila mismo ang magnu-New Year, sasalubong ng New Year sa ospital? ‘Di ba naka—
DIR. BELTRAN: Oo, I feel. Oo.
ASEC. TAYAG: At maliban din po noon, hindi lamang po iyon ang pinaghahandaan ng Department of Health, baka sa pagsasaya ay marami sa mga kababayan nating makainom. Tandaan ninyo po ang pag-inom at ang pagda-drive ay hindi dapat sinasabay po iyon. So ingat po kasi dumadami rin iyong aksidente po, mga road accident sa ganitong panahon.
MR. ARCENA: Isa pang nagiging insidente rin ‘pagsalubong ng Bagong Taon, iyong mga biktima ng stray bullets, ‘di ba ganoon, marami ang namamatay?
ASEC. TAYAG: Sa ngayon, wala pa kaming nare-report. Sana magtuluy-tuloy na maging zero po tayo sa taong ito.
DIR. BELTRAN: Si General Albayalde ay confident na ano eh, disiplinado iyong mga kapulisan natin.
MR. ARCENA: Nakaano na ba? Ano bang tawag doon?
DIR. BELTRAN: Hindi niya in-implement ngayon.
MR. ARCENA: Ah hindi na? Hindi na?
DIR. BELTRAN: Kaya confident talaga siya na disiplinado—
MR. ARCENA: Sana nga ‘no, sana. Kasi baka—
DIR. BELTRAN: Kasi sayang iyong mga buhay.
MR. ARCENA: Partner, baka makainom eh.
DIR. BELTRAN: Iyon nga eh.
MR. ARCENA: Nagbabago ng ano eh. [laughs]. Naging super confident din sila ‘no?
DIR. BELTRAN: Ma’am, may nabanggit kayo pati iyong paninigarilyo nabanggit po ninyo?
SUPT. VALLEJO: Yes, Ma’am, kasi po sa sunog po kasi natin sir, hindi po kasi leading cause ng sunog ang firecrackers sa atin pong talaan: ang nangunguna po ay kuryente, pangalawa po ay open flames, ang pangatlo po ay ang paninigarilyo.
DIR. BELTRAN: Paninigarilyo, naku.
SUPT. VALLEJO: Kasi po ito iyong—may mga tao na walang pakialam kapag naghagis po ng upos. So hindi natin masasabi kung saan po tumama iyong hinagis niya. Maaaring ito ay highly combustible materials or liquids na siya pong dahilan ng pagliyab.
MR. ARCENA: So hindi lang paputok, pati sunog, talagang tinututukan, I mean para maiwasan.
SUPT. VALLEJO: Yes sir, at lalo na po dito sa mga pagluluto natin. Iyon bang habang nagluluto at saka na-o-overwhelm na sa mga kasiyahan sa labas o kaya sa telebisyon, nakatutok na po doon; sa social media, updated tapos nakalimutan na ang pagluluto. And then iyong overloading din po ng kuryente, katulad po iyong sa isang saksakan, ang dami-dami pong nakasaksak. O kaya iyong sa pamamahay niya naka-design po sa iilang appliances lamang, pero biglang nanalo, nagka-bonus o ano bang kasiyahang natanggap, eh ‘di bumili ng additional na appliances na hindi na po naka-design ngayon iyong kaniyang load ng kuryente sa bahay. So iyon po ang pagkakaroon po ng overloading at saka iyong octopus connections po at iyong paggamit ng mga lumang appliances, maging iyong overheating ay another cause of fire dahil hindi p0 tayo minsan nagbubunot ng appliances when we leave our houses. O kaya bago matulog, hindi po tayo nag-a-unplug. Iyon po, nagkakaroon ng overheating.
DIR. BELTRAN: Nabanggit ninyo po kanina na hindi tama iyong paggamit ng ano, faulty electrical wiring, kapag iyong… kumbaga sisihin mo na iyon ang cause ng sunog. Ano po ba talaga dapat iyong—
SUPT. VALLEJO: Kasi short circuit po ang tawag natin doon. Iyon po kasing mg substandard na ginamit po na mga wirings ay umiinit, iyan po iyong sanhi po ng sunog.
MR. ARCENA: At naglilipana rin kasi ngayon, partner iyong mga nagbebenta ng mga fake na Christmas lights ‘di ba? Iyong mga walang—anong tawag doon?
SUPT. VALLEJO: ICC stickers..
MR. ARCENA: ICC stickers, iyon.
DIR. BELTRAN: Hindi dumaan sa quality control.
SUPT. VALLEJO: Yes, Ma’am.
MR. ARCENA: Kaya maraming… Kadalasan dati iyon ang mga cause ng sunog.
SUPT. VALLEJO: At saka nabanggit po ni Asec. Tayag po iyong sa pagmamaneho at saka sa aksidente po sa daan. Actually, mayroon din po kasi tayong vehicular fire incidents. Iyong latest nga po ay iyong pyro-techniques na galing Bulacan, kinarga po niya sa tricycle, tumukod po iyong tinatawag namang tungkod. Eh ngayon ko lang narinig din iyong tungkod na pangalan ng paputok. Tumukod po doon sa lupa, sa street then nasiga, then nahila siyempre sir habang tumatakbo—
DIR. BELTRAN: Iyong friction.
SUPT. VALLEJO: And then nagliyab pati po iyong tricycle nasunog. So hindi lang po kasi fires na structural ang ating binabantayan, mayroon po tayong grass fires, vehicular fires, post fires, rubbish fires. So ang leading po dito sa totoo lang sa ating talaan, sa lahat ng types of occupancies pati at klase po ng sunog residential fires po ang nangunguna. Kaya po ang ating target ay talagang mapaalalahanan ang ating mga kabahayan, kababayan at mga ka-barangayan po.
DIR. BELTRAN: Asec. Tayag?
ASEC. TAYAG: Yes, I’m still here.
DIR. BELTRAN: Yes, hello po. Iyon po pagka ganoon po ba may extra po ba or may additional training po ba iyong ating mga doktor po para po sa ganyan na—iyong sa sunog kasi alam natin mayroon iyong mga basic na degree, mga first degree, second degree, third degree burns pero iyong pang firecracker related o basta iyong sunog talaga na malala po?
ASEC. TAYAG: Okay, iyong lapnos o iyong matinding pagkasunog, bilang lang iyong mga ospital natin na mayroong burn unit. Kaya dapat maano iyong mga kababayan natin, ‘pag malaking bahagi ng katawan po iyong nasunog o kaya sa maselang bahagi katulad ng mukha, o sa groin area, iyan eh kailangan sa isang ospital na may burn unit po. At paalala po doon sa mapuputukan na sana huwag na kayong gagamit ng paputok. Kailangan po itapat ninyo iyan sa gripo sapagka’t nasusunog pa rin po iyan.
Hindi ninyo napapansin po iyan hanggang sa… siguro sa tapat ng gripo na mga hanggang sampung minuto po iyong running water po. Tapos kahit anong liit po ng sugat, kailangan pong dalhin sa ospital iyan sapagka’t kailangan mabigyan kayo ng bakuna kontra tetanus po at kailangan linisin natin iyon kasi ang hindi alam ng ating mga kababayan natin eh maliit iyong sugat pero ‘pag binuksan namin iyon eh may mga papel pa ng mga paputok doon at saka maaring nabubulok na po iyong laman ninyo roon, hindi ninyo lang alam kasi nagsasara kaagad iyong sugat na matatamo ninyo sa paputok. So ‘pag hindi po iyan nalinis ng maigi, so akala ninyo ay maliit na sugat lang, hindi ninyo alam nabubulok na iyong laman ninyo po.
DIR. BELTRAN: Naku, ganoon pala kalala talaga iyong components ng mga paputok – nakakabulok.
ASEC. TAYAG: Opo, at saka sa tala ho namin, kapag bisperas ang dumadami na po ay iyong mga injuries dahilan sa Kwitis po, dahil nagmi-miss fire po iyong sa Kwitis. Iyong iba kasi imbes na pataas eh pahalang po iyong palipad noong Kwitis kaya iyon marami ang tinatamaan diyan.
MR. ARCENA: Hindi lumilipad ‘no po?
ASEC. TAYAG: Oo kasi mali iyong pagkakasalansan po nila – imbes na pataas eh pahalang po iyong kanilang ginagawa kaya iyon hahabulin kayo ng Kwitis.
MR. ARCENA: Ang delikado noon kung didiretso iyong Kwitis sa bahay. At saka sa may mga gas ganoon.
SUPT. VALLEJO: At saka lalo na po pag-Nipa ang bubong—
DIR. BELTRAN: Sisilab kaagad iyon.
SUPT. VALLEJO: Kaya imbes na nagtatago sana iyong kapit bahay na iyon na takot sa paputok, pinuntahan sila ng paputok; iyon po naman ang masaklap.
MR. ARCENA: Tatamaan ng apoy.
DIR. BELTRAN: Kaya iyong mga kababayan natin dapat maging responsible din talaga.
SUPT. VALLEJO: At saka sky lanterns din po talagang mahigpit na pinagbabawal.
DIR. BELTRAN: Ay iyong sky lanterns, iyong ano nga bang ano iyon… tangled o iyong para sa mga kabataan. Iyong tangled ‘di ba iyong—
MR. ARCENA: Iyong nilalagyan ng ilaw na—
SUPT. VALLEJO: Lumilipad.
DIR. BELTRAN: Ano po bang gamit doon?
SUPT. VALLEJO: Kandila po.
DIR. BELTRAN: Tapos iyong nakapaligid, iyong nakabalot sa kaniya?
SUPT. VALLEJO: Iyong parang papel de hapon lang po siya.
DIR. BELTRAN: Ah papel lang kasi siya?
MR. ARCENA: Kaya talagang ano ‘no nagdudulot din ng sunog iyan.
SUPT. VALLEJO: Yes sir, kasi ‘di ba pataas din po iyon, minsan sumasabit po kasi sa kawad ng kuryente – doon po tayo nagkakaproblema.
MR. ARCENA: Asec., ulitin lang po natin, iyong song na, iyong dance craze ninyo ngayon ay iyong, ito ba iyong ‘Evacuate the dance floor?’
ASEC. TAYAG: Hindi po.
MR. ARCENA: Ah hindi, hindi.
ASEC. TAYAG: Ay hindi po, Last Christmas iyon… kay Cascada, mabilis ang ritmo po noon. Sa mga nakikinig po kung gusto ninyong sumayaw ay hanapin ninyo po iyong Last Christmas ng Cascada po, at iyon mapapaindak po kayo siguradong-sigurado po.
MR. ARCENA: Akala ko po Momoland ang… ‘di ba iyon ang sikat kasi.
ASEC. TAYAG: ‘Pag sinasayaw ko po ‘yan sa bandang huli ay pinagsasama ko iyong ‘Boom’ at saka iyong ‘Baam’ ng Momoland.
DIR. BELTRAN: Galing naman, Boom and Baam…
ASEC. TAYAG: Kaya ‘yang Last Christmas na ‘yan, magagamit ninyo po iyong galaw ng Boom at Baam ng Momoland, oo – iyon po ang step po roon.
MR. ARCENA: So dapat ‘yan ang sayawin ‘no, instead na magpaputok, mag-ingay na lang kayo nang natural.
DIR. BELTRAN: Oo, gamitin ninyo iyong mga speakers ninyo…
ASEC. TAYAG: Oo, ‘yan ang musiko pero ang galaw ninyo iyong sa Momoland.
DIR. BELTRAN: Pinaghalo na ni Asec…
MR. ARCENA: Okay sana kung nandito si Asec., sasayawin niya iyon…
ASEC. TAYAG: Sayang, sana nakabisita ako diyan.
SUPT. VALLEJO: Yes, ang BFP kahapon may ganiyan na po sila sa San Juan City.
MR. ARCENA: Asec. bago ho tayo mag-break, may parting message ho ba kayo? May mga panghuling paalala po ba kayo – ang DOH, o bilin sa atin pong mga kababayan?
ASEC. TAYAG: Okay. Mula po sa Department of Health, ang aming Kalihim, Secretary Duque, nagpapasalamat sa lahat ng ahensiya po, pamahalaang lokal sa pakikiisa ninyo po sa kampanya namin para maiwasan po ang mga injury sanhi ng paputok. Fireworks display mag-ingat din po, kailangan po ‘yan ay pumasa sa Kapulisan at sa Bureau of Fire Protection. At tandaan po natin, mas masaya po ang pag-welcome natin sa Bagong Taon nang buo po ang ating mga daliri.
MR. ARCENA: ‘Yun, dapat buo. Maraming salamat po Asec. Eric Tayag ng Department of Health sa inyo pong panahon na inilaan para sa amin.
DIR. BELTRAN: Sana po makasama po namin kayo dito live soon po.
MR. ARCENA: Kasi ako din, mag nae-excite ako ‘pag nakikita ko si Asec. Tayag na sumasayaw. Mag-break lang tayo ‘no, magbi-break po ang Cabinet Report—
DIR. BELTRAN: Sa Telearadyo…
[COMMERCIAL BREAK]
DIR. BELTRAN: ‘Ayan, nagbabalik po tayo sa Cabinet Report sa Teleradyo… kasama pa rin natin mula sa Bureau of Fire Protection, si Superintendent Joanne Vallejo.
MR. ARCENA: ‘Yan, at nasa linya na po ng telepono si Secretary Martin Andanar… Okay, balikan na lang natin.
Si Ma’am Joanne, balikan lang ho natin iyong mga paalala ho ninyo sa atin pong mga kababayan. Iyong tungkol ho sa community fireworks display, ano ho iyong parusa sa mga lalabag ho dito kung hindi ho sila makasunod doon sa requirements, iyong mga guidelines na inilatag ho ninyo?
SUPT. VALLEJO: Sir ang nakasaad po sa ating batas, violators will be penalized with 6 months to 1 year imprisonment and a fine ranging from P20,000 to P30,000 – iyon po sa EO 28. Pero sa Bureau of Fire Protection po, sa loob ng Fire Code of the Philippines nagba-vary po ito depende po sa violation kung ano po iyong dapat na i-comply doon at kung mayroon mang natagpuang deficiency or violation doon sa area mismo ng tindahan po ng paputok. Pero sa EO 28, ito pong—‘pag nahulihan po sila, ito po iyong penalty.
MR. ARCENA: May mga panghuling payo ho ba kayo sa ating mga kababayan bago ho tayo—i-discuss pa iyong iba pang mga bagay?
SUPT. VALLEJO: Yes, sir. Kasi po bukod po sa paputok po na atin pong ina-antabayanan o inaabangan, paalala ko lang po sa lahat din na—sa mga bumibiyahe, huwag pong kalimutan iyong BLOW BAGETS na password – ito po iyong BREAK, i-check ang break; ang LIGHTS; ang OIL; ang WATER; BATTERY; AIR; GAS; ENGINE; TOOLS at ang SARILI, huwag pong piliting magmaneho ‘pag lasing o Inaantok, at magdala po ng maraming tubig kasi po iyong mag-overheat po iyong sasakyan lalo po sa traffic.
And then sa pamamahay po, iwasan po ang octopus connections. Huwag pong iwanan ang pagluluto, at ang upos ng sigarilyo ay itapon lamang sa tamang pagtapunan nito. Ang mga Christmas lights po ay dapat po i-unplug at huwag pong hayaang umiilaw ito ng 24 hours.
And then ngayon po, tayo po’y nag-aabang din po sa pagdating ni Usman na bagyo sa atin pong Kabisayaan. Ang Bureau of Fire Protection kasi po ay bukod sa pagmamatyag sa sunod, maaari din po kasing magkaroon ng sunog sa panahon po ng bagyo, kaya po dapat tayong maging maingat po tayo sa paggamit ng kuryente. Iwasan po ang paglabas-labas ng pamamahay kung humahangin na po dahil maaring matumba ang mga poste ng kuryente. At saka iyong pag-iwas po sa lightning, isa din po na paalala natin ‘yan. At higit sa lahat, ang Bureau of Fire Protection ay naka-standby ang kaniyang mga emergency medical services at ang kaniyang special rescue units, iyon po…
MR. ARCENA: ‘Ayan po, nasa linya na po ng telepono si Secretary Martin Andanar. Sec…
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa mga payo mo, Col. Vallejo—
SUPT. VALLEJO: Welcome, sir…
SEC. ANDANAR: I’m sure maraming natutunan ang ating mga listeners; happy New Year to you, ma’am.
SUPT. VALLEJO: Happy New Year, sir…
MR. ARCENA: At dahil ito po ‘yung—
DIR. BELTRAN: Huling episode for 2018…
MR. ARCENA: Yes, for 2018… si Secretary, maari ho ba nating—magbigay tayo roundup ng mga top accomplishments ng Pangulo—
DIR. BELTRAN: At ng kaniyang Gabinete…
MR. ARCENA: At ng kaniyang Gabinete nitong mga nakalipas na buwan po.
SEC. ANDANAR: Well alam mo kahapon, bago magsara iyong diyaryo ay napakagandang balita iyong lumabas ‘di ba, sa SWS dahil tumaas tayo ng 4 points – ang satisfaction rating ng ating mahal na Pangulo ay from 70 noong September, ngayon ay 74 – so very good pa rin, very good. And I believe na itong mga results ng SWS for the entire 2018, lalong-lalo na itong SWS report na ginawa noong December 16-19 at lumabas nga kahapon; sumasalamin ito sa lahat ng mga ginawa ng ating Pangulo.
Nabanggit ni Col. Vallejo iyong Executive Order—what is the Executive Order, exact Executive Order ma’am na…
SUPT. VALLEJO: 28 sir…
SEC. ANDANAR: 28, na nagbabawal ng mga paputok ‘di ba? O 28, this is a policy na iyong kaniyang epekto ay long term at nararamdaman na nga natin ngayon, bumababa na iyong mga naa-aksidente dahil sa firecracker related incidents.
So I think for this year, iyong pinakabago na accomplishment ni Presidente Duterte at dahilan kung bakit tumaas din iyong kaniyang survey ngayong katapusan ng taon ay iyong pagsoli ng Balangiga Bells ng Amerika. At alam naman natin na ito ay 117 years nawala sa bansa natin; 50 years na ipinaglaban ng ating gobyerno na maibalik, kasama na iyong mga pribadong sektor and these bells represent the valiance, courage, the patriotism, nationalism ng ating mga ninuno. They fought for our democracy; they fought for our independence, for our freedom… at ito iyong ating tinatamasa ngayon, itong press freedom, nag-uusap tayo ngayon. And these bells represent the sacrifice of our forefathers, kaya very emotional ang Pinoy at talaga namang na-appreciate natin iyong ginawa ng mga Amerikano na isoli itong mga bells na ito.
At nandiyan din of course iyong pagkawala ng Pilipinas dito sa listahan ng mga pinakadelikadong bansa para sa mga journo. At ito’y binanggit ng Reporters Without Borders nitong December lang din, na for the 9 years ay tayo po ay talagang part of that list na dangerous country for journalists in the world – at nawala na nga tayo. Apart from Reporters’ Without Borders, ito rin iyong naging report Committee to Protect Journalists which gave a report last October.
And then siguro sa Executive Order… mayroon kasing mga walong Executive Order, tatlong Administrative Orders, mayroon ding labingtatlong Republic Acts na pinirmahan si Presidente Duterte. Pero let me start siguro with a very good Executive Order – itong Executive Order No. 70 which basically creates the National Task Force to End the Local Communist Conflict—armed conflict. So this task force, it is a very good one and it is unique because it’s a whole nation, a holistic approach to end the communist armed violence or armed conflict by including not only the military, the police, but also the civilian government – kasama iyong DSWD, DOH, kasama tayo-PCOO, kasama iyong TESDA at marami pang iba. So now when we solve this problem, the problem of poverty, the problem of insurgency… lahat ng ahensiya ng gobyerno ay magsasama-sama para ma-solve ito.
Now, what else? Sa Republic Act, dahil napakadami… siguro I can only name 4. Number one would be the free irrigation service act, magandang balita ‘yan para sa mga kababayan nating magsasaka na mayroong—I believe about 8 hectares of land, libre po iyong irigasyon. Iyong pangalawang Republic Act na pinirmahan, itong Republic Act 11032 – itong ease of doing business, mas madali nang mag-apply ng mga permits ‘pag nagnegosyo; ito iyong nag-i-improve at inaalis nga iyong mga red tape sa gobyerno natin. Iyong pangatlong RA, Republic Act 11054 which is the act that created the organic law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at si JV including the Office of the Global Media Affairs ay naghahanda na para sa plebisito ‘di ba JV, next year…
MR. ARCENA: Opo, oo…
SEC. ANDANAR: Oo. So this is another landmark republic act na pinirmahan ni Presidente, na finally itong decades of conflict with the MILF will be solved already at we are hopeful na once matapos iyong plebisito ay talagang magkakaroon na ng pangmatagalang kapayapaan diyan sa Muslim Mindanao. And perhaps the fourth republic act na talagang nag-stick sa mind ko would be the Republic Act which created the Philippine Identification System. Now napakadami nating mga kababayan na walang ID, maraming mga OFWs na kailangan ng ID, so maraming mga IDs ng mga ahensiya ng gobyerno ang mapapasailalim dito sa Philippine Identification System, so hindi ka na palipat-lipat para mag-apply ng ID.
I think those are the 4 of the 13 RAs na pinirmahan ni Presidente this year na nasa unahan ng listahan ko. And well siguro lastly, iyong Executive Order pala na pinirmahan ni Presidente, Number 53, iyong creating Boracay Interagency Task Force. So napakalaking effect noon Vinci at JV, dahil napakita din sa buong mundo na kaya nating linisin ang isang isla na ‘cesspool’ ang discription ni Presidente Duterte. I think that really also is one of the highlights of this year. And the Administrative Order which created the Oversight Committee for the entry of major player in the telecommunications market, iyong third telco…
DIR. BELTRAN: Oo, inaabangan na…
SEC. ANDANAR: Yeah. So 2 EOs – EO 70 tapos iyong EO 53; and then one AO para sa akin which created the third telco; and 4 Republic Acts.
MR. ARCENA: Oo. Nabanggit na rin ni Sec. noon na iyong mga pinirmahan ng Pangulo na mga batas, iyong component po noon ay paglaban sa kahirapan. Isa ho sa pinirmahan ng Pangulo Sec. this year ay iyong National School Feeding Law.
SEC. ANDANAR: Oo, maganda rin iyon…
DIR. BELTRAN: Kasi kahit gaano pa iyong gusto nating isulong iyong edukasyon, kung gutom iyong mga bata…
MR. ARCENA: Gutom iyong bata, o ‘di ba… May Free Tuition Law na, so ngayon mayroon namang National School Feeding Law.
DIR. BELTRAN: Talagang ano ‘no, progressive iyong mga EOs ni Presidente. Iyong kumbaga, tinitingnan po lahat ng aspeto hindi lang basta, “O dapat maganda,” dapat lahat nakakasabay.
MR. ARCENA: Yes, opo…
SEC. ANDANAR: Pati iyong National Mental Health policy, iyon napirmahan din ‘yun… so napakadami talaga.
MR. ARCENA: Sa infrastructure naman po Sec., ano po ang accomplishment—
DIR. BELTRAN: Mga highlights…
MR. ARCENA: Oo highlights ng administrasyon…
SEC. ANDANAR: Maganda at natanong ni JV ‘yan, dahil kahapon ay nag-meeting kami ni JV and we both decided, including OSEC media that it’s about time for us to already launch the Dutertenomics 2.0 para ipakita sa publiko iyong mga resulta na noong Dutertenomics Vinci na ipinalabas natin noong 2016. Kasi dati mga pangako pa iyon eh, puro pangako ‘di ba… ito gagawin ito, gagawin ‘yan…
So by January of 2019, sa Dutertenomics 2.0 ay mailalatag na natin iyong mga proyekto that saw fruition. For example iyong—noong nag-takeover tayo dito sa Bohol International Airport ay nasa 5% lang iyong accomplishment niyan tapos 48% iyong delay, walang poste na naitayo – ngayon tapos na. Itong Laguna Lake Highway, itong 10-kilometer highway dito sa Laguna going to Rizal which will ease the traffic congestion of Metro Manila by at least a 100,000 cars a day ay tapos na rin. Itong pier dito sa Cavite na ito iyong lalagyan ng mga container para dalhin doon sa North Harbor, imbes na dumaan sa Coastal Road ay hindi na kailangan dahil tapos na rin.
So marami pang mga—and then highways sa Luzon, diyan sa Ilocos, sa Mindanao na puwede nating i-highlight na sa Dutertenomics 2.0 by 2019. So napakadami na pong nagawa talaga, and I believe that darating na rin iyong machine which will dig underground para doon sa kauna-unahang subway na gagawin sa bansa natin.
MR. ARCENA: Wow! Na tutulungan tayo ng Japanese government…
SEC. ANDANAR: Yeah…
MR. ARCENA: Sa atin po Sec.—sa inyo po, may mensahe ho ba tayo para sa ating mga kababayan para sa Bagong Taon?
SEC. ANDANAR: Well, ang Presidential Communications Operations Office ay mayroon pong tatlong bagay na ginagawa – nakatutok po ito sa infrastructure building ng communications facilities ng ating gobyerno. I would like to congratulate for this 2018 – PBS, the Philippine Broadcast Service, itong Radyo Pilipinas – dahil from zero rating talaga noong pumasok tayo noong 2016, ngayon na number 6 na – so we saw the progress – 8, 7, 6 itong Radyo Pilipinas kaya may utang pa ako sa tatlong ‘R’ diyan sa studio. Huwag kayong mag-alala, pero naalala ko pa…
And then iyong sister station ng RP1, itong 104.3 – from zero rating, now it’s already number 9 if I’m not mistaken in the whole of Metro Manila or Mega Manila, mas malaki pa sa metro, Mega Manila. At sa kaniyang genre, sa kaniyang class na sinisilbihan, number one siya, number one siya. Ganoon din iyong 87.5 ay number 11 siya in the entire Mega Manila at number one siya doon sa genre na kaniyang pini-play na music.
And we can talk also about PTV, which is basically from number 8 to number 4. Iyong Philippine News Agency, we have more than a million hits per month already – from 120,000 a month, ngayon 1 million—more than a million. We can also talk about iyong—the Presidential Communications Facebook pages, PTV Facebook page… talagang napakalaki po ng in-improve ng government media, at iyon ay under the infrastructure na plano natin.
Iyong pangalawa is very important also – this is the policy making, Vinci and JV. So I’m very proud of Undersecretary Joel Egco and Asec. Kris Ablan na talagang ginawa nila ang lahat para ma-manage nila nang husto itong dalawang policy babies ng PCOO – iyong AO No. 1 na Presidential Task Force on Media Security, PTFOMS; at iyong Executive Order No. 2 which created the Freedom of Information ‘no.
Both EOs are very important. Kasi itong dalawang EO na ‘to pinaglaban talaga iyong freedom of the press. Iyong AO 1 pinaglaban iyong seguridad ng ating mediamen which resulted to our strengthening the freedom of the press; FOI or EO No. 2 also strengthened the right to information and making sure that we have more public access to information, strengthening the right to information – so therefore also strengthening the freedom of the press. And dahil nga doon, I would attribute to the two policy reforms na pinirmahan ni Presidente Duterte doon sa pagkaalis natin sa listahan ng mga bansa na delikado pa rin sa mga mediamen.
And of course iyong pangatlo natin is bridging the gap between the government and the private media sectors – and which we are doing, we’re going around the country, talking to different press clubs, press institutions… tapos finding out kung anong problema nila, helping them with their medical needs. And also we found out that kulang—more than 40% walang passport, walang Philippine passport. So we have planned a press freedom caravan by 2019, at iikot po iyong buong PCOO kasama iyong PTFOMS saka iyong FOI group para nga kausapin iyong ating mga mediamen sa mga probinsiya.
And lastly, is iyong ginagawa ni Director Vinci, she’s very much involved in strengthening the bureaucracy through improving the systems, the training, ma-ISO iyong PCOO proper at iba pang mga agencies.
- ARCENA: Congratulations – ang dami nang accomplishments ng Duterte administration, ng PCOO nitong 2018.
DIR. BELTRAN: 2018… ano naman ang aabangan?
MR. ARCENA: ‘Yan… Ano ang dapat abangan ng ating mga kababayan Sec., para sa 2019?
DIR. BELTRAN: Lalo na po sa atin po, sa PCOO po…
SEC. ANDANAR: O iyon… Well the press freedom caravan will be going around the country. For the press freedom caravan – more than a 140 cities in the Philippines, dala natin iyong freedom of information; dala natin iyong Task Force on Media Security; dala din natin iyong ating Passport on Wheels para mabigyan po ng pasaporte iyong mga media workers nationwide and also giving them proper training also – mga advanced trainings on journalism lalong-lalo na sa social media.
Asahan din natin na iyong Office of the Global Media Affairs will continue its work, to reach out to the global media – sa Japan, sa China, sa Hong Kong, tapos balik ulit ng Singapore, tapos sa Bangkok. We all know that the ASEAN will be in Bangkok by next year, they are the host country. So mayroon din tayong—i-she-shepherd natin, i-a-usher natin iyong ating mga Cabinet Secretaries doon including the President, of course.
And PCOO is also expecting to sign a Memorandum of Understanding through the Head of our International Affairs, si Julie Avellana. We’re going to Bangkok to sign an MOU finally with Thailand, with our counterparts – so mayroon tayong mga media exchanges. So napakadaming gagawin, and the ISO I mentioned, i-a-ISO natin iyong PCOO proper… yeah. We have our hands full and we have a very full plate…
DIR. BELTRAN: Sec., banggitin din po natin iyong—through the initiative po ng Cabinet Secretary na ipinagpatuloy po natin, iyong Linya ng Pagbabago po, nakaisang taon na po ang Linya ng Pagbabago na isang public service na palabas po.
SEC. ANDANAR: Oh yeah. Of course I have to congratulate everybody ‘no, baka maraming magtampo – RTVM is doing really—did really a good job. You check them, mayroon silang Build, Build, Build… after so many years napakaganda po ng office ng RTVM, napakadami ng kanilang mga TV shows kasi they are actually using their funds wisely by producing very good shows like Linya ng Pagbabago hosted by Weng… nandiyan si Weng ngayon, and si Kris Ablan. And then we also have a program, iyong PDEA Files… napakadaming programa na ginagawa ng RTVM. In fact we’re giving them an award for their documentary on the Balangiga Bells. So we are giving them a citation by 2019.
Of course I want to thank also the Media Accreditation and Relations Office, iyong MARO for their hard work. Sino pa ba? Napakadami, baka magtampo iyong iba [laughs]… NIB, the News and Information Bureau…
MR. ARCENA: Yes… si Ma’am Gigie.
SEC. ANDANAR: Oo, si Ma’am Gigie… the Philippine News Agency. Alam mo iyong NIB, pati iyong kanilang media monitoring ay nag-level up talaga siya in ways that I never imagined it would. But they really stepped up to the challenge, at every morning I receive all of the media monitoring – internationally, locally, pati iyong mga columns, pati sa radio stations, iyong mga sinasabi ng mga commentators, etc—lahat, as in lahat. So I’d like to give it to them, the Bureau of Communications Services; I’ve mentioned PTV already, mentioned PBS—ah Philippine Information Agency, grabe iyong kanilang on the ground communications ngayon, lalong-lalo na next year na eleksiyon. Kailangan talaga ay malaman ng tao kung ano iyong mga dapat gawin para maiwasan iyong mga bagay na hindi dapat ginagawa tuwing eleksiyon; at, at the same time to know also… to be informed of the things that they should be informed about, especially the candidates.
DIR. BELTRAN: Sec., bukod pa po diyan, ang ating show po – ang inyo pong show na Cabinet Report… next week po ay first anniversary na po.
SEC. ANDANAR: Next week na, Saturday… paano ba ‘yan – so ano iyong handa natin diyan? Naka-leave ako eh. Sige ‘di bale, I will make myself available on the phone [laughs]…
DIR. BELTRAN: Yes po, Sec. Mart…
MR. ARCENA: Dadalhin ni Sec. iyong ‘Mancave’ doon…
SEC. ANDANAR: Oo, dadalhin ko na lang doon iyong Mancave…
MR. ARCENA: Sec., bago ho tayo magtapos, baka may huli ho kayong mensahe para ho sa lahat ng ating mga kababayan para sa Bagong Taon. Baka mayroon ho kayong mga gusto ring batiin o…
SEC. ANDANAR: Well, sige. First of all, thank you again to all of the employees of PCOO, the staff, to all that I’ve worked with, the officers… Thank you for the—to the listeners who have been listening to the Cabinet Report. Thank you sa Radyo Pilipinas for always carrying the Cabinet Report religiously.
Don’t forget to tune in sa Radyo Pilipinas. Don’t forget to check Presidential Communications Operations Office Facebook page, and tune in to, yeah, Channel 4 – PTV para po sa year-ender.
Mayroon pong year-ender ang Linya ng Pagbabago; may year-ender po ang PCOO, Office of the Secretary; iyong Duterte on Duty year-ender; mayroon din po tayong year-ender na mga Happy with Duterte; may year-ender din po ang Philippine Broadcast Service; at of course, may year-ender din po ang PTV – ipapalabas po kung ano lang iyong mga highlights for 2018.
And again, please remember what Col. Vallejo mentioned earlier – ingat po sa paputok: huwag po tayong gumamit ng mga iligal na paputok para buo po iyong ating daliri, wala pong madisgrasya at hindi po maapektuhan ang ating mga mata. At lalong-lalo na, at least we survived the entire celebration of New Year – alive and kicking…
MR. ARCENA: Oo, buo pa…
SEC. ANDANAR: Merry Christmas and a Happy New Year to everybody.
MR. ARCENA: Thank you, sir. Merry Christmas and a Happy New Year din po.
DIR. BELTRAN: ‘Ayan 2018… ang daming naganap ngayong 2018.
MR. ARCENA: Thank you po Superintendent Joanne Vallejo at kay Asec. Eric Tayag…
DIR. BELTRAN: May gusto po ba kayong batiin, Ma’am?
SUPT. VALLEJO: Ma’am, pasasalamatan ko lang si Secretary Martin sa pagbigay po sa amin ng pagkakataon na magkaroon ng workshop ang Government’s Spokespersons Guild. Na-train po ako…
MR. ARCENA: At sa mga kababayan po natin na ngayon ay naghahanda o pinaghahandaan o tinamaan ho noong Bagyong Usman, Happy New Year po sa inyo. Sana ho safe kayo at sana po ay maging maligaya po ang inyong pagdiriwang ng media noche.
DIR. BELTRAN: Salamat po. Next week po, tumutok po kayo para sa first anniversary ng Cabinet Report. Ito po si Vinci Beltran…
MR. ARCENA: At ako naman po si JV Arcena, pansamantala pong humahalili kay Sir Leo Palo… Ito po ang Cabinet Report—
DIR. BELTRAN: Sa Teleradyo.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)