Interview

Cabinet Report sa Teleradyo with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar; Mr. Jv Arcena of Office of the Global Media Affairs; and Cabinet Secretary Karlo Nograles by PCOO Assistant Secretary Kris Ablan – Radyo Pilipinas


ASEC. ABLAN: Magandang gabi Luzon, Visayas at Mindanao. Ito po si Assistant Secretary Kristian Ablan ng PCOO at welcome po sa isa na namang episode ng Cabinet Report sa Teleradyo.

Mayroon na pala tayong mga kasama sa ating programa ngayong gabi. Siyempre ang ating Boss na si Secretary Martin Andanar, pati na rin iyong ating kasama dito sa Cabinet Report na, tanungin nga natin mga kababayan kung nasaan, si JV Arcena ‘no. So, hello JV nandiyan ka ba?

MR. ARCENA: Hi, good morning dito and good evening.

ASEC. ABLAN: Hi, good morning JV, kamusta diyan; nasaan ka ba?

MR. ARCENA: Good morning Asec. Kris and good evening diyan sa ating mga kababayan sa Pilipinas. Ngayon nandito tayo sa Chicago na kasama iyong mga indigenous peoples leaders na nakikipag-engage nga sa mga international organizations kabilang na sa United Nations, sa mga Filipino community at sa mga estudyante na aktibong nakikipag-ugnayan din sa mga Lumad groups diyan sa Pilipinas ‘no.

At alam ko na—I mean ngayon ang kanilang leg ay nasa Chicago na, na ang kanilang primarily target naman ay mga Filipino community at magkakaroon sila ng mga briefing with the media at ng mga diplomatic members. Katunayan ngayong araw nga dito, July 5 dito sa Chicago ay nagkakaroon ng meeting ang mga IP leaders sa mga staff naman ng konsulada natin dito sa Chicago.

Ikuwento ko lang Asec. Kris ‘no, itong pinuntahan noong mga IP leaders dito sa Amerika ay napakaimportante dahil napakalaki ng kontribyusyon ng mga international organizations, ng mga estudyante, ng mga Filipino community sa mga front organizations at sa mga grupo na tumutulong sa Lumad groups or so-called Lumad Group diyan sa Pilipinas.

Pero dito nga, ibinunyag mismo ng mga IP leaders at mga Lumad leaders na ating kasama, na itong mga pondo na ito pala Asec. Kris ay napupunta lamang doon sa kanilang tinatawag na pakikipagrebolusyon sa gobyerno, iyong kanilang armed struggle at iyong pakikipaglaban sa gobyerno kung saan nga maraming mga sibilyan, maraming mga IP communities ang nasira, maraming mga Lumad ang namatay, maraming mga sundalo rin ang nadamay. So ibig sabihin, dito nila pinanawagan na itigil na iyong pagbibigay ng pondo/suporta sa mga grupong ito dahil iyong pondo nila ay sila rin ang sumisira at lumalaban sa ating gobyerno, Asec. Kris.

At dito nga ‘no, napakaemosyonal iyong kanilang mga panawagan sa bawat forum, sa bawat conference, sa bawat meetings na aming dinaluhan, makikita natin iyong kanilang sinseridad ‘no sa kanilang mga panawagan sa mga lider—sa mga opisyal ng UN, sa mga Filipino communities, sa mga estudyante na itigil na iyong kanilang suporta sa mga grupo na nagpapanggap na Lumad.

Sabi nga doon—sa iba’t ibang grupo lalo na doon sa patriotic Filipinos sa New York na sa loob ng napakahabang panahon daw nabubuhay itong mga IP leaders sa kanilang mga komunidad sa takot—

ASEC. ABLAN: Wait lang, JV. Kasama na natin on the line si Secretary Martin Andanar, baka may tanong siya sa iyo. Good evening po, Secretary Martin.

Ay, nawala naman JV… So, okay. JV maganda iyong shini-share mo ‘no dahil madami tayong mga kababayan sa Amerika ang hindi nila alam kung ano talaga iyong nangyayari dito lalung-lalo na sa ating mga indigenous people o mga IP. At maganda nga na nandiyan kayo, at least may mga representatives ang mga Lumad para ieksplika sa ating mga kababayan diyan pati na rin sa US press kung ano talaga iyong lagay ng ating mga Lumad, at talaga sila mismo—

Diyan lang sa mga press briefing o mga presscon ninyo sa Amerika, there’s an opportunity naman for the media or for the attendees to ask the Lumad directly? Is that correct, JV?

MR. ARCENA: Yes, Asec. Kris. May mga pagkakataon o oportunidad ang ating mga kasamahan sa media, mga kasamahan sa Filipino community to ask questions, to clarify iyong issues na tingin nila ay hindi masyadong naipaliwanag.

In fairness naman Asec Kris ha sa atin pong mga IP leaders na kasama dito, napaka-articulate nila, napakagaling din nilang mag-explain ng—[line cut]

ASEC. ABLAN: Okay, naputol si JV. So, on the line now we really have Secretary Martin Andanar. Good evening po Secretary Martin, live po tayo ngayon sa Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. ANDANAR: Hello Asec. Kris, good evening at good evening din sa ating kasamahang si JV Arcena. I believe he’s in the United States now, si JV. At good evening din sa lahat po ng nakikinig sa atin na mga kababayan, nanonood po sa pamamagitan ng Radyo Pilipinas Uno at PTV. At magandang gabi din sa ating mga panauhin; of course si Cabinet Secretary Karlo Nograles.

The week was a whirlwind week for all of us Kris. And in fact pauwi pa lang ako coming from an ExeCom ng PCOO, so two days of straight ExeCom. And before that, of course we’ll recall at nagkaroon po tayo ng pre-SONA this week, noong Monday ‘di ba? This was a pre-SONA na ang ating bida ay iyong cluster ng negosyo at ekonomiya. And afterwards ay nagkaroon po tayo ng Cabinet Meeting with the President, so wala pong nasasayang na oras sa administrasyong Duterte, Kris.

ASEC. ABLAN: Yes. How did you find po the pre-SONA this year, at least the first pre-SONA Sec. Martin compared to last year? Of course, PCOO was also the organizer last year and this year. Kamusta naman po, and you had the Cabinet Meeting po… how was the reception po ng President sa ating pre-SONA itong nakaraan na Lunes po?

SEC. ANDANAR: Ah, very smooth ang pre-SONA this year as it was smooth last year. But you know, when you keep on repeating the same activity, you get better at it. That’s why during the Cabinet Meeting ay pinasalamatan po ni Secretary Sonny Dominguez ang PCOO at ang Office of the Cabinet Secretary, kasi ‘tong dalawang opisina talaga na ito ang nag-organize nito at sinisigurong mangyari ang pre-SONA.

So, siguro nagtataka iyong mga kababayan natin: bakit kailangan ng pre-SONA? Simple lang ho, napakadaming mga accomplishments ni Presidente Duterte the last three years, at for the last year also na hindi naman ito lahat ay mababanggit ni Presidente sa kaniyang actual na State of the Nation Address which will really last for just about 45 minutes to about 1 hour and 20 or 30, depende sa haba ng talumpati ni Presidente. So that’s why we need the pre-SONA.

And there will be another pre-SONA in Cebu next week on the 10th of July and on the 17th of July, another pre-SONA in Davao. And nakalimutan ko tuloy banggitin na we also went to Pampanga with Asec. Kris Ablan sa Dagyao activity. At grabe, talagang maganda rin iyong ginawa ni Asec. Kris doon sa Pampanga together with the DILG Usec. Malaya and the other national government agencies para ipaliwanag sa ating mga kasamahan sa gobyerno ang kahalagahan ng open government at kung ano iyong—

ASEC. ABLAN: Yes, Sec.

SEC. ANDANAR: ‘Di ba, kung ano ‘yung naging partisipasyon ng PCOO sa pamamagitan po ng napakagandang Executive Order No. 2 na Freedom of Information. And then afterwards sa Pampanga, I also met and engaged with our media members in Pampanga at iyong ating mga kabataan sa pamamagitan po ng Youth For Truth ni Director Vinci Beltran ng PCOO. So everything is really falling into place, and it fact the previous Saturday eh tayo din po ay nagpunta ng Mindanao – ng Cagayan De Oro at Bukidnon para po naman sa launching ng convergence areas for development and security – ito po ‘yung CAPDev na tinatawag. Ito po ‘yung tulong natin sa ating mga kababayan sa mga countryside para umasenso po sila at hindi na ho sila sumali sa mga communist insurgency.

ASEC. ABLAN: Yes, sir. And we have very busy days ahead for PCOO. And then you mentioned a while ago Sec. that next week iyong ating pre-SONA will be in Cebu and the following week will be in Davao. This is another innovation po ‘no, of this year’s project of the PCOO with the CabSec and other related agencies. Kasi last year sir iyong pre-SONA was all in PICC po sa Manila, and I think maganda po ‘yung innovation na in-introduce ninyo this year; and we will be holding it in the Visayas specifically in Cebu, and then in Mindanao, in Davao.

Do you think, if we have a successful pre-SONA in Cebu and Davao, that we will be doing this all over again next year, until the end of term of the President?

SEC. ANDANAR: Actually, I’d like to recognize here the innovation of CabSec Karlo, because he was really the one who pushed to bring this to the different major islands of the Philippines; like bringing it to Visayas and Mindanao. Si CabSec Karlo talaga nagsabi niyan na dalhin doon, so that’s why we’re doing that.

And just like what you mentioned Kris, siguro—[line cut]

ASEC. ABLAN: Hello, Sec. Mart? Alright, so habang hinihintay natin si Sec. Martin bumalik sa linya, balikan po natin ang ating kasama sa Chicago, Illinois… si JV. JV, are you there?

MR. ARCENA: Yes, nandito pa rin po ako Asec. Kris. Naririnig mo na ba ako?

ASEC. ABLAN: Alright. So guys, we’re having some technical difficulties. I cannot hear Sec. Mart or JV. ‘Ayan, JV I can hear you na. So JV, medyo na-cut si Sec. Mart sa ating linya. And go ahead, I think you were trying to finish something noong sinasabi mo iyong ating mga pagbisita ng ating mga Lumad diyan.

I remember that you and Usec. Lorraine were in New York and Washington D.C.; I understand, you’re in Chicago right now. Where to next for the group in explaining this?

MR. ARCENA:  I-clarify ko lang Asec. Kris ‘no. Ang una nating leg ay sa New York City kung saan iyong highlight nga po ng engagements natin doon sa New York ay iyong pakikipag-usap ng mga IP o pakikipagdayalogo ng mga IP leaders sa United Nations doon sa New York. At iprinisinta nila doon sa mga opisyal ng Permanent Forum on Indigenous Issues, Secretariat Office of the High Commissioner on Human Rights ang 17 atrocities o iyong labingpitong mga karahasan o krimen na ginawa ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army – NDF laban sa mga IPs.

Kabilang sa mga karahasan na binanggit ng CPP-NPA, na kanilang idinokumento ay iyong panggagahasa sa mga babaeng IPs, pagpatay sa mga tribal leaders at iyong isa pa ay iyong seize planting na tinatawag, kung saan nga ay pinapalitan ng mga komunistang rebelde iyong mga lider ng mga tribu. So imbes na mga native o iyong mga tribal leader ang ilagay, ang ginagawa raw ng mga komunista o iyong mga rebelde ay pinapalitan ng mga tao nila.

At iyong panghuli naman, ay iyong isa sa mga highlights lamang nila ay iyong pagti-train ng mga komunista sa batang IPs para maging rebelde. So kung napapansin mo Asec. Kris iyong mga rally, mga rally sa Mendiola, mga rally sa kung saan-saan diyan sa Metro Manila, may mga nakikita kayong mga Lumad. Iyong mga IP leaders na kasama natin dito na dating members ng CPP-NPA, sila pala iyong mga nag-organisa ng mga ganoon. So sila ang nagpatunay at nag-testify na iyong mga Lumad na dinadala sa Metro Manila ay mga dala ng mga front organizations ng CPP-NPA, oo.

At sa harap din ng UNCHR, sinabi naman ng isa sa mga tribal leader na si Kristine Balinan(?), na iyong katotohanan daw na palaging nasa panganib iyong kanilang buhay dahil nga sa pagbabanta sa kanila ng mga komunistang rebelde. Katunayan Asec. Kris, bagong-bago lang ito – iyong dalawa sa mga miyembro ng tribal leaders na kasama natin dito ay nakatanggap ng mga death threats iyong kanilang pamilya.

So, ito ay—sa kabila ng mga threats na ito Asec. Kris, nanindigan ang mga tribal leaders na kasama natin dito, dahil napakadali lamang, napaka-vulnerable itong mga IPs na kasama natin. Dahil unang-una, sila ay nakatira sa mga ancestral domain o iyong mga komunidad kung saan din nagkukuta itong mga rebelde sa Mindanao. So napakadali nilang takutin, napakadali nilang atakihin… pero napaka-amazing iyong kanilang tapang, iyong kanilang paniniwala na kung hindi sila pupunta dito para ipanawagan at ilaban iyong kanilang mga prinsipyo ay wala raw talagang mangyayari sa ating adbokasiya o sa ating call, o iyong sa pangarap nila na magkaroon ng mapayapa at maunlad na komunidad ng mga IPs.

Dahil alam mo Asec. Kris, totoo naman eh… na kung papansinin mo rin iyong mg IPs ‘no, ang tingin ng mga komunistang rebelde sa kanila ay pinagkakitaan lamang sila, ginagamit sila para isulong iyong kanilang mga makakaliwa at iyong kanilang armed struggle, iyong kanilang panawagan na patalsikin ang gobyerno. Ginagamit nila itong mga IPs para isulong iyong kanilang mga causes na hindi naman sang-ayon o talagang—hindi rin naman talaga sang-ayon sa kagustuhan din ng mga IPs, Asec. Kris.

So after Chicago leg, pupunta naman ang grupo ng mga IPs sa California to engage with the media, the Filipino community sa San Francisco, sa Los Angeles at babalik din tayo sa Washington DC naman para naman i-engage iyong mga miyembro ng US Congress. So ito iyong isa sa masasabi nating pinakamalaki sa schedule or sa mga aktibidades ng atin pong mga kasamang IP leaders. Dahil dito nila personal na makakausap iyong mga leader ng Kongreso, para ipanawagan sa kanila na suportahan din iyong kanilang mga adbokasiya.

Dahil talaga nga naman na sila ang pinakakawawa kung tutuusin sa atin—sa Pilipinas dahil unang-una sabi nila, mayroon nga naman daw Indigenous Peoples Right Act, iyong IPRA na tinatawag o IPRA Law. Pero sabi noong mga IP leaders dito, hindi siya fully implemented, at masasabi nga raw nila na medyo watered down iyong law na ito. So bagama’t watered down, isa sa mga binabanggit lagi dito ni Datu Bauan Jacob Lanes, isa sa mga lider na kasama natin, na bagama’t watered down ito ay tinatanggap nila ito at ginagawan nila ng paraan para mas ma—na kumbaga maitahi sa kung anuman ang kagustuhan nila hanggang sa matupad iyong kanilang pangarap na magkaroon ng mapayapa at prosperous o maunlad na komunidad ng mga IPs at nang marinig din iyong boses ng mga IPs sa ating bansa.

Dahil kung tutuusin Asec. Kris, 60% ng mga IP population ay mga kababayan ng Pangulo sa Davao. So itong ginagawa ng mga IPs na ito o itong NPF-LCAC Asec. Kris ay malapit sa puso ng Pangulo dahil hindi po ito mangyayari kung hindi dahil sa Pangulo at kung hindi niya nakita na talagang inaalipusta, inaabuso ang mga kababayan nating mga tribu diyan sa Mindanao.

 ASEC. ABLAN: Okay. Maraming salamat sa ating kasama diyan sa Chicago, kasama ang mga leader ng IP. At mag-a-update uli po tayo JV next week, balitaan mo kami kung ano ang feedback ng ating mga kababayan diyan sa may west coast ng America. So ‘ayan po mga kababayan ang ating correspondent na co-host natin dito sa Cabinet Report sa Teleradyo na si JV Arcena, live po from Chicago – maraming salamat, JV.

So ngayon, break po muna tayo; sa ating pagbabalik sa Cabinet Report sa Teleradyo, makakasama po natin si Cabinet Secretary Karlo Nograles. So, don’t go… I’ll see you later.

[COMMERCIAL BREAK]

ASEC. ABLAN: Good evening po, Sec. Karlo!

CABSEC. NOGRALES: Magandang gabi sa inyo, Asec. Kris at magandang gabi sa lahat ng nakikinig. Maayong gabi-i sa tanang mga Bisaya.

ASEC. ABLAN: We are live on PTV as well as Radyo Pilipinas 738 AM and our Facebook livestream on Presidential Communications, Secretary Martin Andanar’s Facebook page, and RTVM.

So, the first question po, Sec. Karlo is we’ve already started with our pre-SONA early this week, how are you feeling po with how the developments are with the pre-SONAs are?

CABSEC. NOGRALES: Maganda naman. ‘Yung pinakaunang pre-SONA natin was in PICC, this was held nung July 01. Kasama natin dito ‘yung economic development cluster led by Secretary Sonny  Dominguez at siyempre, ‘yung infrastructure cluster led by Secretary Mark Villar, at naging panauhing din po natin ang Bangko Sentral ng Pilipinas, si Deputy Governor Diwa Guinigundo ang nag-represent kay Governor Diokno ng BSP at siyempre pa, ang president ng Clark Development, si Vivencio Dizon, nandoon. At marami tayong naimbitahan, mga one thousand attendees, various stakeholders from the business sector, from the media and all other stakeholders nandoon.

Ngayong darating na Wednesday, July 10, nasa Cebu naman po tayo. So, ito ‘yung ating innovation ngayon sa ating pre-SONA, kasi last year, may pre-SONA po tayo pero ang nangyari last year, tatlong pre-SONA activities lahat nasa PICC. But this year, ang innovation po natin ay dadalhin po natin hindi lamang sa PICC kundi dalhin din natin sa Cebu, that’s on July 10, next week na po, at sa July 17 sa Davao.

Sa July 10, ang ating ife-feature diyan would be the participatory governance cluster led by Secretary ng DILG, Secretary Año at ang OIC-Secretary natin sa DBM, si Secretary Abuel at siyempre pa, mula sa human development and poverty reduction cluster headed by secretary ng DSWD, Secretary Bautista.

Tapos, sa July 17 naman po, sa Davao naman po tayo and this will be in SMX Lanang, Davao City. Ang ife-feature po natin diyan would be the security, justice and peace cluster led by Secretary Del Lorenzana at siyempre pa ‘yung ating climate change adaptation, mitigation, disaster risk reduction cluster led by Secretary Roy Cimatu.

ASEC. ABLAN: And all secretaries have confirmed their attendance and their talks po during the pre-SONA?

CABSEC. NOGRALES: Opo. So, ang mangyayari nito ay siyempre ‘yung magsasalita would be the chairpersons of the cluster pero back-up naman po ‘yung iba’t-ibang mga Cabinet Secretaries ng iba’t-ibang mga departamento under those clusters. ‘Yung participation po nila would be during the open forum kasi pagkatapos ng speech nung chairperson, siyempre may mga katanungan po ‘yan at nariyan po ang ating mga Cabinet Secretaries para sagutin ang mga katanungan ng ating mga stakeholders mula sa iba’t-ibang mga sektor at siyempre pagkatapos din po niyan, mayroon din tayong press conference na gagawin. So, kung may mga katanungan din po mula sa media ay masasagot din po ng ating mga Cabinet Secretaries. Kaya full force po ang mga Cabinet Secretaries natin doon.

ASEC. ABLAN: Maganda po ‘yung innovation na in-introduce ng Duterte administration: first, with the pre-SONA; and then now with the other innovation of holding it in Cebu and in Davao. Also in nung first pre-SONA Sec, nagkaroon po tayo ng paggamit ng Slido, wherein people were able to ask a question online; so you think the next clusters will also adopt po the Slido way of asking questions?

CABSEC. NOGRALES: Baka hindi ganun ka high-tech kasi depende kasi sa cluster ‘yan eh. Baka kasi mas— ‘pag nasa Cebu at Davao, ang mga clusters na nandoon ay ‘yung mga stakeholders baka mas—

Mas gusto nila face-to-face?

CABSEC. NOGRALES: Mas gusto nila ‘yung face-to-face eh, so, depende po clusters. ‘Yung PICC, nagawa nating Slido kasi medyo… mga business leaders, industry leaders ‘yung nandoon eh, so iyong mga audience, nag-adopt tayo sa audience. Pero sa Cebu pati sa Davao, ‘yung ibang mga stakeholders natin mas komportable sila na magsalita sa microphone or magsulat sa index card so, gagawin natin ‘yun – mag-a-adjust kasi tayo depending in the audience.

Pero tama ‘yung sinabi mo, ginagawa natin itong Luzon, Visayas, Mindanao dahil gusto natin, Asec na maramdaman din po ng iba’t-ibang mga kababayan natin sa Visayas at sa Mindanao na importante rin po sa atin na makarating po sa kanila ang mensahe po ng ating Pangulo.

Yung pre-SONA, ginagawa po natin ito dahil alam naman po natin maraming masyadong accomplishments at achievements ang ating administrasyon and of course, siyempre pa ito ay dahil sa ating Pangulo.

Ngayon, doon sa State of the Nation Address ni Pangulo, hindi mo naman puwedeng ilagay doon ang lahat ng mga facts and figures. Imposible po talaga kasi kung gagawin natin ‘yan, aabutin po tayo ng tatlong araw kaya nga ginawa natin ‘yung tatlong pre-SONA activities para dito na natin ibabahagi kung ano po ‘yung mga factual: Iyung data, the figures, the numbers, the kuwento, testimonials ng lahat ng mga natulungan ng ating administrasyon, mga pagbabago sa kani-kanilang mga buhay at dito po natin ginagawa ang lahat ng ‘yan para pagdating po sa State of the Nation Address ni Pangulo, hindi na niya kailangang banggitin pa muli itong mga facts and figures na ito at diretso na lang siya sa kaniyang pinaka-punto de vista, kung ano ‘yung pinaka-policy direction niya, kung ano ang pinakalalaman ng kaniyang puso at isip, masasabi na rin niya sa ating mga kababayan at hindi na tayo pagbibintangan na kulang po ‘yung report natin sa taumbayan.

ASEC. ABLAN: About the SONA, Sec. Karlo, you mentioned that pre-SONA is supposed to discuss the details of the programs and activities and the vision of the President, ano sa tingin n’yo po, Sec. Karlo ang magiging laman ng SONA ng ating Presidente ngayong July 22?

CABSEC. NOGRALES: Palagay ko, ang babanggitin ni Pangulo dito siyempre, dahil nasa harap po tayo ng Kongreso, babanggitin po niya kung ano ‘yung nasa legislative agenda niya. ‘Yung mga remaining… given that this is the kumbaga second half of his administration, last three years, timing din po ito ‘yung last Congress kumbaga under him because at the end of this 18th Congress is also the end of the term of the President. So, dito po naka-focus ‘yung kumbaga kung ano pang nakabinbin na mga legislative agenda na hindi naipasa noong 17th Congress, kailangang ma-emphasize din po ni Pangulong Duterte sa 18th Congress kung ano po ‘yan.

Pangalawa, palagay ko ‘yung magiging focus po niya would be ‘yung ano na… ‘yung poverty reduction na, kung mga social programs at kung ano ‘yung mga gagawin natin para sa malasakit na program ni Pangulong Duterte. Kasi nung nag-umpisa po ang kaniyang administrasyon, tapang at malasakit ang kuwento eh: Dito sa tapang, mukhang na-establish na po natin ‘yung tapang. Maganda na po ‘yung ating peace and order, maganda na ‘yung security natin, internal and external security, na-establish na po niya ‘yung anti-crime, anti-drugs campaign niya at ‘yan ay patuloy naman po, tuloy-tuloy naman po iyan.

Pero dito sa aspeto ng malasakit, palagay ko sa last three years ni Pangulong Duterte dito na po naka-focus ‘yung tinatawag na malasakit program ni Pangulo kung saan dapat mararamdaman ng ating mga kababayan ‘yung pag-aaruga ng ating gobyerno. At ito ay nasimulan na po natin sa free higher education, libre na po ang college. Nasimulan na natin with the free irrigation, tapos mayroon din po tayong universal healthcare. So, kung ano pa ‘yung mga kailangan nating gawin para mai-angat natin ang ating mga kababayan lalong-lalo na ‘yung mga mahihirap.

Ang maganda naman po sa mga numero natin, sa mga poverty indicators natin, bumababa na po ‘yung bilang ng mga naghihirap nating kababayan. So, poverty incidence is going down, kahit self-rated poverty is at its all-time lowest, so, kailangang mag-arangkada po tayo dahil mayroon po tayong tinatawag na goal na “zero hunger” pati ‘yung poverty natin ang target natin down to fourteen percent na poverty level by the time na matapos si Pangulo sa kaniyang termino. Sa ngayon, presently nasa twenty-one percent ang poverty incidence natin so, we wanna bring it down to fourteen percent. So, ito na nga po ‘yung pinaka-focus natin.

ASEC. ABLAN:  ‘Yung isa pang mga innovation na ini-implement ng Office of the Cabinet Secretary is the ‘Cabinet Assistance System’ and nagkaroon nga po tayo ng pagpunta sa Cebu saka sa Davao for the pre-SONA and then I’ve heard from my friends po sa CAS na pati po ‘yung CAS dinadala n’yo po sa ating mga probinsiya. Ano-ano na po ba ‘yung mga probinsiya o mga rehiyon na ang napuntahan ng Cabinet Assistance System, Sec. Karlo? At para po sa mga kababayan natin, ano po ba itong Cabinet Assistance System?

CABSEC. NOGRALES: ‘Yung Cabinet Assistance System, kumbaga ito ‘yung mekanismo kung saan mapag-uusapan namin kung ano ‘yung mga possible topics na ie-elevate namin sa cabinet for the decision ni Pangulo; kumbaga, kami ‘yung parang screening committee. Kung mayroon man gustong i-elevate to the cabinet para po sa decision ni Pangulo lalo na at ng gabinete, dadaan muna ito sa Cabinet Assistance System which is nasa pamamahala ko po.

ASEC. ABLAN: Sino-sino po ‘yung kasama ninyo po sa Cabinet Assistance System?

CABSEC. NOGRALES: Lahat. Lahat ng departments ng buong gobyerno nandiyan po iyan. So, from DepEd to DENR, DOTC, DPWH, lahat po iyan, DBM, lahat po ‘yan kasama sa CAS. So, kung sino po ‘yung cabinet secretaries na invited sa cabinet meeting ni Pangulo, ‘yung counterpart nila na mga usec at pinaka-senior na asec, sila po ‘yung present doon sa Cabinet Assistance System.

So, dadaan muna sa Cabinet Assistance System para i-screening namin. ‘Pag medyo hinog na saka po namin ie-elevate sa cabinet. Pero ‘pag hindi pa hinog, hindi namin ie-elevate – so, ‘yun ‘yung Cabinet Assistance System.

Ngayon, ‘yung innovation na ginawa po namin sa CAS ay hindi lamang sa Manila namin ginagawa ‘yung CAS meeting namin, binababa na rin po namin sa mga rehiyon. In fact, nakapunta na po kami ng Cebu, napuntahan na rin po natin ang Eastern Visayas, next po diyan would be Western Visayas. So, parang every other month, kunyari nandito tayo sa Maynila, next month nasa ibang region naman po tayo. So, every other month tatalon tayo to another region para makuha rin po namin ‘yung mga issues ang concerns ng bawat region para mahuli namin kung ano ‘yung mga top concerns nila, ma-elevate din namin sa cabinet.

Ito’y ginagawa po namin, innovation natin ito at initiative natin ito para number one: maramdaman ng mga taga-ibang rehiyon na bumababa talaga ‘yung gobyerno… ‘yung national government sa kanila; At pangalawa, kung mayroon man silang pangangailangan, mga issues, mga concerns na gustong i-elevate sa cabinet lalong-lalo na for the attention of the President ay madadala po natin doon sa gabinete.

Kasi nga po, Sec before the Duterte administration, people see that there is a gap. May gap between the national government and the local government and this innovation is really like ‘yung sinabi n’yo po is talagang ibinababa po natin ang ating pamahalaang national sa grassroots para po malaman natin kung ano talaga ‘yung problema.

CABSEC. NOGRALES: Opo kasi alam n’yo naman po si Pangulong Duterte, his body, heart and soul eh probinsiyanong-probinsiyano po ‘yan kasi galing sa Davao, galing po ng Mindanao. Kaya noong siya po ay alkalde ng Davao City ay nararamdaman din po niya ‘yung nararamdaman ng mga kababayan natin sa probinsiya na paminsan-minsan ay hindi napapansin, hindi pinapansin ng tinatawag ng “imperial Manila” ang mga probinsiya kaya ngayon under sa kaniyang administrasyon, minamabuti po natin na huwag nating ulitin ‘yan at huwag nating iparamdam sa ating mga kababayan sa probinsiya na sila po’y napapabayaan. Kaya talagang pursigido talaga kami na maibaba at madala natin sa iba’t-ibang mga regions ang atensiyon ng ating national government.

ASEC. ABLAN: So, aasahan po ng ating mga kababayan na in the coming months po we will be having more CAS meetings in the different regions of the country?

CABSEC. NOGRALES: Opo. So, every other month mayroon po kaming CAS sa isang region… selected region pero ang pinaka-ultimate goal ko talaga is madala ko rin ‘yung cabinet meeting sa probinsiya.

ASEC. ABLAN: ‘Yung cabinet na mismo po?

CABSEC. NOGRALES: ‘Yung cabinet na mismo. So, ito’y ipinaalam ko kay Pangulong Duterte, sinabi naman niya, “Sige, darating din tayo diyan,” pero sabi niya, sige, mauna na muna kayo sa CAS sa province-province, regional visits ninyo at siguro in the near future baka maaari ‘yung cabinet meeting madala na rin natin sa probinsiya.”

ASEC. ABLAN: Would you know po, Sec. Karlo in the history po of Malacañang if ‘yung Cabinet Assistance System or the cabinet itself really has gone down to the grassroots o this would be the first time that this will be done po?

CABSEC. NOGRALES: Siguro sa recollection, ‘pag mayroon lang emergency. Kunyari may typhoon or may calamity, nagkakaroon ng emergency cabinet meeting siguro sa mga provinces.

ASEC. ABLAN: But not on a regular basis like this?

CABSEC. NOGRALES: To my recollection, baka wala unless sa time ni President FVR siguro nagkaroon din ng paminsan-minsang pagbisita ng buong gabinete sa probinsiya.

ASEC. ABLAN: Iyan talaga if we have a very young cabinet secretary, we have all of these innovations. Sec. Karlo, are there any other programs that you head as the cabinet secretary and other programs or activities that you want to share with our listeners po?

CABSEC. NOGRALES: Naku, marami! Chairman po tayo ng tinatawag na inter-agency task force Yolanda. So, kamakailan lang nabalita na ‘yung sa housing program ng typhoon Yolanda ay medyo nasa fifty percent pa lamang ang accomplishment.

ASEC. ABLAN: Super delayed na po.

CABSEC. NOGRALES: Oo, pero I don’t want to point fingers pero alam n’yo, minana lang po natin ‘yan at sa lagay na ito po, ito na po ‘yung pinakamabilis dahil kung ikukumpara po natin ‘yung accomplishment natin under the Duterte administration compared to the previous administration when it comes to the housing, napakabilis po natin compared dun sa previous administration.

In fact, gaya ng sinabi ko minana lang natin ‘yung problema pero despite that and despite many of the problems tulad ng mga failure in bidding, failure sa pagkumpleto ng mga past contractors na kailangan nating i-overhaul at kailangan nating mag re-bid ulit at nagkakaroon ng problema sa lupa, sa location, basta ang daming problema, eh compared to those in the previous administration, mabilis na nga po. Pero ang commitment po natin na makumpleto natin ‘yung housing program ng Yolanda victims by… well, bulk of it this year pero totally kumpleto by 2020. The bulk of it, sa 2019.

I’m also co-chair with Secretary Galvez doon sa normalization sa Bangsamoro. So, alam po natin na napirmahan na po ‘yung Bangsamoro Organic Law at mayroon pong annex ‘yan on normalization. At kasama po sa normalization ‘yung pag-surrender ng arms at ‘yung reintegration at kasama ‘yung social economic development para sa mga kababayan natin na nasa BARMM at ‘yan po ay tinututukan namin ni Secretary Galvez.

At siyempre po, tayo rin ‘yung chair ng task force to end local communists and insurgency, dito po tayo naka-assign sa CARAGA region – Region Xlll. So, lahat ng mga—

ASEC. ABLAN: Ito po ba ‘yung CORDS, Sec. Karlo or this is different?

CABSEC. NOGRALES: Oo, the CORDS, the Cabinet Officer in Charge for Regional Development and Security. So, tayo naka-assign sa CARAGA Region. Iba’t-ibang members ng cabinet ni President Duterte ay may in-assign na bawat region. So, kami ang parang boses, kami ang tulay ng mga kababayan natin sa bawat region patungo sa Malacañang at kung ano man ang mga pangangailangan nila for security, peace, development, kami po ‘yung inatasan ni Pangulong Duterte to be the voice, their voice in the cabinet.

ASEC. ABLAN: Ang boss ko pong si Sec. Martin ay na-assign po yata sa Region X, if I’m not mistaken.

CABSEC. NOGRALES: Yes – CORDS-X siya.

ASEC. ABLAN: CORDS-X. Mayroon po tayong tanong po para sa’yo Sec. Karlo, from online, ang tanong po is: With all of the activities of the cabinet secretary, how does he prioritize all the simultaneous demands and deadlines? What is your secret, Secretary Karlo?

CABSEC. NOGRALES: Well, number one, ‘yung lahat ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte ay napakasipag po at napakadaling kausap. So, kami po’y nagtutulungan sa lahat ng aspeto. Sa support, siyempre kailangang kadalasan whole of government approach talaga ang kinakailangan. Kailangan ng convergence, kailangan ng pagtutulungan, so, naaasahan po natin ang lahat ng mga cabinet secretaries to be very supportive sa lahat ng initiatives lalong-lalo na para sa ikabubuti ng bansa at sa ikabubuti ng pamamalakad ni Pangulong Duterte.

Pangalawa iyong support staff. In our office, we have a very competent and very hardworking staff. So, importante rin po iyan kaya ako’y nagpapasalamat sa Office of the Cabinet Secretary, ang staff natin diyan at siyempre pa lahat ng bumubuo ng Office of the President at kasama diyan si Secretary Martin Andanar, kasama sa Office of the President.

So, lahat nagtutulungan kasi lahat we’re all very passionate, gusto natin tulungan si Pangulo at siyempre, gusto natin tulungan talaga ‘yung ating bansang Pilipinas dahil mahal natin ito.

ASEC. ABLAN: We’re on our final minutes, Sec. Karlo. For our listeners and televiewers po, ano po ang mga final message lalong-lalo po na po we have our second pre-SONA coming up this week and then a third, the week after, before SONA.

CABSEC. NOGRALES: Yes. Abangan po natin ‘no, ang second pre-SONA natin will be on July 10 sa Cebu, sa Waterfront Lahug, Cebu. Ang ipi-present po natin diyan ‘yung mga social programs under the human development and poverty reduction cluster at siyempre pa ‘yung sa participatory governance cluster, makikita natin ‘yung initiatives ng government para sa citizenship participation. That’s on July 10 then on July 17, sa Davao naman po, SMX Lanang, nandiyan po ‘yung tinatawag nating security, justice ang peace cluster pati ‘yung climate change adaptation mitigation, disaster risk reduction cluster.

So, pag-uusapan natin ‘yung mga pro-environment and climate change adaptation, mitigation programs ni Pangulo at siyempre, ‘yung security, justice and peace, ‘yung internal and external security programs natin and peace and order programs natin.

Kahit hindi kayo taga-Cebu or Davao, mapapanood n’yo ‘yan dahil ito’y live.

ASEC. ABLAN: Yes, it will be broadcasted live po on PTV and livestream po on Facebook and then for archival purposes, nasa YouTube din po.

CABSEC. NOGRALES: Kaya puwede kayong mag-participate lalo na ‘yung nasa Facebook ‘di ba? Puwede silang mag-post ng mga questions nila at mag-comment sila.

Siguro, ang panawagan ko lang sa ating mga listeners, sa ating mga kababayan, rest assured po na kaming lahat dito sa gobyerno ninyo ay nagtatrabaho overtime po para madala po natin ang magandang pagbabago na maibigay ng— hindi lamang pag-aasenso ng ating bansa, hindi lamang ang pag-asenso ng ating ekonomiya pero ang pag-asenso ng bawat Filipino.

ASEC. ABLAN: If they want to contact you, Sec. Karlo, do you have a Facebook page that they can reach?

CABSEC. NOGRALES: Oo, basta type n’yo lang Karlo Nograles, Karlo with a K-A-R-L-O Nograles tapos mayroon din tayong Office of the Cabinet Secretariat na Facebook page.

ASEC. ABLAN: And they can reach you and you’re able to get naman the messages.

CABSEC. NOGRALES: Opo, opo. Sa Karlo Nograles, mayroon akong personal account, mayroon akong fan page din, so, makikita nila ‘yan pati ‘yung Office of the Cabinet Secretariat.

ASEC. ABLAN: All right. Thank you very much, Secretary Karlo Nograles of the Office of the Cabinet Secretary. Again, mga kababayan we have our pre-SONA coming up in next week and the following week, July 10 and 17 po.

And we’d like to thank Secretary Karlo for coming over to the studio here in PIA out of very busy schedule. Thank you very much, Secretary Karlo Nograles.

 

***

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource