Interview

Cabinet Report sa Teleradyo with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, PCOO Assistsant Secretary JV Arcena, and PCOO Assistant Secretary Kris Ablan by Weng Hidalgo, Radyo Pilipinas


MS. HIDALGO: Magandang gabi po, ako pa rin po si Weng Hidalgo, ito na po ang Cabinet Report. Tumawid po tayo kanina mula sa Kita ang Kita. Ito po si Weng Hidalgo, napag-utusan lang na maging taong-bahay dito sa Cabinet Report dahil po wala ang ating Kalihim, si Secretary Martin Andanar pati po ang isa pang Assistant Kalihim, si Asec. Kris Ablan na nagse-celebrate ng kaniyang anniversary ngayon kay Ria of course at si Asec. JV Arcena. Magandang gabi po sa inyong lahat, sa ngalan ng tatlong tao, tatlong boys na aking binanggit, ito po si Weng Hidalgo humahalili dito sa Cabinet Report.

So, nandiyan na ba si Asec JV? Hello?

ASEC. ARCENA: Hello, good evening.

MS. HIDALGO: Asan ka ba?

ASEC. ARCENA: Ako po ay nakarating na ng Manila—

MS. HIDALGO: O, bakit wala ka rito? [laughs]

ASEC. ARCENA: Hindi, kasi hindi na rin ako makakahabol.

MS. HIDALGO: Akala ko nasa Siargao ka pa; pero galing ka ng Moscow?

ASEC. ARCENA: Yes. Noong dumating ako noong Tuesday at dumiretso ako kinabukasan sa Maguindanao naman. Nagpa-workshop, ako po ay speaker doon sa Media Communications Strategy Workshop na pina—

MS. HIDALGO: Pinagsalita ka, oo, nag-facilitate ka.

ASEC. ARCENA: Oo, facilitated by PCOO at ako po ay isa sa mga nagsalita doon sa harap po ng mga—

MS. HIDALGO: Sige. Bago natin elaborate iyang biyahe diyan sa Moscow… Si Sec Martin on the line, hello Sec Mart…

SEC. ANDANAR: Hello, magandang gabi sa lahat ng nakikinig. Pasensiya na at nandito ako sa loob ng Cabinet meeting at ako ay lumabas lang para batiin kayong lahat ng magandang gabi.

MS. HIDALGO: So, nasa kabilang line din si Asec JV. So maikli lang Sec. Mart, iyong biyahe ninyo sa Moscow kumusta?

SEC. ANDANAR: Maganda iyong naging biyahe kasi sa Moscow ay na-verbalize ni Presidente ang kaniyang independent foreign policy at kung ano iyong kaniyang ini-expect sa mga ibang first world countries. Sabi niya mahalaga iyong equality, fairness at mutual respect: hindi nag-i-intervene sa mga issues o sa pamamalakad ng isang gobyerno, so dapat may respeto. At bukod doon, of course mayroon ding mga signing ng mga agreements, mga business deals between Russian business delegates at Philippine business delegates. At alam natin, nangyari naman ang meeting with President Putin at President Duterte at Prime Minister Dmitry Medvedev at President Duterte.

MS. HIDALGO: Oo. So talagang lalalim pa iyong goodwill and friendship na na-build na with Russia.

SEC. ANDANAR: Oo. In fact nasa 1 to 3 billion iyong trading before—ah, iyong trading between the Philippines and Russia at wala pang 100 million iyong ine-export natin sa Russia. Doon lang sa mga deals na iyon sobra na doon sa 100 million, so magandang sign iyon para sa ating gobyerno at ang ating efforts para tumaas pa iyong ating trading with the Russian Federation.

MS. HIDALGO: Uhum. So, ano iyong mga promises na naiuwi ni Presidente?

SEC. ANDANAR: Well, iyong pakikipagtulungan para labanan iyong terrorism, transnational crime at para din malabanan iyong giyera natin sa—matulungan tayo ng Russia sa giyera natin against the narcotics, illegal drugs; iyong possibility na magkaroon ng exploration sa ating oil industry; the possibility of nuclear energy, so maraming mga puwedeng mangyari doon sa naging deal. And in fact ngayon sa Cabinet report ay mayroon doon sa mga agreements ang pag-uusapan.

MS. HIDALGO: Ah, okay. Sige hindi ka na namin iho-hold pa nang matagal para makaupo ka na diyan sa Cabinet meeting ninyo.

SEC. ANDANAR: Thank you. At gusto ko ring i-congratulate by the way, kababayan kong Siargaonon, ang pangalan Marama for winning the 25th International Surfing Competition sa Siargao.

MS. HIDALGO: Wow, congratulations!

SEC. ANDANAR: Oo local, local iyong nanalo. Talo iyong mga foreigners na sumali doon, so congratulations kay Marama, mabuhay, thank you.

MS. HIDALGO: ‘Ayan, congrats. Sana next week makasama ka na dito ‘no, ‘ayan naputol na siya, pero si Asec JV nandiyan pa naman ‘di ba? Anyway, so iyong ginawa mo naman din sa Russia is iyong para doon sa FOCAP ba, doon sa media na counterparts ninyo?

ASEC. ARCENA: Yeah, sa mga media engagements natin with the Russian media. So tayo po ay nag-organize ng mga media engagements para po kay Secretary Martin Andanar to promote and communicate the policy messages of the Duterte administration. So tayo, kami, nagpapasalamat kami ni Secretary Andanar sa mga kaibigan – bago nating kaibigan sa Russian Today o RT International, sa Tass News Agency, sa RAA Novosty, sa Sputnik at sa All-Russian State Television and Radio Broadcasting Company dahil—

MS. HIDALGO: Yes, maging partners.

ASEC. ARCENA: Oo, maging partner; they’re very open and welcome sa kanila na magkaroon tayo ng mga collaboration sa future at lalung-lalo na sa RT kasi sila ay nag-offer ng training programs para sa atin pong mga mamamahayag lalo na sa state media para sila rin ay makapaghasa o makapag-share ng kanilang mga best practices na iba naman kumpara sa mga western media, ibang klase o ibang uri ng pamamahayag ang kanilang ituturo sa susunod na mga pagkakataon sa atin pong mga kababayan o sa ating mga Filipino journalists.

Pero ito ay very successful Ms. Weng dahil kahit short notice pinagbigyan nila, in-accommodate nila tayo, unang-una, na makipagpulong kami ni Secretary Martin Andanar at si Usec. Marvin Gatpayat sa kanilang mga matataas na opisyal; at pangalawa ay pinagbigyan nila na ma-interview si Secretary Martin—binigyan ng opportunity si Secretary Andanar na ma-interview at ma-air iyong atin pong mga policy messages.

MS. HIDALGO: Ang galing… So kapag magpapadala doon mga puwedeng mag-training sa kanila ‘no, kailangan mag-aral-aral nang konti noong – “privet”, iyon lang ang alam ko eh ‘no at “spasibo”-thank you.

Teka muna, maputol lang kita saglit, nandiyan daw si Asec. Kris, babati lang siya. Hello…

ASEC. ABLAN: Hello Weng, Hello JV…

MS. HIDALGO: Happy Anniversary sa inyo!

ASEC. ABLAN: Oo, pasensiya na wala uli ako diyan. Wedding anniversary namin ng misis ko, baka magtampo siya kapag wala ako.

MS. HIDALGO: Saan ba ang date ninyo?

ASEC. ABLAN: Dito lang kami sa may Makati area. Welcome back Asec. JV, nakikinig ako at very successful ang inyong Russian trip ni Sec. Martin.

ASEC. ARCENA: Thank you, thank you siyempre congratulations Asec. Kris.

MS. HIDALGO: O sige Asec. Kris, hindi ka na namin gagambalain sa iyong date. Hello na lang kay Ria at Happy Anniversary sa inyo.

ASEC. ABLAN: Salamat. Salamat, JV. Salamat, Weng.

MS. HIDALGO: Anyway tanong ko lang sa iyo. Kumusta iyong experience mo ng transportation doon sa Russia?

ASEC. ARCENA: Na-try namin na bumisita sa isang subway pero hindi kami naka-try na sumakay. Medyo ma-traffic kasi, may sasakyan kaming nakalaan sa amin para sa delegation Ms. Weng, so—

MS. HIDALGO: Pero na-observe mo iyong traffic?

ASEC. ARCENA: Na-observe ko iyong traffic sa Russia at medyo hindi organize iyong mga taxi sa—alam mo iyong taxi stand sa mga hotel, so medyo lang mahirap makipag-usap. May paraan din iyong ano nila, iyong Yandex. So para makapag-book ka ng taxi, instead na Grab, mayroon silang Yandex, iyong mga app nila para makapag-book. Pero iyon nga lang, may mga—ang kuwento ng mga kaibigan nating Russians, kung magko-commute ka o magta-taxi ka doon, mas magandang mag-Yandex ka, iyong app na iyon kaysa pumara ka ng taxi sa taxi stand.

MS. HIDALGO: Bakit daw?

ASEC. ARCENA: Dahil dinodoble daw…

MS. HIDALGO: Ah, okay. Lalo na siguro kapag, uy mukhang foreigner ‘to.

ASEC. ARCENA: Oo, lalo na kung hindi kayo nagkakaintindihan.

MS. HIDALGO: Oo iyon ang problema, iyong language barrier.

ASEC. ARCENA: Oo. So kapag—may isa na tayong kasama ‘no sa delegation na instead daw na 700 rubles lang ang babayaran niya, pinagbayad siya ng mahigit dalawanlibo. Pero hindi naman na ako nagulat, pero parang sabi ko pareho rin pala [laughs]. Pero alam mo Ms. Weng iyong trip namin na kasama si Pangulo, that was my first time kasi na bumisita sa Russia and iyong trip na ito ay maituturing ko na eye opener para sa akin ha, kasi nagbago talaga iyong perception ko about Russia.

MS. HIDALGO: Bakit?

ASEC. ARCENA: Dahil dati ‘di ba ang portrayal sa mga Ruso sa mga western movies, ‘di ba parang sila iyong mga kontrabida palagi, ‘di ba? Eh tayo naiimpluwensiyahan din tayo ng mga western media, iyong pinapanood natin na western media laging negative about President Putin, about the Russian government, authoritarianism kuno. Pero noong pumunta ako doon Ms. Weng, ito po ay… parang kabaligtaran. ‘Di ba, parang ang babait ng mga Russian friends natin, ang babait ng mga media nila, ang babait ng mga tao doon na nakilala ko. Isipin mo iyong mga nakasalamuha ko na mga, for example iyong driver, iyong mga bellboy… napaka-polite, courteous nila sa amin, kahit doon sa mga hindi naman nila kilala.

MS. HIDALGO: At saka iyong mga kabataan doon, iyong mga—iyong generation ngayon; sila na iyong magtanong ka daw kung saan papunta, paano pumunta sa ganito ang kausapin mo iyong mga millennial kasi sila iyong… sila iyong medyo nakakaintindi at nakakapagsalita na ng English.

Iyong naging problema namin doon sa subway tinatanong namin kung paano mapapunta sa ganito, puro matatanda iyong ano—

ASEC. ARCENA: Natanong ninyo.

MS. HIDALGO: —iyong nag-iisyu ng tiket kaya wala – wala talaga, siguro mga thirty minutes bago kami nakasakay, ‘di ba, so ganoon iyon. Pero ngayon nga, welcome na iyong English sa kanila. Naputol lang po si Asec JV kasi medyo sira daw ‘yung linya, so tatawagan uli natin sila.

So, ma-share ko lang po kasi ikinukuwento niya iyong kung paano iyong transportation doon. Kami, naka-experience talaga kami ng subway ng mga kasama ko – ang hirap kapagka iyong mga matatanda iyong mga kausap mo dahil hindi talaga kayo magkakaintindihan. So, better niyan, kausapin mo iyong mga estudyante, iyong mga kabataan kasi sila iyong marunong nang makaintindi at magsalita ng English kahit papaano, ‘di ba? So, ayun…

***

MS. HIDALGO: So, ayun… nandiyan na ho si Asec JV, hello…

ASEC. ARCENA: [laughs]

MS. HIDALGO: Buti hindi ako napakanta. Mamaya kantahin ko iyan, sige kayo [laughs]. Asec. JV naku, kasi itong LRT natin ang pag-uusapan natin eh, ‘di ba, ang kakausapin sana natin si Attorney Hernando ‘Butch’ Cabrera kaso nandoon din siya sa Malacañang para um-attend ng cabinet meeting. Eh, mukhang magsisimula o nagsisimula na dahil ‘di ba medyo na-kidnap lang natin saglit si Sec. Mart kaya nakausap pa natin siya. Ngayon, naku, hindi na sumasagot si Attorney Cabrera.

Anyway, so ikaw, hindi n’yo nasubukan sumakay ng subway?

ASEC. ARCENA: Hindi namin nasubukan sumakay pero nakapunta kami sa mismong station, sa mismong baba.

MS. HIDALGO: umm…

ASEC. ARCENA: Oo, kasi mayroong—ang plano kasi namin parang ano lang, parang tingnan lang.

MS. HIDALGO: Oo, maganda naman, oo. Pagka nagpunta ka dun—

ASEC. ARCENA: Very classic ‘di ba?

MS. HIDALGO: Oo, ang ganda ng design parang ‘yung sa mga pelikula mo lang nakikita parang—

ASEC. ARCENA: Oo, hindi siya modern

MS. HIDALGO: Parang gusto mo sana ganito sa Pilipinas, iyong mga ganun. Tapos—

ASEC. ARCENA: Luma na ‘yung train pero—I mean, medyo may kalumaan na iyong trains nila pero makikita mo iyong efficiency.

MS. HIDALGO: Pero siyempre, dadating tayo diyan.

ASEC. ARCENA: Yeah.

MS. HIDALGO: Oo, dadating tayo diyan. Pero iyon nga, iyong sa experience mo na mayroon kayong sasakyan na-traffic din kayo – traffic din.

ASEC. ARCENA: Opo, traffic sobra! Lalo na kapag rush hour—

MS. HIDALGO: Parang ganito din, wala naman palang pinagkaiba. Parang Pilipinas din pero mayroon sila dun iyong malaking runabout nila na ano… parang iyon ‘yung kung mayroon tayong Magallanes interchange, mayroon sila doon ang daming kanto, bilog. Hindi mo maintindihan; mayroon sa ibabaw, mayroon sa ilalim. Nakadaan kayo doon?

ASEC. ARCENA: Ay, hindi ko nadaanan iyon, saan banda ‘yan? [laughs]

MS. HIDALGO: Diyan sa Circle! [laughs] Joke lang po! Pasensya na kasi hindi natin ma-contact si Attorney Cabrera.

Pero iyon nga, pag-usapan natin baka sabihin nonsense ‘yung pinag-uusapan nung dalawa doon sa Cabinet Report. Iyong problema doon sa LRT 2, ‘di ba nagkaroon ng sunog doon last week? Na nagkaroon ng stop-operation dahil—

ASEC. ARCENA: Nasunog.

MS. HIDALGO: Nasunog and hindi naman nila kailangan—hindi nila dapat—para sa LRTA ayaw nilang i-put into—ayaw nilang i-compromise iyong safety ng mga pasahero ‘di ba? So, hindi nila—

ASEC. ARCENA: LRT 2 LRT 1 ‘to?

MS. HIDALGO: LRT 2! ‘Yung from—

ASEC. ARCENA: Bago?

MS. HIDALGO: Hindi! ‘Yung dito lang sa ano… from Santolan-Pasig to Recto.

ASEC. ARCENA: Yes, oo.

MS. HIDALGO: Kasi iyong nasunog na bahagi ay iyong banda doon sa Anonas, so na-stop nang isang araw – isang araw ba o dalawang araw – na-stop iyong operation? So, grabe iyong parusa doon sa mga estudyante, doon sa mga empleyado na regular na sumasakay diyan, ‘di ba?

ASEC. ARCENA: Yes.

MS. HIDALGO: Iyong anak ko, isa diyan na regular passenger so kailangan niyang umalis nang ala-singko ng umaga para umabot sa eskuwelahan sa Maynila ‘di ba? So, kung iisipin mo, noong tayo nag-aaral, walang LRT 2, walang MRT. So, jeep din and hindi naman ganoon kadami iyong jeep. Hindi ganun ka-super traffic pero hindi rin ganun kadami iyong jeep pero I think, iyong dami ng estudyante at saka nagtatrabaho halos pareho lang.

So, ang gusto naming sabihin, eh ganyan naman noong unang panahon ‘hindi ba, parang nasanay na lang tayo ngayon na fast-paced ang buhay ‘di ba? Kasi nakakatipid tayo sa oras and all. Pero noong nag-aaral tayo, walang ganyan, jeep lang talaga iyong mode of transportation from Cubao to Manila, ‘di ba?

So, ayun, ito in-address naman nila iyong problema. Ang gusto nila ay—ang sabi nine months iyong pag re-repair bago ma-complete iyong kanilang pagpapaayos at ibalik sa operation pero pipilitin daw paiigsiin itong nine months. May sinabi na nga nung nakaraang araw na six months pero pipilitin pa rin daw na two months, ‘di ba?

ASEC. ARCENA: Oo.

MS. HIDALGO: Eh, mayroon pang pending na construction nung LRT 2. ‘Di ba in-extend na ‘yan hanggang Masinag, Antipolo. So, ano ‘yun? Isasabay na lang nila sa opening kaya iyon? Sayang hindi masagot eh. Ano sa tingin mo?

ASEC. ARCENA: Maganda sana kung ganun ang plano nila, ‘no? Kasi para mas maraming commuters natin ang ma—

MS. HIDALGO: Maserbisyuhan.

ASEC. ARCENA: —makikinabang at maserbisyuhan. Kasi ang tagal na ng project na iyan, ‘di ba? ‘Yung MRT—Ay! LRT Extension, right?

MS. HIDALGO: Oo, oo.

ASEC. ARCENA: ‘Yung hanggang Masinag. Pero sana ‘no, sa lalong madaling panahon ay matapos na iyan at mapakinabangan na ng mga aktibong mga kababayan diyan sa may east area or eastern part of Metro Manila lalo na diyan—pati na rin sa Rizal, sa may Antipolo .

MS. HIDALGO: Oo, biruin mo kung taga-Antipolo ka at gusto mong mag-aral doon sa Maynila, keri na magbiyahe ka every day.

ASEC. ARCENA: Mabilis!

MS. HIDALGO: ‘Di ba? Hindi mo na kailangan mag-dorm.

ASEC. ARCENA: Yes.

MS. HIDALGO: Pero ngayon, marami nang taga-Marikina, mga taga-Antipolo na nag-aaral diyan sa University Belt na nag—kino-consider na iyong pagdo-dorm kasi nga naman iyong oras ng biyahe nila is apektado nito. kung dati sumasakay sila from Santolan to Legarda, eh, sumasakay na sila from Santolan to Cubao, tapos from Cubao, saka pa lang sila makakapag-LRT. Mabuti nga at naibalik na kasi iyong bulto ng pasahero nasa Cubao, ‘di ba?

ASEC. ARCENA: Yes.

MS. HIDALGO: So, mabuti na hindi ‘yun ‘yung part na may nasunog. So, ibig sabihin, from Cubao to Recto operational pero mayroon lang pong oras ‘yan, huh! Hindi siya iyong…hindi siya iyong katulad ng regular na biyahe dati. Pero nasubukan mo ba na mag-LRT, Asec. JV?

ASEC. ARCENA: Yes! Oo, noong college ak0, Ms. Weng at saka noong—hanggang ngayon naman ‘pag mahirap talaga iyong taxi, mahirap iyong mag—

MS. HIDALGO: Grab.

ASEC. ARCENA: Oo, mag-taxi or Grab, ang ginagawa ko MRT, LRT. Nakikisiksikan talaga ako sa ating mga—nasubukan kong pumila, nakipagsiksikan; hindi naman ako nambalya, nabalya ako. Ako iyong nasiko, na pawis na pawis—

MS. HIDALGO: Ah, oo. Grabe, biruin mo ‘di ba?

ASEC. ARCENA: Alam mo ‘yun, papasok ka na napaka—

MS. HIDALGO: Fresh!

ASEC. ARCENA: —guwapo mo! Fresh! Pagdating mo ng station ano ka na—

MS. HIDALGO: Bilasa ka na! [laughs]

ASEC. ARCENA: Pawis ka na. Iyon ang mga na-experience ko. Dati pa naman, ‘di ba ganun? So, at least ngayon gumaganda na iyong MRT natin.

MS. HIDALGO: Somehow pero iyong nga, siguro nga maganda din iyong sa—ayusin iyong sa oras ng trabaho kasi pag rush hour talaga hindi mo mapipigilan na mangyari iyan. Ako, nasubukan ko, sinubukan ko lang isang beses na mag-MRT from Buendia to Cubao, iyong mukha ko nakadikit na doon sa dibdib ng katabi ko tapos ‘yung sa line 1, ‘yung nagco-cover pa ako, ano naman, iyong feeling ko ‘yung mukha ko naka-ganun na dun sa salamin ng train kasi ang daming tao talaga. So, kailangan talaga ng matinding improvement sa ating—

ASEC. ARCENA: Transportation system.

MS. HIDALGO: Transportation, hindi lang sa LRT, MRT kundi iyong public utility rin natin.

ASEC. ARCENA: Yes, oo.

MS. HIDALGO: Ang bilis ng oras oh!

ASEC. ARCENA: Pati sa mga imprastruktura, Ms. Weng kasi—

MS. HIDALGO: Correct, correct!

ASEC. ARCENA: Dapat kumbaga, aligned iyong infrastructure at transportation system na pinaplano, iyong master plan ‘ika nga. Kaya importante iyong nabanggit mo iyong—I mean, nabanggit na…napag-usapan na natin ito last…I mean, sa ilang episode natin, iyong tungkol sa emergency powers, ‘di ba?

MS. HIDALGO: Correct.

ASEC. ARCENA: Kasi aside sa transportation system pati infrastructures, iyong parang mas malawakang pagpaplano sa ating transportation at imprastruktura ang sosolusyunan ng emergency powers na—

MS. HIDALGO: Correct!

ASEC. ARCENA: —na medyo nabibinbin diyan sa senado.

MS. HIDALGO: Kasi nga sinasabi ngayon kung mayroon daw krisis sa transportation, ‘di ba, iyon ‘yung issue ngayon. Sayang eh, hindi lang natin nakausap. Siguro puwede natin i—makipag-appointment kay… next week para ma-discuss further kasi kailangan na rin nating magpaalam, Asec. JV—

ASEC. ARCENA: Okay!

MS. HIDALGO: —dahil 7:54 na ng gabi. Ay! Biglang nagpaalam! Sabi ko kailangan ko ng magpaalam, sayang naman. Anyway, sige ako na po magpapaalam para sa kanila dahil mag-a-alas otso na po. Susunod na ang Youth for Truth kasama si Nicole Namuco and I think si Director ay makakausap naman sa phone dahil siya ay nasa Mindanao.

So, maraming-maraming salamat po sa pagtitiyaga n’yong makinig at manood sa akin at siyempre, ‘yung sa mga nanonood sa Facebook o online at sa PTV, thank you very much! At sa mga nakinig sa Radyo Pilipinas!

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, Asec Kris Ablan at Asec JV Arcena, ito po si Weng Hidalgo na nag-iiwan sa inyo ng isang magandang gabi at magandang weekend.

Good bye…

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource