Interview

Cabinet Report – The New Normal hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar

SEC. ANDANAR: Binabati ko po kayong lahat ng isang belated Happy Earth Day kahapon, April 22.

Pilipinas, noong isang linggo tinalakay natin ang problema ng vaccine nationalism o labis na pagnanais na ang ilang mayayaman at makapangyarihang bansa na mauna sa pagkuna ng mga supply ng bakuna na ngayon nagdudulot nang hindi pantay-pantay na pamamahagi nito sa mundo.

Sa datos ng Global Vaccine Tracker ng Bloomberg, 966 million doses ng bakuna na ang naturok sa mga tao sa 172 countries – 219 million sa kabuuang 966 million ay sa Estados Unidos. Dito sa Pilipinas dama natin ito, ayon sa DOH mahigit 1.5 million doses na ang naturok sa atin.

Balikan natin ang mga numero: 966 million doses administered in 172 countries – 219 million o 23% administered in the US alone ayon sa Bloomberg media ng US iyan ha. At dito sa Pilipinas 1.5 million lang or 0.001% nga lang.

Talagang hindi pantay-pantay ang pamamahagi ng bakuna sa buong mundo. Tila nakaimbak lang doon sa mga mayayaman at makapangyarihang bansa; tayong ‘di mayayaman at makapangyarihan kahit na handa tayong magbayad, hindi tayo—at wala tayong makuhang supply ng bakuna.

Dagdag nito, pati ang supply ng bakuna na galing sa COVID-19 Global Access Facility o COVAX sa India na siyang inaasahan sana ng nakararaming bansa kasama na diyan ang Pilipinas ay tinamaan din ng delay. Noong March 25 ibinalita ng Reuters na India puts a temporary hold on exports of AstraZeneca shot made by the Serum Institute of India to meet domestic demand. Serum had been due to deliver 90 million doses of vaccine to COVAX in March and April.

Maiintindihan naman natin siguro ang domestic demand na iyan, ang India po sa ngayon ay siya na ang sentro ng atensiyon ng mundo dahil sa lala ng sitwasyon doon ng COVID, kahapon lamang ay nakapagtala sila ng 314,835 new COVID cases. Ipagdasal po natin ang India.

Sa kabila ng kakulangan at kabagalan sa pagdating ng global supply ng bakuna, minabuti ng pamahalaan na simulan na ang isang malawakang vaccine self-reliance program na naglalayong makagawa ng bakuna ha – naglalayong makagawa ng bakuna dito sa Pilipinas na mismo upang mabawasan natin ang sobrang pag-asa sa supply na galing sa ibang bansa.

Kaya ngayong gabi makakausap natin ang isa sa mga inatasang tutukan itong hangaring ito, si Department of Science and Technology Secretary Fortunato ‘Boy’ de la Peña.

‘Vaccine self-reliance’ ang pag-uusapan natin ngayong gabi.

Ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar, welcome to The Cabinet Report.

***

Welcome back to The Cabinet Report. Kasama po natin ngayon si Secretary Fortunato ‘Boy’ de la Peña ng DOST. Vaccine self-reliance is a state of goal, Sec. Boy. Ano po ang ibig sabihin nito both in broad terms and in relation to the COVID-19 pandemic in particular?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Siguro iyon munang in relation to the pandemic kasi alam nga natin ngayon na nagkakahirapan sa pagkuha ng supply ng bakuna. Lumalabas naman sa mga statistics na ang supply talaga ay kulang para doon sa demand kaya iyong mga walang ginagawang sarili nilang vaccine ay nahihirapan.

So ang una nating gustong i-address itong pandemic na hindi natin alam kung kailan matatapos ano. At kahit sabihin mo pang matapos within this year or next year, ang pagbabakuna against COVID-19 ay kakailanganin pa rin. Siguro kung naaalala ninyo, iyong mga naging pandemic noong araw, iyong mga flu ‘no halimbawa, iyang mga… sabihin na natin iyang mga malaria ano, iyang mga small pox, chicken pox ano dumaan iyan na parang katulad din nito na pandemic at nangailangan ng bakuna.

So nagpaspasan silang nag-develop ng bakuna at ginamit. At noong lumipas na iyon, hindi naman ibig sabihin ay hindi na gagamitin iyong bakuna na iyon kasi iyan ay nagiging bahagi na noong immunization program. So halimbawa, wala na iyang mga flu pandemic pero hanggang ngayon nagpapabakuna tayo against flu ‘di ba kaya kakailanganin pa rin iyan. Pero sa ngayon gusto nating magkaroon sana nang better access to the COVID-19 vaccines.

SEC. ANDANAR: Mayroon sigurong magtatanong: Kaya ba talaga ng Pinoy itong pangarap nating vaccine self-reliance? Ang pera maaring utangin but how about the talent plus the ecosystem that is needed to support this, Secretary? Mayroon ba tayo nito o kaya ba nating magkaroon nito?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Mataas ang level of confidence ko na kaya natin. Unang-una nga, napatunayan na natin noong dati na kaya natin. Ang UP ay nag-u-operate ng kanilang UP Institute of Hygiene sa UP Manila. Nawala na iyang Institute of Hygiene nitong mga 1980’s, iyan na iyong naging College of Public Health, okay.

Ang Head ng aming Vaccine Expert Panel ngayon, si Dr. Nina Gloriani, ay dating Dean ng College of Public Health and natatandaan pa niya iyong kaniyang mga experience dito sa Institute of Hygiene, gumagawa pa ng bakuna noong siya ay estudyante o research assistant pa noong araw; so talagang gumagawa ng mga bakuna.

Of course ang priority at that time ay iyong mga bakunang ginagamit natin for the national immunization program ‘no, iyong mga ginagamit sa rubella, sa polio, okay… iyong BCG na tinatawag, iyong anti-TB. Kaya noon ay talagang natatandaan ko iyong Vaccine and Serum Laboratory na iyan sa Alabang ‘no. Of course siguro dahil hindi nabigyan ng pansin para siya ay palakihin, unti-unti siyang parang naging insignificant. At noong bandang huli nga iyong facility, the whole of the Alabang Facility ang natira na lang ay iyong, I think the facility of FDA ay ‘di ba, ibinenta iyang property na iyan at diyan na lumabas iyong mga Festival Mall na nakikita natin ngayon.

Pero doon mo makikita na may kakayahan naman tayo. Kailangan lang talaga ng political will.

Pangalawa, may mga industriya ngayon na tayo ay nagli-lead ‘no. Kahit sabihin mo pang ang technology ay galing sa abroad pero nakakagawa naman tayo ng mga innovations na value adding both in the technology and in the products ‘no. Tayo ay isa sa pinakamataas na exporter ng semiconductors and electronic products. So kung makikita mo iyong ating mga Pilipino na nandiriyan sa mga kumpanya na iyan ay hahanga ka ‘no. Hindi na malayo iyan dito sa field ng medical products na pharmaceuticals, ng mga vaccines ano.

At kami itong mga nagdaang mga taon, nagpapasalamat kami sa DBM in a way kasi hindi kami pinagdadamutan pagdating sa human resource development. Ang aming scholarship sa science and technology ay napakalaki ng itinaas ano in terms of numbers and in terms of fields or areas covered, and in terms also of the kind of support that we are giving to scholars ‘no.

Siguro just a glimpse of the numbers ano, noong ako’y unang dumating bilang Secretary noong 2016, I remember the batch of new freshmen scholars – I am talking now of the bachelor’s degree that we awarded scholarships, DOST scholarships was around 5,000 okay. 2020, last year okay, we were already at the level of between 9,000 to 10,000. So parang in that short span of time, nagdoble iyong ating binibigyan ng scholarships. And this year, we expect that we will be giving something like 14,000 new slots for the bachelor’s degree. Of course that is our goal of really inclusive development, of building up or capability. At alam mo napakahigpit naman ng aming standard to maintain the scholarship kaya ‘pag naka-graduate ka diyan ay talagang magagarantiya namin na de-kalidad.

But better than that, ang aming scholarships at the graduate level, iyong para sa Master of Science at PhD ay talagang nagkadoble-doble since nga ‘no. Kahit gawing basehan lang natin iyong 2016 ano, na kung noon ay nagpapa-graduate lang kami ng mga isandaan isang taon ‘no halimbawa, we now graduate around 400 a year ano, itong combined na MS and PhD. At nagbalik kami sa practice na nagpapadala na rin tayo abroad in fields or areas where our universities do not have that level of expertise.

So whether they are full scholars going there or whether they are just supported during the time that they do their masters and dissertation. Kasi mayroon kaming tinatawag na sandwich program na dito ka nag-aaral halimbawa sa UP, Ateneo, La Salle, San Carlos, sa MHU pero at the time na gagawin mo na iyong master’s thesis mo or PhD dissertation, inihahanap ka ng ka-partner na laboratory abroad. And usually the arrangement is pagdating mo doon sa laboratory abroad, okay, gastos ng Pilipinas iyan – ang pagtira mo diyan at lahat ng gastos mo habang nandoon ka, halimbawa mo isang taon. Pero ang gastos sa mga experiments at sa research ay gastos na noong host laboratory mo.

So parang mutually beneficial – nakakatulong na tayo sa kanilang research, of course mayroon din tayong share sa intellectual property but at the same time ay nakakakuha tayo ng experience, we get PhD graduates na hindi limited iyong exposure dito sa atin ano. So mayroon tayo sa Italy, mayroon tayo sa UK, mayroon tayo sa Japan, mayroon tayo sa China, sa Taiwan at ito ay napakagandang programa.

Idagdag mo pa diyan iyong mga balik scientist ano na mula noong maaprubahan ng Pangulo ang Lehislatura ang ating Balik Scientist Act, iyong aming programa na iyon na 40 years old na, na ika nga eh pa-ganoon, pa… hindi pa ma-institutionalize kumbaga dahil it all depends on the decision of the ongoing leadership or administration kung itutuloy ba iyan o hindi, may budget ba diyan o hindi. Pero ngayong may Balik Scientist Act, we foresee iyong continuity at kaya marami naa-attract ngayon ‘no at nagkarga ng mga additional benefits at tinanggal iyong mga red tape na kailangan mong daanan.

So ngayon dumadami na, ang nangyayari diyan nakakatuwa ang kanilang mga patterns ano. Maraming mag-a-apply ng short term, gusto lang nilang matikman siguro – isang buwan, dalawang buwan. Kapag nagustuhan nila babalik pa iyan, either another short term o kaya naman ay medium term na hanggang isang taon, dalawang taon okay. At iyong iba ay bumabalik na uli nang long term at diyan ka makakakita ng mga babalik na na magsi-settle na uli sa Pilipinas.

And we can give you names of the Balik Scientist who eventually came back for good and ngayon ay pinakikinabangan namin nang husto doon sa mga dini-develop namin na mga niche research centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

So ‘andiyan din iyong mga retired na ano. Alam mo sa Amerika ang daming mga… sabihin na nating katulad namin na ano na, senior in age ano at kumbaga sa kuwan, wala na silang masyadong restrictions, I mean naghahanap na rin sila ng how to give back ‘no. Mayroong mga ganoong kaso na noong i-announce namin na magtatayo kami through law, of course hindi kami magtatayo, ang Kongreso, ng Virology Science and Technology Institute, may mga nagpadala na agad ng communication, “Gusto naming pumunta diyan at sumama.”

Hindi lang naman sa mga virus against humans, mayroong mga gustong bumalik at tumulong iyong mga virus against animals kamukha niyang ASF na iyan. At saka iyong mga iba naman ay virus against plants or iyong mga crops ano. Alam mo inaatake ang ating niyog, inaatake ang ating abaca—alam mo napakadaming umaatake na mga virus. At natutuwa kami sa kanilang reaksiyon kaya mayroon kaming proposal doon sa—aming proposal na Virology Science and Technology Institute of the Philippines na kahit foreigners ay puwede naming bigyan ng pagkakataon sa pamamagitan ng—iyong parang kamukhang programa ng Balik Scientist ‘no.

So kung ikaw ay foreign citizen, sa batas namin hindi pa natin sila puwedeng i-hire o mag-full time basis eh but puwede ka naming i-consider na parang Balik Scientist. Parang—maybe we have to setup a new program na kung willing ka na ganoon ang benepisyo mong matatanggap, iyon bang per diem lang sa araw-araw at puwede ka ring bigyan ng iba pang amenities ng host institution mo eh nasisiguro ko na mayroong papayag diyan.

Kaya in terms of human resources, I think we can manage ano. And gaya nga ng sabi ng Pangulo nang mag-present ako although hindi na-capture iyon sa TV replay dahil nag-announce siya noong pagpanaw ni Secretary Sitoy, pero natapos ko iyong report ko at ang kaniyang reaksiyon ay ganito: “Puwede bang magkaroon tayo ng international researchers diyan?” So he had that vision ‘no. At kaya ang kaniyang huling payo: “Sige, ri-retake-up natin sa full Cabinet meeting,” kasi hinihiling namin na bigyan ng category as urgent legislation iyong Virology Science and Technology Institute.

Let me mention a few things na ginawa na namin ano. Iyon munang physical, noong ipinu-propose namin sa Lehislatura ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines, mayroon na kaming dala-dalawang drawing ano kung ano itsura niyan. Kasi ang facility diyan ay hindi katulad ng ordinaryong research institute namin dito kasi mayroon kang tinatawag na mga maturity level ng laboratories ano. Kasi kailangan maingat na maingat ka dahil ikaw ay mag-iingat ng mga virus na kung makawala eh makakaperhuwisyo ano.

So mayroon tayong parang specialized na laboratory system na kailangan diyan. Siyempre kung mag-aaral ka ng mga bakuna para sa tao o para sa hayop, mag-aalaga ka rin ng mga laboratory animals ano. At kung iyan ay located sa isang lugar na ika nga ay special location, mangangailangan ka rin ng mga tirahan para sa ating mga researchers and scientists.

So ang iprinopose namin at ito naman ay binigyang suporta agad ay i-locate namin sa Clark Dream City ‘no dahil may plano sila doon na mag-allocate ng mga lugar for scientific and technological purposes. At mabilis ang pag-express ng support ng BCDA sa pamamagitan ni Secretary Vince Dizon na kita mo naman siguro ngayon ay involved na involved dito sa pag-address ng pandemic issues na antimano ay sinet-aside niya ang isang lugar para doon. At ito talaga ay ia-allocate, parang ibibigay – hindi kami uupa ano doon sa lupa unlike iyong ibang lugar doon.

Actually mayroon na rin kaming kinuhang lugar doon, iyong tinatawag na for purposes of business continuity pero uupa kami doon sa kanilang space ‘no. Pero iba ito at tinulungan—actually tinulungan din niya kami noong mag-present kami sa infrastructure cluster ng Cabinet. Kasi papaano kami magtatayo niyan, saan kami kukuha ng pera? Ang estimate namin at least 500 million ang kailangan diyan sa bagong facility na iyan at nag-present kami. Tinulungan din kami ng BCDA at sinuportahan din kami ng DPWH kaya inaprubahan iyan sa infrastructure cluster.

Of course hindi ka magri-release na pera kung hindi pa naman talaga itatayo at wala pa kaming… wala pa kaming institute eh, nasa papel pa eh. Pero for 2021, this year, pinaalam sa amin na mayroon nang naka-allocate ang DPWH na 50 million para gawin na iyong detailed facilities and engineering design.

At ang DBM naman ay tumulong din dahil isa sa mga supporting mechanisms namin ay buhayin namin ang Pharmaceuticals Development Center dito sa DOST na katulad din noong sa bakuna, alam mo ay unti-unting lumiit iyan, iyong aming Pharmaceutical Development Center. Paliit nang paliit ang budget hanggang sa nawala na iyong mga scientist, nag-retire na iyong iba kaya ngayon ay isang maliit na grupo na lang siya. Pero nandiyan pa siya at kailangan lang talagang i-revitalize. At nagbigay ang DBM sa amin ng 283 million for 2021 to start the studies on virology na puwedeng magawa dito sa pharmaceutical center. So iyan ang mga panimulang suporta.

Ngayon iyon namang environment para sa manufacturing, kasi first stage iyong virology studies ano; ang second stage iyong development na ng mga produkto ‘no. Kailangan mo munang aralin iyong viruses bago ka maka-develop ng produkto whether the products are diagnostic kits or they are medicines pagka ikaw ay tinamaan na, gagamutin ka o kaya ay vaccines na pang-prevent ano. Iyan ay magdadaan sa product development, okay, iti-test mo iyan, magkakaroon ka ng clinical trials hanggang sa iyan ay magkaroon ng ebidensiya na effective, ika nga eh safety and efficacy. Naku naging sanay na tayo diyan sa dalawang words na iyan ngayon during the pandemic. Doon pa lang magkakaroon iyan ng pagkakataon na i-commercialize.

SEC. ANDANAR: Ano po ang nakikita ninyong papel ng pamahalaan sa prosesong ito, Sec. Boy at ano naman ang papel ng private sector?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Tiningnan lang namin iyong India at Thailand ano, in terms of the model that they have followed in the mass production of vaccines. Pareho silang mayroong equivalent noong ating Virology Science and Technology Institute. Pero ang kanilang business model for mass manufacturing of vaccines, ang masasabi ko siguro, parang mas maganda ang kombinasyon ng sa India, kasi mayroon sila doon government corporation na gumagawa ng mass production ng vaccine. Mayroon din silang private sector na gumagawa ng vaccines, mayroon din silang partnership na government at private sector. At iyon ay nakikita naming puwedeng mangyari dito. Sa Thailand, ganoon din, pero basically mayroon silang government corporation.

Dito, puwede rin nating ma-explore iyan. Gusto ba natin na magkaroon ng government corporation na siyang gagawa ng bakuna? Definitely iyong private sector interesado, kasi ang nagpakita na ng interest ay anim na kumpanya na na local companies na either mayroon ng partner or humahanap ng partners sa abroad.

SEC. ANDANAR: ipagpapatuloy po natin ang ating panayam kay DOST Secretary Boy Dela Peña matapos ang ilang paalala. Keep it here. This is the Cabinet Report.

(COMMERCIAL BREAK)

SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report. Ang DOST ay front and center ng usaping ito, Sec. Boy. May nabubuo na ba kayong roadmap patungo sa vaccine self-reliance? Kung mayroon ay ano po ang daan nating tatahakin?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Noong kami ay unang mag-present sa Pangulo, actually, April 15 nang una kaming mag-present. Noon kasing sabihin niya na gusto niyang magkaroon ng vaccine self-reliance, nagpulung-pulong kaming limang secretaries. Ang Secretary ng Health, Secretary ng DBM, Secretary ng DTI, Secretary ng DOST at ang Vaccine Czar. Nagpulung-pulong kami, papaano natin magagawa iyong sinabi ng Pangulo na magkaroon ng self-reliance sa vaccine. At ang isa sa mga naging output naming lima ay magkaroon kami nitong tinatawag na roadmap.

Kagaya ng sinabi ko, iyong nasa short term, itong nasa between 2020-2022 would involve itong establishment case, negotiations with the private sector for local vaccine manufacturing, ito iyong fill-and-finish facility. And then gusto rin namin dito, within this period ay maitaas ang maturity level ng FDA into what we call maturity level 2, maturity level 3. Iyong kaya na nilang mag-testing ng mga vaccine, mag-certify. At mayroon ding kasabay na nito, ito iyong short term, iyon ngang mismong pagsi-set up noong Virology Science and Technology Institute. Kasi kahit naman iyon ay ma-aprubahan ng Lehislatura, I think it will take two years bago makita mo iyong buong facility na iyan at iyong pagpu-procure ng lahat ng kailangang equipment.

At nandiyan na rin, sabay na rin diyan sa short term na iyan, iyong aming pagri-revitalize na gaming DOST Pharmaceutical Development Center within our Industrial Technology Development Institute, okay. At iyan ay magiging suporta rin diyan sa Virology Science and Technology Institute. Ngayon, in the medium term, i-extend mo na iyan hanggang 2025, okay at nandiyan na iyong establishment ng multi product modular Fill-and-Finish Facility or full pledge vaccine manufacturing facility. So, itong period na ito hanggang 2025, nakikita natin hindi lamang para sa pandemic na COVID-19. Puwede na siyang magkaroon ng iba’t ibang produkto. Whether Fill-and-Finish or whether Full Blow, pero ang mahalaga mayroong dapat source ng technology.

In the long term, ito na iyong 2026 to 2029 nandiyan na iyong local vaccine manufacturing. Ito iyong mga well, operational na iyong mga Itinayo at saka puwede ng magkaroon ng mga bagong vaccines for commercial production, coming from the Virology Science and Technology Institute. Kasi iyon namang mga magtatayo ng kanilang mass manufacturing, not necessarily, magkakaroon ng R & D dito.

Puwede namang iyong madi-develop sa ating Virology Science and Technology Institute ay kanila ding i-adopt, magamit iyong output noon, okay or puwede rin namang manggaling sa abroad iyong kanilang technology. Pero katulad ng mga iba naming ginagawa na research and development projects, bahagi ng aming pagpaplano kung papaano maku-commercialize iyan kung tapos na iy0ng R & D. Kaya iyan ay nandoon na sa long term period.

SEC. ANDANAR: Sec, you are a man of science kaya, I will ask you to make an educated guess. Ano po ang realistic timeline natin towards achieving vaccine self-reliance?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Uulitin ko lang iyong sinabi ko kanina kung iyong Fill-and-Finish at mayroong silang foreign partner ay malaki ang possibility kung magdedesisyon na sila ngayon at maaprubahan na lahat ngayon na magkaroon tayo before the end of 2022. Pero kung iyon ay, iyong complete manufacturing from start to end, iyon ay medyo mas kumplikado nang kaunti ang pagsi-set up ng facility. At iyon ang sinasabi ko kaninang nasa medium term, hanggang 2025. Maaaring wala na iyong pandemic pero kailangan pa rin ng bakuna sa COVID-19. Without naming names, company A ay South Korea ang kanilang potential partner. At itong South Korean company willing na maka partner sa local company at willing ding mag-partner sa government corporation.

Iyong company B na sinasabi ko, ito iyong mayroon ng existing operations, hindi nga lang sa vaccine, pero iyon nga ang kanilang hanap ay iyong magiging partner na iba-ibang vaccine ang ipu-produce. Iyong isa naman, ito iyong hindi binanggit kung sino ang partner nila pero Fill-and-Finish lang ang kanilang binanggit. Iyong pang-apat, ang Kausap nila ay German Developer, Germany, at ito rin iyong nag-express, iyong German partner ang nag-express din na mayroon ding puwedeng partnership with government. And then iyong isa pa, company E. Ito ay long term partner na, Chinese vaccine producer. So, since long term partner na iyan, puwedeng mabibilis ang desisyon at ang pagsi-set-up. Pero nakikipag-usap pa rin sila sa DTI through the Board of Investment and the National Development Corporation. Iyong pang-anim, Company F, naghahanap pa pero, gusto nila ay US. And then they initially want to do Fill-and-Finish.

So itong mga ito eh, sabihin na nating, probability wise din, out of six may matuloy na dalawa, medyo maganda na rin. Sana nga matuloy, iyong ang plano ay magtuloy sa full pledge manufacturing at hindi lang COVID-19 ang plano nila. Kasi ang vaccine self-reliance, means the different vaccines that we need, can be produced here.

SEC. ANDANAR: Magbabalik ang Cabinet Report matapos ang ilang paalala.

GIOVANNI ALINGOG/FOUNDER AND CEO OF GLOVAX BIOTECH CORP.: Ang Glovax is already an 18 year old company. Nagsimula po kami noong 2003 pa at ang dine-distribute lang po namin ay bakuna lamang.

Ang Glovax Biotech ay nag-i-import ng iba’t ibang bakuna mula sa Korea, sa Europa and sa India. Ito ay tulad ng rabies vaccine, polio vaccine, measles vaccine at nakapag-import na rin kami noon ng meningococcemia vaccine, sapagkat nagkaroon din ito ng outbreak sa atin. And patuloy pa rin tayong nag-i-import din ng tuberculosis vaccine.

At ngayon, dahil sa pangangailangan, gusto na rin naming mag-produce locally na sarili nating vaccine, sapagkat dahil sa COVID-19 ipinakita na kailangang-kailangan ay mayroon din tayong lokal na supply na hindi lamang tayo umaasa sa sobrang supply ng ibang bansa.

Napakahirap pong gumawa ng bakuna, hindi lang po ito pinansiyal lamang or magtayo ka ng planta or bumili ka ng equipment, kulang na kulang po iyon; ang pinakakulang po natin ay ang technical expertise. So kahit ang Pilipinas po ay magkaroon ng maraming pera or magkaroon ng maraming equipment or magkaroon ng vaccine plant, kung wala naman tayong technical expertise eh hindi po namin magagampanan gumawa pa rin ng bakuna.

So ang pinakaimportante po na ginawa ng Glovax Biotech ay magkaroon ng tinatawag ng tech transfer partner. Iyan po iyong sila po ang magdadala ng teknolohiya sa atin, para hindi na po tayo magsisimula sa wala. So ituturo na po nila sa atin ang mga sikreto nila at ang mga kakayahan nila para mag-imbento, magdiskubre at gumawa ng bakuna.

So from the start po, from the raw material to antigen, to formulation and to final production, ituturo po iyan ng aming partner na EuBiologics para po makapagsimula tayo ng COVID vaccine plant and ito naman pong planta ay puwede rin pong mag-produce ng iba’t ibang bakuna ayon sa platform or sa teknolohiya na ipapadala nila sa atin.

Tayo po ay mas malaking bansa, so hindi man tayo mas malaking kumpanya, tayo po ay mas malaking bansa pagdating po sa populasyon at ang estimate nga po ay magdudoble na ang ating populasyon kumpara po sa Korea. So, maganda po ang ating market size. So iyan po ang isa nilang tinitingnan kung bakit po sila willing na pumunta rito eh sapagkat po ang Philippines is already parang magiging captured market nila, sapagkat nga po ay sila ang… assuming lang po na kami po at sila ay mauuna sa paggawa nitong vaccine plant.

So magkakaroon po tayo ng advance market commitment, eh napakalaking number of doses po noon kumpara po sa makukuha nila sa Korea. At hindi lang po iyon, puwede rin po tayong mag-export sa Asian countries. Eh isa sa mga mararaming populasyon sa mundo, kumbaga nasa Southeast Asia po ang—or Asia mismo ang concentration ng mga populasyon, which is iyon po ang market ng bakuna, wala po sa Korea. Kaya po sila willing na magbigay at magdala ng kanilang teknolohiya.

Of course mayroon po iyang mga tinatawag na tech-transfer fee, mayroon po tayong royalty fee at kung anu-ano pa pong mga fee. So kikita po sila doon, kaya po nila gustong mangyari din dito. Of course hindi lang naman po ito puro financial gain ano po. Katulad po namin, kami po ay isang Filipino company, eh proud po kami na magkakaroon po tayo ng lokal na vaccine plant at proud din po kami na kami po ay isa sa mga makakatulong dito sa COVID pandemic. So, hindi lang po naman pera lang ang motibo para po ay gawin natin iyan.

So katulad po namin, more than 10 year na po namin na minumungkahi na tayo ay magkaroon ng vaccine plant. So kung pera lang po ito, naubos na po lahat ng pera namin para sa pagmungkahi nito at pag-research at pag-submit ng mga dokumento. Pero hindi po kami umaayaw, sapagkat nakikita po namin na ito ay bilang pagtulong. So nape-feel ko rin po na ganoon din po iyong mga Koreano, masayang-masaya po sila kapag nasa Pilipinas sila.

Naging experience namin noong 2009, 2010 na nagkaroon po tayo ng unang pandemic ng AH1N1 Swine flu pandemic at kami po ang kaisa-isang kumpanya na nakapagparating po ng bakuna noon. And similar po sa mga nangyayari ngayon, nahirapan din po kaming mag-source ng bakuna noon. Kaya po pinaghandaan po namin iyon at pinag-isipan na dapat eh magkaroon po tayo ng lokal na vaccine plant para sa ganoon ay hindi po tayo mahirapan ng pag-a-angkat ng bakuna lalo na kapag may pandemic na na-experience na nga po natin ten years ago.

So ito po ay mahabang paghahanda na po iyong ginawa namin, kaya po mayroon na kaming mga design at mayroon na rin kaming location na natingnan sa Clark Economic Zone po noon.

At hindi lang po ito para sa COVID, ito rin po ay puwedeng gamitin sa mga susunod pang pandemya. Habang wala pong pandemya ay magpu-produce po kami ng mga dati ng kinakailangan na bakuna ng DOH or ng gobyerno na para-parati nilang ini-import taun-taon na kadalasan ay puro pambata po diyan. May programa po tayo diyan, iyong tinatawag Expanded Program of Immunization. Lahat po iyan ay imported, wala po ni isang local na production niyan.

So, ang kagandahan po niyan, kung iyan ay magkakaroon din po tayo ng advance market commitment diyan po ay made-develop po natin ang ating kagalingan sa pagtuklas at paggawa ng iba’t ibang klaseng bakuna na hindi na po tayo umaasa or humihingi ng tulong sa iba’t ibang bansa para sa supply natin ng mga bakuna para sa ating mga new born babies.

So tayo po mismo ay makakapagtuklas at makakagawa sapagkat mayroon po tayong research and development facility rin dito sa aming pini-propose na vaccine plant. So iyan po ang mga kinakailangan na pakikipagtulungan sa ating gobyerno. So para din po ma-develop ang ating lokal na industriya.

Ang aming presentation po kay Secretary Ramon Lopez po ay punung-puno ng technological transfer; so magmumula po iyan sa paggawa ng raw materials, paggawa ng antigen at pag-formulate po noong bakuna at iyon pong tinatawag na sa dulo iyong fill and finish na nga, kasi na-finish product na. At kami po ang sinasabi po namin iyan po ay abot ng dalawang taon para gawin po iyong napakahabang proseso na iyan.

And sa amin naman po, dahil ang first priority po nga namin ay mag-produce ng COVID vaccine and which iyan nga po iyong kailangang-kailangan ngayon, puwede po nating baligtarin ang proseso. So hindi po tayo magsisimula sa raw materials, magsisimula po tayo dito sa dulo iyong tinatawag po na fill and finish.

So iyong fill and finish po kaya po nating gawin iyan ng isang taon at makakapag-produce na po tayo ng fill and finish.

So kung magsisimula po kami, bukas inaasahan po natin iyan na pagdating po ng Mayo ng susunod na taon eh puwede na po tayong magkaroon ng production local, galing sa fill and finish.

Ang fill and finish, ibig sabihin na finish na po iyong product and pini-fill na lang po natin siya sa mas maliit na container mula sa malaking container. So ilalagay na lang po natin siya sa mga vial kung saan po nakikita ninyo madalas ang bakuna or sa syringe na po or sa pre-filled injection. So doon po natin siya inilalagay.

Ang kagandahan lang po nito, eh tayo po ay makakapagmadali ng pag-production locally, pero iyan po ay hindi nagdudulot ng malaking technological advantage, sapagkat wala po tayo diyan na nakuhang technology, inilipat lang natin, isinalin lang po natin.

Kaya po ang inaadhikain po namin eh magkaroon po talaga ng full capacity mula sa research and development, mula sa pagtuklas at pag-discover ng bakuna, mula sa raw materials, sa paggawa ng antigen and then sa pag-formulate, and then saka po iyong dulo fill and finish. Dahil lang po may malaking pangangailangan po kaagad ngayon, kaya po binaligtad lang namin iyong proseso para lang po may mai-supply na rin po tayo kaagad-agaran sa ating mga kababayan, so mag-Fill and Finish po muna tayo.

Napakalaki po ng chance din na hindi ka bigyan ng raw materials, hindi ka bigyan ng finish product na ililipat mo lang sa mas maliit na container para i-distribute sa ating mga kababayan. Umaasa pa rin po tayo sa sobrang supply or excess sa other countries. So iyon po ay panandaliang solusyon.

Alam naman po natin na mayroon po tayong pandemic n nangyayari. So kung kinakailangan po natin kaagad-agaran ng vaccine supply at hindi po tayo makapaghintay, eh isa po sa mga solusyon iyon, mabilisan po na within one year magkakaroon po tayo ng production kung mayroon po tayong supply noong bulk na tinatawag. Eh kaya nga po ang strategy namin, para maging riyalidad po talaga iyan ay in parallel, ibig sabihin po sabay po naming ginagawa itong Fill and Finish na factory or manufacturing plant and sabay po iyong formulation plant po natin na talagang kumpleto magmumula po sa raw materials, sa antigen para gawin po iyong finished vaccine.

So, kailangan po sabay iyan, sapagkat nga po kung isa lang at lalo na kung pinili natin eh Fill-and-Finish lang, eh wala po tayong tech transfer na natutunan po roon, iyon po iyong aming strategy na nakikita, para ito ay mas maging mas riyalidad para sa ating Pilipinas at para makatulong din po tayo kaagad sa ating bansa, sa gobyerno, lalung-lalo na po kay Presidente Duterte sa kaniyang laban against dito nga sa COVID.

SEC. ANDANAR: Nakatutok pa rin kayo sa Cabinet Report at kasama pa rin po natin si DOST Secretary Fortunato “Boy” Dela Peña. Secretary Boy, itong pandemya has given rise to superlatives. The logistics industry calls vaccine distribution, its mission of the century. Itong hangad natin na vaccine self-reliance ay no less significant, buhay at kinabukasan natin ang nakasalalay dito. Is the DOST up to the challenge, is the science Community in the Philippines up to that challenge?

DOST SEC. DE LA PEÑA: It has been a challenging period, full of challenges, but full of opportunities also. For example, tapusin na natin iyong sa vaccine ano. Itong mga therapies o therapeutic na ating inaaral, nagsimula kami dito sa mga natural products – VCO, Lagundi, Tawa-Tawa – pero ngayon ay mayroon na kaming mga ibang mga clinical trials na synthetic drugs naman ang sinusubukan. Dahil nakikita namin na actually kaya naman natin eh, kaya naman natin at we have I think, one of the best community of clinical trials practitioners in the Philippines.

Malaking grupo sila at in fact iyong mga gustong mag-clinical trials dito, siguro nababalitaan din nila na magagaling iyong mga clinical trialist sa Pilipinas. Kasi, kamukha noong mga nakausap namin doon sa vaccine evaluation and selection, kapag ikaw, kapag ang bakuna mo ay sarili mong trial ang gagawin, ikaw nagasta lahat noon. Ikaw ang kukuha noong magi-implement na grupo dito, contract research organization at iyan marami tayong ganiyan, iyong mga grupo na contract research organization na sila na ang bahala, ibigay mo lang kung ano iyong kanilang gagawin diyan sa mga clinical trials na iyan.

Ang amin lang pinupondohan talaga na clinical trial dito sa mga vaccines ay iyong ating support sa WHO solidarity trial at saka iyong ibang mayroon na tayo, iyong mga recommended ng DOH.

Ngayon, hindi lang naman sa therapeutics, kung hindi pati mga devices. Alam mo isang taon na ang nakakaraan sinabi ng Pangulo, kung mayroong magdi-develop ng mga local ventilators, eh bibigyan ko ng reward, naaalala niya iyon noong mag-present ako last Monday. Kaya ako ay nag-submit kanina ng report kung ano na ang nangyayari doon namang sinusuportahan naming nagdi-develop ng local ventilators, siguro naman ay matutuloy na mabigyan ng reward.

Pero ang kondisyon kasi namin ang bibigyan ng reward ay iyong makakapag-commercialize, kasi kung prototype lang, hindi pa puwede iyon, kailangang magdaan sa clinical trials at magdaan sa production.

Pero hindi necessarily na isa lang. Kasi ang gusto ko, basta iyong top three na mauna. Ewan ko kung maaprubahan ng Pangulo iyong suggestion ko na iyon. But I really would like to recognize the efforts done by our private universities, by our universities at saka iyong mga start-up companies na nag-qualify doon sa aming criteria to do the researches on ventilators at mayroon pang ibang mga medical devices na nandiyan. So very challenging at nagkaroon kami ng pagkakataon na maipakita na kaya natin.

Siguro maidadagdag ko lang sa iyo, hindi ko alam kung dahil sa pandemic pero noong 2016 ang awareness level sa science and technology at sa DOST ay 6% lang. Unti-unti kaming tumaas, 2020 – 23% na.

So sana tuluy-tuloy pang maging aware ang ating mga kababayan sa kahalagahan ng science and technology. Ang aming tagline, “Science is for the People” – so iyan ang aming sinusunod.

SEC. ANDANAR: Ang pandemya ay muling pamukaw sa Pilipino sa halaga ng siyensya at sa kahalagahan nang paggawa ng sariling atin nang hindi tayo masyadong umaasa sa pagbili at sa pag-angkat. And this could be a boost to our confidence in ourselves and in our ability to build or manufacture. Care to comment, Secretary Boy?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Alam mo siguro on a personal note, I graduated during the period when most of my batch mates had nothing in mind but going abroad, going to the US. Kaya kung minsan pati reunion namin eh mahirap na kaming mag-reunion dito kasi karamihan sa kanila ay nasa abroad.

But I was one of those who had always been optimistic, okay, about our country. So umabot ng limang taon after my graduation, hindi po masyadong nagbabago, hindi pa nagbabago ten years. Hanggang sa ito nga, noong ako ay maging Secretary ay that was almost close to 50 years after I graduated from college. Pero hindi pa rin nawawala iyong aking paniniwala na aangat tayo sa pamamagitan ng science and technology kaya nandito tayo ngayon.

At siguro ang kailangan lang sa atin ay ma-recognize na marami sa ating mga pangangailangan ay puwede namang tayo ang gumawa. Hindi lahat ay iaasa sa iba. Kung minsan kasi naging mura lang nang konti, gusto mo na eh sa abroad na imported ‘no. Medyo naiba-iba lang nang konti ang itsura, mas gusto mo na iyong imported. Pero siguro iyan ay… ewan ko kung papaano natin matuturuan. Sa akin ay nakikita iyan sa halimbawa eh, sa pamamagitan ng halimbawa.

At hindi lang naman sa mga may kinalaman sa pandemya ang aming nagawa, even my predecessor, si Secretary Montejo. Ang kaniya namang tagline ay “Local Technology Works” kaya nag-umpisa siyang gumawa nitong mga local hybrid train, nitong iba’t ibang mga ika nga eh pagma-manufacture ng mga sarili nating equipment used by our small and medium enterprises na kaya naman nating gawin dito, bakit kailangan pang i-import. Eh iyan ay napatunayan naman namin na iyong performance ng mga produkto dito ay maganda.

Sabi ko nga noong araw, natatandaan ko noong bata kami ang aming mga gamit, mayroon man kami noon ay puro stateside. Halimbawa bentilador, GE okay. After that, ibang panahon na, ang transistor ay made in Japan na, medyo mura pa pero marurupok ‘no pero after a while iyong Sony ay sumikat. Eh pagkaraan noon ‘andiyan na iyong mga Korean products na. Nagsimula naman sila hindi naman sila ganoon kagaganda at ang quality pero habang tumatagal ay nai-improve nila hanggang sa… eh ngayon kung saan-saan na tayo nag-i-import. Pati kape natin ini-import sa mga kapit-bansa, mga ganoon na kayang-kaya naman natin dito at mas marami pa tayong magagawa.

So siguro sa ngayon ito ring pandemic ay may mga aral naibigay sa atin. Kaya natin na gawin iyong mga pangangailangan natin. At ika nga hindi naman kailangan mag-start tayo from scratch kasi available na rin naman iyong mga technologies, open na iyong iba. Kailangan na lang natin i-translate into production.

SEC. ANDANAR: Pilipinas, may isang kasabihan na attributed o galing daw kay dating British Prime Minister Winston Churchill – “Never let a good crisis go to waste.”

Hinaharap natin ngayon ang krisis ng kakulangan ng bakuna; sa isang dako, patuloy ang pamahalaan sa pag-source ng supply ng bakuna kung kaya halo-halo na ang pinanggagalingan ng mga dumarating dito – may mga binili, may mga donasyon.

At sa kabilang dako naman, ito na, nagpasya na tayong gumawa ng sarili nating bakuna. ‘Di na ito bago sa atin, ginawa na natin ito dati, nagpadala pa nga tayo ng bakuna sa China noong 1939 kung pagbabasehan ang picture na ipinakita ni Sec. Boy kanina. At tulad niya, ako’y paniwala na kaya ulit nating gawin ito muli.

Siguro napapanahon na rin na sa kabila ng krisis na hinaharap natin ngayon, pag-isipan natin: Can we be more self-reliant as a person, as a community, as a country? Siguro iyan na rin ang isang dapat maging legacy ng pandemya, na pagkatapos nito ang Pilipino ay sana mas self-reliant dahil kaya naman natin.

Ipagpatuloy po natin ang pagtutulungan at panalangin hindi lamang para sa ating sarili kundi para na rin sa labis na apektado dito sa atin at sa mundo.

Para sa Cabinet Report, ito po si Communications Secretary Martin Andanar. Mabuhay po ang Pilipinas; mabuhay ang Pilipino!

###


News and Information Bureau-Data Processing Center