Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (By Deo Macalma / Isyu / DZRH)

DEO:                                                       Secretary Martin Andanar, sir. Secretary magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR:                              Lakay Deo, good morning. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa inyong programa at congratulations po at bukas ang inyong anniversary.

DEO:                                                       Opo at inaantabayanan po namin ang iyong pagdating dito, Secretary. At puwede bang mahatak si Presidente?

SEC. ANDANAR:                              Alam mo, Lakay ano eh, sabi ko nga kasi nalaman ko last week, tapos eh nagkataon naman na meron akong biyahe sa Butuan bukas. Gusto ko sanang pumunta, pero just the same sabi ko anu na lang, ikain n’yo na lang ako, Lakay.

DEO:                                                       Sige po, itatagay ko na lang kayo ng Emperador bunso, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR:                              Ayon, Emperador, masarap ihalo iyan.

DEO:                                                       Anyway Secretary, pag-usapan nga natin ang SONA ng Pangulong Digong. Unang-una eh, ano ba ang inaasahan natin sa SONA ng Pangulong Digong sa July 24, Secretary, sir?

SEC. ANDANAR:                              Salamat sa tanong Lakay. Unang-una, ay merong mga kaunting adjustments lang tayo. Maglalagay tayo ng interpreter, iyong marunong mag-Bisaya at Tagalog, para kung saka-sakaling mag-Tagalog si Presidente, mag-Bisaya sa kanyang speech ay meron kaagad mag-i-interpret para doon sa ating mga Diplomatic Corps; para maintindihan nila.

Tapos meron din tayong iyong sign language para sa mga deaf-mute natin sa telebisyon at mamimigay din tayo ng mga brochure na may mga picture ang mga congressmen sa ating Pangulo sa gallery ng Kongreso pati na iyong mga congressmen, mga senador, mga bisita bibigyan po.

Kung ano po ang lalamanin doon sa speech ng ating Pangulo, patuloy po tayong nangangalap ng report mula sa ating mga ahensiya at iyon nga, kasi  siyempre sa laki ng burukrasya, medyo hindi po ganoon kabilis iyong pag-report ng iba and we will base it doon sa konteksto ng mga accomplishment ng ating Pangulo. But then again, siyempre meron pong mga bagong isyu, di ba, Lakay. Halimbawa, iyong sa martial law at iyong pinakabagong isyu iyong kagabi iyong binanggit ni Presidente, iyong resurgence ng droga. Di ba binanggit niya doon sa Bucor na bumalik doon sa NBP at kung hindi na masolusyunan talaga, siya na mismo ang magdi-director dito.  Sabi niya kagabi.

DEO:                                                       Kaninong barko ba iyon, iyong sabi, lahat daw ng mga drug lords, isasakay sa barko at lulunurin na lang sa dagat.

SEC. ANDANAR:                              Oo, iyon ang sinabi niya. So, the issue of drugs is really huge and in fact na…iyon nga na bumalik dito sa Bucor doon sa…mga drug lord na nagko-connect muli, cellphone lang ang katapat tapos ang preso. These are the new issues and of course in the context na marami na pong na-accomplish ang ating Pangulo sa isang taon. So, palagay ko ay na sa Pangulo na iyon kung ano ang gusto niyang isama – accomplishment, iyong mga hindi pa natapos na pangako at kung anu ang mangyayari for the next five years.

DEO:                                                       Ano ang pagtingin ng Pangulong Digong, Secretary Andanar, dito sa kanyang kampanya sa illegal drugs. Dahil nung kampanya, sabi niya nung kanyang unang SONA ay tatapusin within six months yata iyong pangako niya na tapusin ang illegal drugs, pero ngayon po ay isang taon na ang Pangulo, ito bumabalik na naman po ang issue ng illegal drugs, Secretary, sir?

SEC. ANDANAR:                              Oo, talagang very huge and a frustrating problem itong droga, pero ang pangako ng Pangulo ay hindi niya ito aatrasan at tatapusin niya talaga ito. Nabanggit mo na six months nga ang pangako ni Presidente noon, pero ito po ay binago iyong ating timeline, iyong duration ng campaign, sapagkat na-realize po ng Pangulo na ganito pala kalaki iyong problema sa droga. Siyempre nung Mayor siya, wala namang available sa kanya na impormasyon na ni-report sa kanya ngayon. So, ngayon na nasa kanya na lahat ng intelligence, lahat ng impormasyon, then he realized that there are 4 million drug dependent tapos napakalaki talaga ng apparatus.

But be that as it may na malaking problema, nakita naman natin na binanggit muli ni Presidente kagabi iyong problema, resurgence at he again expressed his commitment na tatapusin itong problema sa droga.

DEO:                                                       Secretary, isa ibang isyu after droga, isa pang kampanya pangako ng Pangulong Digong, iyong wawakasan po ang endo, iyong contractualization, Secretary, sir. Ano ang update natin, ito ba ay ire-report na ng Pangulong Digong, may pagbabago po ba itong isyu ng endo, Secretary Andanar, sir?

SEC. ANDANAR:                              Oo, iyong endo talaga ay malaking problema iyan at ang humaharap diyan ay si Secretary Bebot Bello. Meron pong mga ibang industriya na maraming casual na ginawa permanent iyong kanya trabaho. Pero siyempre iyong kabuuan ay hindi pa talaga naso-solve iyan, iyong kabuuan. And there are negotiations going on between the Department of Labor and Employment pati iyong mga industriya na kailangan—kasi halimbawa na lamang, Lakay, iyong problema natin sa construction di ba. Mayroong construction company tapos iyong trabaho mo ay on a ano… contract basis, pagkatapos iyang kontrata, ano ang ipapasuweldo ngayon doon sa mga empleyado. So, that’s really a problem that they will have to solve kung papano; kung magtatayo ba sila ng isang special company para mag-hire doon sa mga karpintero, mga mason, etcetera. Tulad ng ginagawa ng mga security guard, di ba? Security guard meron silang mga special agencies. So, marami kasing sector sa negosyo na kailangang kausapin. Para mapatatupad na itong pagkalahatan na end of endo.

DEO:                                                       Sa positive side, Secretary, sir. Ayan ang sabi po ay Pangulong Digong napakaraming pinuntahan, biyahe na sa iba’t-ibang bansa. Ano na po, sir, ang naging resulta nito. Ito ba ay nakatulong sa ating ekonomiya, lumago ba, dumami po ba ang mga investors, Secretary, sir?

SEC. ANDANAR:                              Opo, kasi tama kayo, Lakay, kasi 35-46 billion US dollars iyong estimate ng mga financial managers natin at DTI Secretary Mon Lopez na papasok at pumasok at iyong mga papasok pa lang na pera na kinomit ng ibang bansa sa Pilipinas.

Alam mo meron po tayong 8 trilyong pisong kailangan i–raise na pondo para sa Dutertenomics, sa ‘build, build, build,’ iyong pagtayo ng mga heavy ticket infrastructure projects sa bansa natin. Kaya kailangan din tuluy-tuloy ang paglikom ng pondo mula sa mga investors; sapagka’t saan natin kukunin iyong pondo na iyon, eh malaki – P8 trillion.

In fact, iyong budget nga for 2018 – para lang sa infrastructure ha – ay nasa P1 trillion. And that is also one of the reasons why kailangan maipasa itong tax reform para mapondohan itong mga big ticket infrastructure project tulad ng mga subway. Although, iyong subway ay JICA naman iyon pero babayaran pa rin natin iyon kahit JICA iyon ‘di ba.

DEO:                                                       Loan pa rin iyan.

SEC. ANDANAR:                              Hindi naman ibig sabihin libre. Ang maganda sa JICA, mababa iyong kanilang interes. So iyong mga railway natin mula Manila hanggang Bicol at doon sa lugar—

DEO:                                                       Hanggang Central Luzon.

SEC. ANDANAR:                              Hanggang Central Luzon, oo, hanggang doon sa Ilocos. So mga ganoong projects, so Mindanao Railways. These are the good news kasi kasama na po iyong budget nito doon sa General Appropriations for 2018.

DEO:                                                       Ayan, oho. Isa pa, Secretary, sir, ang Pangulong Digong ba ay pupunta nga ba sa Ormoc City ngayon? At sabi niya, tatangkain pa raw niyang pumunta sa Marawi at gusto niyang pumunta roon na mayroon pang labanan; ayaw daw niya iyong tapos na ang labanan.

SEC. ANDANAR:                              Oo, iyon po iyong binanggit ng Pangulo natin eh, na gusto niya talagang pumunta ng Marawi. Kaso ang problema ay iyong panahon—

DEO:                                                       Ah iyong panahon.

SEC. ANDANAR:                              Oo, iyong panahon mismo ang magiging problema. Pero iyong sa Ormoc ay supposedly today. Hinahanap ko nga iyong schedule pero wala sa harapan ko ngayon eh, maibibigay ko sana sa’yo.

Pero ganoon pa man, gusto talaga ng Pangulo natin na mabisita iyong mga sundalo natin doon sa Marawi habang nagbabakbakan. And this is even against the advice ng ating PSG. So nangangahulugan lamang na ang ating Pangulo po ay nakikiisa talaga sa ating mga sundalo, sa hirap ng kanilang pinagdaraanan. Sinabi niya nga kagabi, eh kung pupunta ka doon, ibig sabihin ay handa ka nang mamamatay. Iyon ang sabi niya.

DEO:                                                       Secretary Andanar, kapansin-pansin noong mga nakalipas na ilang araw ay masyadong busy, ayan ang daming engagement ang Pangulong Digong. Ano ba ang nangyari kay Pangulong Digong? Siya ba ay nagpa-stem cell talaga? [Laughs]

SEC. ANDANAR:                              Alam mo, Lakay, nung starts kami nung last year, iyong unang 365 days niya sa Palasyo, sa Malacañang, People’s Palace, ay naka-1,355 activities siya. That’s an average of four activities a day na out of 115 available rest days, 76 lang iyong ginamit na rest day; at doon sa 76, mayroon pang mga private meetings. So makikita natin kung gaano kasipag po si Pangulong Duterte. Kagaya po ngayon, iyong lumalabas ngayon na ang dami niyang pinupuntahan, he just continues to do what he is doing. He is working hard for the country, and he is working hard for the people.

Kitang-kita naman natin na talagang kinakausap niya iyong mga mahihirap nating mga kababayan; pinupuntahan niya iyong mga sundalo, lahat as in …. Siguro ganoon talaga, Lakay, kapag iyong background mo ay iyong local politics o local governance kasi malapit ka talaga sa masa eh ‘di ba. Tandaan natin, he was a mayor of Davao for 23 years, at iyon talaga ang ginawa niya sa Davao. Kaya hindi tayo magugulat na iyong SWS na survey, nasa 78% iyong tiwala ng naniniwala sa kaniya sapagka’t hindi naman siya nawala. Iyong iba kasi kapag nanalo sa kampaniya, nawawala na, ‘di ba? So si Presidente ay umiikot pa rin.

DEO:                                                       Pati biktima ng massacre sa Bulacan, pinuntahan pa niya.

SEC. ANDANAR:                              Oo, ‘di ba. So we have a President who is not lazy. Mayroon tayong Presidente na nagtatrabaho—

DEO:                                                       Masipag.

SEC. ANDANAR:                              Masipag talaga. So let us not be surprised kaya ganoon ang tiwala ng taumbayan. Tayo ay nagpapasalamat, Lakay, sa mga kababayan natin na patuloy pa ring sumusuporta sa ating Pangulo. And we need your support more than ever, sapagka’t of course, hindi pa naman tapos iyong gulo diyan sa Marawi. Sabi nga ni Presidente, 15 to 20 days pa iyan.

DEO:                                                       Kaya tuloy parang ayaw kong maniwala doon sa sinasabi ni Senator Kit Tatad eh. Parang mas naniniwala ako doon sa sinasabi ng aking mga bubwit sa Davao na mukhang nagpa-stem cell ang Pangulong Digong. [Laughs]

SEC. ANDANAR:                              [Laughs] Baka mas kailangan nating dalawa iyan, para lang bumata tayo. Pero ano ba ang sikreto mo bakit ikaw ay …

DEO:                                                       Ginagaya lang kita, Secretary Andanar, clean living.

SEC. ANDANAR:                              Akala ko eh nagpapa-stem cell ka.

DEO:                                                       Kaya ko tinatanong, sir, baka mamaya ay nagpa-stem cell ang Pangulong Digong, lumakas na naman, masyadong visible. Baka puwede rin na nating puntahan iyong kaniyang pinupuntahan kung totoo iyan.

SEC. ANDANAR:                              Mayroon akong pinupuntahan, Lakay, isasama kita doon.

DEO:                                                       Ganoon ba, sige puntahan natin.

SEC. ANDANAR:                              Nandito lang sa Fort Bonifacio. Isasama kita doon, na mayroong sikreto na pampababata. Isasama kita doon.

DEO:                                                       [Laughs] Kailangan mapasyalan natin ha. Napuntahan na ba ni Presidente Digong iyan?

SEC. ANDANAR:                              Hindi pa.

DEO:                                                       Sige, papasyalan natin iyan, Secretary. Secretary, sir, maraming salamat—teka muna, isa na lang, sir. Sino ba ang magdidirek nga pala sa SONA ng Pangulong Digong? Iyong si Director ano nga ba, anong pangalan noon, iyong movie director?

SEC. ANDANAR:                              Si Brillante Mendoza.

DEO:                                                       Ayan, Brillante Mendoza.

SEC. ANDANAR:                              Oo, si Direk Brillante Mendoza ay willing pa ring mag-direct. So ang tanong ko na lang kung … kasi noong huling pag-direct niya sa atin, hindi naman siya nagpabayad ‘di ba, so libre. Sasabihin ko, baka hindi ko na ma-afford ito kasi Cannes award-winning director ito eh. Premyadong director eh. Pero ito would be good to have him again para at least ay maayos iyong ano natin…sa sanay na ito, na-experience na niya eh. And then, konting adjustments na lang. Alam kong mayroong mga shots na hindi gusto nung ibang mga kababayan, the last time, mga konting adjustments. But I will talk to Direk Brillante Mendoza kung puwede ba siya.

DEO:                                                       Okay. Secretary, sir, maraming salamat. Magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR:                              Salamat po. Mabuhay po kayo.

##

Resource