Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Rolly Gonzalo (DWIZ – Balitang Todo Lakas)


ROLLY: Secretary, Happy New Year po.

SEC. ANDANAR: Happy New Year, Lakay. Good morning.

ROLLY: Sa ngalan ng DWIZ, sa ngalan ng ating liga ng mga brodkaster sa Pilipinas. Well, of course we’d like to thank the good Secretary dahil lahat yata ng mga parties ng mga media groups ay nakiisa siya sa atin, halimbawa dito sa DWIZ.

Sir, thank you for joining us, kahit hindi ka nakarating, pero pinarating mo ang iyong presensiya sa napakaraming mga okasyon in the past. Thank you, in behalf of the DWIZ at saka siyempre iyong ating Broadcaster’s Forum sa Quezon City. Thank you.

SEC. ANDANAR: Good morning, Lakay.

ROLLY: Well, aba ang isyu ngayon eh itong TRAIN. Ang dami nang ninerbyos, Secretary, dahil puro pagtataas ang pinag-uusapan – taas sa kuryente, tubig, gasolina, softdrinks. Papaano natin ia-appease iyong medyo kabadong… na kaba na nararamdaman ng ating general public, Secretary?

SEC. ANDANAR: Alam mo unang-una sa lahat, Lakay, iyong lahat ng mga kababayan natin na sumusuweldo from 110,000 pesos a month pababa ay talagang babagsak po iyong kanilang bayarin sa income tax, kung hindi wala nang income tax. 99% po ng ating mga kababayan ay bababa po talaga iyong pagbayad nila sa income tax.

Number two, iyong pondong malilikom diyan sa TRAIN na iyan ay ito po iyong gagastusin din ng ating pamahalaan para sa infrastructure projects. Number three, iyong paghuhugutan po ng pondo para sa state universities and colleges. So savings na rin po iyon para sa ating mga kababayan. At ito rin po iyong para sa health services ng ating gobyerno. Marami rin po ang mga pakinabang dito bukod diyan, kasama na diyan iyong estate tax na from 20% bababa po sa 6%; iyong ___tax from 15% to 6%. Tapos iyong tax po ng mga malilit na negosyante ay mape-peg po siya sa 8 porsiento. Ngayon kung meron po tayong pagtaas ng presyo, meron din pong 150 billion pesos na estimated na tax relief, dahil nga dito sa lahat ng mga walang babayaran ng income tax ng ating mga kababayan.

Now, eventually, ito pong 150 billion tax relief, tapos iyong 80 billion na malilikom naman para doon sa kaban ng bayan dahil sa TRAIN ay ito iyong gagastusin ng gobyerno para sa mga infrastructure projects which will generate jobs, iikot po iyong ating ekonomiya. Kaya nga ang ating mga investors napakataas po ng kanilang confidence sa ating merkado, kasama po iyong mga hot money na pumapasok po diyan sa Philippine Stock Exchange. As a matter of fact, record high na naman sa pagpasok po ng bagong taon.

So itong lahat po na ito na ginagawa ng ating pamahalaan na reporma ay para ho talaga sa kapakanan na mas lalo pang lumakas ang ating ekonomiya, kapakanan ng ating bayan.

ROLLY: Well, speaking of build, build, build nitong nakaraang pagtatapos ng taon eh ako eh umuwi ng Ilocos at aba napakabilis ng biyahe dahil sa nabuksan na naman iyong isa pang exit sa TPLEX. Eh iyong next eh iyong Rosario, La Union na. Alam ko by the middle of this year bubuksan na rin, kaya napakalapit na ng Baguio, napakaapit na ng Ilocos. Kasama iyan sa mga build, build, build projects natin.

So, kaunting sakripisyo ang sinasabi ninyo at eventually, ano ang tawag dito, mararamdaman natin itong lahat ng mga ipinangako ni President Duterte.

Pero mukhang ang problema yata, Secretary, may balak iyong isang grupo sa Kongreso, iyong Makabayan bloc, na kuwestyunin iyong tax reform law sa Korte Suprema, Secretary?

SEC. ANDANAR: Wala namang problema iyong pagkuwestyun, dahil bahagi naman ho talaga iyan ng proseso. Pero balikan po natin iyong pakinabang ng ating mga kababayan. Ngayong Enero pa lamang, halimbawa kung kayo po ay sumusuweldo ng 15 mil hanggang 20 mil wala po kayong babayarang income tax. Ngayon po kung kayo po ay sumusuweldo ng 25,000 ang additional take home n’yo po sa inyong pamilya ay nasa 3,200 plus. Kung kayo po ay sumusuweldo ng 30,000, iyong additional take home ninyo po ngayon sa TRAIN, this month, 3,700. Pag ang sweldo n’yo po ay 35,000, ang additional take home n’yo po ay 4,900 plus ang inyong additional take home.

Now, iyong sinasabi ko po, iyong monthly salary, kung ikaw po ay sumusuweldo ng 110,00 a month, ang additional take home n’yo po ay 7,340 and so on and so forth. So, itong mga benepisyo na ito I am sure na pati ho iyong mahistrado natin ay naiintindihan nila ito and I am sure that we when get to talk to workers also na who appreciate itong TRAIN law na ito. So I think hindi po magkakaproblema pagdating sa Supreme Court.

ROLLY: Maliban lang kung—busy po ang ating CJ, impeachment hearings. Sana naman magkaroon sila ng panahon para pag-usapan.

SEC. ANDANAR: Oo, oo naman. It’s their job to interpret the law. Pero again, iyong pakinabang outweighs the cons of the TRAIN law. Kahit sino ang kausapin mo na taong sumusuweldo ng 21,000 a month, sasabihin hindi nila ako magbabayad ng income tax magmula ngayon, tataas na iyong aking ano…mas malaki na ang aking maiuuwi.

Number two, dito rin po kukunin sa pondo na ito, iyong 200 pesos na relief assistance to mitigate the inflation para sa sampung milyong Pilipino mula ngayong Enero hanggang Hunyo ngayong taon na ito. So talagang makikita natin na pinaghandaan po talaga ito ng gobyerno.

ROLLY: Okay, siguro ang problema natin lang natin ngayon, Secretary. Iyong mga nagte-take advantage na mga negosyante. Kasi ang panawagan ay wag munang magtaas lalo na iyong mga may mga lumang stocks pa, hindi ba. So iyan siguro ang panawagan ng Malacañang?

SEC. ANDANAR: Oo. Kasi alam mo, number one, iyong concentration ho talaga ng Department of Finance at BIR ngayon iyong para siguruhin na ma-implement itong income tax clause ng TRAIN, sapagkat ngayong Enero kailangan matutukan iyan. Ngayon iyong excise tax portion ng TRAIN eh wala pa hong IRR na nare-release iyan, wala pa. So sinabi ng Department of Finance na antayin n’yo lang.

And tama ka, iyong mga nakaimbak ngayon na langis dito sa mga oil refineries ay nabayaran na ho iyong dating income tax, iyong dating excise tax. So hindi pa na-apply iyong bagong excise tax… at meron pang supply noon. So kailangan maubos mo iyong supply na iyon, that’s why tama ka na kailangan maging transparent sila sa mga retailers at sa mga mamimili. So iyon hong supplier, dapat lahat doon sa imbakan mismo, sa refinery, dapat maging transparent sa retailers. Ang retailers din dapat maging transparent sa merkado.

ROLLY: Siguro sumampol tayo, Secretary, sa mga medyo pasaway. Mga nagte-take advantage, mga nagsasamantala.

SEC. ANDANAR: Opo. Kailangan talaga hulihin sila ng DTI, hindi naman puwedeng makalusot sila ng ganyan. Basta ang mensahe sa mga kababayan natin is that: tayo pong lahat, buong gobyerno, buong Pilipinas, buong sambayanan ay makikinabang dito sa TRAIN law at makikita natin na this is very pro poor.

Tandaan n’yo po, maraming pinirmahan si Presidente na mga batas na pro-poor, kasama na po iyong libreng edukasyon sa mga state universities and colleges; iyong mga binibigay po ng ating Pangulo sa ating Department of Health, para sa health services ng mga mahihirap; iyong conditional cash transfer, may dagdag na bigas sa conditional cash transfer; iyong pamimigay ng lupain sa mga kababayan natin. So lahat po ng ito—

ROLLY: Iyong libreng irigasyon.

SEC. ANDANAR: Libreng irigasyon sa mga kababayan natin. Tandaan n’yo po dito rin sa TRAIN law ay VAT exempt iyong mga raw agricultural products. So marami, VAT exempt po iyong mga gamot para sa may hypertension, para sa may diabetes, high-cholesterol. So marami po talagang pakinabang lalung-lalo ang ating mga kababayan na mahihirap.

ROLLY: Okay, naubusan ako ng oras, Secretary. Pero sasamantalahin ko. May kasunod pa ba si MARINA Administrator?

SEC. ANDANAR: Patuloy po iyong imbestigasyon ng PMS sa mga high officials na bumibiyahe po ng junket, patuloy po iyan.

ROLLY: Ang hirap yatang i-define iyong junket na biyahe, Secretary ha.

SEC. ANDANAR: Well, actually makikita mo naman eh. Kasi meron kasing mga opisyales na nagpapa-invite. Halimbawa nagpapa-invite doon sa iba, na makikita mo naman kung may pakinabang talaga sa ahensiya o wala eh. So madali lang tingnan iyan.

ROLLY: Okay. Secretary salamat.

SEC. ANDANAR: Salamat, mabuhay ka.

###

Resource