Q: Good morning Secretary. Galit na galit daw ang Pangulo sa maraming biyahe. Eh kayo daw marami ring biyahe, Secretary. Magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Good morning, good morning Congressman Angelo. Good morning din kay Henry.
Alam mo meron kasing isinulat iyong isang online na pahayagan na nasa sampung biyahe daw ako. Totoo naman naka-sampung biyahe tayo, pero ang hindi po binanggit doon sa isinulat ay anim sa sampung biyahe doon ay, number one, either binayaran ko ng personal – merong dalawang biyahe doon – at iyong apat doon ay sponsored trip ng China at ng isang foundation sa United Kingdom.
At itong lahat ng ito, although sponsored siya ay merong kabuluhan sa opisina po ng PCOO. Number one, ito pong Freedom of Information na tayo po ang proponent, tayo po ang nag-champion, isa po ito sa nagkumbida sa atin. Sapagkat tayo po ang kauna-unahang administrasyon sa Pilipinas ang nakapagpirma ng Freedom of Information after more than 20 years na ito ay ipinaglalaban sa Kongreso.
Number two, ito pong sa China na sponsored trip ay nakapaglikha po ito ng mahigit 70 million pesos worth of donations from China for the PCOO, for Radyo Pilipinas at ito po ay first time na nangyari po ito na may nag-donate po sa PCOO ng 70 million para mapaganda Philippine Broadcasting System facilities; at meron pang karagdagang 150 million na papasok.
At ito pong ibang mga biyahe, iyong sabi ko iyong personal. Of course personal ko iyon, binayaran ko iyon. Binisita ko po ang aking pamilya doon sa Australia. At iyong biyahe naman doon sa UAE, ito po ay stop over. So alam naman natin, sayang din iyong stop over, sabi ko kailangang kong kausapin iyong mga distressed OFWs sa konsulado; kahit po i-check po nila sa konsulado.
At iyong biyahe po naman sa Paris, ito po day trip. Kapag ikaw po ay nasa UK na, puwede kang mag-day trip at tayo po ay kinumbida ng Filipino community sapagkat marami po silang tanong sa communication, kung papaano salagin iyong mga negative press doon sa Paris. Ito po ay bahagi ng trabaho ng PCOO; ang trabaho ko, na kailangan na siguruhin na hindi po tayo dehado pagdating sa komunikasyon sa ibang bansa.
Marami pong mga kasunduan pa na… like last week po, nagpunta po dito si Minister Seiko Noda ng Internal Affairs and Communications ng Japan para po sabayan po tayo sa pag-launching ng digital television broadcast, emergency warning system at iyong datacasting dito po sa PTV.
Q: So kahit iyong personal ninyong biyahe—gumamit kayo ng trabaho?
SEC. ANDANAR: Iyong personal po na biyahe, tama po kayo Congressman. Iyong personal po na biyahe doon sa Australia, bagama’t personal, ay kinausap po natin ang Filipino community ng tatlong beses. At nakipag-meeting po tayo sa Department of Foreign Affairs and Trade (DFAT) ng Australia at ito din po ay naglikha ng libreng emergency broadcasting training para sa mga kasamahan natin sa government media. Sila po ay pupunta na dito early February para i-finalize po iyong scholarship na ibibigay po sa atin ng Australian government.
Q: Secretary, galing din daw ho kayo ng bansang Amerika with Secretary Esperon. Ano daw ang inyong ginawa doon, naman?
SEC. ANDANAR: Okay. Number one, tayo po ay kinumbida para saksihan ang inauguration ni President Donald Trump. Number two, tayo po ay kinumbida din ng Philippine Asia Society para po sa kanilang mga queries, sapagkat bago lang po iyong administrasyon ni Presidente nung time na iyon. That happened last year mga January and then so many questions. Kasama ko po doon si Secretary Esperon at kami po ay personal na nagpaalam kay Pangulong Duterte. At bukod doon kinausap po natin ang local media doon sa Washington D.C. Nagpunta po tayo ng New York City, sapagkat iyan po ang hub ng media sa America.
So bilang PCOO Secretary kailangan ko pong kausapin ang mga US outfits tulad po ng CBS, NBC, Filipino Community din at Filcom media. Now, kung sa East Coast ay New York, sa West Coast po naman ay L.A. Kanya po we took the opportunity also – since iyong stop over ay sa L.A. – to talk to the Filipino media sa L.A. at kausapin din po iyong mga Filipino doon. Kasi kung matatandaan ninyo, kasagsagan po iyon ng bakbakan sa US media ng mga anti-Digong forces at mga DDS naman. So kailangang po natin back-upan iyong ating mga DDS.
So lahat po ng iyon ay meron pong katuturan. Kaya siguro dapat laliman pa iyong investigative report.
Q: Imbitahan n’yo na lang kaya yung Rappler pagka-lalakad kaya para alam nila kung ano ang resulta nung lakad ninyo.
Secretary, ang hinihingi nung bagong kautusan ng Pangulo, iyong memorandum, eh kung ikaw ay bibiyahe kinakailangan talaga worthy iyong… lalo kung gastos ng gobyerno ano ho. Iyong mga pagbiyahe ninyo o iyong mga future biyahe ninyo—Well, dito na tayo siguro sa mga naging pagbiyahe ninyo. Maliban doon sa binabanggit ninyo, ano iyong mga pagbabago pa, ano iyong napala ng PCOO at ng taumbayan doon sa mga biyahe ninyo?
SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan. Sapagkat nagkaroon po tayo ng—bagama’t napakabilis lang po ng biyahe natin sa Russia with the President, eh nung pumunta po itong si Medvedev ay nakapagpirma po tayo ng isang memorandum of understanding cooperation with the Russian government. Ganundin po sa Cambodia; ganundin po sa Japan; sa China. At sabi ko nga nakapag-uwi po ng tayo ng 70 million na donasyon po, mga equipment galing sa China. Doon pa lang po ay bawing-bawi na iyong mga biyahe.
At number three, gusto ko pong i-highlight na anim po sa mga biyahe na iyon ay…that’s effect of ano… of sponsorships from other country and of course personally paid. Marami pong mga nangyayari sa PCOO at iyong mga pagbabago po ito ay itutuloy po natin.
Q: Hindi at saka hindi naman sinekreto iyon, lahat nitong binabanggit ninyo na-publish na rin eh.
SEC. ANDANAR: Sir, tama po. In fact, I was very transparent, ginagawan ko po ng istorya lahat po ng biyahe ko, lumalabas din po sa facebook, lumalabas din po sa Presidential Communications. Nagtataka nga po ako, kung bakit magiging selective iyong reporting, hindi po isinulat doon iyong mga positibong lumabas doon sa biyahe na iyon.
Q: Saka may freedom of information, so madali na lamang makukuha iyong mga impormasyong kailangan.
Q: Hindi mo nga kailangan ng freedom of information na-publish na eh.
SEC. ANDANAR: Iyon nga po eh, tayo po ay naging transparent. Ang tanong ko po bakit ginagawan ng anggulo iyong istorya ay hindi naman sinusulat iyong mga magandang nangyari dahil sa biyahe na iyon. Eh kung titingnan mo iyong facebook page ko lahat po ng mga magagandang nangyari sa PCO ay nandoon po, bakit hindi sinulat. Meron po tayong bagong Philippine News Agency newsroom, nandiyan po; meron po tayong digital television, iyong Radyo Pilipinas po natin, na bagong-bago nandiyan po. Bakit ayaw pong isulat iyon, eh bakit gagawan po ng mga malisyosong anggulo iyong istorya.
Q: Well said, well explained. Salamat po.
Q: Maraming salamat. Magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Henry at maraming salamat Congressman Angelo. Mabuhay po kayong dalawa.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News Information Bureau)