Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Angelo Palmones and Henry Uri (DZRH – ACS Balita)


 

ANGELO:  Secretary good morning, maayong buntag.

SEC. ANDANAR:  Good morning Angelo, good morning Congressman. Good morning po kay Henry.

HENRY:  (DIALECT) Alam mo nung nagtatalumpati ang Pangulo, Secretary, katabi ko si Peng Aliño. Naku sabi ko, naku tinamaan ng magaling, siguradong itong binanggit na ito kinabukasan, kuwan na naman ito.

ANGELO:  Ang linaw-linaw namang nagbibiro ang Pangulo, sino ba naman—di ba, ibig kong sabihin, take it as joke. Sabi ng iba, misplaced daw iyong joke. Ganoon talaga magsalita ang Pangulo mo, ano ang magagawa mo?

HENRY:  Hindi.At saka kung hindi ako nagkakamali, bago naman siya nagsabi tungkol doon sa mga virgins, may binabanggit na siya na itong bibig ko, wag ninyo itong pansinin, di ba sabi niya ganoon.

ANGELO:  Okay,so much for that 42 virgins ano ha. Dito na tayo ngayon sa—Sec, ano ang impact noon pong iniuwing investment?

SEC. ANDANAR:  Aba’y siyempre unang-una malaking impact ito sa Indian community dito sa Pilipinas—

ANGELO:  Dahil?

SEC. ANDANAR:  –at iyong mga negosyante. Kasi alam mo, maraming gustong mag-invest dito sa bansa natin, specifically iyong ating mga kaibigan from India. Ang problema lang kasi ay hindi masyadong naha-highlight ito.. hindi tulad ng Singapore di ba na maganda iyong relationship ng India and Singapore in terms of business.  So ngayon binubuksan natin iyong ating merkado para sa India – which is by the way one of the biggest markets in the world – at maganda ito, makakadagdag ito doon sa mga negosyante na galing China, galing Russia na papasok sa merkado. Ibig sabihin mas lumalaki po iyong oportunidad ng Pilipinas for investments outside the country coming in.

ANGELO:  Kasi bukod sa gamot, wala tayong masyadong ini-import pa from India ano.

SEC. ANDANAR:  Opo, kaya nga interesado rin dito iyong—apart doon sa gamot, na interesado rin iyong information technology, IT, Tourism, interesado rin iyong wellness, iyong natural wellness, mga organic. As a matter of fact, itong pinakamalaking wellness center sa Batangas pagmamay-ari ng Indian, binili nila because napakalaking negosyo ang wellness sa India.

So just imagine, hindi ba Congressman, bubuksan natin ang ating merkado to more than 1.3 billion people na puwedeng pumunta dito.

HENRY:  Iyan ba iyong ano Secretary, San Benito Farm sa Lipa?

SEC. ANDANAR:  I am not sure if it’s San Benito Farm. Iyan yata iyon the Farm.

HENRY:  Yes, so San Benito Farm sa Lipa.

SEC. ANDANAR:  Oo. Binili iyan ng isang Indian at napakayaman diyan sa New Delhi. So ngayon, by opening our market to IT, to tourism, to pharmaceutical, mga wellness institutes from India, mas mabubuksan iyong bansa.

Hindi ba sabi nga ni Presidente noong una ay we are friends to all, enemies to none. Independent foreign policy, we’re opening our market to everyone. Ito na ang sinasabi natin na hindi lang po China, hindi lang po Russia, ito India mismo, where India is also opening its market to the rest of ASEAN, which is very good.

HENRY:  As of 2017 pala, partner, in fact April 2017, ang number one export dito ng India is vehicles, at railways equipment.

ANGELO:  Talaga?

HENRY:  Oo, 72.87 percent in fact, yung Mahindra is planning na mag-invest pa uli rito sa ating bansa.

ANGELO:   Mahindra, India ba iyan?

HENRY:  Oo, Mahindra…

SEC. ANDANAR:  India.

ANGELO:  Ang alam ko Tata.

HENRY:  Hindi, Mahindra.

ANGELO:  Pharmaceuticals talaga malaki, kasi global drug pusher ang—

HENRY:  Anong global—

ANGELO:  Sila ang nagpu-push ng mga gamot, hindi illegal drugs naman ang iniisip mo…global provider. Hindi lang ethical, mas murang gamot. Alam mo partner, ang India kasi ay maraming biotech companies, so bukod sa pag-i-export sa atin ng gamot, tulungan din tayo na mapatatag ang research and development ng Pilipinas sa pharmaceutical development.

HENRY:  Pero Secretary, ang dami ng trip ng Pangulo, sunud-sunod, noong 2017 iyong trip ng Pangulo. Ito nga 2018, may bago iyong India.

Ano ang patunay na itong inyong mga pag-a-abroad na ito kasama ang Pangulo ay  meron ng pakinabang at nararamdaman na ng Pilipinas, hindi puro  kuwan na  lang  ito, baka puro kuwento lang ito?

SEC. ANDANAR:  Aba’y kita naman natin iyong ating stock market, nag-breach na ng 9,000 points. So napakaganda po ng confidence ng mga investors para sa bansa natin at nakakatulong itong pag-iikot ni Presidente sa iba’t-ibang mga bansa para patunayan sa kanila na talagang seryoso iyong bansa, that we are engaging them.

As a matter of fact, tuwang-tuwa nga si Prime Minister Modi na pumunta si Presidente Duterte sapagkat the last time na ininvite po si Presidente Benigno Aquino ay hindi po siya nagpunta, bagkus na nagpadala po ng representative. And this is how much the Indian government appreciates the presence of President Duterte. Of course coming from  being the Chairman of the entire ASEAN ito naman ay napakahalaga dahil 69th Republic Day, akalain mo, nandoon lahat noong sampung lider ng ASEAN tapos nagbigay ng napakagandang parade para sa buong India at ipinakita  talaga sa bansa natin at sa buong ASEAN kung gaano sila ka-powerful.

Siguro nakita ninyo sa TV iyong malalaking mga missile na dumadaan, naku,Diyos ko po, meron pala silang mga ganito. Meron pala silang—

ANGELO:  World power ang India…

SEC. ANDANAR:  May fighter jet sila, may mga sarili silang barko. Sabi ko, ibang klase pala itong India talaga, meron pala sarili ito. So isa pa iyon, iyong partnership natin with India sa security and fighting terrorism sapagkat malaki po ang maitutulong talaga nila, dahil alam naman natin na ang India is just right next to Pakistan at marami pong mga terorista ISIS na dumadaan—

HENRY:  Secretary, maputol ko kayo. In terms of kabuhayan, in terms of iyong mga malapit sa sikmura na proyekto. Ano ang pupuwede ninyong sabihing ito ang nangyari doon sa mga trip ng Pangulo na nakatulong na sa sikmura ng maraming Pilipino?

SEC. ANDANAR:  Well, iyong sa ating proyekto na build, build, build, iyong mga interconnecting highway na ginagawa ni Mark Villar, iyong mga bridge na ginawa ng DPWH na merong pera ang China nanggagaling doon; iyong pagbukas natin ng merkado natin sa Russia, in terms of the fruits that we send to Russia. Ito po lahat ng ito ay nakakatulong sa pangkabuhayan, sapagkat infrastructure projects, tapos iyong nabebenta nating mga produkto doon sa ibang bansa, bumabalik iyong pera sa atin.

Number three, dahil nga sa nakikita ng mga negosyante na seryoso si Presidente Duterte na makipag-usap sa kanila,  sila ay pumapasok sa bansa natin para mag-invest. Kaya napakataas ng ating stock market index ngayon… tingnan mo iyong stock exchange index at napakataas din ng ating GDP at iyong forecast ng Fitch rating.

ANGELO:  Okay. Sec. balikan ko lang iyong—Ano iyong mga specific products na gustong bilhin ng India from the Philippines? Napag-usapan ba?

SEC. ANDANAR:  Well, kasi maraming mga produkto, mga natural resources ang Pilipinas na puwedeng gamitin ng India, for example, iyong ating minerals, di ba? Ang mining sa natin ay malakas, naparami nating minerals.

ANGELO:  Oo sinasamantala tayo ng China.

SEC. ANDANAR:  Number two, iyong ating mga call center agents gusto nga nilang pumasok dito sapagkat—talagang it’s never enough itong mga call center agents na kailangan natin para maging ano… o magserbisyo para sa buong mundo, sa UK, sa America and they have the capacity to bring in technology also here and to hire our people.

ANGELO:  Alam ho ba ninyo ang ICRISAT, iyong parang IRRI naka-base naman sa Hyderabad, India. Marami tayong puwedeng matutunan doon sa mga institutions na ganoon. Sana nga hindi—iyon lang iyong pagpapalakas nga, kasi ang lakas nila sa R and D, ang lakas ng R and D  ng India, kaya malaking bagay sana iyon kung  kasama iyon sa mga tulong na ibibigay nila sa Pilipinas.

Teka muna, Sec. maiba ako. Ang instructions ni Presidente para sa mga delayed projects 30 days tapusin daw, lahat ng mga naka-tengga?

SEC. ANDANAR:  Talagang you have to understand that the President is in a hurry, nagmamadali tayong lahat para matapos iyong mga proyektong dapat tapusin para mas mabilis umasenso iyong bansa natin. Nagmamadali iyong Presidente na walisin na iyong mga tiwaling mga contractor na pa-golf-golf lang, tapos hindi natatapos iyong mga project, iyong mga ganoon ba.

So, let this serve as a warning to the contractors of government, iyong mga gumagawa ng mga highway na hindi naman tayo nakikipaglaro lang. Itong perang ginagastos ng gobyerno ay hindi naman ito kung saan-saan lang pinulot, ito ay pinaghirapan ng mga kababayan natin, ito ay tax money. So therefore they have to deliver right away kung ano ang dapat nilang i-deliver and—we the Filipinos, we deserve nothing less than quality projects, sa mga kalye, etc. So kailangan nilang bilis-bilisan; wag silang magpatay-patay.

ANGELO:  So, Sec ano ang mangyayari sa kanila if they fail to deliver in 30 days?

SEC. ANDANAR:  Well, number one, maalis sa kanila iyong proyekto. Number two, ay baka hindi na sila maaring mag-qualify sa mga susunod na mga bidding.

ANGELO:  Kasi kapag nagpunta ho kayo mula Davao hanggang papuntang Cotabato, naku makikita ho ninyo sangkaterbang tulay dapat last year pa na-deliver, hanggang ngayon hindi pa nangangalahati.

SEC. ANDANAR:  Nabasa ko rin Congressman Angelo iyong dito sa…naalalala mo iyong sa Sendong, doon sa Cagayan De Oro, hindi ba merong 8 billion project mega dike project diyan, hindi pa nga nasimulan, ilang taon na.

ANGELO:  Hanggang ngayon?

SEC. ANDANAR:  Oo nabasa ko lang kahapon. Nabasa ko lang doon sa intelligence report.

ANGELO:  Na-release na ang pondo noon?

SEC. ANDANAR:  Well, iyon ang titingnan natin, pag-aralan natin kung na-release na, pero nakalagay, nakasulat doon sa report.

ANGELO:  Ang ginagawa pala kasi ng mga malalaking contractor, sina-subcon, mga tulay ito, mantakin ninyo, tag-ulan ngayon, hirap na hirap kaya—imbes na bumilis dahil ang gaganda ng—partner, kapag nagpunta ka ng Mindanao, iyong dalawang lane dati, ngayon six, five lanes ano ha… kaya lang ang bottleneck iyong mga tulay, kasi sira iyong mga tulay hanggang ngayon.

SEC. ANDANAR:  Isama mo na Congressman iyong mega dike doon sa Cagayan De Oro, Diyos ko po, isama mo na sa listahan iyon.

HENRY:  Sec, isa na lang from my end. Itong kay Asec. Mocha nagkausap na po ba kayo?

ANGELO:  Ikaw naman tigilan mo na iyan. Pinalalaki ninyo iyong—

HENRY:  Hindi ko pinalalaki.

ANGELO:  Lahat naman ng mga millennial ngayon hindi alam na ang Mindanao ay may mga mall na.

HENRY:  Hindi ibig sabihin kung nagkausap na lang sila at of course meron ding mga dapat pag-usapan.

SEC. ANDANAR:  Oo nagkausap na kami ni Mocha doon sa India nag-usap na kami. Sabi ko ano ba nangyari, sabi niya, nagkamali siya, nag-apologize naman siya, iyon lang naman wala na. Sabi ko sige di… okay na iyon na nag-apologize hindi naman sukatan iyan ng kanyang dedikasyon sa gobyerno at trabaho niya, nagkamali lang siya.

ANGELO:  To err is human, to forgive is divine.

HENRY:  Kung mababasa mo naman iyong ilan ngayon ang sinasabi, Mocha magnakaw ka na lang para maganda-ganda iyong mga batikos na maibato sa iyo.

Ang ibig sabihin noon, ang dami naman puwedeng ibatikos at least ito, nagkakamali lang sa geography, pero hindi naman nagnanakaw ng pondo ng tao, lalo na.

ANGELO:  Sec, daghang salamat, maayong buntag.

SEC. ANDANAR:  Daghang salamat.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource