Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Angelo Palmones and Henry Uri (DZRH – ACS Balita)


Event Radio Interview

 ANGELO: Sec., ano pa bang kailangang itanong kay Secretary Bong Go?

SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung anong itatanong ng mga senador, lalung-lalo na iyong nag-file ng resolusyon. Pero ang mahalaga ho talaga dito ngayong araw na ito ay maipakita ni Special Assistant to the President, walang iba kung hindi ang katotohanan lamang. At isisiwalat po lahat ni SAP Bong Go ang kaniyang nalalaman. The whole Philippines should expect that SAP Bong Go will prove his innocence during this hearing sa Senado.

And of course, abangan din po natin, kasi mayroon pong presentation din ang Philippine Navy, at mayroon ding presentation ang Department of National Defense.

At alam mo kasi, Congressman Angelo, ang nakakalimutan po natin dito, ang negative effect po nitong malisyosong report na ito na ipinalabas ng isang online na pahayagan ay nakakalimutan po natin na both the Aquino administration and the Duterte administration agree that this project is one of the best and earth-shaking historical project ng Armed Force of the Philippines and Philippine Navy. Kauna-unahang frigate project po ito, at dahil lang po sa report na ito ay nagkaroon po tayo nang hindi magandang perception about the project.

So this day sa Senado will prove to the rest of the world na wala pong anomalya sa proyektong ito.

ANGELO: Pero hindi pa man nag-uumpisa iyong hearing, ang sinabi ni Senator Trillanes ay maaaring dito ay talagang walang kinalaman si Secretary Bong Go dahil gumagalaw lang siya base naman sa imprimatur o utos sa kaniya ng Pangulo. In other words, kinaladkad lang. Hindi pa natatapos iyong hearing, nakaladkad na ang pangalan ng Pangulo.

SEC. ANDANAR: Alam mo, Congressman Angelo at Henry, iyan nga ay ang naging pahayag ni Senator Trillanes, at kami po ay handang-handa na i-counter lahat po ng sasabihin ni Senator Trillanes sa hearing na ito. At wala kaming ibang dala kung hindi ang katotohanan. Iyan po ang dala ni SAP Bong Go, iyan po ang dala ni Secretary Delfin Lorenzana, at iyan po ang dala ni FOIC Empedrad. At malalaman po ng lahat, especially the senators who will be there na wala ho talagang nabago, walang binago sa proyektong ito.

ANGELO: Hindi, at saka done deal na nga ito noon pang nakalipas na administrasyon.

SEC. ANDANAR: Well, tama nga. Alam mo nag-usap nga kami, kami-kami nag-usap. Ang malungkot dito ay parang na-overshadow tuloy iyong kahalagahan ng proyektong ito. Ngayon lang nga tayo magkakaroon ng barkong pandigma na brand new na atin, na hindi second hand na binibigay lang. And both past administration and this administration support this program.

Pero mamaya malalaman natin, mayroon po tayong mga impormasyon na hindi ko alam kung ikakagulat ng lahat, pero malalaman po natin kung papaano po ito naging … paano tayo umabot sa ganitong klaseng sitwasyon na parang kumbaga ay maanomalya iyong proyekto pero hindi naman.

HENRY: Secretary, anong nawala ho sa sambayanan dito sa hindi pagkatuloy nitong proyektong ito?

SEC. ANDANAR: Hindi, tuloy po itong proyektong ito.

HENRY: Tuloy po ito pero proyekto pero iyong nabahiran ng ganitong akusasyon?

SEC. ANDANAR: Well, of course, nagkaroon po tayo ng four to five months na delay. Isa ho iyan sa mga dahilan kung bakit nagalit po si Secretary Delfin Lorenzana sa dating FOIC o Flag Officer in Command.

Now, bukod po doon ay iyong perception, iyong perception na hindi maganda iyong proyektong ito. Because, in fact, ang kabaliktaran po. This is the best project na ginawa po talaga ng Philippine Navy. At nakita natin na iyong AFP modernization program dito po sa area ng Philippine Navy, ngayon lang nangyari ito after nabenta iyong Fort Bonifacio.

HENRY: Marahil ang tinutukoy dito ng oposisyon ay iyong pakikialam ng Malacañang para malikot iyong kontrata, Secretary. Kumbaga, iyong hinting intervention, iyong… anong tawag diyan na influence-peddling na Malacañang mismo ang sumawsaw. Sa tingin ko iyon naman ang pinupunto talaga dito ng oposisyon. So papaano pinaliliwanag ninyo ito, Secretary?

ANGELO: Hindi, may nabago ba? Wala namang nabago sa kontrata.

SEC. ANDANAR: Walang nabago, walang binago, wala. Iyon din ho. In fact, ang gobyernong ito ay sinuportahan pa iyong kung anuman iyong in-approve during the Aquino administration. Sinuportahan pa ng gobyerno ito dahil naniniwala nga kami na ito talaga ay napakagandang project. At kung anuman ang mga gustong mangyari ng tao ay hindi po ito sinang-ayunan ng gobyerno dahil mas mahal ang gusto niya. Pero kung sinuman iyon ay malalaman po natin mamaya.

HENRY: Ano ito, Secretary, was it a grand scheme or plan to oust the President? Kasama ba ito, itong ganitong klaseng—wala na nga kung tutuusin, galing na nga sa previous administration, itinuloy na lang ng kasalukuyang administrasyon pero ipinipilit pa ring palabasin na may ginagawang mali ang kasalukuyang administrasyon. Is this a plan or, you know, part of the grand plan ika nga?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko, Henry, ito po ay hindi po ganoon iyong original intention pero ito po ay talagang isang hindi pagkakaunawaan, hindi pagkakaintindihan ng ilang tao diyan sa Philippine Navy at sa Department of National Defense.

ANGELO: Let’s just hope na pagkatapos po nitong hearing ay matapos na rin ho iyong mga intriga dahil, actually, kung tutuusin ay nagkaliwanagan na, ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Tama. ­­Talagang matuloy na ito, itong AFP modernization program which itong previous acquisition program ay bahagi lamang noon ay tuluy-tuloy na. Tingnan mo naman, mayroon tayong mga programa doon sa West Philippine Sea, dito sa Philippine Rise.

ANGELO: Kailangan natin iyan.

SEC. ANDANAR: Kailangan natin iyan. Walang nagsasabi na hindi natin kailangan iyan, kaso nababahiran talaga na parang ang sama-sama. Pero—

HENRY: Secretary, last question. Sinu-sino ang mga kasama ninyo ni Secretary Bong ngayong pong umagang ito?

SEC. ANDANAR: Ang pagkakaalam ko ay si SAP Bong, sasamahan ko siya. Nandoon din si Executive Secretary Bingbong, pupunta rin, pero male-late siya nang konti dahil mayroon siyang launching nitong Constitutional Commission. Tapos pupunta rin doon si Sal Panelo, if I’m not mistaken. Si Spokesperson Harry Roque ay nandoon din. At marami pang iba.

HENRY: Secretary Vit Aguirre daw ay pupunta rin.

SEC. ANDANAR: Sana magkasya kami doon sa loob.

HENRY: Mayroon bang personal na abugadong kasama si Secretary Bong?

SEC. ANDANAR: Wala akong alam na mayroon. Ang alam ko, kasi marami ring abugado sa—

ANGELO: Malacañang.

SEC. ANDANAR: Oo, marami na. So I think the lawyers in Malacañang, even the Cabinet members who are lawyers will suffice.

ANGELO: Okay, sige. Abangan namin mamaya, Sec. Maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Congressman Angelo. At salamat, Henry.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource