ANGELO: Sec., magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Congressman Angelo; at Henry, good morning.
ANGELO: Sec., kailan mangyayari itong pamimigay ho ninyo ng mga WiFi facilities?
SEC. ANDANAR: Ang aming target ay ma-launch ito ng June of this year sapagkat hindi kasi biro ang mag-roll out ng 42,000 satellite receivers.
ANGELO: Satellite receiver ito.
SEC. ANDANAR: Yeah, it’s a satellite receiver. At bahagi ito doon sa government satellite network. Ito po ay iyong inaprubahan ni Presidente nung huling Cabinet meeting noong 2017.
So, why are we doing this? We’re doing this kasi para mas ma-fast track po iyong paghatid ng internet sa pamamagitan ng satellite sa mga liblib na lugar sa Pilipinas. Alam naman natin na mayroong mga barangay sa Pilipinas, sa bansa natin, na wala hong telecommunication signal. So through the government satellite network ay mabibigyan na po ng internet iyong mga barangay halls na wala pong internet.
ANGELO: So sa barangay halls siya ilalagay. Okay, ano ang range nito? Sinu-sino puwedeng gumamit nito, barangay hall lang?
SEC. ANDANAR: Ang target po natin ay mga government offices, so naturally 42,000 barangay. Tapos target din po natin lahat ng opisina ng PCOO, attached agencies. At kung sino pa ang gustong mag-avail.
Ang kagandahan kasi nito, Congressman, kasi para siyang Cignal. Alam mo iyong Cignal na—
ANGELO: Oo, may router lang siya.
SEC. ANDANAR: May router lang siya. Tapos, because of the government satellite network, we can give an infinite amount of TV channels for government, for national governments and local government. So therefore puwede magkaroon tayo ng DILG TV, DOH TV.
Pero ang gagawin po natin ay isang government bulletin board also na gagawin natin para mayroon tayong centralized na information center for all of our government agencies.
HENRY: Sec., ano ba ang purpose nito, Secretary? Para maka-communicate iyong ordinaryong tao sa ating Pangulo o sa tanggapan ng PCOO?
ANGELO: Hindi, iyong pagpapakalat ng impormasyon ay very important na iyon.
SEC. ANDANAR: Opo. Sapagkat mahalaga na ang ating Pangulo ay makausap niya lahat po ng barangay anytime he wants. Ang kagandahan kasi nitong government satellite network, hindi lang po one way sapagkat dahil mayroon siyang internet access, magkakaroon din po ng IP TV.
So Barangay San Roque, halimbawa, doon sa liblib na lugar ng Cagayan ay puwede pong makipag-usap kay Presidente sa Malacañang gamit po iyong satellite.
ANGELO: Sec., teka muna, baka puwedeng agahan natin ang roll out kasi June ay tag-ulan na, very crucial iyong pamamahagi natin ng mga impormasyon lalung-lalo na sa mga malalayong probinsya?
SEC. ANDANAR: Talagang naisip mo talaga, Congressman, kung ano iyong nasa plano. Sapagkat (unclear) Broadcasting Corporation para turuan ho ang ating mga kababayan doon sa emergency broadcast management.
So ngayon na umuulan, mayroon pong posibleng maraming bagyo – labingwalong bagyo ang dumadaan sa bansa natin – lahat ng mga kalamidad, ay puwede po nating gamitin itong government satellite network in times of crisis. Sapagkat alam po natin na kapag bumabagyo, kung malakas ang hangin, natutumba iyong mga cell site, etc., dito po ang gagawin lamang ng isang barangay captain ay ipapasok niya lang iyong maliit na satellite dish doon sa loob ng bahay niya o sa loob ng opisina. Tapos kapag wala namang bagyo, ilalabas mo lang, ibabalik niya sa labas tapos mayroon siyang generator sets at, ayun, puwede na siyang mag-broadcast ng live.
ANGELO: Very important kasi dito, Partner, na iyong prior sa arrival ng bagyo ay may notice, may mga preemptive measures na pupuwedeng gawin na ipapamigay.
SEC. ANDANAR: Kasi ang plano po ng PCOO at ng DILG ay magtatag ho ng information officer sa bawat barangay, so 42,000 information officers. Pero hindi po sapat ang (unclear) kailangan ho ay sabayan ng teknolohiya. Kaya po ang (unclear) itong government satellite network para iyong komunikasyon ay tuluy-tuloy, wala hong hinto.
Example, ang isang receiver po ng satellite network, hindi lang makakatanggap ng TV stations mula sa gobyerno, kayo rin po ay makatatanggap ng 2-4 mbps net na libre.
Q: Aba.
SEC. ANDANAR: Opo. So iyong nasa loob ng opisina lang barangay ay makakagamit po ng internet in times of emergency, halimbawa, gusto mong kausapin si Presidente sa pamamagitan po ng ITV, sa pamamagitan po ng internet or WhatsApp ay puwede pong mangyari.
HENRY: Itong mekanismong ito, mamu-monitor din nito iyong mga barangay chairman at mga barangay officials na hindi nagtatrabaho?
SEC. ANDANAR: Opo, puwede ho ninyong lagyan ng IPTV camera iyong mga opisina.
ANGELO: Sec., siguro mas maganda ano ho, para makapagtanong iyong mga kababayan natin sa mga probinsiya sa pamamagitan ng radyo natin, network natin dito sa DZRH at saka MBC, pag-usapan natin dito sa studio, you know, if you can visit us.
HENRY: Alam mo, maganda rin itong paraan para makapagsumbong iyong mga barangay chairman at mga residente tungkol sa possible terroristic activities.
ANGELO: Yes. [LINE CUTS] Sabi ko na, naputol na. Anyway, maraming salamat kay Secretary Martin Andanar.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)