Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Erwin Tulfo Live)


 

ERWIN TULFO: Magandang hapon, Secretary Martin, sir.

SEC. ANDANAR: Magandang hapon, Erwin or should I call you Senator Erwin Tulfo.

ERWIN TULFO: Iyan ang sinasabi ko boss, iyang mga ganiyang kuwento, kuwento-kuwentuhan lang natin noon iyan, kagaya nito kuwentuhan natin maging Congressman ka. But anyway sir, maiba tayo ha… Ito nga nabanggit ng Pangulo, pitumpung police official sisibakin niya, tatlong heneral. And then tuloy-tuloy ang pagsisibak niya doon sa mga officials na mahilig magbakasyon.

Ito na nga iyong sinasabi ko sir sa mga tao in explaining, ito ang reason at ito lang yata ang Pangulo na for—magtu-two years na sa puwesto pero sa halip na bumaba ang rating, umaangat. Since the time of Cory, karamihan ng Pangulo natin bumabagsak na kapag ikalawang taon na kasi nga tapos na iyong honeymoon period, kasi nga nag [unclear] na, wala ng performance, hindi naman gumagawa iyong Pangulo, puro pangako…

Pero this guy right here nangako siya na lilinisin ang gobyerno, aalisin ang droga, aalisin ang korapsyon, nangyayari ngayon. Kaya iyong tao patuloy na tumitiwala at dumadami pa lalo iyong kaniyang mga believers, iyong mga non-believers noon believer na ngayon dahil nagtatrabaho ang mama na ito despite the fact na he is 72 years old ‘di bale nang hindi makatulog, hindi na makapagpahinga basta magampanan niya iyong pangako niya, Secretary?

SEC. ANDANAR: Oo basta focus lang po ang ating Pangulo sa kaniyang mga pangako noong kampanya na kailangang linisin ang gobyerno ng mga corrupt officials. At iyong kaniyang gagawin nga po sa Philippine National Police ay hindi po kataka-taka dahil ito po talaga ay kaniyang polisiya na dapat po talaga ay walang abusado sa kapangyarihan at alam naman natin na mainit ang dugo ng ating Pangulo lalong lalo na doon sa war against sa drugs at ang Philippine National Police ay talagang nasa sentro niyan. So mayroong mga police po na… alam mo involved din diyan. So kaya nga ang Pangulo ay bibigyan ng leksyon. Hindi naman siya tumigil partner, mula noong 2016-‘17, tuloy-tuloy ang kaniyang pagsibak sa mga taong inabuso iyong kanilang kapangyarihan.

ERWIN TULFO: Tapos sa panghuli na lamang Secretary ano. Ito pong sinasabi niya ngayon patuloy po talaga ang paglilinis niya at wala siyang pakialam basta ikaw ay sumabit kagaya ng sinasabi sir noong mga biyahe-biyahe na ito kasi parang napansin, ayon sa aking impormante na taga-Malacañang. Puro palusot daw na mga government officials, climate change seminar ha. Hindi naman sila—wala naman silang kinalaman diyan puro seminar ng climate change, dito nabubuwisit daw ang Pangulo, Sec.?

 

SEC. ANDANAR: Oo kaya nga naglabas po ng order ang Pangulo na naglilimita sa dose ang biyahe ng isang opisyales. At—Talagang instinct ‘to sa kanya, kapag sumobra po iyong biyahe mo, at kapag wala po katuturan iyong biyahe ninyo, ay talagang kukuwestiyunin kayo ng Pangulo.

Kaya nga ako ay nabubuwisit din dito sa report ng Rappler na isinulat nila na sampung biyahe daw si Andanar sa loob ng labing limang buwan. Sabi ko, kako ang problema kasi sa inyo ay hindi naman kayo nagtatanong ng husto. Alam ninyo ba na iyong anim sa sampung biyahe na iyan, dalawa doon ay sarili kong gastos. Binisita ko iyong pamilya ko sa Australia at iyong apat doon ay puro sponsored, sponsored ng China, sponsored ng UK at doon sa—iyong part ng nag dialogue kami sa China na nakapag-uwi tayo ng 70 million pesos na ayuda para sa Philippine Broadcasting Service.

ERWIN TULFO: 15 months iyon boss. Ang sinasabi ng Pangulo in one year, unless iba na iyong kalendaryo ng Rappler, 15 months na iyong isang taon nila.

SEC. ANDANAR: Gumagawa na sila ng isyu. Sinasabi na kinukumpara ako kay Terry Ridon, sabi ko ‘kako, tinatanong, sabi ko, ‘Sir sa dinami-dami ng post ko sa Facebook lahat ng ating mga nagawa sa PCOO, lahat ng mga accomplishments ay hindi ninyo man lang nakita iyon. Ang hahanapin mo ay iyong travel at hindi mo man lang hinanap kung ano iyong mga resulta noong travel so sabi ko napaka-lopsided po ng report na iyon at talagang ang sadya po noon ay talagang manira ng tao.

ERWIN TULFO: Well, hindi naman siguro po tanga ang Pangulo at alam niya naman yata Mr. Secretary kapag lumalarga kayo kailangan may approval ng Pangulo ‘di ho ba pati ng Executive Secretary, sir?

SEC. ANDANAR: Opo at ako naman ay sinisiguro ko naman na iyong bawat biyahe po natin ay mayroon po tayo talagang nai-uwi na magandang bagay para sa ating PCOO, sa ating mga ahensiya ng gobyerno, may katuturan po lahat ng biyahe na ginagawa po natin at sana po ay nilaliman pa ng Rappler iyong kanilang imbestigasyon, kung hindi dapat nagtanong lang po iyong reporter ng detalyadong tanong, hindi po iyong pabara-bara.

ERWIN TULFO: Sabi ni Maican, “Rappler, ungas talaga iyan, Secretary.’ ‘Jinx iyan, gago talaga ang mga Rappler.” Juvilyn, “thank you.” Si Arlyn Abrenica, “Go, Secretary Martin, go ka ulit dito sa Japan, sponsor mo kami.’ Tapos sabi ni Bernard Cimafranca, “Rappler buang.” Aba’y galit na galit sila Secretary.

SEC. ANDANAR: Kasi partner halimbawa last week, dumating dito iyong Minister of Internal Affairs and Communications Minister Seiko Noda—

ERWIN TULFO: Oo ng Japan.

SEC. ANDANAR: Sabay-sabay nating inilunsad iyong Digital Terrestrial Television Broadcasting, iyong emergency broadcasting at iyong data casting. Bakit hindi isinulat iyon, magandang—napakagandang balita noon at resulta iyon ng ating pakikipag-usap sa ating mga counterpart sa iba’t ibang bansa na nakakausap din ni Pangulo.

ERWIN TULFO: Anyway, Sec., huwag ninyong pansinin ho iyan siguro naghahanap lang talaga—‘di ba si Pangulo lalong pinagpipiyestahan ng Rappler. Hindi na pinapansin ng Pangulo nanawa. Ngayon, huwag ninyo ng pansinin din siguro, Sec., para manawa na lang iyong mga iyan.

SEC. ANDANAR: [laughs]. Well ako naman ay nagsasalita lang kung ano iyong naka—siyempre, it is to protect my incumbency. Hindi naman puwede na sinisira lang tayo. Pero ako po ay nagpapasalamat sa mga DDS na sumusuporta po sa atin. At ako po ay nagpapasalamat sa programa ninyo sa pagkakataong ito. Thank you, partner. Mabuhay ka.

ERWIN TULFO: Sec., sec., sandali lang boss. Aba’y hindi ka naman siguro nagmamadali. Can I still have a couple of minutes?

SEC. ANDANAR: Okay.

ERWIN TULFO: Mayroon lang akong sulat dito. Si ‘Ma’am in trouble’ needs your help, Sec. ano po. Ito iyong problema ni Mommy in trouble, Sec., hingin ko lang iyong—for two minutes.

‘Dear Erwin, I am writing to ask help on you regarding my daughter who fell in love with a ‘Tambay’. My driver said you give advices daw with the help of experts. My daughter is graduating this March in College. My problem is she’s in love with a ‘tambay’ near their school. Naku Erwin, if you see this guy parang hindi gagawa ng mabuti sa kapwa. Picture this! May peklat sa mukha parang nilaslas. May hikaw sa ilong, dila at tenga. And puno ng tattoo ng devil, and may sign pa that says ‘BCJ’.

Do you know what it means sir Erwin? Parang hindi rin naliligo, nagyoyosi at umiinom pa based on the pictures I saw on my daughter’s cellphone. How did I know she and this guy are on? She confided to her yaya and the yaya told me. Tinanong ko siya but she denied. Pero her yaya said may nangyari na raw sa kanila, ma’am and she made kuwento pa na may mga boletas and sima pa. What does it mean, Erwin?

I don’t know this is street or kanto language. What shall I do? We love our only child and don’t want to lose her to a ‘tambay.’ Sincerely, ‘ma’am in trouble.’

Sec., baka matulungan mo kahit kaunti lang, pahapyaw lang kay Mommy in trouble.

SEC. ANDANAR: Alam mo base doon sa ating Volume 2 sa Jorpets Time University, naalala ko ‘kako ay ako nag research niyan mismo, na naalala ko iyon. Usually iyong bata ay mayroon silang mga tinitingala na father figure, iyong mga iniidolo nila, mga ganiyan. So siguro ang pinakamagandang—

ERWIN TULFO: Huwag mong sabihin na kamukha ng tatay niya itong—may sima at bolitasi—

SEC. ANDANAR: Doon nga po ako papunta.

ERWIN TULFO: Okay.

SEC. ANDANAR: Kung iyon po iyong kaso, huwag na ho kayong magtaka kasi iyan ay iniidolo niya iyong tatay niya at ginagaya niya lang kayo. For you to break that spell ay iwanan mo na iyong asawa mo. [laughs].

ERWIN TULFO: [laughs].

SEC. ANDANAR: Sir tingnan natin—

ERWIN TULFO: Mukhang napasama pa.

SEC. ANDANAR: Hindi iyon ang nakalagay sa—

ERWIN TULFO: Medyo social itong mama, English speaking sir. So anong magandang gawin ni Ma’am in trouble?

SEC. ANDANAR: Ilayo niya muna iyong anak niya. Pero kung may pera naman siya dalhin niya sa Amerika, dalhin niya sa kung saan-saan. Kausapin niya ng husto tapos maghanap siya, i-reto niya sa ibang lalaki na sa palagay niya ay disente sa kaniyang mga mata. And there’s only one way to find out, do it. And when once you do it, kapag naging successful, magpapasalamat ka kay Erwin at Martin at Jorpets Time University.

ERWIN TULFO: Oo Sec., sabinga ni Krisher Alonzo, ‘Si Secretary Andanar dating Chancellor ng Jorpets Time University.

SEC. ANDANAR: Nag-break lang ako, after ng government service, babalik din ako kaagad. Huwag kayong mag-alala.

ERWIN TULFO: Secretary Andanar, sir, thank you for being a sport. Thank you sir.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo.

ERWIN TULFO: Thank you po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News Information Bureau)

Resource