Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Francis Flores Super (Radyo Nationwide-DZBB)


FRANCIS FLORES: Magandang umaga, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Francis at magandang umaga sa lahat ng nakikinig po ng inyong himpilan ng inyong programa dito po sa DZBB.

FLORES: Salamat po sa pagtanggap ninyo po ng aming tawag, balik sa excellent, excellent, ang net trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maliban sa mga nabanggit tungkol dito sa—iyong pong nakatulong sa pagtaas ng net trust rating ng Pangulo, ang mga aksiyong ginawa niya para masugpo ang Maute-ISIS group sa Marawi City. Ano pa ang nakita ninyong mga karagdagang nakatulong dito sa excellent rating ni Pangulong Duterte, Secretary?

SEC. ANDANAR: Marami ho, marami ho sapagkat at the end of the quarter last year ay napirmahan ng ating mahal na Pangulo ang tax reform law at alam po ng mga kababayan natin na talaga namang sila ang makikinabang dito. As a matter of fact, Francis, in a few days—on the 15th kung hindi pa ho kayo sumusuweldo ngayon, sa kinsenas na ito ay makikita ninyo na hindi kayo nagbayad ng income tax lalong lalo na iyong 21,000 pesos na suweldo. At para naman sa iba pang kumikita ng mas mataas doon ay mayroon ding more or less bawas iyong income tax mo, 3 to 4,000 pesos ang maibabawas. Kung halimbawa ang suweldo mo, Francis ay nasa 40,000 for example ‘no— 

FLORES: Yes, si Andoy iyan. [laughs]. Okay.

SEC. ANDANAR: Si Andoy, hindi si Andoy mga 60— 

FLORES: 60 na iyan, 60 na si Andoy, oo.

SEC. ANDANAR: Halimbawa 60 ang suweldo ni Andoy. Ang—ito ang tingnan mo, more or less ang savings mo kada taon 60,000 or iyong additional take home pay mo 60,000 din. So mararamdaman mo iyon ngayong kinsenas na ito, mararamdaman mo na. So palagay ko itong pagpirma ng TRAIN at kasama diyan iyong… of course iyong napaka resolute po ng ating Presidente, reform. May resolve po siya pagdating sa mga problema ng pagtanggal ng mga corrupt official. And of course iyong patuloy po na drug war— 

FLORES: Doon sa ‘pagtanggal ng mga corrupt officials, ang ‘Purging regime’ na tinatawag ano at napipinto ngang sinasabi dito, mayroon na namang tatanggalin na isang chairman, chairman ang pagkakabanggit pati na ang mga tatlong heneral. Ito ba police generals ba o Armed Forces of the Philippines’ General, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Hindi pa ho nakakatiyak kung ito po ay from the AFP or from the PNP. But—pero nabanggit po iyan at antabayan po natin iyan, tuloy-tuloy po iyong purging sa mga opisyales na umaabuso po ng kapangyarihan. 

FLORES: Malaking tulong iyong sinasabi noon ni Presidente Duterte na i-report sa kaniya sa pamamagitan ng otso-otso-otso-otso sa sistemang iyan. Mabilis na nakakarating sa kaniyang komunikasyon diyan, Secretary Andanar? 

SEC. ANDANAR: Opo kasi ito po ay nasasala ng Presidential Action Center tapos itong Presidential Action Center naman ay ipinapadala din sa office of the Cabinet Secretary na grupo ni Presidente. So very transparent po ang ating gobyerno sa pamamagitan ng 8888, sa pamamagitan ng Freedom of Information and of course the—kilala ko naman si Special Assistant to the President Bong Go na madaming nagte-text sa kaniya pero lahat po ng tine-text sa kaniya ay binabasa niya po iyon, talagang tinitingnan niya kung may mga report. So kaya ganito po—at kung mapapansin ninyo po sa lahat ng mga speeches ng Presidente po, paulit-ulit po, paulit-ulit iyong sinasabi niyang ‘drug war’, iyong sinasabi niyang ‘kampanya laban sa mga corrupt officials’ patunay lamang na hindi nakakalimot si Presidente na kaniyang mga pangako noong nakaraang 2016 election. 

FLORES: Maliban doon sa binabanggit Secretary Andanar sa—balikan ko iyong excellent net trust rating ni Pangulong Duterte, doon sa mga binanggit mo ng nauna. Malaking tulong ba iyong nailatag ninyong communication plan na ginagamit ninyo upang malaman ng taong bayan ang mga accomplishment ni Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR: Well sa palagay ko naman ay sa pamamagitan ng pagtulong-tulong ng iba’t ibang departamento pagdating sa komunikasyon ay napakaganda ng aming samahan ng mga communication information o information officers ng bawat department. At sa palagay ko nakakatulong kasi isang—mayroon kaming isang thread sa viber, sa whatsapp, sa lahat ng mga puwedeng lagyan ng thread. Doon kami nag-uusap-usap kung anong puwedeng ilathala kung anong mga press releases ang puwedeng isulat at kung ano iyong puwedeng i-highlight for the day or for the week. So sa palagay ko malaking tulong iyon. And of course alam mo naman kasi Francis, I think really it’s about genuine service of the President and the Cabinet officials kaya ito nga nangyayari ngayon. Halimbawa na lamang iyong free education sa SUC. Now, hindi ninyo pa mararamdaman iyan pero ‘pagdating po ng pasukin ulit this year ay mararamdaman ninyo po na talagang wala kayong babayaran sa state universities and colleges— 

FLORES: Ng tuition— 

SEC. ANDANAR: And lahat po ng estudyante. So talagang mararamdaman ninyo na talagang nangyayari. Ito lang talaga iyong mga pagbabago kaya nga ito, SWS survey from 60 to 75— 

FLORES: That’s right.

SEC. ANDANAR: Tapos—and prior to that iyong Pulse Asia na nasa 80 plus iyong service ng Presidente. Kaya palagay ko iyong mga kababayan natin ay hindi naman sila manhid sa mga ginagawa ng gobyerno. 

FLORES: Sa resultang iyan Secretary Andanar alam mo naniniwala ako na mas lalong madodoble ang trabaho ninyo riyan sa inyong tanggapan to maintain or at least dagdagan pa itong excellent net trust rating ni Pangulong Duterte—

SEC. ANDANAR: Opo. Hindi, talaga naman kailangan tuloy-tuloy iyong ating kooperasyon sa iba’t-ibang ahensiya, sa iba’t-ibang departamento. Kami mismo, maging kami sa PCOO as a matter of fact, Francis ay kakalunsad lang namin—kaka-switch on lang namin, ceremonial switch on ng digital terrestrial television broadcasting, iyong PTV ito po— 

FLORES: Nalaman ko nga noong nakaraang araw iyon pati ang Japanese Minister For Internal Affairs And Communications Seiko Noda ay naroroon, nakasama mo. At pakibigyan mo nga ng karagdagang detalye ito, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Alam mo itong si Japanese Minister Seiko Noda, Francis, sa pagbisita niya ay hindi basta-basta. Itong si Minister Seiko Noda siya ay—if I’m not mistaken ang nag-iisang babaeng minister sa Cabinet ni Prime Minister Abe and the only female Cabinet minister who can possibly be the next Prime Minister of Japan. Oo, nag-announce na sila. So that’s number one, number two the fact na dumalaw siya dito, talagang gusto na ng Japan na matuloy na itong digital terrestrial television broadcasting sapagkat napakatagal na nito, kung maalala ninyo panahon pa ito ni Presidente GMA na pinaplano. So ngayon as we speak, Francis mayroon ng digital antenna head and—ang PTV. Mayroon tayo dito sa Manila, mayroon tayo sa Davao, mayroon tayo sa Cebu, tapos sa Guimaras lalagyan natin, sa Naga mayroon din tayo— 

FLORES: Para na rin kayong katulad namin ha. Bumabandera sa digital television. 

SEC. ANDANAR: Kailangan humabol kasi ito ay government na TV station and the public deserve the best, no less than the best digital broadcasting. At ito rin ang ni-launch ng PTV at ni Minister Noda, ito pong emergency broadcast system. 

FLORES: Iyan ang mahalaga iyong may emergency broadcast system na magagamit ng taong bayan. 

SEC. ANDANAR: Oo and data casting, ano po ba itong data casting? Naku napakahalaga po ng technology na ito and we are so proud of it and the Filipino should be proud of it sapagka’t ginagamit niya iyong specific spectrum ng frequency na hindi kana makakatanggap ng TV broadcast pero iyong data na pumapasok. So this is very important na may data na pumapasok doon sa spectrum na iyon, sapagka’t kung—kapag nagkaroon po ng problema, nagkaroon ng malaking sakuna, disaster, ay puwede pong makapag-transmit ng data sa pamamagitan ng data casting doon sa specific frequency na iyon para lahat po ng mga kababayan natin ay makatanggap ng impormasyon at the same technology will also be use for our traffic system sa buong Metro Manila. 

FLORES:  Ang ibig sabihin niyan Secretary Andanar na may public broadcasting going on high technology ha. Tama kaya?

SEC. ANDANAR: Opo. Oo, tama-tama… Talagang—kapag may oras kayo, Francis, I can demonstrate it to you dito po sa PTV. At kung kayo po ay mayroon iyong mga digital boxes ngayon, yung sa inyo sa GMA and sa kabilang istasyon at manood kayo ng PTV at ‘di hamak po na mas klaro na po ngayon ang PTV because we are already using a digital headed… 

FLORES: More na mararamdaman ng mga tao, malalalaman na balitang nanggagaling pati na papunta sa mga kanayunan for this technology, Secretary. 

SEC. ANDANAR: Even our radio station sa public broadcasting service ay parang GMA na rin po, talagang puwede mo ng ma-i-compare sa commercial radio station. 

FLORES: Iba talaga iyong Secretary ng PCOO nanggagaling sa commercial broadcast na napupunta sa gobyerno. [laughs].

SEC. ANDANAR: [laughs]. 

FLORES: Ang dami ng nalalaman sa teknolohiya at saka knowhow. Salamat sa pagtanggap mong muli ng aming tawag, Secretary Martin at patuloy ninyong—alam kong hindi ka matutulog ng mahaba-haba dahil babantayan ninyo itong excellent net trust rating ni Pangulong Duterte ha, parang posibleng dagdagan pa iyan. 

SEC. ANDANAR: Alam mo kagabi nakausap ko nga si Special Assistant to the President Bong Go doon sa birthday ni Speaker Alvarez, ang sabi ko, ‘Oh kumusta naman si Presidente?’ Sabi ko, ‘Ang taas ng kaniyang mga survey, masaya ba siya?’ sabi ni Bong, ‘Oo masaya si Presidente ngayon kasi dahil nga doon sa sunod-sunod na mga lumalabas na magagandang survey patungkol sa kaniyang administrasyon.

FLORES: Okay, salamat po sa pagtanggap ninyo ng aming tawag, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Wala pong anuman, thank you.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource