MERCADO: Hi, Secretary Martin. Good morning.
SEC. ANDANAR: Good morning, Ka Orly. At good morning din po sa lahat ng nakikinig sa inyong programa. Happy New Year.
MERCADO: Okay, medyo mabigat itong ginagawa ng Presidente, ng Malacañang ngayon tungkol dito sa mga foreign trips. Mukhang nagkaroon ng trend na marami masyado … o parang naaabuso iyong foreign trips, ‘di ba?
SEC. ANDANAR: I think, throughout the years ito, Ka Orly, na naaabuso iyong tinatawag na junket. Kasi usually kapag ang isang opisyal ng gobyerno ay mayroon pong official travel sa ibang bansa, normally, isa, dalawang araw tapos na iyan eh. Tapos nag-e-extend ng isa, dalawang araw pa so magiging apat.
And number two, iyong kahalagahan nung biyahe nung opisyal at kung ano ang koneksyon nito – kung ito ba ay mayroong magandang maidudulot sa kaniyang ahensiya, iyan po ay isa rin sa mga dapat kinu-consider ng isang foreign travel. Alam naman ito ng mga heads of agencies, if they are honest to themselves that they will know if this really has some sense for the agency or not.
MERCADO: So mayroong sinasabi ang Pangulo na it has to be strictly within the mandate. Ano ang ibig sabihin noon?
SEC. ANDANAR: Strictly within the mandate, meaning, ito po talaga ay para sa ahensiya mo. Kung ikaw ay, halimbawa, assigned sa DILG, kailangan iyong trip mo has something to do with the Department of Interior and Local Government. Kung sa DND – DND; kung sa PCOO – PCOO. And it has to be a trip that is worthwhile. And also, kumbaga, ay hindi po sayang ang pera ng ating mga kababayan, ng taxpayers, dahil iyong biyahe na iyon ay siguradong makakatulong sa pag-develop o pag-asenso ng isang ahensiya.
MERCADO: Kaya iyong sinasabi, kinakailangang maliwanag iyong benepisyo para sa bayan ng naturang travel. Iyong sinasabing substantial benefit.
SEC. ANDANAR: Tama po kayo, kailangan may substantial benefit po talaga sa ating mga kababayan ang isang foreign trip. Now, kung wala naman ay siyempre talagang kukuwestiyon iyan ng ating Executive Secretary, ng PMS.
MERCADO: So ngayon ba lahat ng travel ay dadaan muna sa Malacañang, ganoon ba iyon? Ano ba ang mga requirements kung mayroon pang gustong, you know, magpu-fulfill ng mga commitments abroad?
SEC. ANDANAR: Well, bukod sa dadaan po ito sa Executive, kasi lahat naman talaga ng travel ay dapat binibigyan ng isang travel order kapag ikaw po ay nasa Executive or local government. Pero, you know, sa laki po kasi ng burukrasya, minsan mahirap po talagang tutukan bawat isang travel eh. So you just have to be honest to yourself. Kung itong biyahe bang ito ay mahalaga ba ho talaga para sa ahensiya ko o hindi? Ito ba ay maituturing na junket lamang, na isang araw lang na seminar tapos tatlong araw na pamamasyal?
So iyon, alam mo na iyon kung ikaw ay head of agency or kung ikaw iyong bibiyahe, kung ikaw iyong kinumbida para um-attend para sa isang official travel o convention na sa palagay mo ay talagang malaki ang maiaambag sa departamento mo o hindi.
MERCADO: Eh iyong may isang nagbibiyahe, isinasama na iyong mga miyembro ng pamilya tapos mag-e-extend. Iyon ba iyong objective ng ano, to curb that kind of practice?
SEC. ANDANAR: Aba’y kasama iyon. Kasama iyon na halimbawa ay isasama mo iyong isang kasamahan mo sa bahay—
MERCADO: Asawa mo, anak or whatever.
SEC. ANDANAR: Asawa, whatever, tapos hindi naman kasama doon sa imbitasyon o sa biyahe, hindi naman kasama doon sa pupuntahan mo, aba’y siyempre titingnan din iyan ni Executive Secretary.
MERCADO: Itong mga … katulad ng headline now is about iyong MARINA Administrator, si Marcial Amaro III, sinabak na po at sinasabi madalas ang pagbiyahe. Ito ba ang pinaka-example ng excessive, iyong sinasabing … hindi pala 11 kung hindi 18. How long a period ba itong pinag-uusapan?
SEC. ANDANAR: A period of 12 months.
MERCADO: Twelve months.
SEC. ANDANAR: Oo, twelve months. If I’m not mistaken, 18 to 23 yata iyong biyahe. So—
MERCADO: Total of 24 trips, foreign trips in the last two years; 18 of his trips for 2017.
SEC. ANDANAR: Oo, mukhang mahirap po yatang i-justify iyon kasi halos every month ay bumibiyahe ka. Maliban na lamang kung kasama ka sa official travel ni Presidente dahil, of course, ang Presidente talaga represents the entire country and he travels by invitations by the head of state of the other country. Pero isa ho iyan sa mga talagang kinuwestiyon ho ng Office of the Executive Secretary at ng ating Pangulo. Kaya po talaga dapat ang ating mga lider, ang ating mga heads of agencies this 2018 must really be very circumspect and they must really be responsible. At dapat pinaplano nila iyong biyahe nila. Huwag po iyong buwan-buwan bumibiyahe.
MERCADO: So kasi kapag sinabi mo … hindi lang iyong komperensya eh, ipagpalagay natin mayroong travel time din iyan tapos mayroong … you know, sometimes they don’t go to work kaagad. Hindi pa pumapasok dahil nagkakaroon sila ng jetlag o kaya iyong bang lalo na you cross time zones, hindi ba?
SEC. ANDANAR: Oo, tama iyan. Kapag legitimate naman po iyong biyahe ng isang head of agency o isang taong gobyerno, kapag kailangan ho talaga ito at this would be for the advancement of his department or agency or for its division, then kapag pumasa ho iyan sa travel order eh talagang pagbibigyan iyan.
Pero kapag wala hong katuturan na biyahe, halimbawa magse-seminar ka about counter-terrorism sa isang lugar, eh alam mo naman na available din dito sa UP o available naman sa MNSA or sa Defense College eh hindi na kailangan, ‘di ba?
MERCADO: And except kung talagang, iyon bang sinasabing it really serves … mayroong substantive benefit na makukuha ang pamahalaan.
SEC. ANDANAR: Opo. Kung ito po ay bahagi ng isang bilateral agreement or multilateral agreements between different countries, then magpapaalam ka muna sa hepe mo, magpapaalam ka sa Executive para mabigyan ho kayo ng travel order.
MERCADO: Oo. Ngayon na maraming sinibak, siguro iyan ay magkakaroon ng … may dating talaga iyong direktiba ng Presidente rin because it’s your job, if you don’t ano, talagang he will fire you.
SEC. ANDANAR: Oo. At saka alam mo, Ka Orly, marami na namang … marami ng murang air fare, mga piso fare ng Cebu Pacific. Kung gusto mo talagang bumiyahe, just spend our own money, ‘di ba? Wala namang problema siguro kung iikot ka ng … pupunta ka ng bansang ASEAN na malapit lang sa bansa natin, if you really want to see the world, then go spend your own money.
MERCADO: Huwag junket at ang taumbayan ang nagtutos niyan.
SEC. ANDANAR: Oo, tama po kayo, Ka Orly.
MERCADO: Thank you very much, Secretary Andanar. Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo. Thank you po.
###