Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Ruby Tayag and Noel Alamar (Ito ang Radyo Patrol – DZMM)


NOEL ALAMAR: MagandanAg hapon po, Secretary.

SEC. ANDANAR: Hi, Noel magandang hapon. Ruby, magandang hapon.

RUBY TAYAG: Good afternoon po.

SEC. ANDANAR: Salamat po sa interview na ito. Thank you po.

NOEL: Mayroon po akong nabalitaan na mayroon daw po kayong programa sa PCOO para po hindi mabiktima iyong mga mamamayan natin ng mga fake news. Paki-eksplika po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa pagkakataon. Tama ka Noel sa darating na Feb. 19 to 21 magkaroon po ng kauna-unahang National Information Convention ang lahat ng mga information officers sa buong Pilipinas. More than 1,300 ito po ay gaganaping dito sa Davao City National Information Convention. Ito po ay patungkol sa iba’t ibang mga paraan para makipag-communicate sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng radyo, telebisyon, diyaryo, mga makabagong teknolohiya, sa internet, etcetera.

At isa sa mga pag-uusapan dito sa three-day conference ay iyong Media Literacy To Fight Fake News. Magkakaroon po tayo ng iba’t ibang mga Speakers during that time and of course we will showcase the different technologies including government media platforms para makita po ng ating mga kasamahan sa gobyerno kung ano po iyong available para sa kanila that they can use to promote their advocacies to promote their municipalities, their barangays at to promote their program also by using government media.

Salamat sa chance na ito Noel, in fact I would like to invite you there maybe you can talk about radio broadcasting—

NOEL: Opo, opo.

SEC. ANDANAR: Kung papaano humarap, papaano makipag-usap, paano sumagot ang ating mga information officers sa probinsiya ng mga munisipyo. Kasi alam mo kadalasan Noel natatakot iyong mga kasamahan natin sa probinsiya kapaginiinterview na sa radyo.

NOEL: Secretary ako po ay naimbitahan minsan ng Philippine News Agency, ng PNA dito po sa Southern Tagalog na magsalita on a radio news broadcasting iyong mga ganoon, sa mga PIO po ng iba’t ibang government agencies sa Region 4-A. Ito po ba ay bahagi niyang programa ninyong iyan?

SEC. ANDANAR: Naku, maganda at nabanggit mo iyan at… at least ngayon alam ko na na mayroon ka pa lang adbokasiyang ganiyan. Ito po ay isang National Information Convention, ito po ay kauna-unahang gagawin ng gobyerno kasi, kabahagi ito Noel dito sa programa natin sa PCOO na magtatag ng isang government strategic communication center dito sa PIA.

Now dito po sa PIA inaayos na po namin iyong ating PCOO ASEAN Training Center kung saan ay puwede pong magturo ang ating government strategic communication center ng communications sa lahat ng IOs sa buong Pilipinas. So therefore ito pong mangyayaring NIC or National Information Convention sa Davao City from Feb. 19 to 21 will be a launch of this big project na government strategic communication center.

NOEL: When you say PIO ito po iyong mga public information officer ng lahat ng sangay ng gobyerno?

SEC. ANDANAR: Tama po kayo sir ng national government kasama po ang local government unit, from the province, from the provincial capitol, to the City and kasama po iyong munisipyo and ang ating pinaka-vision po talaga eh hanggang barangay.

RUBY TAYAG: Secretary makasundot lang po ha?

SEC. ANDANAR: Sige po, sige po.

RUBY: Nasa alarming level na po ba ang paglabasan ng fake news ngayon sa Pilipinas?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko Ruby kailangan lang talaga natin ng isang media literacy campaign. Last year po ay pinangunahan ko iyong round table discussion on fake news kasama lahat ng mga ASEAN counterparts natin.

So nagpunta sila dito sa may Trinoma, sa Seda Hotel at nagkaroon kami ng dialogue at iyong lumabas doon na common solution would be a media literacy project or campaign. So hindi po pupuwede na payagan, hayaan natin ito, iyong paglaganap ng fake news.

At ito rin ang katotohanan diyan, hindi ho kaya ng gobyerno, kung gobyerno lang ang gumawa, dapat po ay makipag-partner ang gobyerno sa private sector. This should be a solution that is a collective solution from the media to the government, PCOO, kasama po iyong DEPED at iyong mga NGOs para po maturuan ang ating mga kababayan kung ano po yung tamang pagproseso ng impormasyon, lalong-lalo na sa internet.

RUBY: Turuan ninyo nga lang po kami. Ano po bang epekto ng mga fake news sa kalakaran po sa gobyerno?

NOEL: Sa gobyerno, oo.

SEC. ANDANAR: Well of course kapag may misinformation ka, halimbawa, example. Mayroong red tide sa isang lugar tapos lumabas iyong news na iyon sa isang Facebook page. Siyempre nakaka-alarma iyan, kapag lumabas iyan papaano mo lalaban iyan ‘di ba?

NOEL: Oo.

SEC. ANDANAR: So kailangan mayroon tayong mga mechanism na gagawin sa private media, sa government media, sa Department of Education, sa mga PIOs kung papaano labanan ito. And itong NIC (National Information Convention) will be the start of good things to come, good cooperation dialogue between private and the government and non-profit organizations.

NOEL: Okay. Secretary, maraming salamat po. Susubaybayan po namin iyang programang iyan sa mga susunod na pagkakataon and good luck po, Secretary, thank you for the time.

RUBY: May tanong sana ako kay Secretary.

SEC. ANDANAR: O sige, sige, go, go, go, sige. Sige po, sige po.

RUBY: Sir, malihis lang tayo ng kaunti. Dito po sa nangyayari po ngayon na bangayan sa pagitan po ng mga Senador at ng ilang mga miyembro po ng Kongreso. Sinasabi nga po ni House Speaker Alvarez, may kinalaman po dito sa Charter change na sasayaw daw po ang Cha-cha even without Senate? Ano po ang gagawin dito ng Malacañang? ‘Pag may time po ba pagkakasunduin ninyo sila? ‘Pagkakausapin or what?

SEC. ANDANAR: Alam mo the legislature is an independent branch of government. Napakadami po nila! May mga Congressman, may mga Senador, may mga kaniya-kaniyang wisdom po iyong mga iyan. I believe Ruby that at the end of the day, mag-uusap usap din ang mga Congressman at mga Senador to come up with one solution kung papaano po i-improve iyong ating Saligang Batas para tayo po ay magkaroon ng isang form of government that will be more responsive of the people not only here in NCR but also to the needs of every region.

Kasi ang problema po talaga kaya nga maraming nagsisigaw ng federalism, is because masyadong centralize iyong government natin at iyong mga probinsiyano katulad ko ay talagang ramdam namin iyong kulang na suporta ng central government to the region. So that’s why we want to decentralize the government para po magkaroon ng pagkakataon na patas na pagkakataon na humabol din po iyong mga mahihirap na rehiyon. Humabol po sa pag-asenso ng National Capital Region. So iyon po talaga iyong basis noon, let’s go back to that argument. Iyon po talaga.

NOEL: Okay. Mahaba-habang kuwentuhan iyan, Secretary, sa mga susunod nating pagkakataon pumunta kayo dito, pag-usapan natin iyan. Ano, Secretary?

SEC. ANDANAR: Opo, sige po. Serious Noel I will invite you doon sa NIC. Sana po ay mayroon kang panahon.

NOEL: Okay, thank you very much, Secretary. 

RUBY: Okay, salamat po.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayong dalawa at DZMM. Thank you po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource