SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa Thogs. Magandang umaga sa lahat ng tagapakinig ng iyong programa dito po sa Radyo Pilipinas 1.
THOGS: Secretary, we’re very happy that we have you. Secretary, linawin nga po natin itong mga naglalabasang mga komentaryo at mga puna at pananaw ng iba’t ibang mga organisasyon particularly iyong mga kasama po natin sa hanap-buhay na binabatikos nga nila iyong naging hakbang ng SEC na para bang ang sabi nila, ‘O pinapatigil iyong operasyon ng Rappler and this is an affront to press freedom. Alam po naman natin na kayo po ay advocate ng press freedom. Ano pong masasabi ninyo dito?
SEC. ANDANAR: Oo tama po kayo. Talagang advocate po ang gobyernong ito sa press freedom; while we are also an advocate of strengthening the rule of law. Alam ninyo po naupo si Pangulong Duterte, marami na ho siyang mga hinabol na mga Institusyon sa bansa natin na mayroon pong atraso sa gobyerno. Ito po iyong sa Philippine Airlines, iyong kay Lucio Tan, nagbayad po ng anim na bilyong piso. Ito po ay utang nila dito sa Airport. At nandiyan din po iyong sa Mighty Corporation, nagbayad ng 25 billion at napakadami pa pong mga ehemplo na ipinagbabayad po ng ating Pangulo kung mayroong mga utang at iyong mga lumalabag ho sa batas ay ipinapanagot ho. So this is the advocacy of strengthening the rule of law.
The case against the Rappler is obviously a legal case and the Securities of the Exchange Commission has decided already that Rappler has actually—may nilabag sila. May nilabag sila sa ating Saligang Batas at sila ay nagdesisyon. But I also believe in the process wherein—
(LINE CUT)
THOGS: Secretary, pasensiya na po naputol iyong line natin.
SEC. ANDANAR: Oo nga, hindi ninyo kasalanan. Kasalanan ito ng telco.
THOGS: Oo na-censor tayo ng telco.
SEC. ANDANAR: [laughs]Hindi, ganito lang naman iyan. So na technical kasi dahil because the—
(LINE CUT)
THOGS: Secretary once again, pasensiya na po, palpak talaga iyang line natin. [laughs]
SEC. ANDANAR: Palpak po talaga iyong Telco—
THOGS: Sana makapasok na iyong pangatlong player para gumanda ganda iyong ating telco.
SEC. ANDANAR: Iyon nga iyong gusto kong sabihin sana. Pero tignan mo—parati na lang araw-araw ganito po iyon, araw-araw.
(LINE CUT)
THOGS: Secretary once again, good morning.
SEC. ANDANAR: Hi good morning po. Hindi na sana maputol—
THOGS: Sana po, oo.
SEC. ANDANAR: Iyon nga iyong sinasabi ko na, iyon ang findings na mayroong investment iyong Omidyar, which is a foreign company. Wherein the law states that a media company in the Philippines should be 100 percent owned by Filipinos. So wala po tayong magagawa doon, iyon po ang desisyon ng SEC. But mayroon pong magagawang aksyon ang Rappler, is really to, number one, to go to the process, look for a TRO or perhaps—
THOGS: Challenge in Court?
SEC. ANDANAR: Challenge in Court or perhaps open a new company and klaruhin sa SEC na ito ay completely a Filipino owned company. No one is stopping them from doing it.
THOGS: Oho, oho. Ang malinaw po dito iyong nakalagay sa Saligang Batas natin na ang media organization 100 percent na dapat na ito ay pagmamay-ari ng Filipino?
SEC. ANDANAR: Opo tama po, 100 percent na pagmamay-ari ng Filipino.
THOGS: Okay. Sir, how about iyong binabanggit nila, ‘Hindi, iyong Omidyar and isa pang investor nila iyong almost nine percent lamang ang kabuuang investment nila and hindi naman daw nakikialam doon sa operasyon ng Rappler and hindi nangingialam sa editorial judgment.’ How would you like to react on that sir?
SEC. ANDANAR: Well, regardless of how much your investment is. 100 percent Filipino dapat. Hindi naman sila Filipino. Parang—sundin na lang natin iyong batas. It’s not an issue of press freedom; it’s an issue of obeying the law. Now, if you have—if you are a media company and you should—
(LINE CUT)
THOGS: Secretary, once again. Isang huling katanungan na lang po bago tayo maputol.
SEC. ANDANAR: O sige po. [laughs]
THOGS: Doon po sa punto na sinasabi nilang this is an affront to press freedom at ito raw ay pamamaraan upang mapa-silensiyo iyong mga oposisyon na bumabatikos sa pamahalaan. Ikaw ay isang practitioner kagaya rin po natin, natural masakit po sa atin ito. Ano po ang paliwanag natin dito, Secretary Mart?
SEC. ANDANAR: Alam naman ng mga kababayan natin na we have more than a thousand of—we have more than two thousand media agencies around the Philippines and people—Media continue to either criticize the government or praise the government. Hindi po natin pinipigilan, Rappler continuous to talk that way, all of the critics are talking that way. Are we stopping them from talking? No we are not.
Again, this is a question of a company whether it’s obeying the law or not. Now, the Securities of Exchange Commission has decided, mayroon pong paraan ang Rappler para po maibalik iyon. They go to the process or they can apply for a new company na talagang 100 percent Filipino. It’s as simple as that.
THOGS: Okay. Secretary Martin, maraming salamat po sa oras na ibinigay po ninyo sa bayan. Thank you.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)