Interview

Interview With Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Thogs Naniong (Agenda Ng Bayan- Radyo Pilipinas)


THOGS: Magandang hapon po and congratulations doon sa napakamatagumpay na National Information Convention natin diyan sa Davao. 

SEC. ANDANAR: Maraming salamat at congratulations sa lahat po ng PCOO staff, lahat po ng line agencies natin, ang Philippine Information Agency, PBS, PTV, kasama po ang News and Information Bureau at NPO at saka ang iyong— 

THOGS: Radyo Pilipinas sir? 

SEC. ANDANAR: Oo, iyong Radyo Pilipinas, Philippine Broadcasting Service. Three-day event po ito at akalain mo na natipon natin ang mahigit 1,800 information officers mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Sabi nga nila ay first time na nangyari ito na tinipon ang mga Information Officers and they walked out inspired and they want another 2019— 

THOGS: Convention— 

SEC. ANDANAR: Convention. 

THOGS: Okay. 

SEC. ANDANAR: At natutuwa tayo because we are really on the verge of becoming a very, very strong government communications organization or arm. At hindi lang tayo sa radyo, hindi lang sa TV, hindi lang po sa online or print. Kasama rin po dito ang on ground communication— 

THOGS: Yeah, yes sir. 

SEC. ANDANAR: Yes, yes.

THOGS: Secretary, ano po ang kagandahan nitong ating ginawang convention sa kalagitnaan ng problema naman sa fake news? 

SEC. ANDANAR: Ang kagandahan nito ay dahil natipon nga natin ang mga Information Officers at ngayon hindi lang tayo kakaunti na lalaban sa fake news. Hindi lang tayo sa Maynila, kasama na rin po ang 1,800 information officers sa buong Pilipinas at alam mo the word of mouth is very strong, you cannot underestimate it, Thogs ‘di ba? So pagdating naman sa technology, hindi naman tayo nalulugi, hindi naman—hindi lang naman TV, Radyo or online at kung iyon ang pag-uusapan, malakas naman tayo—pero iba talaga kapag mayroong foot soldiers.

THOGS: Yeah totoo iyan. 

SEC. ANDANAR: Na magsasalita so that is really their contribute—I think the NIC 2018 has just proven and as its shown the entire Philippines na the government communications are—is really a force to reckon with pagdating sa pag-disseminate ng information at malalabanan natin ngayon ang disinformation, misinformation at iyong tinatawag na fake or false news.

THOGS: Tama iyon dahil iyon pong mga nasa bayan-bayan, ito iyong direktang nakakasalamuha noong mga ordinaryo nating mamamayan. At dapat lamang na iyong tamang impormasyon ang kanilang malalaman para they could decide accordingly. 

SEC. ANDANAR: Tama, tama. At ngayon nga since they walked out inspired at ngayon ang magiging thrust ng gobyerno, ng national government is to really go down to the grassroots level all the way to the barangay. Just imagine Thogs, from 1,800, kausap ko si Usec. Martin Diño, sabi niya dadalhin namin ito sa lahat ng barangay—

THOGS: Tama iyon. 

SEC. ANDANAR: Siyempre maglalagay tayo ng information officer. So, automatically more than 42,000 information officers, ang kakampi natin ngayon Thogs!

THOGS: Tama iyon. 

SEC. ANDANAR: So imagine mo manggagaling sa Radyo Pilipinas 1 ang sigaw ng ating national government tapos iyon ay maipapakalat sa buong Radyo Pilipinas nationwide, sa buong PNA, sa buong PIA, sa buong PTV sa mga probinsiya at iyon po ay echo naman ng more than 42,000 information officers kaya kailangan we should strike while the iron is hot, lahat po ng training na kailangan nating ibigay, kailangan ibigay po natin, io-offer po natin sa ating mga information officers dahil first time nilang na-experience na binibigyan sila ng atensiyon at seryosong importansiya. First time nga daw in history of—

THOGS: That’s true, that’s true. 

SEC. ANDANAR: –of Philippine governance sabi nila.

THOGS: Sir, isang huling katanungan, Secretary. May mga bayan-bayan, mga lalawigan, mga maunlad na Lungsod na bayan na they have information officers pero hindi po ito iyong sitwasyon sa ibang mga munisipyo lalo kapag medyo fifth, fourth class municipality. May balak ho ba tayo na sana ito kumbaga magiging institutionalized na? 

SEC. ANDANAR: Sapagka’t ang problema diyan ay kailangan ay mai-tackle iyan sa legislative body, sa Kongreso dahil ito nga ay hindi pa nakasaad sa batas. Kaya kakausapin natin si Presidente na suportahan ang mga information officers dahil kailangan na kailangan natin ito to bridge the information or the communication gap between the executive and local government. Pero ito ay mangyayari, naniniwala ako dahil dito sa Davao ay 1,800 very strong, lahat ay gusto talagang iparating kay Pangulo, iparating sa Kongreso, sa Senado na kailangan na talaga. It’s about time that each local government unit, each barangay should have its own information officer dahil nga napakahalaga na mayroong nag-a-update sa ating mga kababayan sa mga proyekto at mga polisiya ng ating gobyerno.

THOGS: Secretary Mart, Daghang salamat. Maraming salamat sa oras na ibinigay mo sa bayan. 

SEC. ANDANAR: Daghang salamat, Thogs, mabuhay ka.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource