Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Vic Lima (Tandem-DZMM )


VIC LIMA: Secretary, magandang hapon ho— 

SEC. ANDANAR: Magandang umaga— 

VIC: Umaga-umaga. 

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat po ng nakikinig sa DZMM at sa inyong programa. 

VIC: Iyan po, ang ganda ng boses ninyo po nai-insecure tuloy ako pambihira. 

SEC. ANDANAR: Lamang ka sa akin, Vic ng tatlo, apat, limang paligo. 

VIC: Pero hindi—alam mo natatandaan ko maliit pa ako, pinapanood ko na kayo ni Erwin. 

SEC. ANDANAR: [laughs]. Naalala ko Vic ay biglang sabog noong Mount Pinatubo ikaw iyong napanood ko. [laughs]. 

VIC: [laughs]. Kumusta ang Presidente? How is he? Dumalaw siya kay Demafelis, mukhang balita ko ay talagang desidido doon sa ban muna for the meantime ano? 

SEC. ANDANAR: Alam mo ang ating Pangulo kasi kapag naaapi ang ating mga kababayang Pilipino lalo na iyong mga OFW na— 

VIC: Obviously. 

SEC. ANDANAR: Oo talagang sumasama ang timpla ng panahon kasi siyempre sinasabi niya parati sa kaniyang mga speech, kulang sa tulog, kulang sa kain, naaapi na, ito pa tapos nawalan ng dignidad, hindi lang iyon pinatay pa Diyos ko po! ‘Di ba? 

VIC: Pinatay pa, pini-reezer (freezer) pa. 

SEC. ANDANAR: Pini-reezer (freezer) pa. So sobra-sobra po ang ginawang— 

VIC: Bugbog-bugbog.

SEC. ANDANAR: Kawalanghiyaan at kademonyohan kay Demafeliz. Kaya nga si Pangulong Duterte ay very-very close sa mga OFWs sapagka’t marami kasing OFWs dito sa Mindanao, Vic. 

VIC: Yeah, I know. I know, I know. 

SEC. ANDANAR: It’s a very-very tragic story at itong istorya na ito ay sumasalamin ito sa reyalidad sa mga OFWs diyan sa Middle East. 

VIC: Hindi at saka laging—‘di ba madalas na sinasabi ng Pangulo sa kaniyang talumpati, iyong mga nag-a-abroad na mga magulang, iyong iba nasisira ang pagsasama ng asawa, iyong iba nasisira ang pag-aaral ng mga anak, nagiging drug addict, mawawalay sa pamilya, pagbalik dito ganoon pa, pag-alis masaya, iniisip kikita ng pera, pagbalik dito, Secretary nakakahon na iyong OFW ‘di ba? 

SEC. ANDANAR: Tama ka Vic. In fact Vic iyong fact na umalis lang ang isang magulang— 

VIC: Mabigat iyon. 

SEC. ANDANAR: Automatic dysfunctional iyong pamilya. 

VIC: That’s correct. 

SEC. ANDANAR: Automatic na iyon kasi wala na iyong nanay, wala iyong tatay. So hindi na po—dysfunctional na iyong pamilya tapos dagdagan mo pa ng lahat ng mga problema ito. Kaya nga iyong social cost talaga sa ating mga Pilipino ay napakataas, kaya si Presidente at ang gobyerno ni Presidente ay very compassionate at sinisiguro na kung ano man ang kakulangan ng pamilya ay ginagawan ng paraan ng ating Pangulo na kahit papaano mapunan ng gobyerno. 

VIC: Oo, ang Presidente Secretary, pupunta ng Kuwait ‘di ba? 

SEC. ANDANAR: Ang balita ho kasi ay – noong una – ay doon muna sa bilateral with the ambassador na nangyari na, ‘di ba? Nangyari na iyong pag-uusap nila doon sa Malacañang. Kung pupunta si Presidente o hindi, iyon ang aabangan natin. Pero sigurado si Bebot Bello, Secretary Bebot, iyon talagang kailangan niyang pumunta! 

VIC: And I don’t know if you can po din, maibabahagi mo sa amin, may instruction pa si Presidente kay Secretary Bello? I’m sure number one agenda will be the OFWs! 

SEC. ANDANAR: Number one agenda OFWs tapos si—at ulitin muli iyong panawagan ng Philippine government na kung gusto mo ng umuwi ng Pilipinas ay mayroon kang pamasahe, libre pauwi ng Pilipinas. Now for those who want to stay ng Kuwait kasi mayroon silang mga kontrata ay nasa kanila na iyon, that’s their own decision. Pero ang ating gobyerno ay nakahanda pong i-repatriate ang mga Pilipinong gusto pong umuwi! 

VIC: Ah okay, okay. Kasi wala, Diyos ko naman mauubos ang OFW natin, pambihira. Well number two good news is that kahapon na-interview ko si Secretary Rio, Eliseo Rio, mayroon na yatang third party na pinagpipilian ha, sa Telco-Telco ha. Ang Presidente hindi rin pumayag na tagalan iyong deadline ‘di ba? Gusto niya malaman kaagad kung sino. 

SEC. ANDANAR: Yes kasi nga Vic, this is our 20th month in government. 

VIC: Correct. 

SEC. ANDANAR: Tapos isa ho iyan sa pangako ng Pangulo noong kampanyahan. Telco, tapos kailangan bumilis na iyong signal ng internet. At the same time napakadaming probinsiya, Vic na wala talagang cellphone signal. As a matter of fact, government is coming in this year by introducing the government satellite network para nga iyong mga barangay na nandoon na sa mga bundok ay kahit papaano mayroong signal ng internet at puwedeng kausapin si Presidente ng live.

 VIC: Well that’s good news. Alam mo I want to start my Saturday with good news. Sabi ko tawagan ninyo si Secretary Andanar puro good news ang dala niyan. 

SEC. ANDANAR: Oo. [laughs]. 

VIC: I mean, you know for the whole week medyo mabibigat ang mga balita, makarinig man lang tayo ng good news, at least… OFW, third party Telcos, that’s good news enough ‘di ba? 

SEC. ANDANAR: Now, Vic, iyong good news din ay iyong—this week kasi kinausap natin iyong—nagkaroon tayo ng National Information Convention kung saan for the first time, natipon po natin ang more than 1,800 information officers mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. At very inspired sila at binigay natin sa kanila iyong balita na the government will be ready to roll out 42,000 satellite receivers para sa mga barangay, may internet po, may TV, mayroon pong government bulletin board. So this will be for all barangays na wala po talagang direct access to the President. 

VIC: Ah talaga? Wow.

 SEC. ANDANAR: Opo.

 VIC: Ano iyan government satellite iyan, may ano ba iyan—papaano iyan? They will have direct access to the national government kahit iyong mga nasa liblib na lugar?

 SEC. ANDANAR: Oo mayroon po, mayroon po sapagka’t mayroon po tayong government bulletin board channel at mayroon po tayong mga channel about weather under ng PTV, channel po DILG, channel po ng AFP at Department of Health at the same time bukod sa makakatanggap sila ng signal ng television through satellite, they will also receive free internet with the government satellite network receiver. Meaning, kung ikaw po ay nandoon sa pinakabundok ay… tapos gusto kang tawagan ni Presidente. So puwede po kayong mag-usap ni Presidente from Malacañang to—sabihin na natin—

 VIC: To the liblib—

 SEC. ANDANAR: Oo barangay San Roque sa liblib na lugar na walang internet at walang mobile signal.

 VIC: Oo.

 SEC. ANDANAR: Ito po ay napakagandang proyekto, Vic.

 VIC: Wow, hindi ko alam iyan bago iyan. At higit sa lahat iyong mga nasa liblib na lugar, Secretary, malalaman nila may paparating na bagyo, may paparating na kung anu-ano. ‘Di ba mapo-forewarn sila?

SEC. ANDANAR: Tama ka Vic, lahat ng kalamidad, lahat ng mga warning, lahat ng mga balita, bulletin board mula sa gobyerno at Vic ito ha, this will signal really the possibility of e-governance already. Hindi lang sa Metro Manila kung hindi sa buong Pilipinas.

 VIC: Oo, oo, iyan ay—alam mo una kong narinig iyan kay Congressman LRay Villafuerte. Iyang e-government na iyan. Panukala yata niya! Well that’s good, that’s good. When will this start, Secretary?

 SEC. ANDANAR: As a matter of fact up to this week ay mina-manufacture na po ng kumpanya na nagbigay ng unsolicited proposal, iyong mga satellite business at receivers. So it’s just a matter of time kapag natapos na po, we will roll out for the 2,000 receivers, kausap po natin ang DILG. At ito po ay proyekto na inaprubahan pa lang ni Presidente noong huling Cabinet meeting noong 2017. Opo-opo.

Tapos ang maganda dito, Vic doon sa NIC kasi, sa National Information Convention, like iyong nabanggit ko kanina, natipon natin iyong more than 1,800 information officers. Tapos kausap ko si Undersecretary Martin Diño, ang sabi niya we will also engage the more than 42,000 barangays na magbigay din, mag-appoint din ng information officers.

VIC: Yeah tama.

 SEC. ANDANAR: So this is the first time na talagang—makikita mo Vic panlaban ito sa disinformation, sa fake news.

 VIC: Yeah, fake news, fake news. Tama, tama, tama. Iyon ang direktang magkakalat ng balita sa mga kababayan, kababaryo niya. Maasahan mong tunay iyong balita as much as possible, hindi fake news din ba?

 SEC. ANDANAR: Oo tama-tama, kasi alam mo hindi naman kaya natin lahat na nasa radyo, sa TV—

 VIC: Precisely-precisely.

 SEC. ANDANAR: –sa online, kailangan mayroon ding face to face communication ‘di ba Vic?

 VIC: Oo, well that’s good news ha, goody na for a Saturday. Secretary Martin mag-uusap pa tayo ng maraming beses, maraming salamat!

 SEC. ANDANAR: Oo-oo.

 VIC: Okay?

 SEC. ANDANAR: Mabuhay ka, Vic. Mabuhay po ang DZMM.

 VIC: Thank you, Idol.

 SEC. ANDANAR: Salamat po.

 VIC: Thank you, thank you. 

                                                                                                                ###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)            

Resource