SEC. ROQUE: (coverage cut) ang utos ni Presidente, wala tayong itinatago, sabihin ang katotohan at pawang katotohanan lamang. Dahil ang katotohanan po ang siyang maglilinis ng kanyang pangalan sa mga alegasyon na talagang wala namang katuturan.
ARNOLD: Opo.Ano ho ba ang naging papel ni Bong Go, ba’t po siya nakakaladkad dito, Secretary?
SEC. ROQUE: Wala po. Wala po talaga siyang papel, dahil iyong sinasabi nilang white paper ay lumabas po iyon, na-award na po itong kontratang ito doon sa Hyundai at ang binili naman pong gobyerno isang frigate, isang pandigmang bapor na merong bapor at merong mga iba’t-ibang mga system – may navigation, may combat system at merong integration ano – so lahat po iyan ay binili natin bilang isang package.
Kaya nga po nakapagtataka na bagama’t ang notice of award at saka iyong declaration kung sino iyong nanalo ng bid ay doon pa sa panahon ni Presidente Aquino, sinasabing nakiki-alam daw si Bong Go. Impossible po iyon, kasi kung alam ninyo kung paano iyong ang proseso ng bidding, kapag na-award iyan na ikaw ang bidder, iyong mga sinabi mong isu-supply mo ay iyon na iyon, hindi na pupuwedeng palitan.
ARNOLD: So iyong note ni Go sa dokumentong pinakita in Secretary Lorenzana hindi po pakikialam iyon. Iyon parang sabihin niyang tingnan itong kontratang ito, hindi ganoon?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, nilinaw na po ni Secretary Lorenzana na hindi naman po si Bong Go ang nagsulat noon, sulat po iyong ni Secretary Lorenzana. Wala pong kahit anung sulat is Bong Go, unang-una ano.
Pangalawa, dahil iyong papeles daw ay nakuha niya sa Malacanang ay he assumed na galing kay Bong Go. Pero nilinaw po niya, talaga namang hindi siya sigurado kung sino ang nagbigay. Kung babasahin n’yo naman po iyong white paper na iyon ay wala naman pong nilalakad na doon, dahil talaga naman pong nadesisyunan na Hyundai at doon po sa kontrata Hyundai talaga ang pipili kung ano ang gagamitin niya doon sa frigate na iyon, itong Hanwha na tinatawag.
So hindi na para maghimasok pa ang kahit sino, kasi iyong gumagawa na ng frigate ang nagsabi na ang ilalagay nila diyan na combat system ay iyong galing sa Hanwa.
ARNOLD: Okay. Pero ayon po sa artikulo ng Rappler, Secretary, para malinaw lang po, hindi sa frigate, iyong combat management system ng dalawang barko, doon daw po medyo nakialam si Bong Go sa pagpili ng supplier, tama ho ba?
SEC. ROQUE: Well, iyon nga po ang nililinaw namin. Doon sa bidding, hindi lang po barko ang binili natin. Kasama na po diyan iyong combat system, kasama rin iyong navigation, kasama na iyong communication at kasama na iyong integration. So hindi po natin binili iyan ng patsi-patsi. Binili po natin iyan ng isang produkto na sama-sama na. Kasi nga kung tatanungin ninyo si Secretary Diokno, diyan pumapalpak ang pagbibili natin kung patsi-patsi ang binibili.
So sa atin ang responsibilidad ng Hyundai paganahin mo iyan bilang isang frigate, hindi lang bilang isang barko.
ARNOLD: Okay. Kung ito ay tapos na at ang bidding ay nagwakas noong panahon ni Pangulong Noynoy Aquino, may nakikita ba kayong iregularidad sa pagpasok ng kontratang ito ng dating Pangulo?
SEC. ROQUE: Well, ang punto naman po ni Secretary Lorenzana pinirmahan niya iyan dahil sang-ayon sa batas RA 6184 kung wala naman talagang legal na dahilan para hindi pirmahan iyan, meron kang obligasyon na pirmahan iyong notice of award na siyang ginawa.
At saka pangalawa, Igan, talaga namang kailangan natin ng frigate. Sa ngayon po 1950 pa iyong ating kaisa-isahang barko, iyong Del Pilar at alam naman natin na may problema tayo sa ating mga karagatan. So isa sa dahilan para wag ituloy ang notice of award ay kung hindi na kinakailangan. Bakit naman nating sasabihin hindi kailangan iyan, meron nga tayong problema diyan sa West Philippine Sea at Scarborough at saka sa Benham Rise.
ARNOLD: Opo. Okay abangan namin kayo mamaya sa Senado. Secretary salamat, good morning.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po, magandang umaga po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)