Q: Sir, marami ang nagtatanong at isa na itong kasama kong si Atty. Jess Falcis, bakit daw full force ang ating mga Secretaries and ating mga very important people in the Duterte administration?
SEC. ROQUE: Well, kasi malinaw naman po na pilit na dinadawit ng oposisyon itong si SAP Go para madawit ang Presidente. Ito po ay pagpapakita ng suporta at pahiwatig na rin na wala pong tinatago si President Duterte pagdating po dito sa isyu ng frigate.
Q: Sir, follow up on that, Secretary. Kasi siyempre I think Bong Go naman, sir, can defend himself, he is smart, he is able. So kung wala naman po siyang tinatago, mag-testify lang po siya. So unlike other Secretaries na naging isyu sa Senado, na na-isyu, hindi naman po nag-show of support iyong ibang Cabinet members. Bakit po kay SAP Bong Go kailangan pang nandoon pa lahat?
SEC. ROQUE: Well, sa akin po, hindi naman po siguro lahat. Sa akin lamang po ay iilan lang naman po kaming Secretary sa Malacañang at ang palaging magkasama ay kaming dalawa ni Bong Go. So sa akin po, ito ang sa akin samahan ko aking malapit na miyembro ng Gabinete, dahil ang aming opisina ay magkatabi lamang.
Q: Sir, sinabi po kasi kanina ni Secretary Andanar na itong frigate project ay isa sa mga talagang dapat ipagbunying proyekto, it is both an achievement of both the Aquino administration and the present administration. What is your say on that, sir?
SEC. ROQUE: Well, kaya nga po itinuloy ito ng administrasyong Duterte ay dahil doon sa pangangailangan na palakasin ang ating Hukbong Dagat dahil sa mga isyu sa West Philippine Sea. Bukod po sa dalawang frigate na ito ay 1950 pa iyong ating Del Pilar. So sa tingin namin ay talagang importante na matuloy itong proyektong ito dahil ang problema nga natin ay wala tayong—kumbaga, wala tayong kakayahan na depensahan ang ating karagatan. Iyon lang po ang konsiderasyon kung bakit—puwede sigurong ipinatagal itong proseso ng pagbibili ng frigate, pero minabuti na nga na ituloy na dahil sa pangangailangan.
Q: Okay, kapag po sinabing na-finalize, pag nasabi pong na-finalize iyong frigate deal nung panahon po ni PNoy pero tinuloy ni President Duterte, ano po iyong natapos or na-finalize sa panahon ni President Aquino. Ano po iyong—
SEC. ROQUE: Iyong pag-award po ng kontrata doon sa Hyundai. Malinaw na malinaw naman po na iyong bidding o deklarasyon na Hyundai ang responsive bidding ay nangyari po doon sa panahon in Presidente Noynoy Aquino.
Q: At tapos ano po iyong parang napirmahan or tinuloy ni President Duterte nung October 2016 daw, doon po parang natapos talaga iyong kontrata or natuloy iyong bidding?
SEC. ROQUE: Sang-ayon po sa RA 9164 matapos po magkaroon ng deklarasyon kung sino ang lowest responsive bidding ay magkakaroon po ng notice of award at saka iyong kontrata. So iyan na po iyong ipinasok sa administrasyon ni Presidente Durterte.
Q: Sir, isang question na lang po. Of course marami pong mga maduduming utak na nagsasabi na the ground outside is assembled by the administration, and have been very honest in saying na ang nagpaplano is iyong mga grupo-grupo. What is your take on that, sir?
SEC. ROQUE: Hindi ko po narinig kung ano ang tanong mo, paki-ulit po?
Q: Sir marami kasing nagsasabi na ‘naku, ano naman, mga galamay na naman ng administrasyon iyan sa labas na nagra-rally, nag-organize.’ Which ako, I’ve been saying na hindi totoo iyan, kasi alam ko na hindi plinano iyan at saka parang ano lang, text-text lang iyan.
Q: Parang simpleng tanong, hakot daw po ba iyong mga nasa labas?
SEC. ROQUE: Ay naku, wala po akong alam diyan at bakit naman kapag pro-administration ay sinasabi, hinakot. Alam mo ang kalayaan po ng pananalita in present… kalayaan po iyan ng lahat ng Pilipino, hindi lang iyong lumalaban kay Presidente Duterte.
Q: Correct, okay thank you sir for your time.
SEC. ROQUE: Okay, salamat din po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Informatin Bureau)