ERWIN: Magandang hapon, Secretary Harry Roque, sir.
SEC. ROQUE: Magandang hapon Erwin, at magandang hapon sa lahat ng mga nakikinig sa atin ngayon.
ERWIN: Alright. Just give me about two to three minutes Secretary of your time, mabilis lang po ito.
Una po, ako’y nabibingi na… kahapon ko pa naririnig itong Vera Files na they are saying na may bank accounts na naman daw ang Pangulo – itong mag-ama, si Pangulo at saka si Sara. Sabi na rin Sara, “Anong sasagutin ko diyan? Sabi na nga ng Palasyo, hearsay ‘yang kuwento na ‘yan.” At narinig ko rin kayo kahapon, sabi ninyo how can you answer that issue kung it’s a hearsay, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Well iyong buong istorya po, naka-angkla doon sa ‘di umano ay mga bank statements na hawak nila. Pero Erwin alam naman natin na ang mga bank statements are absolutely confidential. So bago tayo makasagot diyan, dapat patunayan ng PDI na authentic iyong mga dokumentong ‘yan – na hindi mangyayari, dahil kinakailangan ‘yan either may pagpayag noong bank holder or account holder, o ‘di naman kaya may order galing sa Ombudsman na inatasan ng AMLC na ilabas ang dokumentong ‘yan… eh walang ganiyan.
So ang sinasabi ko, paano ka magkokomento, hindi ka naman sigurado na gawa-gawa lang ‘yang bank statement na ‘yan. Matagal na ngang sinabing walang ganiyang mga bank statements, pinipilit nila mayroon daw. So sabi ko, “Eh ‘di humingi muna kayo ng authenticated copy, certified true copy sa bangko,” saka kami sasagot.
ERWIN: At saka rehash ho yata ito, ito’y pinakita na ni Trillanes, binalik na naman ngayon. Narinig ko po iyong reporter, na tinatanong pa kayo ng reporter ng Rappler, may mga bagong bank accounts daw. Pero iyong hawak na papel, iyong papel pa rin na winawagayway o winagayway ni Trillanes ilang buwan na nakakaraan.
SEC. ROQUE: Ay naku, taon na nga po ‘yan, na hanggang ngayon hindi niya mapruwebahan maski na siya ay nasa Senado. Papaano ka magkokomento doon sa papel na ginawa niya, na siya mismo ang gumawa? ‘Yan ba iyong tinatawag nating ‘journalism’? Hindi yata tama ‘yan, na ang mga dokumentong gagawan mo ng istorya, ikaw rin ang nag-print out at ikaw rin ang nag-input sa computer. Hindi po pupuwede ‘yan – sa batas at sa pamamahayag.
ERWIN: Sir kahapon may kausap ho tayo na isang abogado, na sinasabi niya na dapat sigurong tingnan din ng Palasyo kasi napapansin niya ho sir na sunud-sunod itong atake sa administrasyon ha – tinira si Special Assistant to the President Go, ngayon naman lumabas na naman itong mga Vera Files na ito, parang sunud-sunod ang banat, parang diversionary or something. Do you believe na mayroong parang grand na… ika nga, diversion na ginagawa para malihis ang atensiyon ng tao sa ibang issue, at ma-focus na lamang sa issue kay Pangulo, kay Secretary Bong Go, etcetera, etcetera… Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Ay ang sigurado po ako, talagang patuloy na naman iyong kanilang PR campaign para siraan ang gobyerno. Eh sa akin naman okay lang ‘yan, tanggap natin ‘yan – pero humanda kayo, dahil mas marami kayong pananagutan dahil doon sa anim na termino na kayo’y nanungkulan.
So ngayon mabuti naman sa programa mo lumabas na si Janette Lim-Napoles. Tingnan natin ang katotohanan diyan kung sinong mga nagpasasa diyan, lahat dilawan. At panahon na para sila ay managot. O iyang Dengavaxia—
ERWIN: Ang sagot po ni—
SEC. ROQUE: Nanahimik ang Presidente diyan pero ngayon tingnan natin, talaga namang minadali ang pagbili na iyan at talaga namang may kumita diyan. Sino ang kumita diyan? Alam mo iyong Presidente kahanga-hanga rin, statesman, sabi niya, ‘Bakit ako mamumulitika walang eleksiyon?’
Pero kung gusto nila ng batuhan, ay naku po anim na taon ang dami nilang itinatago, ilabas na iyon. Mabuti nga iyan sila ang nagsimula ng walang sisihan. Pero tayo malinis po tayo dahil tao naman tayo sa panunungkulan. Pero sila alam na natin ang mga kababalaghan nila. At maski ang Presidente ay noong una ay gusto niyang umusad lang at manilbihan. Tingin ko panahon na rin sa pananagutan. So yes, let it on. Sige, magharapan tayo at ‘pag-usapan natin ang pananagutan ng isa’t isa.
ERWIN: So in sport po, ika nga, open ang Palasyo, open kayo, open ang Pangulo. Ilabas na nila kung mayroon man silang itinatago. Ngayon kayo, ready rin po kayong ilabas na lahat ng mga kalokohan nila noong… for the past six years, sir?
SEC. ROQUE: Ay naku, iyan nga po ang dahilan kaya nagagalit ang marami sa Ombudsman dahil dapat si Ombudsman ang nag-imbestiga. Pero kung hindi magawa—magsisimula si Ombudsman anyway patapos na rin ang termino niya. Mayroon din talagang panahon para sa pananagutan at kung gusto nila simulan na natin ngayon.
ERWIN: Okay. Sir, reaksiyon ninyo lamang. Kahapon noong matanong ko kayo ang sabi ninyo ay sana gusto ninyong—kung kayo ang tatanungin, maimbestigahan itong si Senador Drilon base sa sinasabi ni Janette Napoles. Pero ang sagot lang po ni Senador Drilon, ‘fake news,’ wala siyang tinatanggap na ika nga donasyon mula o pera mula kay Janet Napoles. Your reaction sir?
SEC. ROQUE: Well alam mo tanging isang tao lang naman ang magpapatunay sa mga pangyayari dito sa isyu ng PDAF at walang iba iyan kung hindi si Janet Lim-Napoles. So pakinggan natin si Janet Lim-Napoles at tingnan pa natin kung ano pang ibang ebidensiyang hawak niya. At kung sapat ito, panahon na para sa pananagutan para sa lahat. At kapag ito ay nangyari huwag namang sabihing inaatake na naman ang oposisyon. At kagaya ng aking sinabi, sino bang unang nambato? Nanahimik ang Presidente, nanunungkulan, kung gusto nila ng ganitong taktika, ibigay natin sa kanila.
ERWIN: Alright. Sir panghuli na lamang sa Dengvaxia. 1.4 lang—mukhang 1.4 lang talaga ang kayang ibigay, sir dahil iyong 2.2, 3.6 billion iyan, hindi naman talaga napunta sa Sanofi Pasteur kung hindi napunta sa bulsa ng iilan, Secretary?
SEC. ROQUE: Well alam ninyo po pananagutan ng Sanofi diyan kung talagang napatunayan na may kabalastugan at namangkero lang talaga, hindi lang po 3.6 billion kung hindi lahat ng danyos na isinugod niya sa ating mga kabataan, mahina po siguro ang 3.6 billion dollars at hindi pesos.
ERWIN: Iyon. Secretary Harry Roque, ang Presidential Spokesperson. Maraming salamat sir. Magandang hapon sa inyo, Secretary.
SEC. ROQUE: Salamat po at magandang hapon po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)