Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Omaga-Diaz (Omaga Diaz Report-DZMM)


HENRY:  Nasa linya naman ngayon si Presidential Spokesperson Harry Roque. Magandang hapon po, Secretary.

SEC. ROQUE:  Henry magandang hapon sa iyo, galing dito sa Kalibo. Viva Señor Sto. Niño…

HENRY:  Secretary…

SEC. ROQUE:  Yes, magandang hapon po sa inyong lahat galing sa Kalibo, Aklan, Viva Señor Sto. Niño sa inyo.

HENRY:  Uy, nakiki-fiesta pala kayo diyan. Kamusta ang fiesta diyan sa Kalibo?

SEC. ROQUE:  Okay po, napakasaya po at nagsimula pa lang po ang kasayahan dito sa Kalibo.

HENRY:  Okay. Napapag-usapan po namin lalo na nandito si Prof. Antonio Laviña at Atty. Joe Clemente ng National Union of Journalists in the Philippines. Iyong mga pangyayari lately, na according to NUJP ay medyo nakakatakot para sa mga mamamahayag, iyong sa Rappler among others ano po. Okay, para naman po sa panig ng Malacañang, may dapat bang ikatakot iyong mga mamamahayag?

SEC. ROQUE:  Wala po. Unang-una iyang Rappler naman po, hindi usaping kalayaan ‘yan, usaping kuwarto po ‘yan. Fund raising ng Rappler na sinabi ng SEC labag sa Saligang Batas. Sa dami-dami naman ng mga media entities na mga internet-based, sila lang naman nagkaroon ng ganiyang tinatawag na PDR, at sabi sa akin ng SEC, ‘yan lang ang PDR na nakita nila nagbigay talaga ng control doon sa mga namumuhunang mga dayuhan.

So sa amin po talaga, ewan ko po kung paniniwalaan ninyo, hindi naman po hawak ni Presidente iyong SEC na ‘yan. So ginagawa lang po ‘to ng issue ng press freedom dahil ang katotohanan, gusto nilang magpatuloy doon sa kanilang fund raising scheme at bagama’t na nagkaroon na ng desisyon ang SEC na ito nga’y labag sa ating Saligang Batas.

Sa akin simple lang po ‘yan, ang media po, ‘yan ay repository ng tinatawag nating public trust. Dahil the public has endowed with, they are recipient of this public trust, dapat sila iyong una-una na nagbabantay sa tiwala ng taumbayan, at kinakailangan sila iyong nangunguna doon sa pagsunod sa Saligang Batas at sa ating mga batas.

Wala pong paglabag ng press freedom, dahil hanggang ngayon po patuloy na nagpa-practice ng propesyon ng journalism ang lahat ng mga taga-Rappler at hindi po sila titigil. Ang masama lang po at ang sinabi ng SEC, iyong corporate vehicle ng Rappler Inc. at saka Rappler Holding,s hindi po pupuwede ‘yan dahil ‘yan nga po ay void, pero iyong kanilang karapatan, patuloy po ‘yan.

HENRY:  Secretary Roque, minsan kasi noong na-raise iyong issue ng Rappler kay Presidente, nandoon iyong pagbabatikos doon sa mga istorya ng Rappler, lalo na iyong Bong Go issue. Kaya nagkaroon ng ano, “Ano ba talaga, tungkol sa SEC ba o tungkol doon sa mga issue na sinulat ng Rappler galit ang Presidente?”

SEC. ROQUE:  Bakit naman po, ano bang masama sa magalit ang isang Presidente, dahil sa tingin niya na unfair coverage. Kasama po iyon sa kalayaan. Mayroon silang kalayaan ng malayang pamamahayag, pero ‘pag nagalit ang taumbayan sa kanila kasama ng Presidente, kasama iyon, dahil doon sa pag-eksersisyo nila ng karapatan. Hindi naman pupuwede na sila pula nang pula sa Presidente, tapos si Presidente hindi sila puwedeng pulaan. Mayroon din pong karapatan iyong Presidente na magsalita. Ang pinagbabawal po gamitin mo iyong estado para supilin iyong karapatan ng malayang pamamahayag, na hindi po ginagawa.

Dahil uulitin ko po, iyong corporate structure lang ang declared null ng SEC. Iyong karapatan nila na mag-eksersisyo ng propesyon, naririyan pa rin po ‘yan, dahil iyong journalism naman po maski dayuhan ka, pupuwede kang mag-report dito sa Pilipinas, hindi po ‘yan pinagbabawal. Ang pinagbabawal po, iyong negosyo ng mass media na kontrolado ng mga dayuhan.

HENRY:  Okay Secretary, maraming salamat. Sayang, wala na kasi tayong oras, overtime na po tayo. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:  Oo, pero napakaikli naman po ng fair reply sa Malacañang. Wala pang tatlong minuto at yung 57 minutes sa mga pumupula sa pamahalaan. Ililista po namin ‘yan, ha, ililista natin ‘yan (laughs)…

HENRY:  Hindi, eh Secretary,  kanina pa namin kayo kino-contact.

SEC. ROQUE:  57 minutes against Malacañang… sinisikil para sa depensa ng Malacañang (laughs), patas na patas po ‘yan. Okay, maraming salamat po.

HENRY:  Okay, thank you. Thank you. Si Secretary Harry Roque…

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource