Q: Secretary, pakilinaw ho iyong unang statement ho ninyo sa press briefing kahapon sa Malacañang ay puwede si Pia sa NEB?
SEC. ROQUE: Well, alam n’yo po ang unang desisyon ng Presidente nung lumabas ang desisyon ng SEC palibhasa ay malapit sa kanya si Pia Ranada, talagang iyan ang desisyon, habang hindi pinal ang desisyon ng SEC payagan si Pia Ranada. Bagama’t ang posisyon talaga ng legal ay wala ng dahilan para siya ay maging accredited, dahil hanggang walang TRO ang CA ay talagang wala nang personalidad ang Rappler at siya ay dapat nandoon na sa FOCAP.
Pero ang Presidente rin ang nag-utos nung alas-dos ng hapon na talagang hindi na pupuwede ang Rappler sa Malacanang, dahil nawalan na ng tiwala ang Presidente nga diyan sa Rappler. Malinaw naman ang nangyari kahapon Dexter, nandoon ka.
Sinabi na sa Senado na malinaw na fake news iyon na hindi nanghimasok si SAP Bong Go, si dating FOIC Mercado, sinabi na ni minsan hindi nanghimasok, pero nakita mo doon sa press conference nagpipilit pa rin si Pia na according to documents daw ay may ganyang conclusion.
Kaya nga ang sabi ko iyan ay conclusion, your editorializing the news, dapat sabihin mo lang kung ano talaga ang mga pangyayari at ikaw na ang—kung hindi ka nagsusulat ng opinion piece ay dapat wala kang konklusyon. so tingin ko, doon nawala ng tiwala ang Presidente. Malinaw kasi na fake news, hindi na nga ako humihingi ng kahit ano, wag na lang ipagpilitan iyong fake news, pero nagpipilit pa siya kahapon. Iyan ang nangyayari kapag nawalan ng tiwala ang news source, hindi ka na pupuwedeng magka-access sa iyong news source.
Q: So ibig sabihin, Secretary hindi lang iyong SEC na decision ang dahilan kaya hindi na siya pinapapasok, kung hindi iyong nawalan ng tiwala ang Pangulo doon sa kanyang—-
SEC. ROQUE: Tama po iyan, kasi iyong sa SEC talagang sinabihan na si Presidente ng marami, wag na nating papasukin iyan, dahil until magkaroon ng TRO, talagang effective na iyan. Pero ang Presidente po ang nagsabing: “hayaan mo siya diyan.” Dahil alam mo naman Dexter talaga namang tinuturing ni Presidente na parang apo niya iyang si Pia, paulit-ulit kung sinasabi noong Christmas party natin. Sinabihan pa ako ng mga tao ng Presidente, “Uy pahiwaliwayin mo muna iyang si Pia kay Presidente, masyado na niyang na-monopolize ang panahon ng Presidente”. Pero, iyan po, tinapon niya iyong sabaw.
Q: Si Presidente mismo ang nagpatawag sa kanya na tumabi doon sa presidential table.
SEC. ROQUE: Opo, opo. Itinapon po niya ang sabaw. Alam mo tao rin naman ang Presidente at saka kahit sino namang peryodista, alam nila na kinakailangan pangalagaan din ang relasyon sa mga news source, dahil ang kalayaan naman ng malayang pamamahayag hindi kasama diyan iyong pagkakaroon ng mabuting relasyon, pag sinira mo iyang relasyon na iyan, well, mawawalan ka ng access.
Lilinawin ko lang po, bagama’t hindi na siya pupuwedeng mag-cover sa Malacañang, puwede siyang magsulat, kahit anong gusto niyang isulat, kahit puro fake news iyan, kung kaligayahan niya iyan, ituloy niya iyan. Kaya nga po walang paglalabag, walang pagsusupil sa kalayaan ng pamamahayag.
Ang hindi lang siya pupuwede ay magkaroon ng access ngayon kay Presidente, dahil bwisit sa kanya ang Presidente.
Q: Kahit po, Secretary, sa New Executive Building, bawal na sila, iyong mga taga-Rappler?
SEC. ROQUE: Ang alam ko po, bawal na ngayon talaga sila at… Pupuwede naman silang mag-cover dahil naka-live naman sa PTV 4 ang ating mga press briefings at lahat ng mga affairs sa Malacañang na open sa media ay nila-live din sa PTV4 at saka sa facebook ng PTV4.
Q: Secretary meron ho bang inaasahan pang dialogue between your office or PCOO at ng Malacañang Press Corps?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung anong dialogue ang dapat pag-usapan ng Malacanang Press Corps, dahil ang order naman po ay sa Rappler lamang. At wala nga pong panunupil dahil puwede pa rin silang mag-cover, alam naman ni Dexter, hindi naman palaging naririyan si Pia.
In fact, noong ako naman ang na-fake news tungkol sa Philippine Rise, wala naman si Pia doon, inulit lang niya iyong report ng pahayagang Philippine Daily Inquirer. Iyong dumating sa India si Presidente, nauna pa siyang nag-break na dumating na raw si Presidente, wala naman siya doon sa India. So, alam mo ang Rappler, maski wala sila roon nakakakuha naman sila ng istorya. Kaya sinasabi ko lang po iyan dahil I’m sure iiyak naman si Pia ng prior restraint.
Pia, kung nakikinig ka, ang prior restraint sa pagsusulat, hindi doon sa pagpapasok sa Malacañang.
Q: Ang komento ho ninyo doon sa puna naman halimbawa ng National Union of Journalist of the Philippines. Ito daw ay pagsupil na sa press freedom?
SEC. ROQUE: Iyon nga po ang sinasabi ko, nasaan ang pagsupil ng press freedom diyan, meron ba kaming sinensor, meron ba kaming artikulo na hindi pinayagang mapublish, sa totoo lang po kung kami ay nanunupil ng press freedom, di wala na sanang nasulat ang Rappler, dahil wala namang mabuting sinusulat iyan tungkol kay Presidente.
Patuloy po ang pagsusulat nila pati ng fake news, katunayan po na walang panunupil sa malayang pamamahayag.
Q: Concerned lang din iyong mga kasamahan natin sa Malacañang Press Corps. Kasi baka daw mangyari iyon sa iba dahil kapag galing sa administrasyon iyong fake news ay deadma. Kapag ayaw n’yo naman nung story na ginawa nung mga media ay bina-brand ng Malacañang a fake news?
SEC. ROQUE: Dexter, ikaw ay tag-riyan din, sino pa ba ang nag-fake news tungkol diyan kung hindi siya lang?Ang Inquirer totoo nag-fake news, pero hindi nagpipilit iyong Inquirer noong araw na iyon na totoong istorya nila.
Saka iyong na fake news naman ako sa Philippine Rise, pinablish ng Inquirer iyong letter to the editor, ako sumunod din ako sa Rappler, aba’y hindi naman nila pinablish iyong letter to the editor ko. So tanging ang Rappler lamang ang talagang nabanas ang Presidente dahil hindi na katotohanan ang nire-report ng Rappler. Fiction na, kaya nga fake news na ang tinatawag. Alam mo naman sa ating samahan sa Malacañang Press Corps, tanging si Pia Ranada lang ang ganyan. Sa tingin ko siya lang talaga ang puwedeng ma-ban dahil siya lang iyong ganyan talaga.
Q: Sir, papano iyong…tawag doon? Kasi di ba kasama pa rin doon sa mga tumatanggap ng mga updates galing sa PCOO, galing sa office ninyo iyong mga email, tinanggal na rin ba siya?
SEC. ROQUE: Hindi naman, hindi naman. In fact kung gusto ni Pia magtanong pa rin siya ng tanong niya sa aking text message at ginagawa ko naman iyon kapag sa probinsya ako nagpe-press briefing, lahat kayo by text nagtatanong sa akin.
Q: Oo, so makakatanggap pa rin siya ng mga email, ng mga transcript, interviews, iyong iba pang updates or press releases galing sa PCOO at saka sa tanggapan n’yo po.
SEC. ROQUE:Tingin ko, kayo na ang magdedesisyon diyan sa Malacañang Press Corps, dahil kayo naman ang binabatuhan, hindi naman binabato sa lahat ng Malacanang Press Corps, binabato lang namin doon sa ating heads up na viber group at kayo naman ang nagde-disseminate sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps. So nasa inyo na iyon.
Q: Secretary just in case ho na magkaroon ng favorable ruling ang SEC or ang Appellate court pabor sa Rappler, magkakaroon po ng changes sa posisyon ng Palasyo na payagan sila ulit na mag-cover sa Pangulo?
SEC. ROQUE: Ay tingin ko po ito ay kawalan na ng tiwala… tiwala ng Presidente. Kasi kung SEC decision nga lang pagkalabas ng pagkalabas ng desisyon na iyan, marami nang nagsabi, sa legal department ng Malacañang na dapat talagang hindi na siya payagan. Si Presidente pa ang nagsabi, hayaan ninyo iyan habang hindi pinal. Nagbago lang talaga ang posisyon ng Presidente nitong puro kasinungalingan na ang sinasabi ng Rappler.
Q: Opo, may nagpapatanong lang ho dine, Secretary. Ano raw ang reaksyon ninyo doon sa sinabi ni PSG General Dagoy na buti raw at hindi sinaktan ng PSG si Ranada, dahil sa pambu-bully niya?
SEC. ROQUE: Well hindi ko po alam ang pangyayari, pero ako po ay nai-imagine ko na pupuwedeng ganyan ang asta talaga ni Ranada, dahil maski naman sa presscon, maski pagtatanong kay Presidente ay talaga namang walang pakialam iyang si Pia Ranada pagdating sa paggalang.
Q: Sa ibang isyu naman tayo, Secretary. Nabanggit kagabi ni Pangulo iyong extension ng term ni General Bato. May info po ba kayo hanggang kailan iyong extension na panibago kay General Dela Rosa?
SEC. ROQUE: Wala pa po at ako naman po ay nakakatanggap ng mga ganyang komunikasyon kapag kinakailangan ng i-anunsyo sa publiko.
Q: Opo, tapos ang sabi ng Pangulo ay meron daw kinakailangang misyon na gampanan pa si Generla Bato. Would you know kung ano po iyon?
SEC. ROQUE: Wala pa po, dahil ang huling pagkita po namin ng Presidente ay iyong sa Manila Hotel pa.
Q: Secretary nangangahulugan ba na doon sa mga sumusunod na magiging PNP Chief sana ay walang tiwala ang Pangulo, dahil binabanggit niya, nandoon pa rin iyong kanyang trust and confidence kay General Bato kaya ine-extend niya pa ng another…kung ilan man gaano man katagal na matatapos?
SEC. ROQUE:Discretion na po iyan ng Pangulo. Sabihin na lang natin na walang kupas ang pagtitiwala ni Presidente kay General Bato.
Q: So ibig sabihin, extend lang ng extend.
SEC. ROQUE: Hindi ko naman po sinasabi na extend na extend, pero sa ngayon po, sinabi na na ng Pangulo, meron pa siyang misyon para kay General Bato, iyan ay discretion niya.
Q: Secretary sa ibang isyu, habol na lamang po, meron bang information doon sa employer nung kababayan nating si Jhoanna Demafelis iyong sa Kuwait kung sila ho ay naaresto na, nalaman na ba nag location po nung mag-asawang dayuhan?
SEC. ROQUE: Wala pa po kaming impormasyon, pero alam n’yo naman po, malapit na pong dumalaw doon si Presidente. I’m sure po ang OWWA at saka ang DOLE ay magkakaroon ng report bago dumalaw doon ang Presidente.
Q: Opo, iyon po bang sinasabing invitation sa Pangulo ng Kuwait government ay meron pong formal invitation talaga na papuntahin ang ating Pangulo doon?
SEC. ROQUE: Ang alam ko po ay naibigay na talaga iyang imbitasyon na iyan bago pa pumutok itong Demafeliz na isyu, pero wala pa lang kasagutan na binibigay ang Presidente kung tutuloy siya o hindi. Ang alam ko, ngayon po nagkakaroon ng usapin sa panig po ng DFA natin, si Secretary Alan Cayetano, Secretary Bello at nung kanilang mga counterpart sa Kuwait tungkol doon sa bilateral agreement kung saan magkakaroon ng garantiya na itataguyod naman ang karapatan ng ating mga mamamahayag diyan sa Kuwait.
Q: Kaugnay pa rin sa mga OFW natin, Secretary, dahil nabanggit nga ng Pangulo, baka hindi lang sa Kuwait ipatupad iyong ban, dahil, may mga ilang bansa din na halos ganoon ang pagtrato sa ating mga kababayan na mga household workers.
SEC. ROQUE: Ang mensahe po ng Presidente ay hindi na po pupuwede na may mga bansa na ta-tratuhin na hindi parang hindi tao iyong ating mga kababayan. Ang mensahe ng Presidente, hanapan na natin ng pamamaraan para mabuhay sila dito sa Pilipinas, hindi na niya papayagan na tratuhing parang hayop ang ating mga kababayan sa iba’t-ibang parte ng daigdig.
Q: So wala hong specific na bansa pang pinaplano or nakikita ang Pangulo na magpapatupad tayo ng deployment ban gaya sa Kuwait?
SEC. ROQUE: Wala pa po. Pero ngayon, importante ngayon iyong estado kung ang isang bansa kung ang isang bansa kung saan nagtatrabaho ang ating mga kababayan ay kaparte na doon sa ILO Convention na nagbibigay ng garantiya ng mga karapatan ng mga migrant workers ay itataguyod ng iba’t-ibang mga bansa.
Q: At isa nga doon sa isinusulong nga daw po, Secretary ay iyong paghawak doon sa mga pasaporte, hindi lang naman daw Kuwait ang gumagawa ng ganoon, maging doon sa ibang mga bansa diyan sa Middle East.
Q: Iyon po ba ay normal, normal ba iyon?
SEC. ROQUE: Pero alam n’yo po doon sa tratato, under ILO pinagbabawal po iyan, kasi alam naman natin, kapag hawak ng employer iyong passport, nawawalan iyong kalayaan na mag-travel ng ating mga kababayan. So kung sila po ay kaparte sa mga convention na nangangalaga sa karapatan ng mga migrant workers, ipagbabawal po iyan.
Q: So, hindi dapat nangyayari iyon.
SEC. ROQUE: Dapat hindi po nangyayari iyan, dahil wala naman pong relasyon iyong possession ng travel document doon sa pagtatrabaho ng ating mga kababayan.
Q: Last na lang, Secretary, ibang isyu. May update na po ba kayo doon sa preliminary examination?
SEC. ROQUE:Siguro po aabot ng 15 taon, wala po tayong update diyan, dahil ganyan katagal naman talaga, tumatagal ang mga preliminary examination ng ICC.
Q: Talagang inaabot ng ganoon, 15 taon.
SEC. ROQUE: Ay sa Colombia po, 13 taon na, sa Afghanistan, 15 taon na.
Q: Kung saka-sakali pala, tapos na rin ang termino ng Pangulo.
SEC. ROQUE: Well, you know, 15 years, is 15 years so tingnan po natin kung ano ang mangyari diyan.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)