ORLY: Secretary Harry good morning.
SEC. ROQUE: Ka Orly magandang umaga. Magandang umaga rin sa lahat ng nakikinig.
ORLY: Kausap ko si Oliver Lozano, ipinaliliwanag niya iyong kanyang proposal for a so called compromise agreement. Natanggap na ba ng Malacañang ito?
SEC. ROQUE: Ang sabi po ni Presidential Legal Counsel Sal Panelo ay natanggap po niya ano. Pero gaya n’yo po ay nalaman ko rin today na nagsalita na ang pamilya Marcos at nagsabi na wala pong nag-authorize kay Attorney Lozano na gumawa ng ganyang proposal. Ang problema naman po ay ito ay isang compromise agreement sa panig ng gobyerno at ng estate ni Presidente Marcos eh kung wala pong otoridad si Attorney Lozano ay wala po pala talagang ano iyan ‘no… it’s not even a proposal because it was not an authorize proposal from the heirs of President Marcos.
ORLY: Iyan ang magandang point. If it’s a compromise agreement, the person who is subject of the compromise to be, you know has to be part of it. Pero kung—ang sinasabi niya on his own daw iyon, iyon bang ano. So anong value noon, anung balor nung proposal na iyan?
SEC. ROQUE: Well, considering it’s a legal document po, kinakailangan eh meron po iyang consent nung mga heredero ni President Ferdinand Marcos.
ORLY: Ah itong isyu ng matagal na mga kaso—iyong mga kasong matagal na panahon na hindi nalulutasan. Ano po ba ang posisyon ng Malacañang tungkol dito? You know, one of the most serious problems that we have in our judicial system are these in determined… almost impossible delays and waits the judicial—the wheels of justice have been grinding so slowly. Ano po ba ang ginagawa ng pamahalaan ngayon para ito ay maaksyunan?
SEC. ROQUE: Well, unang-una kinikilala po ng ating administrasyon na bagama’t pupuwedeng maghugas-kamay diyan at sabihin na problema iyan ng hudikatura, eh lahat po ng sangay ng gobyerno ay talagang dapat gumalaw upang maibsan itong problema ng delays sa administration of justice.
Pero unang-una po ay ito po ay dapat bigyan ng katugunan ng ating hukuman dahil ang delay ay nasa hukuman. Sa parte po ng ehekutibo, siguro iyong mga piskal na kasama sa proseso ng paglilitis ay dapat talagang mandohan na hindi dapat nagtatagal ang kanilang pagpe-present ng mga ebidensiya ano. At sa panig naman ng kapulisan ay kapag sila ay tetestigo sa hukuman ay kinakailangan na (voice overlap) mga postponement kasi isang dahilan na naman iyan para magkaroon ng delay.
So, problema po talaga iyan ng ehekutibo, ng hudikatura at pati na po ng ating lipunan. Kasi alam po natin iyong ganitong katotohanan na napakatagal ng ating paglilitis sa ating hukuman.
ORLY: The President has very, very serious concerns about the criminal justice system, hindi ba. He has been talagang he has focused his energy on the reduction of crime, of fighting crime kasama na iyong well of course iyong droga and corruption. Pero talagang, kumbaga sa ano, hindi ba nakatali ang mga kamay ng mga nasa executive din dito, because of you know the way, yung pillars of the criminal justice system are… lahat yata inaanay na eh, medyo may mga problema talaga na malalim ang pinag-uugatan eh.
SEC. ROQUE: Well, talaga naman pong malalim talaga itong ating problema ano.
Nung minsan po ay nagkausap kami ni Presidente ang sabi niya ay talagang kinakailangan magkaroon na naman siguro ng isang major summit sa panig ng mga stake holders dito ‘no. Pero sa ngayon po eh, talagang ang mandato na lang niya ay sa Department of Justice at sa kapulisan at ang mga hukuman naman po ay hindi sakop ng ehekutibo, bagama’t inaasahan po namin na ang Korte Suprema ay gagawa rin ng mga hakbang para maibsan itong delays sa mga hukuman. Kasi talaga namang nakatutok po tayo sa hukuman; bagama’t hindi natin sinisisi ang hukuman lamang.
ORLY: Okay, meron ng question tungkol sa ano, is there something in the papers din, it’s been in the news for the past few days. Meron bang magiging announcement si Pangulong Duterte tungkol sa may sisibaking mataas na opisyal daw ng pamahalaan?
SEC. ROQUE: Well, ako po dapat ang nagsabi noon, pero ngayon po, as of 7:20 ay nakakuha po ako ng text na i-hold ko muna daw po ang announcement.
ORLY: So, it’s been the subject of a lot of speculation of course. Pero we don’t want to be unfair naman ang you know. So walang mai-expect na announcement today on this issue?
SEC. ROQUE: Wala po. I was told to hold it at ako naman po bilang abogado, I do not mind holding the information until there is something in writing ‘no. Actually I pray for… siguro magkaroon muna ng kasulatan na paratingin muna sa tao bago i-anunsyo.
ORLY: Okay, tungkol naman sa ano—Ano ba ang balita doon sa telecom industry na iyong mga proyekto ng Tsina sa Pilipinas dumadami na nga ano. Pero go na ba iyong pagpasok ng Tsina sa—mag-empleyo sa telecom industry natin?
SEC. ROQUE: Well, nagkaroon na po ng kumpanya na ni-nominate ang gobyerno ng Tsina, kasi alam n’yo naman ang telecom sa Tsina, eh lahat iyan ay state franchises ay ito po ay China Telecoms.
So ang pagkakaintindi ko po in-offer at dahil nagkaroon ng nomination eh parang tinanggap. Pero makikita na lang po natin kung ang China Telecom ay papayag doon sa mga constitutional provisions natin, dahil hindi naman natin pupuwedeng palitan iyan ‘no para sa kanila ‘no. Kinakailangan 60/40 iyan, 60 ang mga Pilipino at ang rekomendasyon ng DICT ay siguro apat na kumpanyang Pilipino magsama-sama sa isang consortium para makipag-partner dito sa Chinese company, pero ang total is 60% pa rin.
So anything can happen po, baka hindi sila magkasundo, kasi ang China talaga meron talaga silang concerns kapag hindi nila 100% owned na hindi naman natin pupuwedeng payagan. Pero as of now po, in-offer ng Pilipinas, tinanggap and we are moving on now. We are moving now to the process of selecting kung sino iyong magiging Filipino companies na magiging ka-partner ng China telecom.
ORLY: So, well, of course, you know there is a cliché, the devil is always on the details at hindi naman natin maano. Okay.
Maraming salamat Secretary Roque sa iyong pagsagot aming tawag, we appreciate it.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po.
##