Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (DWFM – All Ready)


ORLY:  Secretary Harry, good morning.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga Ka Orly. At magandang umaga sa inyong mga nakikinig at nanunuod ngayon.

ORLY:  Okay.Ano ang reaksiyon ng Malacañang dito sa desisyon ng SEC at meron bang kinalaman ang Malacañang sa desisyon na ito?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una Ka Orly, itong SEC tulad ng Chairman at saka halos lahat ng Commissioner, except for isa, lahat po iyan ay appointee ni Presidente Noynoy. So wala pong kinalaman diyan sa ating administrasyon.

Pangalawa, ang pinatupad po ng SEC ay nakasaad sa ating Saligang Batas na bawal mag-ari ang mga dayuhan ng kahit anong mga media entity; at ang Rappler naman ay isang media entity. Nadiskubre kasi ng SEC, na bagama’t diumano lahat ng shares ay pag-aari ng mga Pilipino ay meron silang tinatawag na Philippine Depositary Receipts na isang investment na nagbibigay ng control doon sa isang dayuhang kumpanya dito sa Rappler.

So ang sabi ng SEC, kaya nga pinagbabawal ang mga dayuhan na mag-ari ng stocks para lahat iyan ng kontrolado ng Filipino tapos ibibigay mo ang control sa mga stock investor na dayuhan,  ikaw ay lumalabag sa Saligang Batas.

Unang una ano, wala namang nagsabi sa Rappler na mag-report sa Philippine Depositary Receipts na dayuhan ang may-ari. Pangalawa, hindi nga namin maintindihan ba’t may ganyan pa iyan, internet-based news organization naman iyan at diumano ay lumalabag doon sa desisyon na iyong mga ilang shares pa na pag-aari ng mga offshore companies gaya ng BPI (?) yata, iyong mga tinatawag natin na ginagamit talaga noong mga… may mga nagtatagong mga tao para hindi lumabas kung sino ang owners. Ang tanong: Bakit kasi ang daming nakatago?

ORLY:  Pero ang sabi naman nila, wala raw control sa editorial decisions iyong mga mga merong hawak na PDR na iyan.

SEC. ROQUE:  Hindi naman po control sa editorial ang pinag-uusapan; ang pinag-uusapan lang iyong control mismo doon sa korporasyon, iyon po ano. At saka wala pong paglabag iyan sa karapatang malayang pamamahayag, kasi sila Maria Ressa, lahat nung mga peryodista roon, ay pupuwede pa rin silang maging peryodista. Ang hindi lang pupuwede iyong Rappler, dahil iyan nga ay kontrolado ng mga dayuhan.

ORLY:  At sinasabi rin nila, it’s a first of its kind and it is a—parang sinisikil ang kalayaan ng pamamahayag. Ano ba ang reaksyon roon?

SEC. ROQUE:  Wala nga pong katuturan iyan, kasi unang-una totoong first of its kind,  kasi Rappler lang naman ang gumamit ng Philippine Depositary Receipts na nagbibigay ng control sa dayuhan.

Pangalawa, uulitin ko po:  Maski wala nang Rappler, sila Maria Ressa, sila Chay Hofilena, sila Pia Ranada ay puwede pa naman pong mag-practice ng kanilang propesyon sa pamamahayag dahil sila naman po ay mga Pilipino.

ORLY:  Ito pong kasong ito, itong desisyon na ito ay ano ba ang naging—ano bang—ito ay resulta ng ano ba, meron bang reklamong iniharap sa SEC o sino po ang nagrereklamo?

SEC. ROQUE:  Well, ito po ay isang administrative case na naimbestigahan ng isang special investigation panel ng SEC at ang Rappler naman – nakausap ko kasi si Chairman Hermosa mismo – ay binigyan sila ng pagkakataon na madinig. Hindi naman po kasi nila dineny na binigyan nila ng control sa Philippine Depositary Receipt nila iyong isang dayuhan. So, narinig po sila, inamin po nila at nagkaroon ng desisyon sang-ayon sa pag-amin nila.

ORLY:  Iyong sinasabi nilang hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanilang panig?

SEC. ROQUE:  Hindi po totoo iyan, kasi inamin nila lahat. So talagang hindi po sila magpapaliwanag, dahil inamin nila. Hindi po nila dinispute.

ORLY:  So ito po bang desisyon na ito, ano po ba ito… magsasara po ba ang Rappler o ano po  ba ang  estado ng kanilang pagbo-broadcast o  paglalabas ng kanilang balita?

SEC. ROQUE:  Iyan po ay finorward ng SEC sa DOJ, dahil baka may posibleng may paglabag ng ating tinatawag na Anti-Dummy Law.

ORLY:  So meron bang parusa iyan o pagsasara lamang kung sakaling iyan ay pumunta sa—I mean, iaakyat sa korte?

SEC. ROQUE:  Uulitin ko po: Isasara diyan iyong Rappler, iyong kumpanya. Pero iyong mga peryodista, hindi naman po sila ipinagbabawal na magpatuloy sa kanilang propesyon. Kaya walang paglabag ito sa malayang pamamahayag. So, hindi po—basta ang Rappler ay pag-aari ng mga Amerikano, ng mga dayuhan pupuwedeng maging isang korporasyon ay ibabawal na silang maging mga peryodista.

ORLY:  So on pa rin sila.

SEC. ROQUE:  Hindi ko maintindihan kung ano ang isyu nila. Sabihin nga nila kung sila ay pinipigil sa kanilang pamamahayag, hindi naman po.

ORLY:  So the reality is that they are still on the air.

SEC. ROQUE:  Opo. Ang frustration lang  po namin nung unang lumabas itong balitang ito ay napaka-sedate  na noong statement ko. Pero nung sinabi nila na lumalabag sa kalayaan ng  malayang pamamahayag ay that’s farthest  from the truth, kasi wala kaming  at all control doon sa SEC. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari diyan sa SEC na iyan at hindi namin alam na talaga palang namuhunan ang mga dayuhan sa Rappler na iyan. Sabi nga ni Presidente akala niya CIA, tapos iyon naman pala, mas malaki pang kumpanya ang nag-invest diyan diumano ay iyong may-ari dati ng eBay.

ORLY:  Well, kung mag-a-appeal sila at kung papano ire-resolve iyan. Pero sa isang banda, alam ninyo sa kasalukuyan sa totoo lang, nagbabago na ang media ngayon. Ang globalization has really affected… siguro pati iyong isyung iyan, dapat ay mahimay sa isyu ng Saligang Batas. Habang siguro kapag dinebate iyong mga amendments sa Saligang Batas  ay puwedeng pag-aralan.

SEC. ROQUE:  I’m sure po ay mag-a-appeal ang Rappler siguro para buksan ang mass media sa mga dayuhan.

ORLY:  Thank you very much, Secretary Harry. Maraming salamat sa pagsagot sa aming tawag.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po. Magandang umaga po.

# # # #

SOURCE: PCOO – NIB (News Information Bureau)

Resource