ORLY: Secretary Harry good morning.
SEC. ROQUE: Magandang umaga Ka Orly at magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa atin ngayon.
ORLY: Pakipaliwanag po itong balitang sinuspinde ang Deputy Ombudsman, Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang. Ano po ba ang rason ng pagsusupinde sa kanya?
SEC. ROQUE: Well, ito po ay dahil doon sa kanyang pagli-leak sa media ng mga impormasyon sa isang imbestigasyon na ginagawa pa ng AMLC. Ang masama rito, hindi lang siya nag-leak kung hindi sinabi po niya na iyong mga impormasyon ay galing daw sa AMLC; na pinabulaanan naman po ng AMLC. Ang sabi ng AMLC hindi sa kanila galing iyan. At siyempre ang pinakamatindi ang sinabi nga ng AMLC, iyong impormasyon ay mali at saka misleading. Pero ito ay ni-leak pa rin ni Overall Deputy Ombudsman.
Kaya ito po iyong naging basehan ng reklamo sa kanya at ito naman ay naging dahilan kung bakit nagkaroon ng finding na may probable cause at siya po ay sinubject to preventive suspension ng 90-days ng opisina po ng Executive Secretary.
ORLY: Tungkol saan po ba itong impormasyon na inilabas niya?
SEC. ROQUE: Well, ito po ay tungkol doon sa diumano mga bank accounts ni Pangulo na inilabas at isinapubliko ni Senator Trillanes. Ang problema po dito ay sinabi ni Deputy Ombudsman na galing daw ito sa AMLC at sinabi niya na totoong mga dokumento raw ito na pinabulaanan naman ng AMLC.
ORLY: Ito iyong Anti Money Laundering Council, hindi po ba. Ano po ba ang trabaho noong AMLC na iyan?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, sila po talaga iyong gaganap sa implement nung tinatawag nating Anti Money Laundering Act natin. Sila ay may kapangyarihan na mag-monitor ng mga bank accounts ng mga taumbayan at (communication cut)
ORLY: Nawala si Secretary Harry. Biglang nawala…
SEC. ROQUE: Well, nakalimutan ko na po ano iyong tanong ninyo.
ORLY: Kasi ito ay matagal na, September pa last year ito, hindi ba?
SEC. ROQUE: Opo. Ang naging reklamo naman po ay isinampa noong Oktubre, so ngayon lang po nagkaroon ng decision na merong probable cause at siya nga ay pinatawan ng preventive suspension ng 90-days.
ORLY: So ano ang ibig sabihin po ninyo sa kanyang—why is he being suspended? Hindi po ba itong AMLC ay isang independent body na hindi dapat ginagamit ito ng anumang opisina at merong trabaho ito na talagang implement iyong Anti Money Laundering Act?
SEC. ROQUE: Well, nasa mandato naman po ng Ombudsman na makipag-ugnayan sa lahat ng ahensiya ng gobyerno kasama na po ang AMLC. Ang masama iyong ginawa ni Carandang ay parang binigyan niya ng semblance ng katotohan iyong mga dokumento ni Senator Trillanes ganoong pinabulaanan naman pala ng AMLC.
So makikita mo na itong si Carandang ay hindi siya talaga patas doon sa kanyang mga ginawang deklarasyon, dahil parang pinatotohanan niya iyong mga pigura, ang mga dokumento na sabi ng AMLC ay hindi katotohanan.
ORLY: Hindi po ba ito pakikialam sa trabaho ng Ombudsman na isang independent agency na talagang naghahabol naman sa mga katiwalian?
SEC. ROQUE: Well, ang paninindigan po ng Office of the President, lahat po ng mga nanungkulan sa gobyerno except po sa mga impeachable officers at saka sa Hudikatura ay subject to the disciplinary powers of the President at napakadami naman pong mga desisyon na ng Korte Suprema diyan.
ORLY: So hindi po impeachable po iyong posisyon ng Overall Deputy Ombudsman.
SEC. ROQUE: Hindi po. Ang Ombudsman lang po ang impeachable. Iyang mga Deputy Ombudsman pong iyan because they are creations of law po, hindi po iyan impeachable officers.
ORLY: So with this… sa tingin po ninyo maisasantabi na ba itong isyu na ipinupukol noong mga nakaraang taon?
SEC. ROQUE: Well, binubuhay lang naman po iyan noong wala nang mabatong isyu sa Presidente. Pero noong pinabulaanan po iyan ng AMLC, wala na silang pupuntahan, dahil iyan po ay katungkulan ng AMLC.
ORLY: The claim of Senator Trillanes during that time was that he amassed billions, hindi ba, iyon ang sinasabi?
SEC. ROQUE: Kaya nga po ang sabi ko kuwentong kutsero at tsismis. Kasi hindi naman nila ma-authenticate iyang documents na iyan dahil nga pinabubulaanan ng AMLC. So kung pinabubulaan ng AMLC, sino ang mag-a-authenticate niyan. Iyong mga bangko hindi naman gagawin iyon, kasi bawal iyan sa Secrecy of Bank Deposit Act.
So kaya po napakatindi talaga noong ginawa ni Carandang, talagang parang gusto niyang gawing katotohanan ang isang kasinungalingan.
ORLY: Okay, thank you very much. Maraming salamat, Secretary Harry Roque. Thank you for answering our call.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)