TED: Good morning, Attorney.
SEC. ROQUE: Magandang umaga Manong Ted at sa lahat ng nanunuod at nakikinig sa atin, magandang umaga po sa inyong lahat.
TED: Sec, inyo na po bang nakausap po si SolGen Joe Calida dito ko sa inyong binanggit kahapon sa inyong press briefing na aapila ang prosecution dito po sa kaso mo ni Doc. Gerry Ortega?
SEC. ROQUE: Hindi pa po. Nag-text po ako sa kanya kahapon kasi hindi ako naka-attend ng Cabinet meeting kahapon.
Pero nagsalita naman po si Secretary of Justice Vit Aguirre at sinabi naman niya…inulat din naman niya iyong aking sinabi na talagang pinag-aaralan ng mga legal officers ang pupuwedeng gawin dito, dahil hindi naman po katanggap-tanggap na pagkatapos ng napakabagal na panahon, pagkatapos mapresinta lahat ng ebidensya ng estado ay bigla na lang mababalewala lahat ang ginawa ng ating gobyerno para mapanagot ang isang pinaghihinalang pumatay kay Gerry Ortega.
TED: Sir, theoretically lang po ano, kasi kung hindi n’yo pa ho nakakausap kasi ngayon po sa mga pahayagan, if you have read the papers, binabanggit po ni Secretary VitAguirre na kanila pong pag-aaralan matapos magpahinga si SolGen dito po sa possible… ano po ba ang tawag doon, motion for recon?
SEC. ROQUE: Opo, opo. Alam ninyo kasi ang nangyari po, bagama’t ang criminal cases ay sa regular hukuman ay nililitis ng National Prosecution Service, kapag pumunta po iyan sa Court of Appeals ay Solicitor General po talaga ang humahawak niyan, pati po iyong mga pribadong partido ay hindi po nakakahimasok diyan sa mga affiliate at mga special proceedings na mas mataas sa mga hukuman. So, SolGen po talaga ang counsel of records ng gobyerno doon sa Court of Appeals, kaya medyo natataranta ang lahat, kasi iyong pamilya mismo at saka iyong mga fiscal, siyempre, hindi po sila talaga iyong nakikibakbakan diyan sa Court of Appeals, talagang Office of the Solicitor General po iyan.
TED: Attorney, Sec, theoretically po, kapag hindi po dito mag-appeal, mag-motion ang SolGen, puwede ho ba mismo iyong pamilya, iyong kanilang panig po na lang ang mag-motion?
SEC. ROQUE: Well may posibilidad po iyan. Pero Manong Ted ang sasabihin ko lang, ang nakikita kong anomalya dito ay dahil sinuway ng Court of Appeals ang desisyon na ng Korte Suprema. Ang sabi ng Korte Suprema – na sa isang desisyon na sinulat ni Justice Marvic Leonen – ay nasa hukuman na iyan para mag-determine kung may probable cause o wala. At ang nangyari naman, Manong Ted, bago naman ako umalis sa kasong iyan, dahil kinailangan ko nang manumpa sa bilang isang Kongresista nung Hunyo a-30 ng 2016, ay natapos namin iyong ebidensiya pagdating doon sa petition for bail at nagkaroon ng desisyon ng hukuman na sapat-sapat ang ebidensiya, malakas ang ebidensiya kaya hindi dapat siyang bigyan ng bail.
So iyon iyong akong pinagtataka, may desisyon ang Korte Suprema bahala ang Regional Trial Court sa pag-determine ng probable cause, nagkaroon ng desisyon ang Regional Trial Court, hindi lang merong probable cause, kung hindi the evidence of guilt is strong at dahilan na pinagkait sa kanya ang right to bail ‘no. Tapos sasabihin ng Court of Appeals na walang probable cause. So sa akin irregular po talaga iyan dahil unang-una eh iyong RTC naman talaga ang nagtanggap ng ebidensiya, siya iyong nakakita ng mga testimonya ng mga testigo, napansin ang kanilang asta sa hukuman, pinaniwalaan at sinabi na malakas ang ebidensiya at dahilan para hindi pupuwedeng mag-bail itong dating governor na ito.
TED: Yes, sir. Opo. Kung atin nga din pong babasahin iyong bahagi iyong dissenting opinion, iyon nga po ang sinasabi po nila, ano po. So, ito hong statement nung Ponente na “no evidence, no conviction,” talaga pong ang labo ano. Paano sasabihin no evidence, ni hindi pa nga po tapos iyon pong lower court, Attorney?
SEC. ROQUE: Well unang-una, nagdesisyon siya ng no evidence na hindi na hindi naman niya nakita kung ano ang ebidensiyang isinampa at iprinisinta at tinanggap ng Regional Trial Court. Siguro sa kanya walang evidence, kasi hindi naman sa kanya nagbibigay ng ebidensiya. Ang ebidensiya iprinisinta doon sa Regional Trial Court. Kaya ang punto dito, bakit ka manghihimasok sa desisyon ng Regional Trial Court, iyong Regional Trial Court ang tumanggap ng ebidensiya. Talagang wala kang makikitang ebidensiya sa Court of Appeals, dahil wala namang hearing diyan. So anong ebidensiya ang hahanapin mo, hindi mo naman trabaho na tumanggap ng ebidensiya on the first instance. Trabaho talaga iyan ng Regional Trail Court.
TED: Opo. Kapag po ganito ang sitwasyon ano ho. Again, pag may nakita ho tayo na parang… ano ho ba ignorance po ba ito, ano po ba itong pupuwede mong itawag diyan. Ano ho ang maaring maihabol doon sa mahistrado na obviously ay hindi po naging patas o hindi po tama iyong kanyang appreciation sa kaso?
SEC. ROQUE: Well, ang masasabi ko lang po diyan, ito ay magiging desisyon ng pamilyang Ortega. Pero kung babasahin n’yo po ang ating jurisprudence, may mga mahistradong natanggal dahil sa gross ignorance of the law.
At ang sa akin po kung wala pong desisyon sa Korte Suprema na nagsasabi na bahala na ang Regional Trial Court na mag-determine ng probable cause at kung hindi nagkaroon ng determination ang RTC na malakas ang ebidensiya, siguro hindi pupuwedeng pulaan ang desisyon ng gross ignorance of the law ‘no.
Pero nasa pamilya po iyan ni Gerry Ortega kung gusto nila iyan, dahil ang gobyerno naman po, dito lang sa kaso, iyong paglilitis ng kasong criminal. Dahil lahat naman po ng krimen ay nililitis sa pangalan ng People of the Philippines at hindi ng mga private offended parties.
TED: Ilang araw po ang pinapalugit po ng batas para po sa motion po dito ng estado?
SEC. ROQUE: Well, lahat po ng order ay subject to motion for reconsideration, unless it is final, 15 days upon receipt. Ang pinagtataka ko rin, bakit hindi pa naman pinal ang desisyon, hindi pa nga natatanggap ang posisyon ng mga partido ay biglang pinalaya na rin itong si Joel Reyes. Iyon po ang nakapagtataka din, dahil hindi pa naman pinal iyong order na iyan, given na hindi lang naman Court of Appeals ang nagdesisyon diyan, meron ang Korte Suprema diyan.
TED: Sir, within the day po kaya inyo nang makakausap po, malalaman kung ano ang tugon ni Solgen Joe Calida po dito?
SEC. ROQUE: Opo, opo. Dahil kahapon ay hindi lang ako naka-attend ng meeting dahil meron tayong prior schedule. Pero ngayong araw po hindi tayo titigil hanggang hindi natin siya makontak at saka hahanapin din natin iyong humawak mismo ng kaso diyan sa Office of the Solicitor General na iyong tinatawag na Assistant Solicitor General at saka iyong Solicitor na humawak mismo ng kaso.
TED: Opo. So, sige po. So siguro po within the day po ano, meron na po tayong update po sa kasong ito.
Maraming salamat po sa inyo Secretary at kami po ay nagagalak nga po dito sa ika ninyo kahapon inyong ipinagpaalam kay Presidente Duterte na magkokomento po kayo dito sa isyung ito para nga din po sa usapin po ng pagkakaroon ng katarungan sa isang biktima ng extra legal…extrajudicial killing, if I may say so, na alam po naman natin na kanyang mga ipinaglalaban, hindi po lamang para po sa karapatan niya bilang mamamahayag kung hindi bilang isa rin pong aktibista para po sa ating kalikasan po, Attorney.
SEC. ROQUE: Tama po iyan. At saka mas malakihang usapin pa rin iyong Malampaya funds na sa ngayon po ay hindi pa nareresolba sa Court of Appeals, ito po ay isang kaso na hawak in Chief Justice Sereno.
Pero ang sa akin po, kinailangan lang akong humingi ng abiso, dahil maski walang abiso talaga namang lahat ng krimen ay nililitis sa ngalan ng Pilipinas. Pero importante lang pong humingi ako ng abiso kasi meron ngang medyo konsepto ng delicadeza dahil hinawakan natin iyong kaso. At ang sabi naman ng Presidente, okay lang iyan, basta linawin mo rin na hinawakan mo iyong kaso at hindi naman natin tinatago iyan.
TED: Opo. Sige po. So again Atty. Harry thank you for the time, sir. God bless, sir. Salamat ng marami.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga po.
###
Source: PCOO – NIB (News Information Bureau)