Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ted Failon (DZMM – Failon Ngayon)


TED:  Sec. Harry,good morning po, Sec.

SEC. ROQUE: Magandang umaga Manong Ted at sa lahat ng nakikinig at nanunuod magandang umaga po sa inyong lahat.

TED:  Sec, doon po lamang sa appointment po ng mga OIC sa Energy Regulatory Commission po na mga commissioners. Kasi nababahala kami dito po sa mga banta ng massive blackout, etc. Akin pong naulinigan po na meron na ho yata talagang formal na komunikasyon si Atty. Sal Panelo sa tanggapan po ni Presidente para po sa pag-a-appoint ng OIC. Sir, can you update us please?

SEC. ROQUE:  Well, iyan po ang naging legal advice ng ating Presidential Legal Counsel na para maiwasan iyong mga aberya na magreresulta kung walang commissioners ang ERC, pupuwede naman daw pong mag-appoint ng mga acting commissioners. At meron pa ngang mga aspeto kung ilan talaga iyong kinakailangan na i-appoint na ating commissioner dahil hindi naman kailangan na lahat ng posisyon ay naririyan para makagana ang komisyon. Ang kinakailangan lang ay isang majority. So ibig sabihin, kung merong dalawang commissioner na acting at saka si Chairman, meron nang quorum na tatlo.

TED:  Opo. So ang tanong kaya dito—I hope you don’t mind ano po. Ang tanong ay ano ho kaya ito, maaksyunan kaya ito, ano po bang feedback sa inyo sa tanggapan po ni ES?

SEC. ROQUE:  Well, alam n’yo po ang aking trabaho lang kapag meron pong pinarating sa akin ang media ay ibinabato ko po doon sa appropriate na opisina. In this case, sa opisina po ni ES. Asahan n’yo po matapos na naman tayong mag-usap tatawagan ko po iyong opisina niES at ipaparating ko po iyong ating concern ng ating mga mamamayan.

TED:  Ay salamat po. At saka din po siguro reaksyon po, baka din po matanong kayo mamaya sa inyong press briefing. Nag-petisyon po sa Court of Appeals itong apat na sikat sa ERC at ang isa po sa mga respondent doon ay Office of the President po doon sa suspension order na dapat ipataw sa kanila po ng Ombudsman, Atty. Harry, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well nagugulat po ako kung bakit nila in-insist ang Office of the President, dahil wala naman pong kinalaman ang Office of the President dito sa suspension nila. Ito  po ay desisyon ng Ombudsman at nakatali nga po ang kamay ng Office of the President diyan, dahil gusto man naming tingnan iyong mga alegasyon, ang problema meron namang complainant dito na nagpunta naman sa Ombudsman. So parang kung gagalaw naman ang Office of the President, magrereklamo naman iyong mga respondent ng mga forum shopping. Kaya nga po hindi ganoon kadali itong problemang ito.

Pero at the same time, tama po kayo. Hindi naman pupuwede na palibhasa—hindi pupuwedeng balewalain na iyong usaping pananagutan ng mga taong gobyerno para lang maiwasan ang brownout.

Dahil sa tingin ko po sa mga salita ng ating Presidente, sa kanyang aksyon, ay pinakaimportante sa kanya itong laban niya laban sa korapsyon sa ating gobyerno. So hindi naman po pupuwede na parang bina-blackmail na kailangan ibalik despite sa isyu ng pananagutan para lang maiwasan ang blackout.

TED:  Opo, sige po. So Sec. Harry, asahan po namin ang inyong aksyon dito at sorry ha baka minsan po sasabihin ninyo, kayo ay inuutusan namin kayong mag-follow up.

SEC. ROQUE:  Hindi po, hindi po. Trabaho ko talaga iyan at epektibo naman po itong  ganitong sistema na nakikipag-ugnayan sa atin ang ating mga mamamayan sa pamamagitan ng media dahil ako naman po ay ibinabato ko lang sa kanila kung ano iyong mga feedback na nakukuha ko.

TED:  Salamat po, Sec. Harry and again, we will be keeping in touch.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po, magandang umaga po.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource