Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ted Failon (DZMM – Failon Ngayon)


 

FAILON: Sir, inyo hong napakinggan si Senator Ping. At the onset nga po, siya daw ho ay pabor dito po sa kaisipan na ito. Pero ang tanong diyan, papaano po ito makakalusot naman sa legalidad niya kung hindi po ito alinsunod sa Republic Act 9184?

SEC. ROQUE: Mayroon po tayong batas na tinatawag ay BOT Law. Iyan po ay nagkaroon ng original version, iyan iyong tinatawag na Payumo law, tapos nagkaroon nang pag-amyenda po later on mga around 2006.

At kung hindi po ako nagkakamali, kaya pamilyar si Presidente diyan, parang iyong amendment po ay nangyari noong siya ay nasa Kongreso. Sang-ayon po dito sa BOT Law, dalawa ang pamamaraan na pupuwede tayong magkaroon ng build-operate-transfer, build-operate-lease o kaya build and transfer. Ito po ay mga high ticket infrastructure projects, at isa sa pamamaraan diyan kung wala pang proyekto ang gobyerno ay mayroong unsolicited proposal.

Iyong unsolicited proposal, magpu-propose ka lang doon sa PPP Center na tinatawag. At kung walang ganyang proyekto, ipa-publish iyan ng PPP at ipapakita kung ano iyong mga terms and conditions, tapos isa-subject natin sa Swiss challenge. Iyong Swiss challenge ay kung ikaw ay isang kumpaniya na tingin mo mas mabuting terms and conditions na magbibigay mo sa gobyerno, isusumite mo ngayon ‘yung iyong proposal – iyon ang tinatawag na Swiss Challenge. So iyan po ay mayroong probisyon talaga sa BOT Law, at ito nga po ay naka-reserba para doon sa mga high ticket infrastructure projects natin.

FAILON: So high ticket, meaning, ito ho iyong nasa build, build, build na listahan po ng gobyerno. Hindi ito doon sa mga ngayon po ongoing na mga pangkaraniwang proyekto po under DPWH infra fund sa mga distrito?

SEC. ROQUE: Opo. In fact, iyong mga ilang proyekto na na-implement diyan sa BOT Law na iyan – airport, iyong mga expressway – iyan po ay hindi na ibinid (bidded) at iyan po ay pinadaan na sa BOT Law. At ang bayad ng gobyerno later on po, kung BOT iyan, build-operate-transfer, sila muna mag-o-operate, ang binabayad, for instance sa mga expressway, iyong toll; kung sa airport naman, ang binabayad ay iyong airport fee. Pero iyong BOT, isa lang iyan sa mga opsyon. Pupuwedeng lease afterwards, pupuwedeng build and transfer kaagad, iyong ‘turnkey’ na tinatawag.

FAILON: Opo. Kung inyo ho talaga din pong aanalisahin po itong isyung ito, Secretary, parang pangmulat po sa ating lahat na may problema nga kasi itong kasalukuyan po nating mga panuntunan at itong batas na ito. Kasi ngayon pa lang, may mga complaints na nga doon sa mga proyekto po, for example, ng DPWH in the regions na iyong collusion, iyong sabwatan po. Alam na alam po ito ng marami ‘di ba, ito ho iyong kalakaran. Iyong mga sabwatan ng mga kontratista sa bawat lugar doon sa kung sino ho ang mananalo, sino ang magbi-bid, pati iyong mga bid price nila, sabwatan. Tapos kakuntsaba rin po iyong tiga-DPWH, ikaw muna ang mananalo ngayon, bukas ito naman. Tapos noon, usually din po nangyayari, pinapa-subcontract din ito kaya po sa kinalaunan, ang sama po ng accomplishment ng proyekto.

SEC. ROQUE:   Tama po iyan. Hindi lang masama ang proyekto dahil sila ay nagsabwatan, diyan din po pumapasok iyong tongpats. Kasi nga doon sa kanila collusion kung sino ang mananalo, siyempre wala na iyong free competition. Kaya naman tayo nagpa-public bidding, para masigurado na pinakamababang presyo, pinakamagandang conditions ay makukuha ng gobyerno. Pero kapag nagsabwatan, magkakaroon ng artificial na presyo, at siyempre porsiyento doon ay tongpats.

So kaya naman talagang umiisip ng ibang pamamaraan ang Presidente. At ang tingin ko nga, kasi nagulat din ako nung sinabi niya, sabi ko, “Wow, bagama’t fiscal si Presidente, naalala niya iyong BOT Law.” Kung hindi po ako nagkakamali, siguro noong siya ay kongresista, nagsimula na iyong discussion doon kung paano aamendahan iyong BOT Law. Dati kasi, national government lang ang pupuwedeng magkaroon ng BOT project, nagkaraoon po iyan amyenda later on na pati local government ay pupuwede na.

FAILON: Ngayon po ay mayroon kaming binubuong isang dokumentaryo tungkol sa mga government projects nga. Eventually po we will have to get the side of, you know, of the Executive here. Ito nga po iyong isa sa mga problema po na aming nati-trace dito po sa aming binubuo na pagkatagal-tagal po, ang hirap buuin po ng istoryang ito. Talagang talamak po ang kuntsabahan ng mga kontratista. And then ang hirap pa diyan, iyong contractor po na pasok nang pasok sa mga bidding sa mga probi-probinsiya, hindi naman sila taga-roon, tapos eventually po ay pinapa-subcontract lang sa mga taga-roon. Iyong taga-roon naman, ipapa-subcontract pa rin po. Talagang kitang-kita mo, Secretary, iyong pag-aaksaya ng pera ng bayan at saka iyong kawalan na po ng accountability kinalaunan, sa tagal po ng proseso, para habulin iyong mga kontratista.

ROQUE: Well, iyan nga po iyong problema. Kaya nga po nagkakaroon ng tongpats at saka iyong tinatawag na pork barrel, hindi lang dahil doon sa pagbibigay ng proyekto sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas kung hindi iyong mga proponent ng mga proyekto ay nakakapili nga sila ng kontratista. Ang tanong, bakit ba nangyayari iyan na nakakapili ka kung walang sabwatan doon sa proseso ng bidding?

So tingin ko naman ay alam naman ni Pangulo ang patakaran dahil napakatagal niyang naglingkod nga. Alam niya kung saan nanggagaling ang tongpats at alam din niya na talagang walang integridad ang karamihan na mga bidding na nangyayari sa ating bayan.

Pero, Ted, iha-highlight ko lang, hindi lang naman tayo ang may problemang ganyan. Sa World Bank at ADB ay mayroon din silang mga probisyon na bina-blacklist nila iyong mga contractors kapag sila ay napatunayang nag-engage sa bid-rigging. Kasi nga, itong bid-rigging na ito ang dahilan na kapag nawala na iyong kumpetisyon, wala na rin iyong terms and conditions for government. Nangyayari po talaga iyan.

Ang World Bank nga kung maalala ninyo, may isang kumpaniya akong idenemanda sa Pilipinas, na-blacklist iyong kumpaniya na iyon, iyong China Roads and Bridges. Kasi nga napatunayan na sa isang proyekto na funded ng World Bank ay nagka-bid-rigging din sila. So ito po ay problema sa buong mundo pero medyo talamak po talaga dito sa Pilipinas na ang nagiging resulta nga ay iyong mga dispalinghadong mga infrastructure projects.

FAILON: Okay. So, sir, ito ho ay effective immediately po, ito pong panuntunang ito ng ating Pangulo sa BOT projects na iyon? Effective immediately?

ROQUE: Opo. Nandiyan naman po iyon legal na basehan. At talagang ngayon po, iyong pag-rebuild ng most affected areas ng Marawi ay sinabdyek (subject) na po iyan sa BOT Law. Kasi nga, ang gagawin lang ng HUDCC ay humingi ng mga proposals, pagkatapos rebyuhin ang proposals, tapos isa-subject to Swiss Challenge.

Ang maganda rito ay puwedeng pag-usapan kung kailan talaga magbabayad ang gobyerno. Pero usually, kapag build-operate-transfer ay gagawin muna nila, pera nila, tapos saka sila maniningil na mayroong fixed return na ibabayad sa kaniya, kung ilan iyong porsiyento iyong return of investment sa kanila.

FAILON: Opo, opo. Sir, last point po. Para po ito ma-instutionalize ika nga ano ho, mayroon bang naiisip ang Ehekutibo ngayon para po sa LEDAC o sa inyong liaisons and Lehislatura na panahon na para i-revisit po at baguhin ang ilang probisyon ng Republic Act 9184 para po iyong ginagawa sa BOT ay maging panuntunan po sa lahat po ng government projects?

SEC. ROQUE: Well, tama po kayo. Kasi ngayon, iyong BOT, naka-specify talaga na dapat malalakihang proyekto at naka-specify po kung ano iyon — highways, airports, power plants. So hindi po para sa pangkalahatan. Pero pupuwede po natin ngayong tingnan talaga iyong 9184, iyong Government Procurement Act, at tingnan talaga natin na baka ipasok na natin talaga iyong probisyon ng Swiss Challenge na nasa BOT Law para mas marami pang proyekto ang masakop ng Swiss Challenge.

FAILON: Sige, abangan po natin. Secretary Harry Roque, salamat sa inyong panahon, sir. And have a good day. Good luck.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang umaga po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource