ATTY. RIVERA: Sir, the POGO has been an issue already in the Philippines and many have made issues about it. Ano po sa tingin ninyo ang dapat nating gawin or ano ang tingin ng Malacañang sa problem ng POGO and of course ng money laundering and the other ill effects of gambling?
SEC. PANELO: Lahat iyan ay iniimbestigahan, kung ano ang katotohanan at saka alegasyon, mga akusasyon.
ATTY. RIVERA: Korek.
SEC. PANELO: Titingnan natin kung ano ang kahihinatnan, kung anong findings, and then the President will make his decision.
ATTY. RIVERA: Sir, nagkakaroon yata ngayon ng turuan kung sino ang may kasalanan. Kasi ang sabi ng ano ng BI, ang Immigration daw ang may problema dahil sila ay nag-a-allow Chinese tourists and nagkakaroon ng special treatment; but of course, ang Customs naman ang dahilan bakit nakakapasok; siyempre ang pera nakakapasok. And of course, they’re not passing it to the Finance because they have not acted accordingly based on the AMLA. Eh medyo nagiging magulo na rin kung sino ang—
ATTY. FALCIS: Sino ba?
SEC. PANELO: Kaya nga dapat magkaroon ng imbestigasyon para malaman natin ang puno’t dulo at kung sino ang dapat na… possibly culprit, so we can do something about it.
ATTY. RIVERA: Sir, of course, ako, I find it already offensive na parang there’s an insinuation by many of the President’s critics na—
ATTY. FALCIS: And senators.
ATTY. RIVERA: Sinasabi nila na the reason daw na medyo maano iyong pag-ano sa POGO, pagkontrol sa POGO ay dahil daw malapit tayo sa China. Is that a fair comment, sir?
SEC. PANELO: No, they don’t know this President.
ATTY. FALCIS: So saan po nanggagaling si Senator Gordon, Spox? Anong reaksiyon ninyo sa sinabi ni Senator Gordon na masyadong malambot ang administrasyon sa China kaya nangyayari itong mga ito?
SEC. PANELO: Baka haka-haka niya lang.
ATTY. FALCIS: Naghihintay daw sila, Spox, ng pagmumura or kahit na pampihit o pamboldyak sa China?
SEC. PANELO: Ano iyon?
ATTY. FALCIS: Ang mga senador ay naghihintay na pagalitan daw ni President Duterte kahit papaano ang China, masabihan man lang. Iyon ang hinihintay daw nila.
SEC. PANELO: Kapag mayroong dapat na ipaggalit, makakarinig sila noon.
ATTY. RIVERA: And, Spox, ‘di ba din po, ang kakulangan ng batas ay isa rin sa dahilan bakit nahihirapan din tayong kontrolin ang mga iyan? So basically, tayo-tayo lahat kasama na dito ‘di ba, hindi iyong magtuturuan nang magtuturuan sila kung sino ang may kasalanan.
SEC. PANELO: Kaya nga, iyong mga nakakaalam na mayroong iligal na practice, dapat sini-share nila iyon. Kung iyong ating mga nag-iimbestiga ay kulang iyong kanilang findings, then those who have some information that will help, oh eh di dapat i-share.
ATTY. FALCIS: Ang sabi, Spox, ng Chinese embassy ay isolated cases ang mga sinasabing crimes na nadadala ng mga POGO o iyong pag-i-smuggle ng pera, at hindi naman daw ano… medyo racist daw to accuse them of such. Anong reaksiyon, sir, ng Malacañang sa—
SEC. PANELO: Mayroong statement na inisyu iyong spokesman ng embassy nila. Sinasabi nila na lahat naman ay ginagawa nila upang mapigil iyong mga illegal activities ng mga Chinese nationals na nakakapasok dito illegally. Kaya nga mayroon na raw silang ginawa na kina-cancel iyong mga passport, and at the same time, nagku-coordinate naman daw siya sa mga ahensiya ng gobyerno natin kaugnay sa mga whatever illegal practices na natutuklasan.
At sinasabi nga nila na iyon naman daw mga ibang incident ay isolated. But regardless whether isolated or hindi, basta mayroong nangyayari na iligal o against our law, talagang hindi tayo … we will not countenance that. The President will never tolerate such kind of—
ATTY. RIVERA: Sir, last question on my part. Aside from the Philippines, ‘di ba iyong ibang mga lugar na iyong gambling ay medyo legal ay nagkakaroon talaga din ng problema with the influx of Chinese tourists and the crime that goes with them? Parang we’re not … even Australia, tama po ba, sir, na we’re not unique in a way?
SEC. PANELO: I suppose lahat ng bansa na mayroong ganiyan ay nagkakaroon ng problema. Ang punto pa rin diyan, kung mayroong problema ay dapat may solusyon. Para malaman natin ang problema o mga practices, kailangan ay matuklasan natin that is precisely why mayroong imbestigasyon.
ATTY. RIVERA: In aid of legislation.
ATTY. FALCIS: Spox, nakarating na po ba sa Malacañang iyong balita at kung anong mga possible action point kunwari may ano daw, escort itong mga smugglers ng pera. May dalawang sindikato daw, report po ito ng Customs Commissioner natin na may Chinese group and Rodriguez Group na nag-i-smuggle ng pera escorted by PNP or AFP officials.
SEC. PANELO: Lahat lahat nga iyan na mga alegasyon na nakakarating sa Presidente, iyan ay pinapaimbestigahan. The moment na matuklasan natin na mayroong mga mali, definitely this President will act decisively on those issues.
ATTY. RIVERA: Sir, last na question. Sir, alam ninyo na po ba ang nangyari sa helicopter ng PNP Chief?
SEC. PANELO: Yes, nalaman ko na. In fact, tinext ko na nga siya na sana hindi serious iyong kaniyang injury.
ATTY. RIVERA: So at this point, sir, hindi pa rin kayo kumpleto na ano ng details? So wala pa kayong masyadong alam na—
SEC. PANELO: Wala pa. Kung ano lang iyong narinig ko sa balita.
ATTY. FALCIS: And then, sir, last na sumbong lang sa inyo. Gusto ko lang masumbong din: Sabi din ng ano ninyo, Assistant Secretary ng DOLE, ng administrasyon, na mayroon daw silang nadiskubre na 4,000 foreigners employed in POGO who have the same TINs – Tax Identification Number. So parang may mali yata sa BIR kasi DOLE na ang nagsabi na ang BIR ay nag-allow na mag-isyu ng same TIN to 4,000 Chinese nationals.
SEC. PANELO: I’m sure the BIR Commissioner Billy Dulay will also investigate that. Lahat iyan iimbestigahan para malaman natin kung ano ang dapat gawin.
ATTY. RIVERA: Whole of nation approach ito. Lahat ng puwedeng kuyugin ay kukuyugin.
ATTY. FALCIS: Boldyakin ang lahat nang dapat boldyakin
ATTY. RIVERA: Sir, salamat po talaga. Secretary Panelo, salamat po sa inyong panahon. Good morning.
SEC. PANELO: Thank you. Thank you for having me.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)