ELCHICO: Magandang gabi po sa inyo, Secretary.
BIGORNIA: Hi, sir.
SEC. ANDANAR: Naghahanap ng trabaho. Alvin good evening; Doris good evening. Tama pinag-usapan namin ni Lynda iyong SONA, State-of-the-Nation-Address.
ELCHICO: Ikaw ang in-charge?
SEC. ANDANAR: One of the—
ELCHICO: One of the person’s in-charge. So tapos na ba?
SEC. ANDANAR: Hindi pa. Well, technical-wise, of course naplano na, nandiyan naman iyong RTVM, on a yearly basis ginagawa naman iyan.
Doon sa speech ni Presidente ay nakalap na rin ng Presidential Management Staff iyong iba’t-ibang mga accomplishments ng mga departments at from there, isusulat iyong speech; and then the President will have his presidential briefing on the speech; possible din iyong magkaroon ng rehearsal with Director Joyce Bernal; last year kasi merong rehearsal. Usually naman iyong speech ay hindi naman iyan binibigay talaga, only until that day na na-deliver iyong speech, by tranches di ba, nire-release iyan sa media.
So, I’m not sure kung magkakaroon ng rehearsal at babasahin ni Presidente na nandoon si Director Joyce.
ELCHICO: So, totally if you assess, ilang porsiyento na ang tapos at ready iyong SONA?
SEC. ANDANAR: The speech you mean? Around 60 to 75%.
ELCHICO: Ilang araw na lang ba, sa Monday na ba iyan?
BIGORNIA: Sa Monday na iyan.
SEC. ANDANAR: Monday na.
BIGORNIA: Pero ang dinig ko, ang sabi magiging happy and hopeful ang magiging speech.
ELCHICO: Yung tone.
SEC. ANDANAR: Ito ang magiging mood na gustong ipalabas ni Director Joyce, kaya merong mga kaunting changes doon sa State of the Nation Address mismo sa loob ng Kongreso. Even Congress… iyong Congress already also… I think they bought new LEDs para sa kanilang stage ‘no, dalawa sa harap, isa sa likod. And then si Direk Joyce, meron siyang mga surprises.
ELCHICO: What do you mean surprises?
BIGORNIA: Anong klaseng surprise iyan?
SEC. ANDANAR: Creative surprises.
ELCHICO: Shots?
BIGORNIA: I remember that shots. But beyond all those creative eklat at mood at ang sinasabing happy and hopeful. Meron ba talaga tayong rason to be happy and hopeful?
SEC. ANDANAR: Meron talaga tayong rason, kasi we are just coming up—a huge victory nung midterm elections and then nagkaroon ng SWS survey, satisfaction rating 80% nung mga kababayan natin. Marami nang… you know, all of the policies and achievements ni Presidente Duterte.
But what is really important here on the 4th SONA. This is the first SONA on the second half of the presidency, siyempre iyong mga kababayan natin gustong malaman kung saan tayo dadalhin ni Presidente. Saan tayo dadalhin for the next three years?
BIGORNIA: Correct.
SEC. ANDANAR: We are talking about Duterte legacy; Duterte legacy for the next three years and for the rest of his presidency. Ano ba ang makikita natin for the next three years – matatapos ba iyong underground… iyong subway system; matatapos ba iyong mga kalye na malalaki; matatapos ba iyong mga bridges—
BIGORNIA: Mga Skyway connector.
SEC. ANDANAR: Connector, matatapos ba iyong—masisimulan ba iyong tren papuntang Sorsogon, papuntang—sa Mindanao, sa amin din, masisimulan ba ito. Because that is really the hard legacy of the President eh. And kapag na-lay na iyong plano for the next three years, dito rin papasok iyong kaba ng susunod na presidente o kung sinuman iyong gustong maging Pangulo sa 2022, kasi siyempre kailangan higitan niya.
ELCHICO: Kung ikukumpara siya.
SEC. ANDANAR: Oo, maiko-compare eh.
BIGORNIA: Ito na iyong setting the bar.
SEC. ANDANAR: Setting the bar, that’s the right terms. Setting the bar for the next President, for the next generation of Filipinos.
ELCHICO: So, in terms of form, kasi for sure hindi susundin ng Presidente ang speech ano, alam mo naman mahilig ng adlib eh – adlib dito, adlib doon, singit dito, singit doon. Mga ilang—ilang oras ba last, kasi tina-timingan palagi di ba?
SEC. ANDANAR: Well actually, Alvin, nung 2016, 1 hour and 3 minutes iyong speech ni Presidente.
ELCHICO: Ilan?
SEC. ANDANAR: One hour and 32 minutes, iyong 2016; 2017 two hours; tapos nung 2018, the President 98% or 99% followed to the letter his speech.
ELCHICO: Binasa niya.
SEC. ANDANAR: Noong 2018, 48 minutes, ang nagpatagal lang naman doon, iyong—
BIGORNIA: Iyong aberya.
SEC. ANDANAR: Iyong aberya.
BIGORNIA: Agawan, taguan.
ELCHICO: Iyon yung Alvarez at kay Gloria, iyon yun, oo.
BIGORNIA: Iyon nga, di ba tinago iyong mace. Kaya sabi ko agawan, taguan. Nag-cause iyon ng isang oras mahigit na delay.
ELCHICO: Kaya wala akong istorya noon.
BIGORNIA: Ayan ka na naman.
ELCHICO: Kasi ang assignment ko noon, Martin, iyong first hour na speech. Eh walang first hour dahil nag-agawan nga sila, wala na akong story.
BIGORNIA: Nagkape-kape na lang siya doon sa ilalim ng isang puno doon.
SEC. ANDANAR: Kaya palagay ko, kung talagang i-average natin ito, siguro mga one hour and 20 minutes, one hours, 30 minutes kung talagang—siguro mga 0ne hour twenty, pero kung susundin talaga, mga one hour.
ELCHICO: So, in terms of form again, so the President will be in—alam naman natin may design—may nag design na ba, may barong siya—I suppose magbabarong. Naka-ano ba siya last time, naka-americana o naka-barong?
BIGORNIA: Barong.
SEC. ANDANAR: Barong all the time. I don’t know yet kung sino ang designer ng kanyang barong. Pero usually iyong kanyang barong naman iyong simple lang.
ELCHICO: Ayaw niya nung mamahalin at makati.
BIGORNIA: Kasi nangangati siya, makati daw ayaw niya ng ganoon.
SEC. ANDANAR: Iyong mga barong na ano…
BIGORNIA: Piña.
SEC. ANDANAR: Talagang makati talaga iyon kung hindi ka sanay. Ayaw naman ni Presidenteng gawing fashion show iyong buong State of the Nation Address. Pero of course, depende kung sino mag-a-attend, you can wear whatever you want, as long as Filipiniana, iyon ang usually na nangyayari sa SONA.
But a important message to really listen to is kung ano iyong mga gagawin for the next three years. Now, there’s the poverty alleviation bringing poverty from 21 to 14% and bringing our economy to upper middle class by the end of his term; nandiyan din iyong build, build, build, iyong infrastructure projects kung ano ang matatapos; and thirdly iyong peace and order, ito iyong National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Palagay ko ito iyong tatlo na—
ELCHICO: Doon sesentro ang kanyang speech.
SEC. ANDANAR: Palagay ko.
BIGORNIA: So iyong kaniyang speech will be parang moving forward, in the next three years? Hindi niya babanatan kung ano ang nangyari doon sa unang tatlong taon niya? Will he be addressing iyong mga maiinit na isyu?
SEC. ANDANAR: Doris, noong last week ay nagkaroon ng ambush interview, at binanggit ni Presidente na lilektyuran niya iyong kaniyang mga critics ‘di ba, about doon sa West Philippine Sea. There’s a possibility na mangyari iyon kasi sinabi ni Presidente iyon. Kung ano pa ang idadagdag niya, I don’t know if he is going to talk about the United Nations Human Rights Council review, kung idi-discuss niya iyon.
BIGORNIA: Depende na sa kaniya?
SEC. ANDANAR: Depende sa kaniya. Abangan natin iyan sa Lunes.
ELCHICO: Sir, wala naman kayong ini-expect na drama sa speakership, ano po? Kasi nangyari na siya, last year nga ‘di ba nangyari na.
BIGORNIA: Magdala na kayo ng dalawang mace.
ELCHICO: Partner, si Congressman Duterte ay may naulinigan eh, I don’t know.
BIGORNIA: Anong sabi?
ELCHICO: Magkakaroon ng coup d’etat.
SEC. ANDANAR: Coup d’etat daw, oo.
ELCHICO: Narinig mo ba iyon, ‘di ba sabi niya, Secretary Martin? Baka may drama before the SONA.
SEC. ANDANAR: Abangan natin iyan, abangan natin. It’s very exciting especially for the political reporters kung ano iyong mangyayari sa Kongreso. Pero like what the President said, na he expects Congressman Cayetano to be the next speaker na walang aberyang mangyayari. Iyon ang sinabi ni Presidente.
ELCHICO: Puwede naman sigurong baliktad: Si Velasco ang mauna tapos si Cayetano ang dulo, puwede ba iyon?
SEC. ANDANAR: Ang alam ko ang usapan ay si Cayetano. Fifteen months tapos 21—
ELCHICO: Saan nanggagaling iyong kay Paolo? Kaya exciting.
BIGORNIA: Nakakaintriga lalo pa at mayroong director at mayroon ngang isi-set na ambulance diyan. So magdala kayo ng tig-iisang mace; magdala kayo ng tig-iisa ninyong silya. Bahala kayo diyan sa buhay ninyo pero gusto ng tao na malaman ano ang estado ng ating bansa.
ELCHICO: At isa lang ang puwedeng tumanggi kay Presidente noon. Isa sa Kamara at isa sa Senado, iyon lang iyon, di ba? Hindi puwede dalawa sa Kamara, dalawa—
Okay naman kayo sa protesta? I suppose the administration also welcomes peaceful protest because ang istorya niya kanina ay protesta eh. So they will be there.
BIGORNIA: Ex-Chief Justice Sereno, mangunguna na rin sa kilos-protesta.
SEC. ANDANAR: Ayos lang naman iyan, karapatan naman iyan ng bawat Pilipino to peacefully assemble at ipahayag ang kanilang nararamdaman, wala namang bago diyan. Every SONA ay mayroon naman talaga niyan.
BIGORNIA: In fact, at one SONA – 2017 ba iyon? – lumabas siya, ang Pangulo, at hinarap iyong mga nagra-rally. I was there; umuulan pa nga iyon.
ELCHICO: Iyong malapit sa Batasan Road.
BIGORNIA: Malapit lang. Palabas na, tapos na; ang ginawa ng Pangulo, lumabas at hinarap.
SEC. ANDANAR: Nasira iyong security protocol.
ELCHICO: Pumunta siya sa supporters niya?
BIGORNIA: Hindi, sa mga anti. Kaso hindi na niya nakita ang mga leader at that time kasi umuulan na noon.
ELCHICO: Sabagay, ito, mukhang uulan din.
BIGORNIA: Oo, kaya nga petiks-petiks lang nga iyong ang mga PSG doon eh. Paganyan-ganyan lang sila, pakape-kape, aba biglang dumating. Nagkatarantahan na, pero mabuti wala namang nangyari na masama.
ELCHICO: Are you expecting the President to do that again?
SEC. ANDANAR: We will see, kasi the President always full of surprises, and we don’t know—
ELCHICO: You mean, breaks protocol.
SEC. ANDANAR: Yeah. We don’t know what’s up in his sleeve, kung ano ang gagawin niya, kasi gusto talaga ni Presidente na makaharap iyong mga nagpoprotesta sa kaniya or even the supporters kung posible. But interesting, really, the politics will be really one of the most interesting stories to monitor, to watch out for during the SONA lalo na sa Lower House.
ELCHICO: So nandito ka na rin lang, iyon naman iyong intro mo kanina, sabi mo naghahanap ka ng trabaho, what happens—ikaw ang nagbukas, hindi ako ang nagbukas ng topic, ikaw ang nag-present noon ha – so ano ang sinasabi mo, you will be transferred or lilipat ka ba ng posisyon as—anong posisyon mo ngayon?
SEC. ANDANAR: PCOO.
ELCHICO: Presidential—
SEC. ANDANAR: Communications Operations Office.
ELCHICO: Anong mangyayari sa’yo? Are you going to be transferred?
SEC. ANDANAR: Wala pa naman, wala pa namang sinasabi si Presidente. Ultimately, it will be the President who will announce and who will—hindi pa naman niya ako kinakausap about it. Wala pa naman iyong mini Cabinet-revamp na napag-uusapan. So we’ll see, kung it will be this week or it will be during the SONA—
ELCHICO: Did you ask to be relieved?
SEC. ANDANAR: No, no, hindi naman.
ELCHICO: Hindi, hindi naman – or to be transferred?
SEC. ANDANAR: Hindi naman.
BIGORNIA: Pero may mga (unclear) tsismoso iyan?
ELCHICO: Siya ang nagsabi kanina, naghahanap daw siya ng trabaho. Siya nag-umpisa kaya inano ko na, sinundot ko na.
BIGORNIA: Wala na pong lugar dito sa programa namin ha, Martin Andanar. Baka makiki (unclear)
SEC. ANDANAR: [LAUGHS]
ELCHICO: Kapatid iyan. Hindi iyan kapamilya, kapatid sa Channel 5.
BIGORNIA: Mayroon pa akong isang tanong, Partner, with your indulgence. Yaman din lamang andito ka na, iyong sa speech ni Pangulo, alam naman natin he veers away from the script. Pero yaman din lamang at mainit-init pa, nagbabaga pa, kakapirma lang iyong anti-bastos law, maaasahan ba natin na ang kaniyang talumpati ay magiging devoid of any curses, of any …hindi naman pambabastos, o iyong talagang matitinding mga banat?
SEC. PANELO: Basta sinabi ni Secretary Panelo na the President will be the first one to abide by this law and to obey this law. Kaya we will expect things to be good.
ELCHICO: Thank you.
SEC. ANDANAR: Salamat, salamat.
ELCHICO: Wherever you go, kung saan ka mapapadpad.
BIGORNIA: Huwag mo kaming kalimutan, ganoon. Saan ka man mapadpad, Martin Andanar ha.
ELCHICO: Narinig ko lang sa Presidential Adviser for Political—kasi si Tolentino was the Presidential Adviser for Political Affairs. Then he became a Senator – ‘di ba iyon sir, iyong natsitsismis na pupuntahan mo?
SEC. ANDANAR: Iyon ang tsismis, oo.
ELCHICO: So wala pang confirmation?
SEC. ANDANAR: Mahirap naman pangunahan ang Presidente sa bagay na iyan.
ELCHICO: Hindi ka pa sinasabihan?
SEC. ANDANAR: Wala pa.
ELCHICO: By the way, itanong ko na rin: Si Mocha ba ay nasa inyo pa?
SEC. ANDANAR: Ah wala na si Mocha.
BIGORNIA: Nasaan na siya?
SEC. ANDANAR: ‘Di ba tumakbo si Mocha ng congresswoman under a party list.
ELCHICO: Ah oo nga. Kapag tumakbo ka nga pala, you are automatically ano … you have to resign.
SEC. ANDANAR: You have to resign.
ELCHICO: But after one year, puwede ka ulit ma-appoint?
SEC. ANDANAR: Yes.
BIGORNIA: Anong ginagawa niya ngayon?
SEC. ANDANAR: I’m not sure kung anong ginagawa niya ngayon.
BIGORNIA: Baka naman iyan ang sinasabi ni Secretary Andanar na sorpresa? The 18th surprise ni—
ELCHICO: Wala pa ngang one year eh.
BIGORNIA: Ay bakit nagagalit ka naman? Huwag ganoon, nagtatanong lang ako.
SEC. ANDANAR: Thank you. Thank you so much.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)