Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (PTV – Tutok Tulfo)

Event Media Interview

TULFO:  Samantala, nasa linya din po ng aming telepono si Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office. Magandang umaga po, Secretary Andanar, sir!

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga, Pareng Erwin. Kumusta ka na?

TULFO:  Mabuti naman po. Sir, live po tayo sa Radyo Pilipinas nationwide at ganoon din po sa PTV.

Sec, alamin ko lamang, sabi na po ng DND at AFP fake news itong kumakalat na nawawalan na raw ng suporta si Pangulong Duterte sa ilang miyembro ng Sandatahang Lakas. Eh kausap ko lang po si General Arevalo, hindi raw po totoo ito.  Kayo po, sir eh ganoon din po yata ang inyong ika nga napag-alaman na may assurance po yata ang DND at AFP sa inyo na patuloy ang kanilang suporta ng buong Sandatahang Lakas sa administrasyong Duterte, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Tama ka diyan partner. As a matter of fact, noong nabasa ko iyong balita ay kaagad ko pong kinontak kaagad si Secretary Del Lorenzana at sabi ko puwede mo ba kaming bigyan ng linaw dito at sinabi naman niya na walang katotohanan ito ay fake news, ito ay walang ibang objective kung hindi talagang siraan ang administrasyon ni Presidente Duterte at klarung-klaro naman na hanay ng mga active officers ng Armed Forces of the Philippines ay sumusuporta kay Presidente at ganoon din ang sinabi  ni Sec. Del na iyong mga retired na ay wala namang ganoong aksiyon na ginagawa na ibabagsak ang administrasyong Duterte.

Kaya ito ay malinaw, partner, na isang propaganda eh para siraan ang Presidente dahil alam din naman natin na political season na, dumating na po ang political season at by October ay magpa-file na ng mga certificate of candidacies iyong mga may gustong tumakbo pagka-pangulo.         

TULFO:  Sir, sa palagay ba ninyo  itong gumawa nitong…  nagpakalat iyong mga AFP medyo nawalan ng suporta kay Pangulo. Do you think these are the same group na iyong nagpakalat ng oust Duterte, etcetera, etcetera, Sec?

SEC. ANDANAR:  Malaki ang posibilidad, partner. Dahil alam naman natin as a media people, panahon pa ni Erap Estrada, halos lahat ng Presidente gustong pabagsakin eh. Eh kapag hindi naayon sa kanilang kagustuhan at kung hindi kasama ng kanilang partido o kanilang mga prinsipyo, kaisa ay gusto nilang ibabagsak. Nakakasawa ng ganito, partner, dapat maghintay na lang sila, mayroon namang eleksiyon sa 2022.

TULFO:  Next year na po iyon, di ba Secretary, next year na?

SEC. ANDANAR:  Iyon nga eh, antayin na lang nila kung sinong—kung talagang sa tingin nila  ay ayaw ng taumbayan sa administrasyong ito, di maglagay sila ng kanilang kandidato,  matira ang matibay, ganoon lang naman iyan, demokrasya tayo, partner, di ba.

TULFO:  Tama, eh doon na lang siguro. So Secretary,  panghuli na lamang, may assurance po kayo na si Secretary Lorenzana nagsabi na walang ika nga ganitong kawalan ng suporta na sa Pangulo ng mga miyembro ng Sandatahang Lakas, mayroon po siyang assurance sa inyo na ito po ay fake news lang, sir?

SEC. ANDANAR:  Mayroon po talagang assurance, partner. Alam mo ang gawin na lang natin lahat na sambayanan  ay magtulung-tulong, maging united na lang tayo na labanan itong giyera kontra sa COVID-19. Huwag natin isipin muna iyong pulitika, eh kumbaga anong… anong eleksiyon ang titingnan natin, baka wala ng mangyaring ganitong klaseng mga halalan kapag ubos na tayong lahat dahil na-COVID na tayong lahat di ba.     

TULFO:  Nako Diyos ko po, huwag naman po sana, Secretary. Eh bata pa ho ako, Sec.

SEC. ANDANAR:  At saka magse-senador ka pa.

TULFO:  Nako, ayan na naman tayo, patay na naman tayo diyan, madidiyaryo na naman, masusundot na naman tayo diyan, Sec. Anyway, sige na po, hindi ko pa po sana tatapusin interview ko sa inyo. Tapos na po maraming salamat, Secretary. Ingat po kayo stay safe and healthy, Sec.

SEC. ANDANAR:  Sige partner mabuhay ka.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)