Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo – Tutok Tulfo, PTV-4

TULFO: Sec., ano ba ang nangyari kahapon, napasugod ka raw sa Senado para humingi ng apology? Sabi ni Senator Sherwin Gatchalian, pumunta nga iyong buong Senado, pati si Secretary Martin Andanar just to apologize doon sa actuations ng isang kasama nila; so, ikaw daw mismo, Secretary. So, what’s gonna happen here, sir, mukhang magkakaroon ng malalimang imbestigasyon po yata? (communication line cut)

Ano nangyari na ngayon doon sa isa sa mga bataan mo diyan sa APO Printing Office, sir?

SEC. ANDANAR: Ang ginawa ko ay nagpadala ako ng show cause order para ipaliwanag niya iyong kanyang ginawa, iyong diumano pag-inom ng alcohol at paikut-ikot doon sa kaniyang tahanan; mayroon naman siyang paliwanag. Tayo ay humihingi na ng paumanhin, dispensa sa Senado, sa pamunuan ng Senado kay Senator Tito Sotto, ang Senate President; kay Senator Dick Gordon; Senator Migs Zubiri at kay Senator Gatchalian.

Tinanggap naman nila iyong aking official na statement at paumanhin at ganundin kay Dominic Tajon, humingi din siya ng dispensa, humingi din siya ng paumanhin at sa kasalukuyan ay inimbestigahan pa namin sa PCOO iyong kanyang diumano ay pag-inom ng alcohol. Naatasan namang may ano… iyong mama.

TULFO: Alam ko, sir, na itong mga ganitong bagay ay hindi ninyo pinapalampas, alam ko po eh, tayo ay matagal na magkasama, alam ko na this will not sit well with you, iyong mga ganitong klaseng actuations na parang walang paggalang sa isang institusyon, eh kilala ko po kayo, kaya . Well, so papaano iyong budget po ninyo mukhang na-set aside muna dahil diyan.

SEC. ANDANAR: Sa awa ng Diyos, eh kagabi kami iyong pinakahuli doon sa plenary, at kaibigan naman natin sila Senator Zubiri, Senator Gatchalian at Senator Tito Sotto, at iyon pinagbigyan iyong aming hiling na tinanggap na iyong ating [garbled]. So tayo ay nagpapasalamat sa Senado. Pero tama ka, hindi natin palalampasin iyong mga ganitong actuation.

TULFO: Pero naiintindihan ko rin, baka—sana tinanong mo, sir, ‘Bakit ka likot nang likot, bakit napapa-jebs ka ba?’ Eh baka nahiya din siya. Alangan naman sabihin niya, ‘sir, excuse me senator may I go out, I want to go out to the toilet.’ Baka hindi kaya napapa-jebs siya.

SEC. ANDANAR: [laughs] Well, ako I can speak for myself and to others talagang pormal kami at kahit nasa Zoom tayo, tayo naman ay nakapantalon talaga, nakamedyas, nakasapatos, talagang naka-pormal tayo kahit na ano ito, Zoom meeting. At hindi naman ibig sabihin na ikaw ay working from home ay hindi mo na rirespetuhin iyong institusyon.

So, it really shows on the values of the person, kung talagang seryoso ka sa trabaho mo ay—sabi nga nila character is measured when nobody is watching di ba.

TULFO: Magaling. Isulat ko iyan ha, kasi baka mamaya panghugot ko iyon—anyway, Secretary Martin Andanar – PCOO; Sir, daghang salamat for your time with us again this morning. Thank you, sir.

SEC. ANDANAR: Mabuhay ka.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center