Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Ali Sotto and Arnold Clavio (Dobol A sa Dobol B-DZBB)


SEC. ANDANAR: Igan, good morning; at Ali, good morning. It’s great to be back on your radio show.

CLAVIO: Alam ninyo, dito nagsimula si Martin sa DZBB. Siya ay isang OJT, tama ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Salamat po at tayo po’y nag—ang unang newscast ko po ay diyan, kasama si Francis Flores.

SOTTO: Tapos magkasama kami sa Channel 5.

SEC. ANDANAR: Opo, opo, kami po ni Ali.

CLAVIO: Kasama kita dito, kasama ka ni Ali sa Singko pero hindi ka kasama sa Europe ‘no.

SEC. ANDANAR: Hindi ho.

CLAVIO: Andito ka, andito ka.

SEC. ANDANAR: Andito po ako sa Maynila. Kaya ko po sinabi na taken out of context iyong sinabi ko po ay iyong press freedom caravan, iyong isa lang sa mga sasagutin nila, iyong puwede nilang sagutin iyong isyu kay Maria Ressa. Sapagka’t—

CLAVIO: Iyon nga ang ipinaliwanag, Secretary, kanina. Nandoon na sila noong pumutok iyong kaso ni Maria Ressa, tama?

SEC. ANDANAR: Opo, opo.

CLAVIO: So hinabol mo iyong instruction na iyon.

SEC. ANDANAR: Opo. Kasi iyong talagang rason po talaga kung bakit nandoon sila, ito po ay kasama doon sa national task force to end communist hostilities – EO 70 – at iyon nga, iyong kausapin iyong working group on enforced or involuntary disappearances doon sa Bosnia. So kausap po nila iyong Chairman, si Bernard Duhaime, para maipaliwanag po iyong 625 disappearances na hindi po nangyari iyon under President Duterte, kung hindi nangyari po iyon from 1975 hanggang 2012. Wala pong forced disappearances na nangyari under this administration.

And iyon nga po, iyong kanilang head of delegation, si Usec. Severo Catura, siya po ay Executive Director ng Philippine Human Rights Committee. Iyon po talaga iyong kanilang misyon doon. At ang PCOO po ay bahagi ng EO 70 or national task force, at kami po iyong chairman ng communications committee. And just for the record, this is the first time na iyong Philippine government is really aggressive on answering all of these unfair conclusions about human rights.

Kasi mayroon din pong mga reports na iyong CPP-NPA-NDF ay behind the murder of its members, iyon po iyong ni-report nila doon, General Parlarde, habang nandoon po sila sa Bosnia at sa Brussels.

SOTTO: Ito po iyong banner headline ng Inquirer ngayon, this controversial move na ma-delist itong mga kaso ng mga desaparecidos from 1975 to 2012.

SEC. ANDANAR: Well, number one, is to explain na wala pong forced disappearances under this administration according to some of the human rights—

CLAVIO: Walang dinukot.

SEC. ANDANAR: Opo, wala po.

SOTTO: Under President Duterte’s watch. But are you delisting the desaparecido cases from Marcos’ time?

SEC. ANDANAR: Hindi po, hindi po. Mayroon pong mga 625 dockets na dala po iyong buong committee doon sa Europe, at ipinaliwanag nila na itong mga kasong ito ay ongoing at ginagawa lahat ng gobyerno under our own legal framework para mabigyan po ng solusyon ang… you know, hustisya, mabigyan ng hustisya iyong mga nawalang 625.

SOTTO: And so, there’s no move to delist the cases?

SEC. ANDANAR: Wala po, wala pong move to delist the cases. It’s primarily to explain to the Working Group on Enforced or Involuntary Disappearances, na by the way, nagkaroon sila ng 117th session nila noong nakaraang linggo. At iyon nga, para maipaliwanag sa kanila kung ano talaga ang nangyayari, legally na nangyayari dito sa—

CLAVIO: Ito bang biyaheng ito, Secretary, ito ba’y parang regular na ginagawa ng mga nasa PCOO kahit noong mga nagdaang administrasyon, iyong caravan na iyan o ngayon lang ito?

SEC. ANDANAR: Iyong press freedom caravan ay we conceptualized this last year.

CLAVIO: Ah last year.

SEC. ANDANAR: Oo, at ginawa po natin this year. In fact, buong bansa po meron tayong press freedom caravan, para maipaliwanag iyong—

CLAVIO: Ilapit ang gobyerno sa tao?

SEC. ANDANAR: Tama po kayo. Tama po kayo. Ang gobyerno sa media, mayroon po tayong government– media bridge policy para po magkaroon po tayo ng magandang (unclear) of achievement. Naniniwala ho kasi kami na kung gusto mo ng mabilis na nation building, you really have to have good media cooperation kasi—

CLAVIO: Lumabas ka sa Palasyo, ganoon, ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Opo, opo. Iyon po iyon, Igan. Iyon po talaga. At iyong unang out of the country namin was done in Bangkok, Thailand. Kasi naniniwala po kami na kailangan po natin ng presence sa major media hub sa Asia, which is Bangkok—

SOTTO: Gaano kalaki iyong entourage, Secretary?

CLAVIO: O budget, magkano ang budget? Ilan ba iyong nandoon din?

SEC. ANDANAR: Hindi ko po hawak iyong budget. Pero ganito po kasi iyon, under the official delegation ng buong EO 70, kasama po talaga iyong PCOO doon. Now, itong press freedom caravan, ang may hawak po nito ay iyong Freedom of Information Office na under Asec. Ablan. At sila po ay pinasama ko kasi FOI is the Executive Order # 2 of the President, at after 30 years na ipinaglalaban po ito ng mga nakaraang administrasyon. Ngayon lang po ito napirmahan at nagkaroon po ng executive order.

CLAVIO: So ilan nga po iyong nandoon?

SEC. ANDANAR: Sa FOI po at Executive Order # 2, sa freedom caravan, si Asec. Kris Ablan at iyong kaniyang assistant. And the rest na kasama, dalawa po sila. At iyong kasama po ng ito pong buong EO 70 sa PCOO ay si Usec. Badoy, tapos iyong head po ng Office of the Global Media Affairs para kausapin po iyong international media, at iyong isang cameraman.

SOTTO: So pati iyong staff nila kasama?

SEC. ANDANAR: Isang ano po?

CLAVIO: Sino po iyong sa head ng ano?

SEC. ANDANAR: Iyong Office of the Global Media International Affairs, si JV Arcena. Kasama po natin before sa media, sa Channel 5.

SOTTO: So kung kasama po iyong mga staff, ilan po sila?

SEC. ANDANAR: Usec. Badoy, JV, at saka iyong cameraman – tatlo.

CLAVIO: Lima – Ablan at assistant. So lima.

SEC. ANDANAR: So lima po sila sa PCOO proper.

SOTTO: So kung iyong sinadya lamang po ay iyong UN meeting ‘no sa Sarajevo, bakit kailangang tumungo pa doon sa mga ibang bansa?

SEC. ANDANAR: Kasi mayroon din pong mga ka-meeting doon sa Brussels sa United Nations—

SOTTO: At saka sa (unclear)

SEC. ANDANAR: Opo, opo. I understand, mayroon pong United Nations Universal Periodic Review na kailangang kausapin at human rights committee. At nagkaroon po ng … ito po ay sa Brussels at sa Switzerland, if I’m not mistaken. Pero siguro it would be better to talk to the head of delegation na si Usec. Severo Catura. At iyong sa Bosnia nga na ito iyong Working Group on Enforced or Involuntary Disappearances 117th session.

CLAVIO: Bukod sa limang binanggit mo, kasama ba si Director Benjamin Felipe at saka Regional Head Purita Licas at si Usec. Joel Egco?

SEC. ANDANAR: Opo. Si Joel Egco po—

CLAVIO: DILG siya ‘di ba? Sa media ano siya ‘di ba, iyong—

SEC. ANDANAR: Hindi po. Presidential Task Force on Media Security, siya po ay under the Office of the President.

CLAVIO: So nandoon din po si Joel?

SEC. ANDANAR: Opo, sapagkat mahalaga po iyong to explain na mayroon tayong task force to secure the media.

CLAVIO: Eh ito nga, sina Director Benjamin Felipe at Regional Head Purita Licas, kasama rin po?

SEC. ANDANAR: Hindi ko po tiyak iyong—

SOTTO: Bakit po kailangan ng physical presence to explain press freedom in the Philippines?

SEC. ANDANAR: Well, kasi, you know, Ali, this has never been done before. At alam naman natin na we are under fire dito sa European countries at sa America, at hindi po nila maintindihan kung ano po talaga ang nangyayari dito kaya we are being unfairly reported. So kailangan po ng gobyerno na pumunta doon para maipaliwanag natin kung ano talaga iyong on the ground na nangyayari.

CLAVIO: Kasi ang puna ho, parang gastos lang ito. Kasi may mga embahada po sila rito, Secretary.

SOTTO: At saka marami namang mga opisyal ang nagpalabas ng kani-kanilang mga statements.

CLAVIO: Puwede namang ipatawag iyong mga ambassador para ipaliwanag.

SEC. ANDANAR: Hindi po eh, kasi itong Executive Order #70 kaya nga precisely ginawa ito para matapos na iyong communist hostilities. Napakatagal na, 50 years na itong—

SOTTO: Communist hostilities po?

SEC. ANDANAR: Opo, opo, iyong CTG or iyong communist terror group. Ito po talaga iyong pinakarason kung bakit sila bumiyahe.

CLAVIO: Pero paano malulutas eh wala ngang peace talk? ‘Di ba iyon ang pinakasolusyon natin, peace talks?

SEC. ANDANAR: Well, one is peace talks. Alam naman natin na the President already extended an olive branch, pero parang niloloko lang ho tayo ni Joma Sison. Tapos mayroon din ho silang sarili nilang communication strategy doon sa Europe kaya po tayo nagiging dehado doon sa Europe. Pero this is the first time na ginagawa ng gobyerno na ipaglaban din iyong mga karapatan natin, karapatan ng mga sundalo, ng mga namatay, iyong mga napakadaming damage na incur nitong ginagawa po ng mga rebelde – panununog po ng mga trucks, revolutionary taxes, pagpatay doon sa sarili nilang … kabaro nila. So kailangan mai-explain din ho ito sa Europe, sa United Nations.

CLAVIO: So ilan po talaga iyong kasama? Kasi sabi ninyo lima eh, tapos may nabanggit tayong tatlo eh di walo na. So ilan po talaga iyong nandoon?

SEC. ANDANAR: Hindi ko kasi alam, Igan—

CLAVIO: So ito, didiretsahin na kita, so hindi ito—kasi junket ba ito? May kasamang side trip, pamamasyal? Eh kasi ito ay naibulong lang – sayang ho iyong effort ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Hindi po ito junket, Igan. This is really after the Executive Order 70, utos ni Presidente. Kaya kailangan maging aggressive tayo sa … para matapos na itong communist hostilities at kailangan maipaliwanag natin ito sa mga United Nations bodies or international bodies na …kasi iyong report na napupunta sa kanila ay ibang report eh. Wala po silang nakukuhang side ng gobyerno.

CLAVIO: Pero itong galing sa PIA, kung hindi ninyo po alam, kasama nga po si Director Felipe at si Licas.

SEC. ANDANAR: Hindi po si Felipe. Si Harold Clavite po iyan.

CLAVIO: Pirmado po ito ni Harold Clavite, Director General ng PIA, iyong travel order nitong dalawa na papuntang … nakalagay dito – Brussels, Belgium at Geneva.

SEC. ANDANAR: Hindi ho. Ang alam ko po ay si Clavite lang po iyong pupunta doon. Of course, it has to be covered by the—

CLAVIO: Dapat pala malinawan nina Director Felipe at Licas ‘no dahil nasasama iyong pangalan nila.

SEC. ANDANAR: Hindi po, hindi po sila kasama.

CLAVIO: So wala kayong idea kung magkano po talaga ang in-allot na budget dito ng National Security Council?

SEC. ANDANAR: Wala po. Pero maganda po siguro kung makausap ninyo si Secretary Jun Esperon kasi siya po talaga itong head nitong—

CLAVIO: Pero hindi siya kasama?

SEC. ANDANAR: The head of the Executive Order 70 of the President. And then iyong susunod po diyan ay si Secretary Jun Esperon.

SOTTO: Kasi kapag babasahin mo iyong mga ulat na nandoon na sila because of the UN … about communism, pero parang ang nangyayari sa question and answer, natatanong ay about the arrest of Maria Ressa. Ganoon po ba ang nangyayari?

SEC. ANDANAR: Ang sabi ko naman, Ali, kay Usec. Badoy na given the chance that they’re being asked by the reporters there, ipaliwanag nila kung ano iyong nangyari, kung ano po talaga iyong facts nito. And just to put it on record na it was never in the plan because I never knew that she was going to be arrested.

SOTTO: Pero iyon nga, kapag sinabi mong press freedom caravan parang sasadyain nila iyong iba’t ibang lungsod sa Europe para ipaliwanag iyong pagkakaaresto kay Maria Ressa?

SEC. ANDANAR: Ay hindi po, mali po iyon. Parang afterthought lang po itong kay Maria Ressa.

SOTTO:  So ano nga po iyong mangyayari doon sa press freedom caravan? Ano iyong itinerary?

SEC. ANDANAR: Magandang tanong po iyan. Number one, is to explain the enacted law under the Duterte administration with the European values. Halimbawa, itong ease of doing business, itong libreng irigasyon para sa mga magsasaka, iyong free education sa state universities and colleges, support for the RH Law. Itong mga ganitong mga batas po na talagang—

SOTTO: So bakit po tinawag na press freedom caravan, Secretary? Palagay ko iyon yata ang (unclear)

SEC. ANDANAR: Hindi. Pangalawa po, ay iyong FOI. It is another—freedom of information is basically (unclear) na malakas po diyan sa Europe. Number three, Special Task Force on Media Security kasi nga po dati ay sinasabi na isa tayo sa pinakadelikadong bansa para sa mga journo. By the way, na-delist na noong 2018.

SOTTO: After Iraq, Pilipinas ano?

SEC. ANDANAR: Opo, pero ngayon wala na po tayo sa listahan.

CLAVIO: Ito bang mga government official na nandoon ay bayad ito ‘no? May per diem sila ‘di ba na hindi na subject for liquidation, tama?

SEC. ANDANAR: Mayroon pong per diem, pero hindi ko po alam kung—

CLAVIO: Kung magkano. Okay, wala tayong—alam ninyo, paki-text na lang ako, Sec., para malaman ng publiko.

SEC. ANDANAR: Oo, ite-text ko po sa inyo kung magkano po iyong gastos ng—pero hindi ko po mati-text kung… iyong sa parte po ng National Security Agency sapagkat si Secretary Jun Esperon po ang makakapagbigay po ng impormasyon para doon.

CLAVIO: Opo, opo, sige. Secretary, maraming salamat po sa pagpapaliwanag.

SEC. ANDANAR: Thank you, Ali at Igan.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource