Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by George Bandola and Willy Hidalgo (DZXL – RMN)


Q: Magandang umaga po, Sec. Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Good morning, George and Willy. Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig ng Radio Mindanao Network (RMN). Of course, sa ating Facebook page din sa RMN. [DIALECT] Good morning.

Q: Salamat po, nahuli rin namin kayo. Bising-busy iyong mama eh.

SEC. ANDANAR: Hindi, alam mo, sabi nga eh, talagang kapag sumasalang ka sa RMN, kailangang handang-handa ka. Kaya pinaghandaan ko muna iyon nang matagal.

Q: Teka, wala tayong pasayaw dito, Sec. Martin. Anong pinaghandaan mo?

SEC. ANDANAR: Kailangan siguro gumawa ng bagong jingle para diyan sa pederalismo. As a matter of fact, mayroon ng jingle ang DILG. Pero iyong naging suggestion nga, doon sa interagency, ay medyo i-tweak nang konti kasi iyong—mayroon kasing rap iyong jingle eh. Sabi ko para sa mga may edad na mga kwarenta pataas tulad ko ay parang mahirap sundan iyong rap kapag kakantahin mo ‘di ba. Kailangan iyong isang official jingle, iyong paulit-ulit, puwede mong ma-memorize.

Q: Teka, linawin natin, Secretary, sabi mo iyong medyo ‘rap’ ang dating ‘di ba.

SEC. ANDANAR: Oo.

Q: Eh parang nabanggit mo kanina, papaano ba, iti-twerk ba or iti-twist? (Laughter) Linawin natin.

SEC. ANDANAR: Mas okay pa nga iyong Budots eh ‘di ba, para at least … pero iyon nga eh, itong federalism, George at Willy, ay hindi pa talaga officially nagsisimula iyong communications campaign.

Q: Hindi pa talaga nagki-kick-off.

SEC. ANDANAR: Hindi pa, hindi pa. Ito’y nasa planning stage, finalization pa lang sapagka’t dalawang beses pa lang nagmi-meeting after nung masumite ng ConCom ang kanilang draft constitution sa Pangulo at sa dalawang Houses.

So ngayon, nagkaroon po ng interagency, kasama po iyong Office of the Executive Secretary, kasama ang DILG at iyong PCOO and some members of the Constitutional Commission para pag-usapan nga iyong official na campaign or communications campaign strategy. Number one, ano ba talaga iyong mensahe? Ano ba iyong branding ng ating kampaniya? Number two, ano ba iyong laman ng mga polyetos? Ano iyong laman ng radio advertisement, ng TV advertisement? Number three, sino iyong mensahero? Sinong kukunin nating spokesperson? Number four, sino iyong mga civil society that we will work closely with? Sino iyong mga partners natin sa media na gustong tumulong?

So iyon po iyong mga dapat nating pag-usapan, dapat i-finalize ng interagency para nang sa ganoon ay hindi ho tayo sasabit.

Q: So ito iyong magiging porma ng kampaniya?

SEC. ANDANAR: Tama po.

Q: Kung interagency, Sec. Martin, ibig sabihin, hindi na po solidong hawak lang ng PCOO ang impormasyon o ang campaign tungkol sa federalism?

SEC. ANDANAR: Well, number one, hindi po siya solidly or arbitrarily under one roof. Hindi siya under ConCom, because remember na iyong Constitutional Commission ay mag-e-expire this August. Ito ay pinag-aaralan pa ng OES kung papaano ma-extend kasi kailangang-kailangan natin iyong mga nag-author nito, iyong mga nagbalangkas nitong Constitutional Commission draft constitution. Kailangan natin sila, sila ni ex-CJ Puno, kailangan natin sina ex-Senate President Pimentel, sina Dean Aquino. We all need them kasi sila talaga iyong may alam dito.

Now, this week ay mayroong third meeting, and hopefully final na iyong meeting this week para makapagsimula na tayo. At ako rin naman, sa PCOO, in charge kami sa distribution po – packaging and distribution.

So kung sabihin ng DILG, “Ito iyong message natin. Halimbawa, pederalismo, ito iyong pinaka-title natin at ito iyong mensahe sa polyetos. Ito iyong mensahe sa TV, sa radyo,” kami ngayon iyong magpa-package nun sa PCOO at kami iyong magde-deliver sa government media at sa private media. Iyon po ang trabaho namin. Hindi po ang PCOO ang spokesperson, hindi po iyong mensahero; kami’y isang bahagi lamang ng interagency.

Q: Kinu-consider ninyo ba, Secretary, na i-tap iyong mga kilalang personality, mga artista para, alam mo na, iyong hatak ng mga iyan sa tao?

SEC. ANDANAR: Tama naman kayo. Sa kabataan, iba iyong may hatak diyan, iba iyong may impluwensiya diyan. Pagdating sa, maybe 30 years old pataas, iba; kwarenta pataas, iba; singkuwenta pataas, sixty pataas, iba. Iba-iba iyan, iba-ibang mga impluwensiyang mga personalities iyan.

Pero bukod doon sa pagiging personalidad or celebrity, kailangan ho talaga ay mayroon talagang puso doon sa kampaniya. Kailangan may alam din siya doon sa—

Q: Sumasang-ayon, hindi dahil sa kinuntrata lang siya.

SEC. ANDANAR: Oo, hindi dahil kinuntrata siya kung hindi dahil sa sumasang-ayon siya at dahil gusto niyang … talagang may alam siya.

Q: Parang may puso, ano?

SEC. ANDANAR: Oo, kasi mayroon tayong ano, George and Willy, mayroon tayong trainor’s training, number one. Iti-train natin iyong mga trainors na dadalhin natin sa mga probinsiya, sa iba’t ibang mga rehiyon. And mas maganda kung iyong tao mismo na kukunin natin, iyong personalidad o iyong celebrity will go through that training process. Para alam niya talaga habang nagsasalita siya sa radyo, sa telebisyon, online, alam niya kung ano ang sinasabi niya – galing sa puso.

And number two, we also encourage iyong mga personalities in the regions, in the cities, in the municipalities, provinces, kasi alam ninyo mas maimpluwensiya ang mga personalidad doon sa kanila mismong lugar eh. Kaya mas maganda kung ganoon din.

At of course, number three, kailangan iyong message ng pederalismo, whether it’s in Manila, whether it’s in Ilocos, Cagayan Valley or all the way to Jolo, Surigao City, Butuan, kailangan parehas lang.

Q: Ano ang target ninyo, Sec. Martin, para talagang maibunghalit ninyo, maisigaw ninyo ang tungkol sa federalism? Anong target ninyong date mula sa pagsasagawa ng mga training na iyan, pagsasagawa ng mga caucus na iyan sa inyong mga trainors mismo at sa mga presenters? Anong target ninyo?

SEC. ANDANAR: As soon as possible ho. Ang target po natin after ng meeting this week ay makapagsimula na tayo sa paggawa ng radio advertisement at TV advertisement. Makakagawa na tayo ng ating mga polyetos, ating mga tarpaulin, banner, lahat, trainor’s training. At makakausap na rin natin ang KBP sapagka’t—

Q: Ibig pong sabihin, Sec. Martin, nakapag select na kayo ng mga taong nasa … bukod doon sa core group, doon sa mga komite na bubuo ng mga manuals na ito? Mayroon na kayong mga set of personnel diyan?

SEC. ANDANAR: Mayroon na po tayong nakahanda; of course, hinihintay natin iyong pondo kasi wala namang pondo pa. Tapos ako naman ay—ang haba ng listahan ng mga civil society na gustong tumulong, so nililista ko lahat and I’m meeting them one by one. Kasi hindi ho ito kaya ng gobyerno lang eh. Kailangan talaga mas maganda kapag may civil society na sumama dito para tumulong.

Ang ating kasamahan sa DILG, sila din handang-handa na rin sila. At ganoon din po sa Office of the Executive Secretary, and iyong ating Constitutional Commission. Of course, mayroon na tayong na-identify na mga spokespersons. Pero once after the meeting, doon na lang namin ire-release iyong statement kung sinu-sino iyong mga official spokespersons.

But then again, I would like to encourage everybody na kung gusto ninyong makisali, kung gusto ninyong sumama, all you have to do is contact us sa PCOO or you can contact DILG, and tell us that you’re interested kasi isasama namin kayo sa campaign. We need volunteers; wala hong ina-out dito. Federalism is for every Filipino. It’s for you and me. It’s for the entire country. So the more volunteers, the better.

Q: Lahat ng channel, lahat ng resources gusto ninyong gamitin para talagang mai-push itong federalism. Well, hindi natin puwedeng isantabi iyan, iyong social media, Secretary, ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Opo.

Q: And hindi rin natin puwedeng itatwa, iyong isa sa mga tao mo diyan sa PCOO, si Mocha Uson ay maraming followers. Papaano po ngayon, sa kabila po nitong naging kontrobersiyang pinagdaanan niya sa mga nagdaang araw, ita-tap pa ba natin siya?

SEC. ANDANAR: Wala namang problema, si Mocha is an Assistant Secretary of the PCOO. Mocha is a Filipino citizen. Gusto niyang tumulong sa federalism. As I said earlier, kung ikaw ay gustong mag-volunteer, you are more than welcome to volunteer. We will help you. We will train you. We will give you all of the collaterals, mga marketing collaterals para makatulong po sa federalism.

It’s just a matter of making the message of federalism consistent at official na galing sa interagency para po we are all in one page, para hindi po tayo nalilito, naliligaw. Hindi naman puwedeng isang version ng federalism dito sa Pampanga, tapos pagdating mo doon sa Cagayan de Oro, ibang version naman. Remember, there are more than eight versions of federalism. At iyong version ng ConCom, isa lang iyon. So kailangan sigurado na iyong binabasa mo, iyon din ang binabasa ko.

So kailangan lang nating i-finalize iyong messaging sa interagency. At kung gusto ni Mocha na sumali at mag-volunteer, walang problema. It is open for everyone.

Q: Kaso ang clamor kasi, Secretary, especially ng mga pulitiko ay ilayo raw talaga si Mocha sa usapin ng federalism.

SEC. ANDANAR: Well, siguro after seeing the video. Pero alam ko naman na si Mocha is a very rational person. At alam ko naman na her heart is in the right place. Alam ko na talagang gusto niya lang tumulong. Pero iyon nga, para iwas po iyong gulo, iwas po iyong miscommunication, kailangan po sundin natin kung ano iyong direksiyon ng interagency ng federalism.

Q: Pero teka, Sec. Martin, may call si PIA Director General Harold Clavite na mag-leave muna si Mocha.

SEC. ANDANAR: Alam mo, tulad ng—

Q: Ikaw ang ama nila ‘di ba.

SEC. ANDANAR: Hindi, ganito lang iyan eh, ‘di ba sa isang bansa o sa isang pamilya, lahat naman ay may kaniya-kaniyang opinyon iyan ‘di ba. Kung may opinyon iyong isang anak mo, respetuhin mo iyon; may opinyon iyong isa, respetuhin mo rin iyon.  Kung si George Bandola at si Willy Delgado ay may freedom of expression, freedom of speech, and last time I checked, nandiyan pa rin sa Bill of Rights natin iyan, eh respetuhin natin.

So nirerespeto ko iyong freedom of expression ni Mocha, and I’ve been respecting that since day one. And I also respect the freedom of expression, the right to express himself ni Director General Harold Clavite.

Q: Okay. Siguro mas maganda na rin, Secretary, through you, magpaliwanag din si Mocha sa pamamagitan ng Straight to the Point live.

SEC. ANDANAR: Oo, sige po, sige po. Kausapin ko si Mocha.

Q: Promise, hindi kami magpapasayaw dito.

SEC. ANDANAR: Mga loko kayo talagang dalawa. [Laughter]

Q: Huwag ninyong isasama iyong isa ha, si Mocha lang.

SEC. ANDANAR: Sino iyong isa? Sino iyong ayaw ninyo?

Q: Kaya hindi puwede si Drew kasi iisa na lang ang silyang naiiwan dito.

SEC. ANDANAR: Baka sabihing may diskriminasyon kayo eh iisang upuan lang.

Q: Sa susunod naman siya para equal.

SEC. ANDANAR: Palitan.

Q: Palitan, oo. Secretary, maraming, maraming salamat.

SEC. ANDANAR: George and Willy, Radio Mindanao Network/DZXL, mabuhay po kayo.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource