Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo by Jorge Bandola and Willie Delgado (RMN – Straight to the Point)

Event Radio Interview

Q: Magandang umaga po, Sec. Sal Panelo.

SEC. PANELO: Good morning.

Q: First off, Secretary Sal, sinisisi ni Colmenares iyong Malacañang doon sa pagkakapatay doon sa siyam na magsasaka sa Negros dahil daw doon sa pagbagsak ng usapang pangkapayapaan. Ano bang opinyon ninyo dito?

SEC. PANELO: Ang problema naman sa kanila, masyado silang [distorted signal]. Unang-una, iyong usapang [pang] kapayapaan, tayo ay matapat na pumapasok doon sa lamesa para makipag-usap sa mga leaders nila. Ang problema, kausap mo iyong mga leaders pero iyong mga tagasunod nila ay pinapatay naman at nag-a-ambush sa mga pulis natin, mga sundalo. Paano mo itutuloy iyon?

Q: Hindi kaya intensyunal iyong ginagawang parang mga ganitong klase ng kilos nila para lang manira. At saka para magkaroon sila ng dahilan na, “Teka muna, ihinto muna natin itong ano,” o kaya magkaroon ng dahilan ang gobyerno at mayroon silang maisisi sa gobyerno?

SEC. PANELO: Kasama iyon sa kanilang mga propaganda laban sa gobyerno.

Q: Pero ano po ba talaga ang ano … may mga lumalabas na ho bang report diyan sa Malacañang kung ano ang tunay na pangyayari dito Negros?

SEC. PANELO: Lumalabas sa imbestigasyon ay mga grupo ng CPP-NPA sapagka’t iyong mga biktima at saka iyong mga nandoon, nakilala nila iyong mga ibang naroroon sa … iyong gumawa ng pag-massacre. Pangalawa, tila sila ay mayroong threat doon sa grupong iyon.

Q: Mayroong mga naniniwala na … ang usapin ay napaghigantihan lang daw iyong mga magsasaka, at may galit doon sa mismong may-ari ng tubuhan. May ganoon po ba?

SEC. PANELO: Whatever the reasons may be, ang nakikita sa imbestigasyon ay iyong CPP-NPA ang nasa likod ng massacre. Whatever [distorted signal]

Q: Oo, pero ‘di ba may offer pa rin ang Pangulo na buksan pa rin at open pa rin ang kamay ng Palasyo para sa usapang pangkapayapaan. Dahil dito, hindi ho ba magbabago ng posisyon ng Pangulo?

SEC. PANELO: Definitely, magkakaroon ng factor iyan. Pero ang sinasabi ni Presidente mula’t sapul panahon na upang iyong mga nandiyan sa kaliwa ay baguhin nila iyong kanilang tact o taktika. Kasi mayroon silang advocacy at 50 years na nilang sinusulong iyon, eh wala namang nangyayari. Baka medyo baguhin naman nila; sumama muna sila sa gobyerno.

Alam mo, maraming mga magagaling, matatalinong mga bata na sana during their lifetime ay makapagsilbi sa ating pamahalaan ‘di ba, itong mga prinsipyadong tao, pero ngayon, since their life has been shortened, wala na. Tapos maraming pamilya hanggang ngayon ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang mga anak at mga anak ng sundalo, ganundin ang anak ng… mga magulang na aktibista. Naging ano eh, Pilipino laban sa Pilipino.

‘Di ba may mga sumurender na, nagbabagong buhay, baka naman tingnan ninyo kung okay itong bagong bukas na paghihikayat ng Pangulo. Otherwise, palagay ko ay dapat kilala na nila si Presidente. Kapag sinabi ni Presidenteng digmaan tayo kung iyan ang gusto ninyo ibibigay ko sa inyo.

Q: Naku, huwag naman na sana. Pero anyway, dagdagan ko lang iyong mga isyu natin, Sec. Sal. Ito pa rin dating mambabatas na ito ang nagsabi na magkakagulo raw kapag hindi pumabor sa kanila ang magiging desisyon sa kaso ni Trillanes. Hindi ho ba inciting to ano ito, panggugulo na naman o rebellion?

Q: Parang mind setting ano.

SEC. PANELO: Dapat kasi tatanggapin nila kung ano iyong sasabihin ng hukuman. Hindi pupuwede iyong palagi na lang tayong … kapag kontra sa atin, sisihin natin [distorted signal] parang sinadya o inapi tayo. Pero kapag hindi pa nagdesisyon ang korte, sasabihin nila, ‘May tiwala kami sa katarungan ng hukuman’. Kapag kontra sa kanila, ‘Tinakot kasi iyan, nabili iyan.’ Iyan ang problema, hindi sila makatanggap ng pagkatalo.

Q: Hindi ho ba parang ano, as a lawyer, Atty. Sal, hindi ba parang ober da bakod naman iyong ganoong klaseng kumento na, “Hoy, korte, kapag hindi maganda ang desisyon ninyo dito sa kakampi ko, magkakalintik-lintik tayo.”

SEC. PANELO: Oo nga. Sana hindi ganoon ang pinakalayunin ng Kongresista, dating Kongresista Colmenares. Alam mo naman si Kongresista Colmenares, mayroon siyang prinsipiyo rin na pinaglalaban. Pero siguro dahan-dahan. Mayroong tinatawag na ‘bounds.’ It is the bounds of the law sometimes.

Q: Korek. Lahat tayo ay mga prinsipiyo, pero mayroon din sigurong hangganan kung saan natin paiiralin iyong ating prinsipyo.

SEC. PANELO: Baka naman ang ibig niya lang sabihin, ‘pag kontra sa kanila, they will oppose it and then they will do whatever remedies available to them under the law.

Q: Hindi po iyan ang basa ko kahapon.

Q: Sana legal battle lang.  Pero kapag ganiyan, naku, magkakagulo.

Q: Kaso iba iyong nabasa ko sa diyaryo.

Q: Anyway, hintayin natin dahil itong si Secretary Sal din naman, partner, ang nagsabi na positibo sila at tatanggapin nila ang magiging desisyon ng korte sa kaso ni Trillanes.

SEC. PANELO: Oo, whatever decision for or against, tatanggapin natin. Let us vow to the majesty of the courts.

Q: Kumusta po iyong bagong career ninyo? Exciting po ba? Gigising kayo nang maaga kapag may kinakailangang kayong …

SEC. PANELO: Hindi naman, wala namang nagbago eh. If you’ll noticed, hindi ba noon in-interview ninyo rin ako. Nadagdagan lang, kumbaga naging madalas pero ganoon pa rin naman eh.

Q: Pero ano lang ako, medyo nagtatampo ako sa inyo eh. Hindi ninyo tinuloy iyong pagsusuot ninyo ng magaganda kapag nagpi-presscon eh. Coat and tie na ngayon eh.

SEC. PANELO: Kumbaga, kung humaharap ka sa korte, kailangan iyong suot mo ang dapat mong isuot. Eh kapag weekend naman eh ganoon pa rin iyong suot …

Q: Iyan ang maganda diyan. May maririnig pa ba kayong mga impake jokes?

SEC. PANELO: Nag-iimpake lang tayo …

Q: Teka, speaking of Trillanes, Atty. Sal. Bibisitahin siya ng Interparliamentary Union eh. Ano ba ang sabi ng Pangulo dito?

SEC. PANELO: Alam mo, ang problema diyan sa Interparliamentary, sabi nila, mag-iimbestiga sila. Pero mayroon na silang conclusion e, na para daw inaapi, parang biktima ng injustice. Bakit mayroon ka na kaagad na conclusion, hindi ka pa nag-iimbestiga.

Q: May pauna na kaagad, hindi pa nakakabisita eh.

Q: Ano ito, bibigyan ninyo sila ng access hanggan sa kulungan?

SEC. PANELO: Basta kung pupunta sila—pero ang problema nga, nagbigay na sila ng conclusion. I don’t think they’re welcome here, manggugulo lang sila.

Q: Secretary Sal, maraming salamat ha.

SEC. PANELO: Salamat din. Salamat.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource