URI: Magandang umaga po sa inyo, pero bago iyan ay congratulations muna sa inyo pong natamong pagkilala ng isang organisasyon, Secretary. Good morning.
ATTY. MOLINA: Good morning.
SEC. ANDANAR: Good morning. Maraming salamat Henry at good morning din Atty. CAM at good morning po sa lahat ng nakikinig sa atin sa DZRH.
URI: Iyong inyong recognition na iyon, Secretary Martin ano, ito yata ay isa sa—ano ba ito? Ang tawag daw ho dito ay selyo ng kahusayan, tama ba, sa serbisyo publiko.
SEC. ANDANAR: Opo. Unfortunately ay nasa Singapore po ako noon, nung nangyari po iyong awarding… I think Singapore or Papua New Guinea. Pero tayo po ay talagang nagpapasalamat sa grupo na nagbigay po sa atin niyan. It will only inspire me to work harder and it is also a reminder that meron po tayong mga kasamahan sa gobyerno na sila po talaga ay nagpupursige at sinusuportahan iyong ating mga programa, the award is really for them, not for me.
URI: At saka iyong Freedom of Information, Secretary, iyon ang tila ho napaka… puwede na nating sabihing milestone sa panunungkulan ng PCOO sa ngayon ano ho, iyong talagang matagal nang hinihiyaw ng mga mamamahayag lalung-lalo na Atty. CAM iyong Freedom of Information.
SEC. ANDANAR: In terms of policy reforms, nandiyan po iyong Freedom of Information na tayo po ay nag-champion; pati iyong Presidential Task Force on Media Security, tayo rin po ang nag-champion niyan and si Usec. Egco at si Kris Ablan, they are really doing fantastic job heading those two policy reform offices na itinayo po natin. Pero of course lahat po ng ito ay dahil po sa guidance ni President Duterte.
URI: Secretary, speaking of information, do we have any information/update kung ano ba iyong mga nilalaman ng mga memorandum of understanding na napagkasunduan sa pagitan ng bansang China at Pilipinas?
SEC. ANDANAR: Well, first of all Henry, of course kino-congratulate natin si Presidente for a very successful na state visit ni President Xi Jinping dito po sa bansa natin. At dahil po doon sa preparasyon na rin ng mga opisina, ng Office of the President, PCOO, Department of Foreign Affairs ay nasa 29 na kasunduan po iyong napirmahan ng ating bansa at ng bansa po ng China and it was witnessed by the two Presidents.
So, napakadami pong—kung babasahin ko po lahat ay baka maubusan po tayo ng oras. Pero isa po diyan iyong Memorandum of Understanding between the government of the Philippines and China on the cooperation on the Belt and Road Initiative; nandiyan din po iyong Memorandum of Understanding between the Foreign Service Institute of the Philippines at iyong kanilang China Foreign Affairs Universities, meron pong kasunduan nalagdaan; at marami pa pong iba.
URI: Iyong pinakatampok tila ho rito, Secretary, ay itong Joint Exploration on Oil and Development between China and the Philippines. Do we have any details? Kailan ba mangyayari iyon at saan particular na mangyayari po ito, if you have further details, Secretary?
SEC. ANDANAR: Wala pa po akong detalye. Si Secretary Cusi po ang makakasagot niyan kung saang area magkakaroon ng exploration… sa mga areas—or joint venture sa mga areas na iyan and we will just wait for his announcement para po mas detalyado po tayo.
ATTY. MOLINA: Secretary diyan po sa inyo po sa PCOO, ilalabas n’yo po ba sa publiko iyong 29 Memorandum of Understanding for the sake of transparency?
SEC. ANDANAR: Opo, Atty. CAM. Actually pinorward na po namin iyong listahan muna sa Malacañang Press Corps at sa FOCAP at sa iba’t-ibang mga international media na nag-cover po noon. And in the days to come, pag na-clear na po ng Department of Foreign Affairs ay pati po iyong details niya.
ATTY. MOLINA: Meron din po bang pumasok sa Memorandum of Understanding about po sa isyu ng West Philippine Sea territorial dispute?
SEC. ANDANAR: I haven’t gone thru the entire MOUs or MOAs, Attorney, but I will let you know. But one of the good Memorandum of Understanding ay ito pong letter of no objection to the organization of the renminbi in Philippine peso foreign exchange trading market.
URI: Ano ito?
SEC. ANDANAR: Ibig sabihin po ay hindi na po tayo magkakaproblema sa foreign exchange po ng renminbi dito po sa ating bansa, iyon lang po iyon; and doon po sa negosyante na renminbi iyong kanilang hawak na pera hindi na po magkakaproblema pagdating po sa foreign exchange.
URI: Iyon yung parang pag tayo ay nag-trade o nag-negosyo direkta sa bansang China, hindi na natin kinakailangang i-convert pa iyong ating pera sa dollar to renminbi di ba, Secretary?
SEC. ANDANAR: This is the similar one na pinirmahan po doon sa Korea, if you remember, Henry. Sa South Korea na ganundin po, puwede na pong diretso peso ang gagamitin mo.
URI: Maganda iyan. Siguro mas medyo malaki-laki ang laban ng pera natin diyan, ng Philippine peso, Secretary, ano.
SEC. ANDANAR: Well, ang maganda kasi dito, kasi halimbawa kung ikaw naman ay gumagamit ng peso halimbawa, pupunta ka ng China, kailangan mo pang i-convert to dollars. So doon sa conversion lang na iyon ay meron ng commission. Tapos kung puwede mo nang—halimbawa sa South Korea, diretso na, dala mo na iyong peso mo, iko-convert mo na into won, diretso na siya into Korean won, hindi mo na… kumbaga, kung meron mang commission, isang commission lang.
ATTY. MOLINA: Correct. Naalala ko kasi noong pumunta kami ng Beijing, Secretary, iyong pera naming dala, dapat dolyar muna siya, before siya i-convert sa Yuan. So ngayong dahil sa letter of rejection, iyong money ko na peso pag pumunta ako ng China, puwede ko nang i-automatically convert into Yuan, kahit na wala nang conversion into dollars.
SEC. ANDANAR: And siguro vice versa. Kapag sila ang pupunta dito ay diretso na po from renminbi to peso. Oo, nakakadalawang commission kung minsan eh, kasi dala mo peso. Di ba nasanay tayong mga Pilipino, bago tayo magpunta ng abroad sa South East Asia, magdo-dolyar muna tayo.
ATTY. MOLINA: Di may bawas na iyong pera natin di ba kahit papano, pagpalit natin doon sa may ano, may bawas na naman.
URI: So far ngayon ay Korea at saka China at saka US.
SEC. ANDANAR: I suppose iyong South East Asian countries at alam ko sa Hong Kong ay puwedeng peso diretso sa Hong Kong dollars eh.
ATTY. MOLINA: Yes, sa Hong Kong po, tama puwede rin po doon. Noong kami naman ay nag-Hong Kong tour naman, puwedeng… sabi ng mga tourist guide doon, Philippine peso convert to Hong Kong, it’s okay, it’s okay, sabi nila.
SEC. ANDANAR: Lalo na Atty. CAM sa mga lugar na napakadaming OFWs, madaming Pilipino ay talagang napakahalaga nito. And you nabanggit nga di ba sa usapan kagabi sa joint statement ni Presidente Duterte at Presidente Xi na binanggit doon iyong mga teachers di ba na talagang hinihikayat ng China na magpadala tayo ng mga trabahante, mga trabahador doon sa China. So, I would suppose na in a few years to come, the next years to come ay dadami po iyong mga nagtatrabaho po sa China na Pilipino.
URI: Secretary in terms of communication, lalo na sa inyong tanggapan. Ano ang kasalukuyang agreement ngayon na umiiral o iiral pa sa pagitan ninyo at saka ng inyong Chinese counterpart?
SEC. ANDANAR: Well, kahapon ay meron po tayong… nagkaroon po tayo ng initial MOU proposal at signing with my counterpart si Minister Wei dito po sa Fort Bonifacio nangyari at ito po iyong Memorandum of Understanding between the Presidential Communications Operations Office at iyong kanilang NRTA or National Radio and Television Administration doon po sa China. So we are expecting na ito po ay mapirmahan po natin sa susunod po na meeting ni Presidente Duterte at Presidente Xi. I guess this will happen next year, mga April po sa China po.
URI: Sec, samantalahin ko na iyong pagkakataon Atty. Cam ano. Kumusta na iyong plano na ibalik iyong Office of the Press Secretary? Do we have update, Secretary?
SEC. ANDANAR: Well, okay naman siya, ito po ay nasa opisina na po ni Executive Secretary Bingbong Medialdea and it was just for the President’s review. But while we wait for that ay itinayo na po natin, Henry at Atty. CAM, iyong Office of the Global Media and International Affairs at very active po iyong grupo na iyan sa pangunguna ni JV Arcena—
URI: Kagabi, kasalo namin sa dinner diyan sa—iyang pa-dinner ninyo diyan sa parking lot ng Malacañang, si JV Arcena at nakakuwentuhan nga namin and he is thankful for your approval of creating that—paano tatawagin ito, attached agency ninyo ito?
SEC. ANDANAR: It’s actually a division of the PCOO, a division of the Office of the Secretary. Kasi ganito po iyan eh, gusto po natin na mangyari iyong ibalik iyong press attaché at habang hinihintay natin iyong EO na mapirmahan po ni Presidente eh kailangan meron na pong leg work na mangyari, kailangan meron na po tayong itayong opisina.
At iyon nga eh, while I was planning that division, eksakto naman na si JV ay nag-resign doon sa kanyang unang trabaho, US State Department at ito rin naman iyong trabaho niya doon. So, very perfect fit iyong pag-resign ni JV doon. So, hindi na ako nag-atubili, I hired him right away.
At iyong sa international affairs naman, meron naman kaming actually tao doon na nilagay; kaya nga marami tayong mga kasunduan with the different ASEAN countries. In fact, iyong next signing is in Thailand, this will be an MOU with the Thai government. At iyon nga, iyong kahapon na initial signing with my counterpart sa China iyon din po ay trabaho ng International Affairs Division ng PCOO.
URI: Secretary, meron lang akong nasagap na impormasyon, Atty. Cam ano. Alam ko baka ito ay naamoy na rin—ayaw ko namang sabihin na naamoy pero can you confirm this?
ATTY. MOLINA: Baka nakarating na.
URI: Nakarating na ba sa inyo ito, Secretary. Ang magiging Press Secretary raw ay galing sa ating sector sa media na kapatid ng isang Governor ngayon at isang Congressman na batang-bata rin, kasing gandang lalaki raw po ninyo.
SEC. ANDANAR: Kapatid ng isang Governor?
URI: Oo at isang Congressman na ka-edad natin, nakiki-natin ako sapagkat tayo ay mga 70’s. Totoo ba ito, Secretary?
SEC. ANDANAR: Hindi, actually ngayong ko lang narinig iyan eh. Siguro bigyan mo ako ng clue kung anong probinsya.
URI: Siguro didiretsuhin na kita, Secretary, para wag na tayong mag-clue. Totoo bang ang balita is si Ginoong Gilbert Remulla ang isa sa lumulutang ngayong pangalan na maging Press Secretary?
SEC. ANDANAR: First time kong narinig ang pangalan ni Gilbert. Pero alam mo si Gilbert, matagal din sa media iyan sa ABS-CBN at nag-Congressman din iyan. So, why not, ano naman si Gilbert, he is very qualified.
URI: Oo at ito pala ay kagaya rin daw ho ninyo na nag-Harvard din daw pala ito?
SEC. ANDANAR: I think he went to Columbia University, si Gilbert.
URI: So, wala pa pong confirmation?
SEC. ANDANAR: Wala pa kaming naririnig, actually wala pa akong naririnig. Pero we will see kung ano po iyong desisyon ni Presidente.
URI: Alright. So Secretary, all is well sa PCOO and sa ngayon bagama’t—siguro mahingan na rin namin kayo ng kaunting reaksyon.
Well, hindi maiiwasan iyong mga negative na impression sa pagbisita ni President Xi Jinping baka daw tuluyan na ba tayong magiging probinsya na lamang ng China. Ano bang mga—negatibo baka daw iyong ating pag-claim sa West Philippine Sea ay sa pagbisita ni President Xi Jinping eh lalo nang lumambot ang ating posisyon. Ano ba ang inyong reaksyon sa ganyan?
SEC. ANDANAR: Iyan po naman ay puro mga criticism lamang. Ang totoo po dito ay tayo po ay nakikipagnegosyo, tayo po ay pinapalakas natin iyong relationship with China para po iyong China ay tuloy na nakikipagnegosyo sa Pilipinas, nagdadala ng mga turista lalung-lalo na ang ekonomiya para makinabang po tayo sa progreso ng kanilang bansa diyan po sa kanilang Belt and Road Initiative at uulitin ko po, binanggit po ni Presidente na ito pong ruling sa PCA, diyan po sa The Hauge ay hindi po ito iiwanan, hindi po ito kakalimutan ng ating bansa. We will hold on to it. At on a later date, ito po ay ibinabalik po ng ating Presidente doon sa mesa pag sila ay nag-usap ng Presidente ng China. But for now ang mahalaga po ay meron tayong magandang relations, dahil alam mo naman—kahit America nga na merong sagutan sa China ay nakikipag-negosyo pa rin sa China.
URI: Alright. Secretary, salamat po ng marami.
ATTY. MOLINA: Salamat ang congratulations po uli.
SEC. ANDANAR: Salamat Atty. CAM, salamat Henry. Mabuhay kayong dalawa.
##
—
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)