Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Henry Uri (DZRH – Covid-19 Special Coverage)

Event Radio Interview

URI: … Anong gagawin ng kaniyang tanggapan. Dapat may masampolan eh; dapat may makulong dito  sa mga purveyor ng fake news na ito.

Secretary Martin, magandang umaga sa inyo.

SEC. ANDANAR: Good morning, Henry. At good morning din sa lahat ng nakikinig sa atin dito po sa DZRH. Tama ka, kailangang mayroon talagang managot dito, kailangan mayroon talagang makasuhan dito; in fact ito ay tinutukan na ng Philippine National Police sa kanilang anti-cyber crime team.

Now, let me again remind everybody na wala ho kayong dapat tingnan na mga balita kung hindi iyong mga bona fide na mga news agencies tulad po ng DZRH, tulad po ng iba pang mga KBP member stations, pati po iyong ating Radyo Pilipinas ng gobyerno, PTV, at iyong ating Laging Handa communications campaign. Now, kung gusto ninyo ho talagang makakita ng … kung gusto ninyo bona fide na bona fide na news, doon lang po kayo tumutok.

At kung gusto ninyo pong tumingin sa website, i-type ninyo lang po iyong covid19.gov.ph. Uulitin ko po, covid19.gov. ph, at nandiyan po lahat ng mga balita tungkol po sa COVID-19. Klarong-klaro ho na iyong nangyari po kagabi na mayroon pong pinakalat na balitang ganiyan ay fake news, fake news agad.

Hindi ko nga ma-imagine, Henry, kung bakit sa mga panahon na ito na tayo ay mayroong matinding krisis na hinaharap ay mayroon pang makapag-isip ng ganitong klaseng gawain—

URI: Kasi ito ho, kapag inyong inanalisa verbatim, word for word, ang talagang hinahasik po nito ay panic, takot at panic na kinakailangan… isipin ninyo, sinasabi rito, “Malacañang will  announce that there will be a nationwide lockdown next week to include all wet markets to stop people from going about.” Ibig sabihin, talagang hindi ka na makakapamili, hindi ka na makakakain kapag ganoon. Pero may kicker ho ito eh, may kicker po ito. Kaya sinasabi rito, kaya daw ang pinapayo ay mag-stock na for two weeks. Ibig sabihin, mag-hoarding ka na; magtago ka na ng pagkain. Eh kapag ho ganito, sinong makikinabang nito, eh di iyong mga manufacturing, retailer, may-ari ng tindahan. Ayaw naman nating sabihin na sila ang nagpapakalat nito. Palagay ko naman ay baka wala naman sa konsensiya nila ito—

SEC. ANDANAR: Alam ninyo, lahat tayo dito, Henry, talo; walang makikinabang. Kahit na iyong mga may-ari ng mga grocery na iyan, talo rin iyan in the end of the day. Kasi magkakagulo iyong ating bansa kung ilalagay mo sa alanganin at gusto mong panic lahat.

Kaya nga mayroon tayong anti-cyber crime law, mayroon tayong Anti-Cyber Crime Division sa CIDG para tutukan ito; at iyon naman ay tinututukan nila. Dapat masampolan talaga. Kaya nga sabi ko nga eh, sobrang walang magawa siguro sa buhay ito, number one; number two, siguro mayroon siyang sariling political agenda. Ganoon lang naman iyon eh, wala naman akong ibang nakikita kung bakit magpapalabas ka ng ganitong balita sa gitna ng unos, sa gitna ng krisis.

Tandaan po natin, this is the first time in memory ha, at least sa tala ng buhay ko na ako’y naka-experience ng ganitong lockdown. Lahat po tayo ay nagsasakripisyo. Mayroon tayong mga frontliners na nagsasakripisyo. Ang ating mga kababayan ay nagsasakripisyo sa kanilang kita, sa kanilang trabaho, ang mga negosyo. Of course, nandiyan iyong posibilidad na malugi na, mayroon tayong kinakaharap na possibility na magkaroon ng world recession, sabi nga ng hepe ng United Nations.

Hindi po ito biro, Diyos ko, this is about mankind. This is not about politics. This is not about being yellow, blue, red. Wala pong democrat, komunista, wala ho. Ito ho ay tao po ang ating gustong i-preserve.

URI: At saka, Secretary, granting na tumubo at kumita nang malaki iyong mga negosyante, at the end of the day, hindi rin ninyo pakikinabangan ito sapagka’t kapag nagutom ang marami, mag-aalsa, mang-aagaw, magnanakaw, papatay. Eh iyan ang talagang mangyayari niyan kung ang ibig ninyong mga nagpapakalat ng fake news ay palakihin ang sektor ng industriya kung anuman ang inyong mina-manufacture, Secretary.

SEC. ANDANAR: Iyon nga, iyon nga. Anyway, mamaya kausap ko naman ang CIDG. Kausap ko rin si General Banac mamaya, aalamin ko kung anong update na dito sa pagti-trace nila dito sa nagpakalat ng fake news na ito. Dapat masampolan talaga ito, dapat makulong ito eh. Hindi puwede… Diyos ko po!

Hindi ko ma-imagine, Henry, kung mayroong taong ganiyan sa bansa natin, kung mayroon talagang sira-ulo na gustong guluhin ang ating bansa.

URI: Palagay ko ito, Secretary, naman ay kuwan … with all due respect naman, that kung mayroon man pero palagay ko’y napakaliit namang porsyento lamang ng mga negosyanteng may intensyon na ganito. Hindi nila ugali ito, maski papaano lalo kapag ganitong mga pagkakataon, umiiral iyong pagkakaroon nila ng corporate social responsibility. In fact, maraming ngang mga pribado ang nagdo-donate ng kung anu-ano sa gobyerno at sa mga mahihirap, Secretary.

Baka ito’y talagang ano lang, baka ito’y mga …tama ka, baka gusto lang sumikat nito. Natutuwa ito. Ito iyong klase na—hindi  ko alam kung sa psychologist diyan. Iyong kapag nakalikha ng gulo ay tuwang-tuwa siya sa sarili niya, alam mo iyon? Hindi ba, iyong nakaupo lang sa isang sulok, nakikita niya na nagkakagulo dahil sa kaniya. Tuwang-tuwa siya, parang nabu-boost iyong kaniyang—

SEC. ANDANAR: Sa barangay namin may tawag diyan eh. Ang tawag diyan ay sira-ulo eh.

URI: Pero hindi naman kuwan eh, Secretary—well, ikaw, kilala mo ang Presidente, gagawin ba niya na ila-lockdown niya ang buong bansa at hindi niya palalabasin ang mga tao para bumili ng pagkain?

SEC. ANDANAR: Alam mo, mayroon na ngang inanunsiyo si Presidente, iyong ating state of … na public health emergency at iyong enhanced community quarantine. Iyon na nga ang in-announce ni Presidente. Tapos paulit-ulit na sinasabi ng ating national government na diyan lang kayo manatili sa bahay ninyo. Sa bahay muna – bahay at buhay ang mahalaga. Sa bahay muna, diyan muna manatili, sakripisyo tayong lahat. Hindi lang naman ang mga tiga-Quezon City, tiga-Pasay, tiga-Las Pinas. Hindi lang naman… tayong lahat sa Luzon ay magsasakripisyo. Sa ibang mga lugar sa labas ng Luzon, Visayas, Mindanao, mayroon na ring mga siyudad na nag-announce ng community quarantine. Lahat po tayo ay magsasakripisyo sa panahong ito na iyong kalaban po natin ay hindi po natin makita. Invisible ho ang kalaban natin ‘di ba, Henry.

URI: Oo.

SEC. ANDANAR: Hindi naman ito parang iyong conventional warfare na may kalaban kang tao na nakikita mo na naka-uniporme eh. Hindi mo naman makikita iyong COVID-19 na naka-uniporme, wala namang—

URI: At saka Secretary, to be brutally frank ‘ika nga, no one is safe… no one is safe talaga.

SEC. ANDANAR: Wala…

URI: Wala, wala…

SEC. ANDANAR: Kahit ikaw pa iyong hari, Santo Papa, ikaw ang pinakamayaman sa buong mundo, kahit ikaw pa si Bill Gates, hindi ka safe dito. Kumbaga, ito nga iyong panahon na lahat tayo pantay-pantay, mahirap ka man o mayaman eh dadapuan ka ng coronavirus, COVID-19, kung talagang madadaanan ka nito.

URI: Iyong sistemang in place para lang doon sa ating mga kababayan ulit, Secretary, kasi kung hindi ka lumabas ibig sabihin—hindi ba ayon sa IATF ruling, may isang tao lang sa pamilya ang puwedeng mamalengke, okay? Linawin lang natin, lahat ng palengke ngayon ay bukas, lahat ng supermarket, grocery store ngayon ay bukas, tama hindi ho ba?

SEC. ANDANAR: Tama po. Basta lahat po ng essential good na kailangan po ng tao bukas po – ospital, supermarket, bakery, sari-sari store, basta pang pagkain bukas po iyan. Ang puwede lang ho lumabas sa bahay isang tao lang. Now, maraming mga siyudad dito sa Metro Manila ang nagpatupad na ng quarantine pass. So, iyong mga barangay nila namimigay ng quarantine pass, tig-iisang quarantine pass kada bahay, ibig sabihin isa lang iyong puwedeng lumabas. So, halimbawa ako gusto kong lumabas ngayon, mayroon kaming isang quarantine pass puwede ako ngayon, hindi puwedeng sumama iyong asawa ko. Kung gusto niyang lumabas siya na lang ang lumabas, sa bahay na lang ako, ganoon po iyon.

At sinisiguro lang naman ng DILG at sinisiguro din ng mga barangay na iyan nga… na mapanatili natin iyong kautusan na home quarantine because ito lang iyong tanging paraan na makakaiiwas tayong kumalat itong COVID-19. Kapag lahat ay naka-home quarantine, madali nang ihiwalay kung sino doon iyong may sakit. Kapag nagkasakit, nagkasipon, lagnat, ihiwalay mo na tapos nag-check, nagkaroon ng halimbawa, COVID-19, madali na lang i-segregate iyong pasyente, dadalhin sa ospital na para sa mga mayroong COVID-19—

URI: Pero Secretary, iyong mga tindahan lalo doon sa mga looban, sa mga sulok-sulok, maliliit na grocery, talipapa, palengke, iyan naman ay puwedeng i-regulate ba ng mga LGUs? Halimbawa, lahat ng talipapa dito sa lugar natin ay hanggang alas tres na lang ng hapon o hanggang ala singko na lang ng hapon. Puwede nilang i-regulate iyon?

SEC. ANDANAR: Depende po iyan sa siyudad. Halimbawa, dito sa Muntinlupa mayroon akong binibilhan na pandesal na bakery, bukas sila ng ala-sais hanggang ala-singko kasi hindi na sila puwedeng mag-operate beyond that at depende rin iyon sa may-ari ng negosyo kasi naka-skeleton staffing sila, ibig sabihin kulang din iyong kanilang staff. Now, mayroon din iba naman at napaka-istrikto – ibang LGU – pero iyon nga, the point here is kailangang manatili tayo sa mga bahay natin. Kung hindi naman essential, eh bakit ka pa aalis? Kaya nga tayo nagkaroon ng Enhanced Community Quarantine para maihiwalay natin iyong may sakit sa walang sakit.

URI: Kaya lang sad to say, Secretary, marami pa ring mga lugar sa Luzon ang parang walang—we can say walang pakialam sapagka’t ganoon pa rin, tuloy pa rin ang pasyal sa kalye.

SEC. ANDANAR: Diyan papasok ngayon ang enforcement ng batas, ng ating kapulisan. Kaya nga mayroong Revised Penal Code on Disobedience, puwede kang hulihin. So, nasa Philippine National Police iyon sa pagpapatupad ng batas dahil sila naman ang law enforcement at katuwang din diyan iyong mga barangay, barangay tanod. Sila ang katuwang ng mga pulis para ma-impose itong batas na ito.

URI: Secretary, isa pa bago ulit—palagay ko naman dahil lumabas na nga ito sa media, sa inyo na ulit namin lilinawin para malaman natin kung facts or fake ba ito. Iyon bang hinihingi talaga ng Pangulo, humihingi ba talaga siya ng emergency power, Secretary?

SEC. ANDANAR: Alam ninyo, ang totoo po diyan magkakaroon ng meeting ngayon ang Kongreso at saka ang Senado para sa kung ano ang maitutulong nila sa ating pamahalaan. Now, bakit sila magmi-meeting? Nakausap ko kahapon si Congressman Joey Salceda, magmi-meeting sila para pag-usapan nila kung anong pondo sa gobyerno ang puwedeng i-realign para sa COVID-19 crisis.

Alam mo, ang ating government structure ay isang sistema na kailangan ang Kongreso na mag-apruba ng mga ganitong klaseng hakbang. Hindi puwedeng Executive Branch lang ang magsasabi na dito ko gagastusin ang pera ko, dito ko gagastusin ang pera; hindi, mayroong concurrence na dapat mangyari mula sa Lower House at sa Upper House dahil sila nga iyong holder of the purse, they have the power of the purse, and that is the system of our government.

URI: Alright! So, kami ho ay umaasa, ako ay personally na umaasa na sa mga susunod na araw may masampolan dito sa nagpapakalat ng fake news na ito Secretary once and for all para hindi na ho maulit ito. May dalawang linggo pa tayong tatakbuhin baka mamaya eh… kung ano-ano na naman at talagang tuluyan nang mag-panic ang mga tao, nakakatakot!

SEC. ANDANAR: Opo. Talagang dapat may maparusahan dito kaya kakausapin ko nga si General Banac at hihingi ako ng update dito mga ginagawang hakbang ng ating Anti-Cybercrime Division ng Philippine National Police dahil inatasan na sila ni General Archie Gamboa na hulihin iyong mga taong nagpapakalat ng disinformation. Wala hong puwang sa ating lipunan iyong mga ganitong klaseng fake news, iyong paggawa ng istorya para mataranta lahat lalong-lalo na ho sa mga panahong ito na lahat tayo ay nasa bingit ng kamatayan dahil dito kay COVID-19.

URI: Alright! Kayo po ay mag-iingat din Secretary at medyo nakakapagod ang inyong ginagawa, Monday to Sunday na eh, ano?

SEC. ANDANAR: Yes, sir. Ito po iyong ating Laging Handa Crisis Communications kaya tayo po ay seven days a week na nagtatrabaho, at the same time, seven days a week din tayo nag-aanchor nitong Laging Handa Public Briefing bukod po doon sa ating mga ginagawang pag-manage ng ating crisis committee.

URI: Alright! Sec., salamat! At we will air it live again mamayang alas onse—alas onse y media ng tanghali. Salamat sa inyo!

SEC. ANDANAR: Salamat, Henry at mabuhay po ang DZRH!

URI: Thank you, Secretary Martin Andanar.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource