Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Leo Palo III (Cabinet Report Sa Teleradyo – Radyo Pilipinas)


LEO:  Secretary… partner… 

DIR. VINCI:  Hi, Sec… 

SEC. ANDANAR:  Hello Vinci, Leo at si Pareng James, idol James Jimenez… 1986 snap elections, James Jimenez na iyan. Pero musmos pa [laughs]… How are you James?

DIR. JIMENEZ:  I’m okay, sir. How is Bali?

SEC. ANDANAR:  Okay naman ang Bali… naging productive naman ang lakad ni Presidente at ang lakad ng ating mga economic managers para doon World Bank activity. At ang mahalaga ay… alam mo kahit nandoon si Presidente, napakahalaga talaga ng kaniyang presensiya; he really brings so much… so much [unclear] and influence, and of course with his status, rock star character, ay ang ating bansa ay really very well represented.

So again, na-reiterate doon iyong kahalagahan ng stability, ng environment natin sa ASEAN. Nabanggit din ni Presidente iyong peace and order, and of course the importance of working together as ASEAN para tayo ay makapag-compete with other regions in the world. 

LEO:  Uhum, ‘ayan… Secretary pasensiya ka na eh guest ka namin ngayon, iyong co-anchor namin si James Jimenez ay nasa Comelec [laughs]… 

SEC. ANDANAR:  Alam mo Leo at Vinci, alam naman ng lahat ito pero uulitin ko lang kasi… ‘yan kasi si Pareng James ay talagang… in-interview ko iyan nang masinsinan noong nasa private sector pa tayo dahil idol ko nga iyan, kasi siya iyong tanging opisyal sa Comelec na nakakapagpaliwanag ng lahat ng mga issues pagdating sa Comelec, to the point na ito ay naging advocacy na ni James. And it really comes naturally kay James, and of course apart from his love for the country, love of his job… pero kita mo talaga na he has the knuck in his… he has the wit to do everything especially the explaining pagdating po sa matters of elections. 

LEO:  Dapat isama na sa Commissioner ito, Secretary… oo, para hindi mahirap.

SEC. ANDANAR:  Oo kapag… Commissioner o kapag… eh sabihin ko kay Sal baka kailangan niya ng Deputy Spokesperson ‘di ba

LEO:  [Laughs] Puwede, puwede… Imagine mo ‘di ba, saka iyong mga mamamahayag/reporters, akala natin noon abogado si ano eh… Attorney na nga tawag namin noon eh, kay James.

DIR. VINCI:  Oo, noong unang interview natin… 

SEC. ANDANAR:  Hindi, nag-law iyan si James. Ang pagkakaintindi ko, hindi niya lang natapos. Pero nag-law iyan, and ang alam ko nga ay hindi niya talaga mabitaw-bitawan ang Comelec. Saka iyong kaniyang mentor, si Chairman Benipayo—tama ako James ‘di ba?

DIR. JIMENEZ:  Tama po iyon, sir.

DIR. VINCI:  Galing, ang sharp ng memory ha… 

SEC. ANDANAR:  Alam na alam ko istorya ni James. Saka alam mo si James, he’s a classic example of a student who was bullied; bullied when he was in elementary, high school… pero naging very successful. So, parang sabi ko nga kay James, nag-usap kami, parang ‘defense of the nerd’ itong si James Jimenez. ‘Di ba, James?

Mr. JIMENEZ:  Tama iyon, sir.

DIR. VINCI:  Alam pati iyong kuwento… Sobrang galing, kasi talagang grace under pressure siya kapag nagsasalita, iyong hindi ka makakakita kahit sobrang lalim na noong mga dini-discuss niya. Galing…

LEO:  Sabi ko nga Atty. James eh—attorney na talaga ang tawag ko. Sabi ko nga eh, dapat kung ako ang congressman—ito, itong isang ito… itong guest natin ngayon si Secretary Andanar, kapag naging congressman ito, itutulak ko sa kaniya na gumawa ng batas na sa umpisa pa lang kailangan walang kaso iyong magpa-file, walang… ganoon. Para kapag pumailanlang na, walang problema; gawa na lang nang gawa ng batas ‘di ba. 

SEC. ANDANAR:  Your honor [laughter]… Kasi ano eh, naalala ko kasi Sir James na mayroon tayong panahon sa ating history na naging 13 yata iyong binoto nating senators ‘di ba—or 12 ba iyon, tapos if I’m not mistaken ay [overlapping voices] Senator Gloria Macapagal-Arroyo na three years lang iyong kaniyang sinerve (served). Can you explain to us how that happened, bakit 3 years lang iyong kaniyang sinerve na term?

DIR. JIMENEZ:  [Choppy line] nagkaroon kasi ng vacancy doon sa Senado kasi a senator was appointed to an executive position. [Choppy line]… a senator was appointed to a Cabinet position. So the Senate President declared a vacancy in the Senate. So iyong vacancy na iyon, iyon ‘yung naging subject ng special election in the immediately succeeding election kaya nagkaroon ng 13 position ‘no. Imbes na labindalawa lang ang pinagbotohan, nagdagdag ng isa para doon sa special election.

LEO:  Director James… nawawala si Director James eh. Balikan natin si Director James, ha – puwede balikan natin? Si Congressman na lang muna, congressman… ay ano ba, bakit nawala na’ko [laughs] 

DIR. VINCI: Iyan na— 

LEO: Secretary?

SEC. ANDANAR: May this representation—

LEO: Yes, from the gentleman of Las Piñas.

SEC. ANDANAR: [overlapping voices]. Hindi alam mo, talagang ganiyan ang takbo ng pulitika natin – very animated. [inaudible] si dating Mayor Junjun Binay, iyong kapatid niyang si Mayor Abby Binay, eh mayroon silang hindi pagkakaunawaan tapos kung babasahin mo, titingnan mo sa diyaryo ‘di ba magkasama si Senator Nancy pati si—iyong dating Mayor Junjun. So ito iyong mga dapat abangan natin ngayon darating na halalan. Pero whatever it is, kasi ‘di ba dati kung mayroong mga ganitong sabong sa pulitika, dati na hindi pa PCOS ‘di ba hindi pa iyong-

LEO: Manual?

SEC. ANDANAR: Hindi pa manual, ay hindi manual pa rin dati tapos kapag naglaban-laban iyong pamilya, isusulat na iyong apelyido tapos iyong initial ‘di ba? Eh ngayon mas madali na kasi ishe-shade mo na lang eh, kung ito ay Binay, Jun-jun; Binay, Abby or kung sinu-sino pa man iyong mga naglalaban-laban na mga pamilya sa pulitika. Very interesting kasi kamakailan lang, 2016 ay tumakbo si Vice President Binay ‘di ba tapos after three years agad-agad ang development sa kanilang siyudad.

LEO: Well, isa iyan sa problema ‘no.

Kasi itong si Congressman Martin Andanar na nagbabalik sa linya eh ako ang magiging pinakamalaking donor. Bibigyan ko ng napakaraming kaibigan ito, Congressman, nandiyan ka na ba?

SEC. ANDANAR: Oo, eh hindi ko alam kung natanong ninyo na iyong sa social media.

LEO: Oo ito, eh iyon nga ang kasunod ko. Pero nandoon pala si Camille doon sa broadcast area na kung ilan o magkano, kung katulad ba ni Congressman Andanar ay tatakbo – from the broadcast – eh hanggang kailan lang siya, mga ganoon.

SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan kasi halimbawa nag-file ako ng 17 – October 17, puwede pa ba akong interbyuhin ni Leo sa 18?

LEO: Secretary, nakikinig ang MPC, baka mamaya akalain tatakbo ka nga. [laughs].

DIR. JIMENEZ: Puwede naman po 

SEC. ANDANAR: Eh ano lang ito, example lang, kunwari lang.

DIR. VINCI: Basta within the campaign period lang po ba ito, Direk?

DIR. JIMENEZ: Puwede po, pero ang problema kay Secretary Andanar, doon sa hypothetical natin ano. Secretary Andanar is an appointed official, kapag nag-file siya, eh deemed resigned siya automatically. At which point, ang tanong diyan, bakit siya iinterbyuhin? Kasi papayagan siyang interbyuhin definitely as a media personality siya o kaya private citizen, puwede siyang interbyuhin kung news worthy iyong interview ‘di ba? So kung may mga ganiyan pa ring event sa buhay ni Sir Martin, definitely puwede. Pero ang—

DIR. VINCI: Iyong documentary ba kasali ba iyon o hindi?

LEO: Documentary, for example [overlapping voices]—

DIR. JIMENEZ: Puwede naman.

LEO: So hind isasali iyon, tingin mo?

DIR. JIMENEZ: Hindi kasama sa—well, pagdating ng campaign period tapos brinodcast ninyo, kasama iyon sa bilang ng oras mo.

LEO: How about sa—

SEC. ANDANAR: Papaano kapag ka between October 18 hanggang—

DIR. VINCI: Puwede pa po?

SEC. ANDANAR: Ah puwede pa.

DIR. JIMENEZ: Puwede pa.

LEO: Ah, dagdagan ko lang iyon. So doon ay para sa appointee na, what about doon sa mga staff ng appointee? Sila ba ay puwedeng mag—

DIR. JIMENEZ: Mas lalo na po. Ang exempted lang doon sa automatic resignation ay iyong mga elected officials.

LEO: Uhm, so bawal ding mangampanya iyong mga staff? Iyong nasa government side or agency?

DIR. JIMENEZ: Iyong mga nasa government agency po, mga empleyado in the civil service, hindi sila prohibited from having political views.

LEO:  Pero kapag nangampanya?

DIR. JIMENEZ: Puwede silang magsabi na, ‘Ako pabor ako kay [unclear].’ Pero hindi sila puwedeng manghatak ng iba.

DIR. VINCI: So in terms sa statement, ‘Ako kay Martin Andanar ako,’ ganiyan?

DIR. JIMENEZ: Iyan parang ganiyan.

DIR. VINCI: Pero hindi ko puwedeng sabihin, ‘Oh iboto ninyo si Martin Andanar.’

DIR. JIMENEZ: Iyan, opo.

SEC. ANDANAR: So halimbawa, James. Kasi ako talagang—

LEO: Interesado [laughs].

SEC. ANDANAR: Hindi talagang pabor ako kay Francis Tolentino eh, pabor talaga ako sa kaniya. So halimbawa nag-submit siya ng 17 October. Ako, opisyales ako ng gobyerno, puwede ko pa bang banggitin ang pangalan niya kapag in-interview ako?

DIR. JIMENEZ: Oo naman po, oo naman. Ang importante lang sir eh siyempre siguro tamang konteksto lang.

LEO: Depende siguro sa sitwasyon.

DIR. JIMENEZ: Oo kung in-interview ka tapos bigla-bigla mo na lang ilalabas, ‘Magandang umaga mga kabayan, Francis Tolentino.’ Eh ‘di medyo halatang nangangampanya na sila.

LEO: Oo, tama-tama. Hindi, kasi kunwari sa aming mamamahayag, for example si Tol Tolentino eh, siya iyong in-assign ni Presidente doon sa nangyaring landslide or example—tapos biglang ito, election time biglang may nangyaring—huwag naman sana, may nangyari ulit at siya ulit ang in-interview natin dahil siya iyong isa sa mga naging magaling—

DIR. VINCI: Parang eksperto na.

LEO: Eh in-interview natin. Okay lang iyon?

DIR. JIMENEZ: Puwedeng-puwede po iyon kasi sino pang tatanungin ninyo kung hindi iyong eksperto na dito. So news worthy po iyan, that’s really relevant sa isyu na iyan.

LEO: How about social media? Kasama ba sa 180 minutes? 

DIR. JIMENEZ: Hindi po kasama ang social media. Pagdating sa social media, ang isang tinitingnan ng Comelec, eh iyong mga boosted post na tinatawag – iyong mga nagbabayad ka ng mga 200 pesos para dumami ang makakita ng mga post mo. Iyon iyong mga ganoong klaseng add ang binabantayan natin. Ngayon, simpleng distribution lang ng pangkaraniwang tao, kunwari may nakita akong poster ni Sec. Andanar na gustong-gusto kong ikalat. So pinost ko sa account ko tapos shinare ng mga kaibigan ko. Hindi problema ni Secretary Andanar iyon, walang implikasyon iyon sa kaniyang regulations laban sa kaniya. 

LEO: So okay lang ha, kunwari Congressman Andanar, Gwapo ako Party-list, iboto, parang ganoon? Okay lang iyon sa social media?

DIR. JIMENEZ: Okay lang po iyon kasi nga ang social media talaga parang ano iyan eh, personal expression iyan eh. So protektado din po iyan.

SEC. ANDANAR: Papaano James kung halimbawa si Vinci tumatakbo siya tapos ako kaibigan ni Vinci pero hindi ako kasali sa kampanya niya. Ako mismo nag-post doon sa kaniyang poster na shinare ko sa page ko, walang implication iyon? Negatively—

DIR. JIMENEZ: Wala po.

LEO: So mas libre pala sa social media?

DIR. JIMENEZ: Totoo po iyan, mas malawak na rin naman ang reach ng social media pero siyempre may sarili siyang mga limitasyon na wala sa print media, halimbawa. Pero definitely as far as regulation code, mas maluwang po ang tingin natin sa social kaysa traditional media.

LEO: So ang imo-monitor lang ng Comelec doon sa social media ay iyong nagpapa-sponsor ads or whatever, doon? 

DIR. JIMENEZ: Iyang mga ganiyang… opo. Ipapa-boost iyan.

LEO: Para dumami iyong nagbu-boost ‘di ba? May ganoon eh.

Kunwari nag-beach iyong buong tropa at nangam—hindi naman nangampanya, pero may mga placards iyong mga sasakyan nila o whatever… nakalagay doon “Congressman Martin Andanar” ganoon, ganoon… Okay lang iyon na tumatakbo iyong ganoon? 

DIR. JIMENEZ:  Okay lang iyon sir, walang problema. 

DIR. VINCI:  Pero paano halimbawa nakasuot ng campaign shirt, tapos si Sec. Martin nag-lead ng Pabasa, iyong mga ganoon… ‘Malawakang Pabasa ni Martin Andanar’

LEO:  Oo ‘di ba, may ganoon…

DIR. JIMENEZ:  Ah baka po ang magiging kalaban ninyo diyan ay iyong gusto ng tao. Ang problema kasi— 

LEO:  Nasa inyo na iyon, parang ganoon?

DIR. JIMENEZ:  Oo nasa inyo na iyon, kasi pangkaraniwan nakikita natin kapag sinasakyan ng politika iyong mga religious observances, kung minsan hindi nagiging maganda ang reaksiyon eh.

SEC. ANDANAR:  Mahirap iyon, parang epal ang dating noon.

LEO:  Oo tama iyon, ang galing talaga… Anyway Director, again maraming, maraming salamat sa panahon mo at Congressman, may ihahabol ka pa ba kay Director? 

SEC. ANDANAR:  James, magkita na lang tayo diyan sa…

DIR. JIMENEZ:  Sige sir…

SEC. ANDANAR:  Matagal na iyong coffee namin, coffee date namin. Magkaibigan kami ni James, alam mo noong tayo ay reporter pa ay suking-suki natin iyan si James eh, talagang maaasahan iyan. James, salamat—

LEO:  Director James, thank you so much for your time. Mabuhay kayo Director James. Secretary Martin Andanar, wala na tayong oras… you have the time at parting word… 

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat James at si Vinci at Leo. Ito rin eh mayroon pa akong… magpo-proxy pa ako ng wedding ni—magnininong si Presidente so…

LEO:  Anyway last na lang, habol ko lang ito Sec., mabilisan, clarification lang. Iyong movement dito at changes sa PCOO, mayroon kang masasabi? 

SEC. ANDANAR:  Alam mo, ang Presidential Communications Operations Office at sampu ng mga ahensiyang kasama nito ay professional. So whether magbago iyong nasa taas, iyong ulo nito, iyong mga Usec. or Asec., tatakbo pa rin itong ahensiya na ito. Inaayos natin dito sa PCOO proper na talagang professional at tatakbo talaga kahit na magpalit ng liderato.

Ngayon naman, I understand na pinag-iisipan pa ni Secretary Sal kung tatanggapin niya iyong responsibility ng Press Secretary. What I know for now is that, as a concurrent Legal Adviser and Spokesman of the President, iyan ay talagang tanggap na tanggap ni Sal iyang trabaho na ‘yan. Magkasama kami the entire times sa Bali. But in any case na tatanggapin ni Sal, sabi ko sa kaniya na nakahanda na iyong transition team para at least ay ma-turnover kay Sal.

But bet that as it may, ako naman ay magpo-focus dito sa pag-finalize ng executive order na maging Office of the Press Secretary na. So nag-uusap kami ni Boss ES dito.

LEO:  Oo. Kasi iyong mga empleyado rito, at the same time iyong mga appointee, undersecretaries and Asecs… they are asking ano ba mangyayari sa amin dito; kami ba ay mabubuwag din or kami ba’y mag-stay. Hang on ba or magpapaalam na ba kami… 

SEC. ANDANAR:  Sa palagay ko naman, ang trabaho naman na ito ay hindi permanent lalung-lalo na kung ikaw ay appointed ni Presidente. Anytime you have to go, you should not be ano… at least sentimental to your work. Ang importante is every day we do our best para ma-achieve natin iyong goals, iyong objectives na naka-set na doon. Para at least at the end of the day, kapag napalitan tayo, walang pagsisisi in our part na hindi natin ginawa iyong trabaho natin – and we did our best.

LEO:  Oo huwag maging tuko na lang, ganoon na lang… trabaho lang.  

SEC. ANDANAR:  Oo, hindi puwedeng maging kapit-tuko sa puwesto. We all serve at the pleasure of the President.

LEO:  Yes… And your service is ano naman eh, hindi naman iyan ano—credit naman sa lahat ito – nagpaganda nitong RP, nagpaganda ng PTV at ng buong PCOO of course. Kaya whatever happens, ‘ayan… na kay Pangulo pa rin iyan lahat. 

SEC. ANDANAR:  Sige na… basta ito ano ito… Anyway, basta we just continue to work… Our objectives and our goals require us to be more professional, to professionalize the entire PCOO family. Kaya para din naman sa Radyo Pilipinas lalung-lalo na I’m very proud of RP1, FM1, FM2 dahil nasa taas na ng ratings, nasa top ten na. So as far as PBS is concerned, they’ve done a fantastic job.

LEO:  ‘Yan… Well again, thank you so much for your time partner… 

SEC. ANDANAR:  Thank you, thank you.

### 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource