Q: Si Presidential Communications Operations Office Secretary, PCOO Secretary Martin Andanar. Good morning!
SEC. ANDANAR: Hello, good morning Dexter and idol Marc. So, good morning…
Q: Good morning, sir.
SEC. ANDANAR: Dexter, long time no hear…
Q: Ahh [laughs]… Sec. itong magandang balita ano para sa Palasyo, humabol bago matapos ang taon, iyong net satisfaction rating ng Pangulo sa SWS survey – umakyat sa 74%.
SEC. ANDANAR: Opo, 4% ang kaniyang increase, kung iko-compare mo noong September, ang mga satisfied sa ating Presidente Duterte. At kung titingnan natin, iyong survey kasi ginawa noong December 16 to 19, so nangangahulugan na ito na talaga iyong last for the year na mood ng tao tungo sa ating Pangulo. Pero sa palagay ko Dexter at Marc, ay maraming rason kung bakit: mayroon pong labingtatlong mga Republic Act na pinirmahan si Presidente, mayroong walong EOs at tatlong AOs; if you can just give me just a minute to…
Q: Yes, sir…
SEC. ANDANAR: Para sa akin, apat na Republic Act ang napakahalaga dito – iyong Free Irrigation Act na pinirmahan noong February 2018; nandiyan din iyong Ease of Doing Business na pinirmahan noong May 28, 2018; tapos iyong pangatlo, iyong mahalagang act ay iyong Bangsamoro Autonomous Region; tapos iyong Philippine Identification System.
Para naman sa EOs… mayroong walong EOs at tatlong AOs. Sa palagay ko ay iyong mahalagang AO dito ay iyong creation of the oversight committee para sa entry ng third telco, at ito iyong mahalaga; at iyong dalawang EOs ay iyong may kinalaman sa Boracay Interagency Task Force, at iyong EO na EO 70 na pinirmahan ni Presidente creating the National Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace, ito po iyong pinamumunuan ni Presidente na Executive Order para po magawa iyong national task force to end the communist conflict dito po sa bansa natin.
Q: If I may add Secretary Martin, siguro ako na mismo magdadagdag na iyong legacy na maiiwan ng ating Pangulo, iyong pagpapabalik ng Balangiga Bells…
SEC. ANDANAR: Oh yes… uhum tamang-tama, iyong pagbabalik ng Balangiga Bells. Tama ka Marc, 117 years nating hinihintay ‘yan eh, nawala ‘yan 117 years tapos 60 years na ipinaglaban ng iba’t ibang mga pinuno ng bansa natin…
Q: Kasi swak na swak Sec. eh, iyong [unclear] saying na ginawang survey, December 16-19 iyon nga ‘yun, inihabol po ‘yan doon sa pagsisimula ng simbang gabi.
SEC. ANDANAR: Yes, yes… the first simbang gabi dito sa bansa natin, sa Balangiga ay isinabit kaagad ang mga kampana na ‘yan
Q: A lot of our kababayans are so nostalgic sir… [overlapping voices] na gumawa ng paraan to bring it back.
SEC. ANDANAR: These bells really represent iyong nationalism, patriotism… iyong valiance, bravery, courage noong mga ninuno natin na kumbaga we are experiencing this freedom we have right now or demokrasya dahil sa kanila, dahil sa dugo’t pawis na binuwis nila.
Q: Correct…
Q: Parang ano eh, mantakin mo aaminin ko wala ‘yan sa history namin before. Noong time—
Q: Hindi mo alam?
Q: Hindi namin alam…
Q: Ikaw ba Sec. Martin ay aware ka ba [laughs] doon sa nangyari sa Balangiga Bells?
SEC. ANDANAR: Oo, wala ‘yan sa mga libro na tinuro sa amin doon sa Pilot Elementary School, sa Surigao City. Oo, grade 3 usually nandiyan na ‘yan eh – wala… wala doon, oo.
Q: Parang ito, binuhay iyong kasaysayan natin; nadagdagan ng kuwento iyong ating histo—iyong mga history books natin siguro na lalabas sa mga susunod na taon, eh madadagdag ‘tong kuwento ng kabayanihan at kagitingan ng mga ninuno natin diyan sa Balangiga.
SEC. ANDANAR: Oo…
Q: Noong bata ako, iyong kalembang ng magsosorbetero ang inaabangan ko, wala akong malay [laughs].
Q: Pero Secretary, nabanggit ninyo iyong apat na mahalagang Republic Act eh ano, mayroon sa agrikultura, mayroon sa mga nagnenegosyo, mayroon para sa kapayapaan sa Mindanao at mayroon din para sa—pangseguridad sa buong bansa. Sa tingin ninyo iyong December na survey ay—would sum up the performance ng Pangulo sa buong taon ng 2018?
SEC. ANDANAR: Palagay ko. Palagay ko it mirrors the sentiments of the population sa ating Pangulo dahil napakadami naman talagang mga landmarks na RA, EO, AO na pinirmahan si Presidente; at idagdag mo pa iyong Balangiga Bells lately at iyong ano rin, iyong naalis tayo doon sa listahan ng mga delikadong bansa para sa mga journo – ng Reporters Without Borders at ng Community to Protect Journalists.
So lahat ng ito kasi, mga resulta ito ng AO at EO – AO No. 1, Presidential Task Force on Media Security; EO No. 2, Freedom of Information – strengthening our access to public information thereby strengthening what is written on the Constitution na right to information. So, napakahalaga nitong mga EO, AO, RA… bagama’t hindi masyadong napag-uusapan pero sa mga intellectuals sa Europe, para sa mga kababayan natin na nakakaintindi eh nararamdaman nila ito.
Q: ‘Ayun… Sir maiba ako ng issue, may mga binabanggit si DILG Eduardo Año na nasa higit walumpu na mga politiko kasama sa narco list at ito ay tatakbo. Ang binabanggit niya, kasi kung siya ay—ang kaniyang rekomendasyon ay ilabas iyong mga pangalan; PDEA maglalabas pero nasa pag-aapruba pa rin ng Pangulo. So kung kayo ang tatanungin, irerekomenda ninyo po ba sa Pangulo na ilabas/pangalanan itong mga… itong nasa narco list na mga politiko?
SEC. ANDANAR: Well, iyong ano na iyan, iyong field na iyan ay nasa purview naman talaga ng DILG, PDEA. Pero sa palagay ko kung tatanungin ninyo ako ay dapat lang, dapat lang ilabas kasi iyon nga iyong number one na kalaban natin ‘di ba sa droga at iyon talaga iyong… ang national policy ng Presidente, in fact may EO din siya this year, institutionalizing the drug policy of this country. Palagay ko we deserve leaders na malinis, na walang kinalaman sa droga, kriminalidad o hindi kasama sa kung ano mang kalokohan.
Q: Para giving the voters then their freedom to choose kung iboboto pa rin ba nila o hindi, nasa kanila iyon.
SEC. ANDANAR: Yes, of course. Ilabas ninyo iyan na hindi naman ilabas mo dahil siya ay hinatulan na, pero ilabas mo dahil mayroon siyang kaso, na kinasuhan siya. Pero of course ang PNP or iyong DILG na maglalabas niyan ay dapat kumpleto sila sa pruweba—
Q: Pero ang binabanggit ninyo, Sec., ay dapat makasuhan muna bago mailabas?
SEC. ANDANAR: Of course dapat makasuhan muna, kasi lahat naman tayo ay mayroong karapatan ‘di ba kahit na iyong taong sabihin mo kriminal siya, he is innocent until proven otherwise, ‘di ba? Iyon naman talaga iyong in fact nasa Journalism Code of Ethics iyan natin, Mark and Dexter.
Q: Pero ang Pangulo na rin mismo nagbabanggit, Secretary na mahirap prubahan lalo kapag hindi mo caught in the act ‘pagdating dito sa iligal na droga iyong isang—
SEC. ANDANAR: Oo eh alam mo naman ang ating Presidente ay numero unong man of the law iyan eh – prosecutor. Alam niya talaga iyong batas kaya kailangan talaga may pruweba iyong DILG, may pruweba iyong pulis, iyong PDEA kapag nilabas nila iyon. Kasi kung wala din naman silang pruweba at the end of the day, after this administration ay sila rin ang hahabulin eh, kasi babalikan ka kapag wala kang pruweba, ikaw rin ang makakasuhan.
Q: On another case, Sec. Martin, kasi we’re blown away by ano ‘no, sa laki po ng bounty para sa ikalulutas, eh ikakaaresto po ng mga may kinalaman sa pananambang at pagpatay kay AKO Bicol Representative Rodel Batocabe. So ang laki na po ng ino-offer na bounty to… Ano po ang take ng Malacañang kaugnay dito sa kasong ito?
SEC. ANDANAR: Kasi iyong kaso ni Congressman Batocabe, isa iyan sa high profile na masasabi nating political killings na nangyari bago magkampanyahan at isa ito sa mga rason na galit na galit iyong tao sa impunity and since this represent impunity for the end of the year and perhaps the entire election season, pinapakita lamang ng Presidente na hindi niya ito i-e-encourage itong ganitong klaseng gawain. In fact, ayaw niyang mangyari ito kaya nagdagdag siya ng 20 million pesos para maging 50 million at kung hindi mo kasi ito gagawin, kung hindi mo hahabulin like iyong nangyari doon sa Negros ‘di ba? Iyong dalawang politiko – si Garin, kung hindi mo kasi bibigyan ng halimbawa 20 million bounty at kung hindi mo kakasuhan iyong mag-ama ay baka tularan, baka ulitin at it will send a wrong signal to the criminals and the rest of the nation kung ano iyong stand ng buong gobyerno. So kaya ang Pangulo na mismo ang nagsabi na 20 million at doon sa mag-amang Garin ay kailangang kasuhan para mabigyan ng leksiyon.
Q: Parang binabanggit ng administrasyong Duterte Secretary ay, kapag may nasangkot sa isang ganitong politically motivated na incident eh hindi namin kayo tatantanan, hindi namin kayo titigilan, hahanapin, gagastos man ng malaki ang pamahalaan para sa bounty?
SEC. ANDANAR: Tama. Kasi alam mo si Congressman—
Q: Para magkaroon ng signal na hindi nagbibiro ang gobyerno sa mga ganitong klaseng usapin.
SEC. ANDANAR: Eh nakita mo na nga mayroon ng mga sketch, artist sketch iyong dalawang posibleng pumatay ‘no. And kung 60 million napakalaki niyan at makikita mo na ang resolve ng ating Pangulo, ng ating gobyerno na ma-solve iyong kaso. Si Congressman Batocabe ay leader siya ng mga party list eh. In fact, I was supposed to meet him last week. I mean kaming dalawa ni Congressman Datol, kasama rin niya sa party list.
Q: At saka nabanggit ko nga kanina noong nag-start iyong program namin, Sec., na I was watching [unclear] doon sa mga nangyari doon Bicol after the incident na ang daming nagmamahal dito kay Cong—
Q: Kay Congressman Batocabe.
Q: Nag-iyakan iyong mga lola eh, iyong mga natulungan eh. At nakakalungkot nga po pero it’s a good thing din for President, hindi lang po iyong pamilya ni Congressman ang inaasikaso niya kung hindi iyon pong bayani din, tumugon sa kaniyang tungkulin, iyong bodyguard ni ano, iyong police escort po ni Congressman, si SPO2 Orlando Diaz at nandoon din ang Pangulo para damayan iyong pamilya nito ni SPO2 Diaz, sir?
SEC. ANDANAR: Oo napakalungkot talaga, batang-batang Congressman, batang police escort, namamatay dahil sa sabihin na nating political violence, at puwede itong mangyari kahit kanino, Mark and Dexter. So, wish the resolve of the President… I’m sure na anytime ay mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dalawa at of course para na rin sa pamilya ni Congressman Batocabe.
Q: Any message sa atin pong mga kababayan, iyong pagdating ng Bagong Taon, Sec.?
SEC. ANDANAR: Well, number one siguro alam naman natin na mayroon tayong batas laban doon sa mga iligal na paputok, iwasan pa rin natin, sana kumpleto ang ating mga daliri after ng New Year’s celebration. Naalala ko si Mark ay—
Q: [laughs]. Nangingiti na nga ako dito, kung papaano ako nakasali sa Panatang Makabayan, tapos kakantahin na iyong—
Q: Sampung mga daliri.
Q: Kung papaano ko kakantahin iyong mga sampung mga daliri.
SEC. ANDANAR: Iyon ang mga institusyon ng mga reporter, hindi ko makakalimutan iyon eh, so sana i-replay iyong mga report.
Q: Sabagay ginagawan ko po na biro iyon pero gusto ko po kasi Sec., na mas matindi iyong datingan eh ‘no, bini-baby pero at the same time mapapaaray ka.
SEC. ANDANAR: Oo siyempre, eh kung makita mo na tatlo na lang iyong daliri o wala na talaga, tapos nag-iiyakan iyong mga bata tapos dinadaan mo sa tawa.
Q: Tapos mayroon pa akong isa na kung wala na akong hintuturo papaano ako mangu… [laughs].
Q: Oo nga naman.
Q: Salamat sa pagpapaalala, Sec.
SEC. ANDANAR: Salamat po. Happy New Year po sa inyong dalawa, happy new year po sa ating mga kababayan.
Q: Ingat po, Sec.
SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo, Dex and Mark at ang DZMM. Thank you po.
Q: Thank you for your time.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)
ReplyReply allForward |