Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by PCOO Director Vinci Beltran with Mr. Jv Arcena (Cabinet Report sa Teleradyo-Radyo Pilipinas)


DIR. BELTRAN:  Ready na po sa linya… hindi natin ito guest kung hindi ating Boss – Secretary Martin Andanar. Hello po…

MR. ARCENA:  Hello Sec., good morning…

SEC. ANDANAR:  Hi, good morning to both of you. Merry Christmas… napakaganda ng araw natin dahil ilang araw na lang ay Pasko na – 22nd, so three days na lang. Nakapamili na ba kayo ng mga regalo?

MR. ARCENA:  Ako, hindi pa po [laughs]… Kayo po Sec., ano ho ang inyong preparasyon para ho sa Pasko? 

SEC. ANDANAR:  Usual… mayroon tayong—mayroon pa tayong mga natitirang mga Christmas party na pupuntahan.

MR. ARCENA:  Nakita ho namin noong isang araw ‘no, ilang Christmas parties iyong pinuntahan ho natin…

SEC. ANDANAR:  Oo… Eh ‘di ba nagkita pa tayo doon sa dalawang party sa Quezon City?

DIR. BELTRAN:  Yes po, sa NAPOCOR po.

SEC. ANDANAR:  Oo, NAPOCOR dalawa iyong sa—[AUDIO CUT] saka iyong sa print–[AUDIO CUT]… kung papatulan mo lahat ng pagkain, eh nakakatatlo – apat ako na Christmas party sa isang araw eh. So dapat ang estilo ay sa unang Christmas party simulan mo doon sa appetizer ‘di ba…[AUDIO CUT] Tapos sa pangatlo, main course muna—[AUDIO CUT]

DIR. BELTRAN:  Buo sa iba-ibang mga party…

MR. ARCENA:  Tapos in between, iyong mga inom… wine—

DIR. BELTRAN:  Ng tubig..

SEC. ANDANAR:  Tubig, tubig kasi ‘pag sisimulan mo ng—halimbawa kahapon mayroon kaming Christmas party with the… iyong southern media, so konting pagkain lang din ang kinain natin. Tapos sa—ano nga ba nangyari sa akin kahapon? Sa sobrang daming nangyari… oo, tapos iyong sa atin ‘di ba? So iyon, doon na ako kumain doon sa atin kasi gutom na ako eh…

DIR. BELTRAN:  Sarap nga po ng pagkain Sec., eh…

MR. ARCENA:  Oo, thank you Sec…

SEC. ANDANAR:  Pero hintayin ninyo iyong ipapadala ko diyan sa PBS, may ipapadala ako…

DIR. BELTRAN:  Okay po, narinig ninyo pong lahat iyon ha…

SEC. ANDANAR:  Oo hintayin ninyo, siguro isasabay ko na lang doon sa padala ni—basta may sikreto magpapadala diyan ng pagkain…

So ano naman masasabi mo doon sa bullying, Vinci?

DIR. BELTRAN:  Naku malungkot po iyan na istorya, pero ang—kasi lagi po ang angle ay laging pinapagalitan o dinidiin iyong bata. Sana po medyo iwasan din natin kasi nagiging cyber-bullied naman din iyong batang nam-bully noon…

MR. ARCENA:  Ako point ko doon, ‘pag ibu-bully natin iyong nam-bully, wala rin tayong pinagkaiba sa nam-bully ‘di ba

SEC. ANDANAR:  Oo, hindi mo rin ma-blame iyong nagsa-cyber-bullying kasi siyempre dehado iyong sinapak doon sa eskuwelahan ‘di ba, tapos nagdugo iyong mukha. Diyos ko po, kawawa… Ngayon kung ako kasi iyong magulang makita mo na iyong bata na sinapak tapos duguan ang ilong ba iyon o bibig?

MR. ARCENA:  Oo, iyong mukha talaga…

DIR. BELTRAN:  Mukha, buong mukha…

SEC. ANDANAR:  Masaki iyon eh, masakit sa magulang iyon na iyon ay ginawa sa anak mo. Kaya—well tama kayo ‘no, walang point na i-bully pa natin online iyong nam-bully, oo; pero kailangan siguro dapat ay aksiyunan ng eskuwelahan.

DIR. BELTRAN:  Opo. Pero Sec. lumalaban na rin daw sa social media iyong bata ah…

MR. ARCENA:  Nambu-bully din [laughs]…

DIR. BELTRAN:  Kaya iyong magulang niya po siguro sana, kumbaga pagsabihan niya rin muna na… ilayo niya muna, huwag niya munang i-fight mode iyong anak niya… ‘ayun po. Naka-fight mode, pinayagan niyang lumaban sa social media.

SEC. ANDANAR:  ‘Yan ang nature ng bata siguro… So siguro huwag ninyo na lang siguro papuntahin sa mga mall, etcetera ‘di ba… papuntahin sa—in public kasi mahirap na, eh marami ring mga baliw sa labas eh, ‘di ba na medyo—baka gantihan iyong… Eh ‘di ba mayroon ngang Fil-Am na—

MR. ARCENA:  Naghamon…

SEC. ANDANAR:  Naghamon din, hinamon iyong tatay noong bata, so mahaba na. Mamaya may lolo pa, baka hamunin iyong lolo [laughter]…

DIR. BELTRAN:  Ang humamon, lolo [laughs]… Pero iyon ‘yung gusto nating iwasan, iyong culture of violence, iyong culture of bullying…

SEC. ANDANAR:  Alam mo noong bata ako… I’m sure itong si JV nakaramdam na ito ng pambu-bully, noong bata ako ganoon din eh. Mayroon kaming classmate na maliit lang pero napaka… napakatapang. Tapos eh noong bata kasi kami, eh palipat-lipat kami ng eskuwelahan – Surigao City, Cagayan De Oro, Manila, tapos repeat, balik na naman… Siyempre ‘pag bago ka, ‘di ba kinukuhanan ka ng baon [laughs]… Oo. Medyo, siyempre kakabahan din kasi kabago-bago mo tapos hihingan ka ng… “penge ngang piso!” ‘di ba? [laughs]

DIR. BELTRAN:  Piso pa po? Ano pong nabibili dati sa piso, Sec.?

SEC. ANDANAR:  Eh marami. Iyong sa amin para siyang suman, ang tawag ay sayongsong…

MR. ARCENA:  Parang budbod…

DIR. BELTRAN:  Oo, pero hindi siya rice. Iyong para siyang tikki na ‘pag ginaganun mo, gumagalaw-galaw…

DIR. BELTRAN:  Sec., nakakaubos ka dati ng Nutribun?

SEC. ANDANAR:  Nutribun… nakatikim din ako ng Nutribun noon. Hindi eh, kasi ang laki eh – oo, tapos siyempre maliit pa kami noon, Grade 2/Grade 3, oo. Sana ibalik iyong Nutribun ‘no…

MR. ARCENA:  Naabutan mo ba iyon, Director?

DIR. BELTRAN:  Hindi, pinapasabi noong ka-age ni Sec… [laughs] si Ms. Weng… Ah bigay lang po iyon… Libre lang po iyon?

MR. ARCENA:  Libre noong panahon ni…

SEC. ANDANAR:  Marami, marami kaming—libre iyon ano ka ba… galing gobyerno iyon eh…

SEC. ANDANAR:  Si Weng kahit na 60 years old na, ano pa rin ‘no, fit na fit [laughs]… Merry Christmas!

PART 2 

ARCENA: Balikan lang natin, Sec., iyong sa bullying nga po, iyong isyu. 

DIR. BELTRAN: Kasi baka pakiramdam ni Ms. Weng binu-bully na natin siya eh; iba naman po. 

ARCENA: Pero may batas na tayo ‘di ba, may anti-bullying law? Siguro kulang lang ng information dissemination sa mga school? 

DIR. BELTRAN: Oo. 

ARCENA: Dapat ipaintindi kung ano ba iyong penalty, ano ba iyong parusa, ano ba iyong implikasyon ng batas na ito. 

DIR. BELTRAN: Ako ang opinyon ko lang po diyan, siguro kasi kung mayroon mang information drive, nakatutok sa mga estudyante, pero importante din iyong—base doon sa nangyari doon sa video, parang iyong magulang din kailangan din.

ARCENA: May problema rin iyong magulang kasi— 

DIR. BELTRAN: Hindi naman sa sinisisi pero dapat din talaga tutok lalo na kung minor pa. 

ARCENA: Totoo iyon. 

SEC. ANDANAR: Well, mayroon kasing mga eskuwelahan na iyon na iyong system nila na hindi lang iyong teacher ang involve doon sa pagturo ng mga leksiyon sa bata, mayroong mga eskuwelahan na kailangan involve talaga iyong magulang.

So halimbawa iyong eskuwelahan ng anak ko, ganoon, na we are very much involve in educating our son and our daughter. So 18 years ago, ganoon na, pinag-uusapan na namin iyong bullying. Tapos, malaking issue na iyan sa eskuwelahan kapag nabu-bully iyong anak, iyong anak kong babae si Alexa, ano iyon eh mahina ang loob noon kapag sa mga bullying ganoon – so nagsusumbong, ayaw ng pumasok, iyong mga ganoon ba – so pinag-uusapan talaga ng husto iyan.

Now, it will depend on the school. Ang public school ba ay—malaki ba iyong involvement ng magulang sa pagtuturo sa bata or sa ibang private school. So tama ka Vinci kailangan talaga ay malakas iyong system ng eskuwelahan na ito ay iwasan.   

ARCENA: Yes. 

DIR. BELTRAN: Yes po. May nabanggit dito ‘no, three elements of martial arts daw po, Sec.? 

ARCENA: Oo, dapat ipaunawa talaga kung ano ba iyong mga dahilan kung bakit dapat matutunan iyong martial arts, iyong sinasabi nga po na three elements noong may self-discipline. Pangalawa iyong self-control at pangatlo iyong self-defense na dapat ay panghuli sa lahat ng mga elements – hindi raw dapat offense. 

DIR. BELTRAN: Oo, nauuna. 

ARCENA: Inuuna iyong offense kaysa defense; iyon iyong three elements. 

SEC. ANDANAR: Alam mo tawagan ninyo si dating Secretary Raffy Alunan dahil mayroon siyang—mayroon siyang post sa Facebook eh. Tapos, about bullying and iyong post niya tinanggal sa Facebook. Maraming nagrereklamo na tinatanggal iyong kanilang post about bullying because they are airing their sentiment, their opinion.

Marami talagang galit, maraming galit na hindi mo talaga maiwasan lalong-lalo na iyong mga magulang, iyon ang nagagalit kasi ramdam mo eh iyong sakit at saka iyong—siyempre napahiya iyong bata. Eh inaalagaan mo iyong anak mo tapos sabay sasapakin lang tapos dudugo iyong ilong ‘di ba? So hindi naman—masakit iyon para sa magulang. 

ARCENA: Pero saludo ako doon sa bata na na-bully kasi hindi siya—he stood his ground. Hindi talaga siya nagpaano—lumaban din naman siya – iyon iyong tawag na self-defense. 

DIR. BELTRAN: Iyon na iyong defense kasi talaga namang ano— 

ARCENA: Saludo tayo doon sa magulang niya kung paano niya pinalaki iyong batang iyon. 

DIR. BELTRAN: Siya iyong may control; siya iyong mga disiplina. 

SEC. ANDANAR: Yes, iyon iyong may disiplina.  Ito talagang madisplina talaga itong batang nang-bully; anong pangalan noong batang nam-bully? 

ARCENA: Iyong batang na-bully po? 

SEC. ANDANAR: Hindi iyong—

 ARCENA: Iyong nam-bully si— 

DIR. BELTRAN: Nam-bully is Joaquin Montes. Ay naku, sige. 

ARCENA: May tatlong beses na yata siyang nang-bully eh, iyon ang mga report eh – hindi iyon first time. 

DIR. BELTRAN: So habang bata pa siya, bata-bata pa siya tutukan, alalayan. Sana iyong mga tao sa paligid niya huwag din naman siyang gawing outcast ‘no na i-tag na siya kasi paninindigan iyan eh, may ganoon pong tao ‘di ba Sec.? Iyong parang puwede pa naman sanang mabago kaso sige image ko na ito, lagi na akong galit, galit na sa mundo. 

SEC. ANDANAR: Oo tapos—hindi, ano bang naging aksiyon ng Ateneo dito sa batang ito? 

ARCENA: Iniimbestigahan pa raw po nila ito— 

DIR. BELTRAN:  Opo, under investigation.

ARCENA: Iniimbestigahan pa raw po nila ito pero nangako sila na magkakaroon ng disciplinary action dito. 

SEC. ANDANAR: Oo kita naman, napakabayolente. 

ARCENA: ‘Di ba ito na iyong third time ‘no, pero iyon iyong siguro iyong disappointing na umabot pa sa pangatlong beses. 

SEC. ANDANAR: Oo napakabayolente noong bata, grabe – ibang klase.

DIR. BELTRAN: Naku, hindi natin mabanggit iyan. 

SEC. ANDANAR: Ibang klase oo. Well, anyway kitang kita naman sa video at bahala na Ateneo diyan. Of course ito ay.., panahon ngayon ng Pasko ‘di ba, pagmamahalan, pagbibigayan at— 

ARCENA: Pagpapatawaran. 

SEC. ANDANAR: Pagpapatawad, oo. So kailangan patawarin na natin iyong bata, ‘di ba? Wala tayong magagawa, may buhay siyang sarili, may magulang naman siya, may pamilya naman siya. I’m sure sa kanilang natatanggap na cyberbullying ngayon ay hindi naman siguro makatulog. Ang hirap noon, eh biruin mo buong bansa, hindi lang buong bansa, buong mundo. 

DIR. BELTRAN: Lahat ng makapanood po noon. 

SEC. ANDANAR: Diyos ko, ibang klase. I hope that he’s learned his lesson… we pray. 

DIR. BELTRAN: Sana nga po. 

SEC. ANDANAR: Okay so—anong ‘pag-uusapan natin. 

ARCENA: Sec., may mga good news ba tayo na puwede nating i-share din sa ating mga kababayan natin bago ho ang 2019.

SEC. ANDANAR: Naku, napakadaming good news natin. Simulan natin iyong nasauli na iyong Balangiga Bells. 

ARCENA: Yes. 

SEC. ANDANAR: Number one, oo so merry ang Christmas nating lahat dahil nasauli na ng mga Amerikano itong Balangiga Bells. At alam naman natin kung gaano kahalaga itong mga kampana na ito sa ating kasaysayan. It represents—the bells represent the valiance, courage, bravery, nationalism of Filipinos that went before us. Dahil sa kanila eh ito ang tinatamasa natin ngayon, JV at Vinci na demokrasya, freedom ay dahil sa kanila.

Tapos mayroon ng closure so I’m very happy for—number one, the families of the massacred in 1901 at very happy for Balangiga, Eastern Samar and of course for the entire nation. And we all attribute that to the leadership of President Duterte. Number two—ano bang number two natin? Ay nanalo si Catriona Gray. 

DIR. BELTRAN: May picture po kayo ni Catriona ‘di ba Sec.? 

SEC. ANDANAR: Mayroon kaming picture— 

DIR. BELTRAN: Ang suwerte ni Sec. 

SEC. ANDANAR: Oo naman, talagang suwerte. Hindi ko talaga ide-deny iyan. Iyong picture namin ni Ms. Gray, kasama iyong kaniyang entourage, kasama iyong asawa ko, si General Esperon, kasama pa si Julie pati si Vinci and of course that was a send-off dinner by the Thailand Charge D’Affaires, bago siya lumarga papuntang Thailand. So naiuwi muli ng ating kababayan ang korona ng Ms. Universe, so perfect time na pumunta ng mga parlor kasi— 

ARCENA: May palibre. 

DIR. BELTRAN: Maganda ang mood, hindi ma-murder iyong mga kuko natin. 

SEC. ANDANAR: Oo nga naman, oo nga naman; so talagang napakasaya ng buong mundo. Pang-apat na ito eh, na korona. Pang-apat na ito so—at siguro pangatlo iyong para sa atin naman Vinci at JV, para sa PCOO, iyong magandang balita ay iyong na delist na ang bansa natin doon sa mga bansang napakadelikado para sa mediamen ngayong 2018; at bakit tayo masaya? Eh kasi 2009 kung maalala natin ay nagkaroon ng Maguindanao massacre at mula noon hanggang last year, hanggang this year, or midyear ay nandoon tayo sa listahan ng pinakadelikadong bansa para sa mga journalist.

Noong 2016 pumasok si Presidente, nasa number two tayo – second, second deadliest country for journalist; tapos, 2017 bumaba naging… basta bumaba siya – naging ikalima; tapos, this year nabigyan ulit tayo ng commendation ng Committee to Protect Journalists because of our strides to ensure the safety of journalists.

And then three days ago ay inanunsiyo po ng Reporters Without Borders na talagang wala tayo sa listahan. So malaking achievement iyan para sa PCOO sapagka’t/bakit? Itong lahat ng ito ay we attributed it to the President again, for signing the AO no. 1, or the Presidential Task Force on Media Security ensuring the safety of journalists and therefore strengthening the freedom of the press as written in the Constitution at tayo nag-champion niyan, noong AO no. 1 – PCOO.

Pangalawa ay iyong Executive Order number two na pinirmahan din ni Presidente Duterte, ito po ay iyong Freedom of Information, and FOI – para po sa kaalaman ng hindi po mga journalist – FOI strengthens public access to information which is also in the Constitution and if you strengthen public access to information, sinusunod mo iyong journalists’ code of ethics – number four, which states that we should all refrain from writing adverse reports against a private individual unless the public interest justifies it.

And then period tapos nakasulat doon we should vigorously fight for public access to information as provided for by the Constitution. Now iyong EO number two, Freedom of Information, precisely fights for public access to information as provided for by the Constitution. So that’s why I attribute these, these feat sa dalawang policies na pinirmahan po ni Presidente at tsinampiyon po ng PCOO.

DIR. BELTRAN: Congratulations po, Secretary. 

SEC. ANDANAR: Sa ating lahat, congratulations. 

DIR. BELTRAN: Pero congratulations po sa visionary, the visionary Secretary Martin Andanar. 

SEC. ANDANAR: Parang ano lang iyan ah, parang nagpa-party ‘di ba, na ‘The Visionary’, [unclear] gentlemen.’ [laughs]. 

ARCENA: Sec., magbe-break lang ho tayo, Sec., tatawagan ka namin ulit, 12:07. 

DIR. BELTRAN: Huwag po kayong bibitaw, kapit lang po; pagbalik po natin pag-uusapan po natin iyong diet – healthy eating po ngayong Christmas season. 

SEC. ANDANAR: Diet? Ay naku, ang hirap-hirap mag-diet. 

ARCENA: Para sa ating lahat. 

DIR. BELTRAN: Iyan po ay sa pagbabalik po ng Cabinet report sa Teleradyo.

### 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource