Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Ruth Abao (DWIZ – Push Mo Yan Teh!)


SEC. ANDANAR:  …(recording cut). Well, kaniya-kaniyang pananaw lang naman iyan sa buhay. Of course, mayroong mga ipinaglalaban ang ating mahal Pangulo na ayaw din ng iba. Halimbawa iyong death penalty, ‘di ba? So sa aspeto ng divorce law or divorce bill ay hindi ho sang-ayon ang Pangulo diyan sapagkat alam natin na siya talaga ay sumusunod sa ating batas and he also went through the same—

ABAO:  Yes, yes.

SEC. ANDANAR:  Itong annulment ‘di ba?

ABAO:  Oo-oo.

SEC. ANDANAR:  So siguro… siguro ang ating—since ang experience niya ay naging good naman in terms of the annulment law and its application to his life siguro kaya siguro ganoon pero it’s difficult to really say kung bakit. Pero that’s the stand of the President.

ABAO:  Pero ibig sabihin Secretary Andanar, sir, maaaring hindi siya personal na-approve. This is his personal opinion, pero ang pagkakaalam ko kasi sa Congress nasa third reading na. Ang problema walang counterpart sa Senado. Ito ba ay sinasabihan po ba niya iyong mga kaalyado niya sa Senado na huwag ninyong ipasa or just in case na maipasa ito, will he veto the bill?

SEC. ANDANAR:  Hindi ko masasagot iyan ngayon Ruth, mahirap sagutin iyan. Kung ito ay pumasa sa Kongreso, mapunta ito sa Senado at mai-forward sa opisina ng ating mahal na Pangulo, hindi ko masasabi kung ibi-veto niya o hindi iyong[unclear]. Antayin na lang natin ang susunod na mga kabanata kung ano iyong mangyayari.

ABAO:  Oo, kasi Secretary Andanar, like ako personal experience ko, hiwalay din ako sa asawa. Alam ninyo wala namang epekto sa mga anak ko eh, they all grew up to be very good citizens of this Philippines, of this country. Matitino ang mga utak nila, they were not affected, mabubuhay ang—mabubuti ang buhay nila eh. So parang—maybe si President Digong ay parang iba ang experience niya, pero marami din tayong experience na nagkahiwalay pero maayos naman ang mga pamilya lalong lalo na sa mga bata.

SEC. ANDANAR:  Opo-opo. Kaniya-kaniyang experience naman iyan, ang mga magulang rin ay hiwalay din.

ABAO:  Okay-okay.

SEC. ANDANAR:  At kami naman ay—

ABAO:  Maayos naman—

SEC. ANDANAR:  Lumaki kami ng maayos kahit naghiwalay sila. At sila naman ay dumaan sa proseso ng annulment ng ating Saligang Batas at sila naman ay successful na dumaan sa proseso na iyon although marami sa mga kababayan natin, lalong lalo na iyong mga biktima talaga ng ganitong hindi magandang pagkakaunawaan—

ABAO:  Yes.

SEC. ANDANAR:  Ay siyempre mas gusto nila mas mabilis iyong proseso—

ABAO:  Yes.

SEC. ANDANAR:  At sa ilalim nga ng divorce bill ay mas mabilis iyong pagbibigay ng kalayaan sa bawat isa – sa lalaki at sa babae.

ABAO:  At saka Secretary Andanar kasi iyong annulment, this is anti-poor eh. Kasi kung wala kang perang ganoong kalaking halaga ay hindi mo mahihiwalay, in the mean time iyong mga kababayan nating mahihirap na walang kakayanan eh patuloy silang kunwaring nakikisama, nakikiapid sa ibang mga tao, hindi lang dissolve iyong kanilang marriage.

SEC. ANDANAR:  Opo, mayroon po talagang mga pros and cons iyan pero again mayroon po tayong batas na sinusunod, mayroon na pong ginawang panukalang batas na isinusulong sa Kongreso and I understand we are just one of the few countries na walang divorce.

ABAO:  Oo-oo.

SEC. ANDANAR:  Oo so… I think it’s us and one more… na walang—

ABAO:  Bansa, oo.

SEC. ANDANAR:  Walang divorce law. So we will see. Ang ating bansa naman ay very conservative, so that explains why that we don’t have that law, a divorce law in our country and of course we respect the Church.

ABAO:  Eh sir paano iyan—sandali. Ikaw personal opinion mo?

SEC. ANDANAR:  Sa palagay ko maayos lang tayo with the current law that… itong batas natin sa annulment.

ABAO:  Annulment oo.

SEC. ANDANAR:  Ruth kami nga ay we went through that because our parents are also went to the same annulment process. So ako kasi medyo conservative ako, Ruth eh. [laughs]

ABAO: [laughs]

SEC. ANDANAR:  Kaya ako ay naniniwala doon sa kasabihan na hindi naman parang mainit na kanin iyan na sinubo mo tapos (pag napaso) iluluwa mo.  [laughs]

ABAO:  Okay.

SEC. ANDANAR: So magkakaiba tayo ng pananaw, ‘di ba? And so far naman our society is very—is working the way it should work. Normal naman ang mga kababayan natin, tayong lahat normal naman tayong lumaki at whether may divorce or wala, okay naman tayo. At the same time dapat na rin na tutukan natin ng pansin Ruth iyong nagiging epekto ng diaspora ng mga Filipino or iyong mga OFWs na umaalis ng bansa sapagkat ang pamilya ay nagiging dysfunctional kapag umalis iyong nanay or iyong tatay, what more kung both parents, they leave the Philippines para maghanap-buhay sa ibang bansa, nagiging dysfunctional and it is actually the same case also sa dalawang mag-asawa na nag-aaway at nakikita ng mga bata ay kahit papaano nagiging dysfunctional din, ‘di ba?

Pero speaking of a dysfunctional family, mas marami yatang dysfunctional families na resulta nitong mga OFWs na pumupunta nga sa ibang bansa. So I think we should focus more on that problem than the divorce issue. Pero—and of course, kanya-kanya tayong mga pananaw, Ruth, so we respect each other. I also respect the congressmen and the congresswomen who voted for this na umabot sa third reading. At hintayin natin kung ano iyong magiging pasya ng mga senador.

ABAO:  Okay, on another issue, mukhang napaka-strict. Alam mo iyon, Secretary Andanar, dito talaga ako bilib kay President Duterte, kailangan talaga natin. Kasi alam mo ako ang idol ko ay si Lee Kuan Yew at sabi ko kung mayroon lang isang lider na parang Lee Kuan Yew sa Pilipinas pagkaganda-ganda. Ito lang ang isang Presidente na nagkaroon ng balls para sabihin niyang ipasasara ko iyang Boracay ng isang taon, huwag kayong mag—wala akong pakialam kahit magreklamo kayo. Ito ang desisyon ko.

SEC. ANDANAR:  Tama naman talaga, Ruth, iyong desisyon ni Presidente sapagkat ang mahalaga talaga dito iyong long term effect at iyong long term na mapapakinabangan natin sa likas na yamang-dagat natin at ating mga baybayin diyan sa Boracay Island.

Kasi kung maging short term iyong mga pananaw natin, masisira at masisira iyong isla, ang makikinabang lang ay itong henerasyon na ito, iyong mga henerasyon bukas ay hindi na makikinabang.

So we must really bite the bullet or take the bitter pill. Alam kong maraming magsasakripisyo dito sapagkat iyong hanap-buhay maapektuhan. Pero kung titingnan talaga natin six months to one year lang naman ang hinihingi ng gobyerno para maiayos ang problema diyan. Isa diyan iyong septic system, iyong sewerage system iyong waste, human waste na ito nga iyong nagiging sanhi na ng pagka-pollute ng ating karagatan diyan, pagdami ng lumot. So dumudumi ho iyong dagat at of course kung ito po ay hindi mapigilan ay wala ng pupuntang turista. And at the same time kita naman natin iyong development ng Boracay na hindi na sinusunod iyong 30 meters na easement rules from the shoreline all the way to the resort. Kita naman natin kapag nagha-high tide ay hindi na makadaan ang publiko ‘di ba?

ABAO:  Oo, tama-tama.

SEC. ANDANAR:  Kasi hindi na makalakad kasi umaabot iyong high tide doon sa resort mismo. Eh iyong mga resort sarado iyong—mayroong mga fence iyan eh, so hindi makadaan. And so hindi napo-protektahan ang interes ng larger majority ‘no.

So dapat lang talaga ay masunod ang sinabi ng ating mahal na Pangulo para naman makinabang pa ang future generation na mga taga Boracay and at the same time para—

ABAO:  Para maayos—

SEC. ANDANAR:  ‘Di ba iyong mga turista and kasi—we are—our country with 7,100 (islets) di ba and so many tourist spots, beach resorts and ito po ay isang lesson for everyone. It’s a lesson for the DENR, the DILG, it’s a lesson for the local government unit na talagang dapat sumunod tayo sa tamang patakaran. Sa ibang bansa nga, Ruth ‘di ba, kita mo talagang ang lawak ng espasyo para sa publiko sa isang beach tapos iyong mga hotels ay malayo ‘no.

ABAO: Malalayo, oo tama.

SEC. ANDANAR: Oo sa beach. Talagang binibigyang halaga ang karapatan din ng mamamayan na ma-enjoy din naman iyong beach, ‘di ba? Mayroon ngang iba—ito lang tignan mo Ruth, itong Roxas Boulevard ba iyong kahapon?

ABAO: Opo-opo.

SEC. ANDANAR:  Kita mo sa Roxas Boulevard, ito plinano ito ng mga Amerikano, ‘di ba, noon pa man, Dewey Boulevard iyan eh. Iyong pagplano ng mga Amerikano diyan makikita mo na from the road, mayroon munang—ah hindi, from the building, mga establishments mayroon munang kalye, may highway muna bago iyong Roxas Boulevard ‘di ba? So ibig sabihin public area lahat iyan mula sa highway or mula sa service road hanggang sa highway all the way to Roxas Boulevard. Iyong sa—iyong dalampasigan na, nakikita mo na at puwede kang mamasyal doon, puwede kang maglakad doon sa sidewalk ‘di ba?

ABAO:  Opo.

SEC. ANDANAR:  So ang ibig sabihin napakalaki ng public area from the sea—from the shoreline all the way to the next establishment. So sa ibang bansa pag nagpunta ka ng Dubai, pumunta ka ng—sa Da Nang, sa Vietnam. Ganoon din iyong ginagawa nila na para ma-enjoy ng buong public. Dito sa atin sa Boracay hindi eh. Walang—halos wala ka ng mai-offer na property para sa ordinaryong mamamayan.

ABAO: Pero, Secretary, nakikita ninyo ba ang pagkakataon na sa lahat ng areas like Davao, Cebu – saan pa ba? – Panglao, nakikita ninyo ba at ito ba ay standing order ni President Duterte na ito ay sasampolan lamang ang Boracay pero titingnan ang lahat ng mga tourist destinations at kapag nakitang mayroong violations, ipasasara din sila?

SEC. ANDANAR: Opo, dahil nakita naman natin iyong orders ni Secretary Roy Cimatu na susunod na iyong Siargao Island, na mayroong gagawing inspeksyon ang DENR sa mga resorts sa Siargao at alam naman natin na ang Siargao ngayon ang pinaka-hot beach properties, na tourist destination itong Siargao. So bago pa man mangyari ito ay dapat kailangan ma-masterplan na, kaya nga pumasok si Architect Jun Palafox para i-masterplan iyong Siargao para hindi maulit iyong nangyari sa Boracay.

At ganoon din dito sa Coron, sa Palawan. Dapat talaga pangalagaan natin ito dahil, alam mo, hindi lang naman tayo ang makikinabang dito; mga susunod na henerasyon ay makikinabang dito.

ABAO: Yes, tama, tama. Okay, ito pa, Secretary—naku, pasensiya ka na, marami akong itatanong kasi ang tagal nating hindi nag-usap. Iyong national ID system, alam mo, I am so happy and talagang—hindi lang kulang sa sipsip na lang ako sa administrasyong ito pero I really like this administration.

For the longest time, iyong national ID system na ito ay pinagtutulakan, hindi maipasa. Pero right now, this is on the permanent ID for every resident… ano po ito, third and final reading. Ano na lang po ang hinihintay nito at ano po ang mga benefits para po sa atin?

SEC. ANDANAR: Ang maganda kasi sa national ID system, Ruth, ay napuprotektahan ang bawat mamamayang Filipino. Number one,  alam natin ang problema sa terorismo, sa violent extremism ay malawak talaga – hindi lang sa ating bansa, maging sa neighboring countries natin sa region, maging sa Middle East, maging sa Amerika, maging sa Europa. So kailangan talagang mayroon tayong sistema para makita natin kung sino iyong mga pumapasok sa bansa natin na hindi natin kilala.

Kung lahat kasi ng Filipino ay mayroong national ID, ibig sabihin, alam natin … we can take account kung sinong nasa bansa at kung sino nasa labas ng bansa at kung sino ang pumapasok na hindi naman talaga Filipino, because you need to have a national ID system.

Number two, hindi po natin maiiwasan talaga na napakadaming Filipino na lumalabas ng ating bansa as OFWs, okay? Now, ang ating mga OFWs ay ang dami nilang mga requirements ng mga IDs ‘di ba. So para mas madali iyong kanilang buhay, mas mapadali at hindi natin sila binibigyan ng problema na pumila dito, pumila doon, etc., iyong isang national ID, mas maganda kung iyong national ID na iyon ay isang representation na rin ng kaniyang NBI clearance ‘di ba, at kung ano pang mga clearance na kailangan – SSS, GSIS. Kung ano iyong mga ipasok doon sa national ID system para mas madali, para hindi sila mahirapan.

So sa akin lang iyon. I think the national ID system is very good for us Filipinos. Siguro mayroong mga kababayan natin na ayaw din sapagka’t ang mga rason nila iyong kanilang privacy, etc., but we just have to trust the government, hindi ho ba.

ABAO: Tama, tama. And, Secretary Andanar, palagay ko that is the bottom line here. Ibang administrasyon, hindi nila maipatupad kasi walang tiwala na ito ay gagamitin… privacy-privacy. Nagkataon kay President Duterte, they have full trust in the President kaya kahit anong moves, kahit na anong hakbang ang ginagawa ng Presidente, oo lang ang tao because they trust fully the President.

SEC. ANDANAR: Opo, tama po iyon. And alam ninyo, talagang panahon na talaga na we must all get our act together. And kung mayroong mang mga pangamba ang ibang mga sektor ng lipunan natin sa national ID, natural lang iyon. May pangamba kasi alam naman natin na mayroong mapait na karanasan during Martial Law, ‘di ba.

Pero we also have to accept the fact na bago na iyong reality ng ating lipunan ngayon. Mayroon tayong mga challenges na kailangan nating ma-solve tulad nga ng terrorism, violent extremism. At mayroon din tayong mga riyalidad na kailangan nating masolusyunan tulad ng hirap na dinadanas ng ating mga OFWs sa pag-apply ng mga dokumento para lang ma-satisfy iyong requirement ng OWWA at iba pang mga companies abroad.

So ito naman ay para sa kapakanan ng bawat Filipino. We just have to trust government. Now, kung mayroon namang reklamo, mayroon namang hindi magandang nangyari, diyos ko, we are 104 billion Filipinos, and we have a very strong… a section and article in the Constitution that protects our freedom of expression, freedom of speech, freedom to a peaceably assembly. Lahat naman tayo ay marunong magreklamo, ‘di ba? Mayroon naman tayong mga congressman, mga senador na puwede nating lapitan. At sigurado ako na ang Pilipino ay hindi naman mangmang. We are very active, dynamic population na talagang tumataas na iyong ating discourse, level of discourse kung mayroon mang mga issues na dapat pag-uusapan. At hindi naman tayo papayag na maabuso lang iyong mga ganitong klaseng karapatan natin sa pamamagitan ng ID. And iyong intension ng ID ay really para mas gumaan ang buhay ng bawat Filipino.

ABAO: Last question na lang. Ito paborito ko, Secretary. Iyong third telco ay made-delay until July 2018. Tapos nakalagay dito, ‘The telco player to make it attractive enough to contend this but not anti-competitive to the incumbent telcos.” What does that mean?

SEC. ANDANAR: Well, ang problema ho kasi natin ngayon sa third telco is that iyong level of commitment ng telco to invest. So alam ko doon nagkakatalo eh. We really need to see the investment, the amount that a third telco should and can invest in the Philippines.

Alam natin na hindi naman biro mag-invest o magtayo ng isang telco. It will cost you mga three hundred billion pesos to four hundred billion. At siguro, ito rin siguro iyong challenge ng mga telcos also or mga players who will come as the third telco. Pero naiintindihan ko iyong hirap ng trabaho ni Acting Secretary Rio. And we, of course, trust in him at alam naman niya iyong kaniyang ginagawa. Basta ang mahalaga po dito ay pumayag na ho si Presidente na mayroong third telco, at minamadali niya ito. At ang atin namang DICT ay ginagawa ang lahat ng kaniyang magagawa para maka-invite ng isang kumpaniya na talagang kayang magtayo at lumaban doon sa dalawa pang telco.

And of course, hindi puwede na hindi ito competitive. Dapat ito ay market-driven ito… itong negosyo natin ‘di ba sa telco. Hindi iyong pagpasok ng telco, siya lang iyong dapat—

ABAO: Oo. O kaya iyong parang—kasi dito ako nagtaka, Secretary, nag-alala, ‘maging hindi masyadong anti-competitive.’ Eh para saan pa tayo naglagay ng third company kung hindi rin naman siya makikipag-compete doon sa dalawa, di bale wala din.

SEC. ANDANAR: Oo. And then, of course, mayroong mga issues na dapat solusyunan nila, iyong availability ng enough frequency for the telco to operate. I’m not so ano, I’m not so privy and knowledgeable about the technical terms of the telco or the frequencies that they will be using. Pero narinig ko kasi na bitin din iyong frequency na kailangan nung third telco, parang may kulang pa. But they will get there.

The most important thing here is that the government understands the need of the people to have a better service pagdating sa telephoning, pagdating sa internet services, voice, pagdating po sa data na kailangan po natin. Dahil the only way for our country really to also compete with other countries is to have a very efficient telecommunication service.

ABAO: Oo, kasi ako, Secretary, alam ninyo, tapos na napaso iyong kontrata ko sa PLDT, hindi pa ako nagre-renew kasi hinihintay ko iyong third telecom company baka mas mura. [laughs]

SEC. ANDANAR: [laughs] Siguro pinakamaganda diyan kapag nag-renew ka, two months/three months lang kung puwede.

ABAO: Oo, iyon na nga eh. Secretary, finally, ano ang inyong mensahe sa ating mga kababayan sa pagpasok ng Holy Week?

SEC. ANDANAR: Ang mensahe ko po, Ruth, ay let us spend this time, the week, to reflect on our lives, reflect on our past mistakes, and also think of how to move forward and improve our lives and how to also positively affect the lives of other people surrounding us.

And kung ano rin ang puwede nating magawa bilang Filipino para mas ma-improve pa natin ang … hindi lang ang buhay natin, buhay ng pamilya natin, buhay ng ating neighborhood, kung hindi kung ano iyong magiging contribution natin in nation building. Let us spend this time to reflect and pray to God. At pasalamatan ang Panginoong Diyos na tayo ay nabubuhay pa, tayo ay nandito pa. At kung mayroon tayong mga sakit at kapansanan, ipagdasal din natin. Let us not lose hope and let us just pray. And let us also pray for those who are going to the same thing.

ABAO: Yeah, okay. Secretary Martin Andanar, naku, maraming, maraming salamat. After isang buwan, nahagilap na naman kita.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Ruth.

ABAO: I know you’re very busy. Happy Holy Week sa inyo, sir.

SEC. ANDANAR: You have a blessed Holy Week, Ruth. And also to all of our colleagues there sa DWIZ. Thank you po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource