Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Willie Delgado & Jorge Bandola – Straight to the Point, RMN

Q:  Si Presidential Communications Secretary Martin Andanar. Sec. Martin, good morning. 

SEC. ANDANAR:  Jorge and Willie. Good morning. 

Q:  Okay. Ihabol lang namin, kasi may nabasa kami dito sa diyaryo, base doon sa binanggit ho ng Pangulong Duterte kahapon, may banta raw sa kaniyang buhay. 

SEC. ANDANAR:  Alam mo, ang ating mahal na Pangulo ay mayroon po siyang unlimited na resources lalo na sa intelligence. So kung anuman ang sinabi ni Presidente, ay malamang ay natanggap niya iyon sa kaniyang sources.

Q:  Uhum. Kumusta po ang reception ng taumbayan doon sa mga naging pahayag ng Pangulo kahapon at ni Secretary Panelo?

SEC. ANDANAR:  Base po sa matrix na nabasa po natin sa social media, ay napakadami pong nanood sa naging panayam ng ating mahal na Pangulo. At alam ninyo po, staggering iyong sa social media page, nasa mga 40,000 na—

Q:  Oo, nakita ko nga iyon Secretary kanina – na iyong nanood nasa 40,000 mahigit.

SEC. ANDANAR:  Opo. Simultaneous news ‘pag pinagsama mo po iyong sa PTV at sa Presidential Communications, at hindi pa namin sinasama iyong sa private media. So talagang maraming nakaabang po kahapon.

Q:  Medyo nahihira—hindi ba kayo nahirapan diyan sa PCOO na himayin at isa-isahin iyong mga sinabi ng Pangulo, dahil [laughs]…

SEC. ANDANAR:  Mahaba…

Q:  —iyong iba dito talagang nag-aabang ng mga komprehensibong paliwanag.

SEC. ANDANAR:  Sa palagay ko po ay maganda naman ang naging panayam na ginawa po ni Secretary Panelo, very ano naman… very meticulous iyong pagtanong niya at the same time ay talagang nakalista iyong mga questions niya. So at the same time habang nakalista, ‘pag may sinasabi po si Presidente… alam ninyo po abogado po si Sec. Panelo, so naipapaliwanag niya rin nang husto at nadadagdagan niya ng explanation iyong sinasabi po ni Presidente.

Q:  Inaasahan ninyo ba Secretary iyong paghahamon kahapon ng Pangulong Duterte sa mga gustong mag-aklas?

SEC. ANDANAR:  Well alam ninyo naman po si Presidente, eh wala namang kinakatakutan si Presidente kung ano po iyong talagang nasa damdamin niya at kung ano po iyong gusto ng mga kalaban ay handa naman siya talagang bumaba sa puwesto kung ayaw talaga sa kaniya. But ilang beses na po sinabi ni Presidente ‘yan, na kung ayaw ninyo kay Presidente, then he is willing to step down; kung ayaw ng military, then they can proceed with their coup d’etat, puwede silang magpunta. At ilang beses na ring sinabi ni Presidente na he will be more than happy to go back to Davao and enjoy his retirement.

Q:  Ano naman ang sentimyento ng Sandatahang Lakas natin, ng Kapulisan?

SEC. ANDANAR:  Well ang ating AFP at ang ating Philippine National Police ay very professional, at sila po ay talagang… ang kanilang loyalty ay nasa taumbayan, nasa bandila – at iyon po naman ang sinasabi ni Presidente, wala akong paki—I do not need your loyalty, ang dapat maging loyal kayo sa taumbayan.

Q:  Matapos po iyong lumabas iyong mga intel na nakuha mismo ng Pangulo at mga banta na pabagsakin, mayroon po bang urgent message ang Pangulo para sa kaniyang Gabinete tulad po ninyo o magkaroon kayo ng mga emergency meetings kaugnay nito?

SEC. ANDANAR:  Pagkatapos po noong panayam, pagkatapos po noong address ng ating Pangulo sa taumbayan ay nagkaroon po siya ng isang meeting, and then nag-proceed na po sa Cabinet. At sa Cabinet meeting po ay iyong normal na Cabinet meeting, pinag-usapan po namin iyong iba’t ibang issues pa na kinahaharap po ng ating bansa; pinag-usapan po namin iyong pagbubukas muli ng Boracay Island; pinag-usapan po iyong kaguluhan sa Middle East, sa Libya… Wala, wala pong pinag-usapan na tungkol sa… kung mayroong warning sa amin—

Q:  Kung mayroon dapat kayong paghandaan…

SEC. ANDANAR:  Wala ho, wala ho… Back to normal, nagtrabaho po kami… iyon lang po, nakatutok lang po tayo sa mga atas po ng ating Pangulo.

Q:  ‘Yan, okay… Marami pa sana tayong pag-uusapan with your indulgence Secretary, kaya lang medyo kinakapos na ho kami ng panahon; dahil kung pag-uusapan natin iyong buong… iyong ano kahapon eh, konteksto ng mga sinabi ng Pangulo, naku ay kukulangin tayo ng oras. Anyway, Secretary maraming salamat ha.

SEC. ANDANAR:  Mabuhay po kayong dalawa, Jorge at Willie.

Q:  Mabuhay po Sec. Martin. Maraming, maraming salamat.

                                                                                                                ###      

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource