Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar Cabinet Report sa Teleradyo, Radyo Pilipinas by PCOO Assistant Secretary Kris Ablan and PCOO Assistsant Secretary JV Arcena


ASEC. ARCENA: At ngayon, nasa linya ho ng telepono Asec Kris, si Secretary Martin Andanar. Good evening po, Sec.

SEC. ANDANAR: Hello, good evening Asec Kris and Asec JV. Good evening sa mga kasamahan natin diyan sa studio at sa ating bisita na mula sa DSWD.

ASEC. ARCENA: Sir, bago natin talakayin iyong atin pong topic ngayon, iyong tungkol nga po doon sa Mindanao earthquake, alam kong mayroon din pong ginawa hong aksiyon ang PCOO dito at gusto ko sa iyo na rin po manggaling iyong update dito sir.

SEC. ANDANAR: Well, noong nagkaroon ng earthquake sa Mindanao, iyong pangalawa ‘no, iyong malakas na aftershock iyong tawag nila pero parang earthquake na rin eh ‘di ba? JV and I were at the airport sa NAIA, tapos siyempre wala pang reports kung anong mga nangyayari eh. So pumasok iyong mga reports noong nakalipad na papuntang Thailand sa ASEAN.

So pagdating ko ng Bangkok, agad kaming nag-meeting ni JV at iyon nga, binuo natin iyong ating Mindanao Earthquake Communications Team at doon ay inalerto natin lahat ng mga kasamahan natin sa PCOO at itinalaga natin si Asec. Bam bilang head nitong Mindanao Earthquake Comms Team para iyong pagpapalaganap ng impormasyon mula sa—dalawang ground zero ‘yan eh ‘di ba, iyong sa Davao saka sa North Cotabato—Kidapawan.

So mabilis naman iyong pag-activate natin ng team na iyan at naging maganda iyong dissemination ng information not only sa PCOO but iyong mga inter-agencies. So I would like to congratulate also DSWD, napakabilis din nila; alam mo ang DSWD maaasahan talaga iyan; DPWH, Department of Health… halos lahat ‘no, NDRRMC saka iyong RDMMC.

And siguro dapat nating tandaan, kasi during that time ay maraming tanong kung kailan ba papasok iyong ayuda mula sa ibang bansa or sa national level. Siguro dapat nating tandaan na ang pinaka-numero uno talagang dapat na ayuda ay iyong local government. Now, saka papasok ang national government kapag hindi na kaya ng local government at hindi na kaya ng regional government, so papasok ngayon iyong national. Kung hind na kaya ng national eh doon naman tayo hihingi din ng ayuda mula sa ibang bansa.

Pero of course alam naman natin kapag mayroong mga ayuda, hindi naman puwedeng tanggihan iyan, so that’s one standard operating procedure that we must all remember; that kapag mayroong ganiyang klaseng earthquake, iyong unang respondent talaga iyong LGU at iyong mga regional offices ng mga national agencies. And after that, okay naman and the President decided to push through with his trip to the ASEAN because everything was under control.

And then, marami tayong activities JV sa Bangkok and as usual we engaged with the international media, we also engaged with the Philippine media and we were able to successfully cover the ASEAN well; nabigyan natin ng magagandang istorya iyong mga kasamahan natin sa national media and international media. And then fast forward to yesterday, mayroon po tayong isang—nagkaroon po tayo ng isang meeting with the China media group para – explore pa natin iyong future areas or avenues where we can cooperate – a Philippine media and Chinese media.

And then before that, I was also present at the Radio Summit ng Philippine Broadcast Service. Ang daming nangyari JV at Asec Kris, parang nakakalito na nga kung ano ‘yung… sa sobrang dami, hindi mo matandaan kung anong nangyari in just one go. But anyway, I will do my best.

This week also you know, its sad news na isang radio broadcaster ang na-assassinate dito sa Dumaguete, si Mr. Generoso. Pero ang—

ASEC. ABLAN: Pero nahuli na yata Sec. ‘di ba? Nahuli na yata iyong mga gunman.

ASEC. ARCENA: Nahuli iyong dalawang suspect.

SEC. ANDANAR: Well, that’s a positive development na nahuli iyong dalawang gunman and then mayroon pang isa na nahuli, so it think that’s a total of three, if I’m not mistaken ha. Pero iyong dalawa, talagang nahuli and then there’s one more. And—

ASEC. ABLAN: Pero congratulations pa rin Sec. for the quick response ng Presidential Task Force on Media Security, kasama na rin si ED Usec. Joel Sy Egco. Congratulations po to you both.

SEC. ANDANAR: Well, you know, we really have to give it to them – the Presidential Task Force to Media Security – Kris, kasi nakatutok talaga sila sa mga kaso ng media violence or media killings. Malungkot, malungkot talaga na nangyari ito. Ano pa man ang dahilan whether it’s work-related or not work-related but, you know, one death is too many, right, Kris? Hindi naman puwedeng—So, you know, we still work hard, we still work on the ground and watch and see and listen on what is happening and how we could minimize media violence. Another development is the case of the Maguindanao Massacre, iyong tatlumpu’t dalawang journalists na pinatay. Was it ten years na ba, JV?

ASEC. ABLAN: Yes, ten years, 2009 po.

ASEC. ARCENA: Oo.

SEC. ANDANAR: Oo, November 23, 2009 and I believe that humingi ng palugit—

ASEC. ARCENA: One month extension yata iyong—

SEC. ANDANAR: Oo, iyong judge. Oo, humingi ng isang buwan sa Korte Suprema. So, be that as it may, okay na rin ‘yung isang buwan kaysa sampung taon na naghihintay, ‘di ba?

ASEC. ARCENA: Uhm.

SEC. ANDANAR: Kaya hintayin natin and we are very optimistic na mabibigyan ng hustisya ang pamilya ng tatlumpu’t dalawang minasaker na mga journalists at iyong iba pa na hindi naman journalists kasi fifty plus iyan lahat eh. Tapos thirty iyong—

ASEC. ARCENA: Journalists.

SEC. ANDANAR: Iyong mga media workers.

ASEC. ARCENA: Uhm. Balikan—

SEC. ANDANAR: And did I miss anything, JV? Ang daming nangyari this week!

ASEC. ARCENA: Yes, sir! Nag-Cabinet meeting pa kayo pero ulitin ko lang, sir ‘no, tayo po ay nakikiramay doon sa pamilya ni Mr. Generoso—

ASEC. ABLAN: Yes, Dindo Generoso.

ASEC. ARCENA:  At itong pagkakaaresto sa dalawang suspek. Tulad nga ng sinabi ni Sec sa kaniyang statement ay simula pa lamang ng paghahatid ng hustisya at dedikasyon ng Administrasyon o commitment ng Administrasyon na mapanagot at ma-resolve ang mga media killings.

 ASEC. ABLAN: Yes.

SEC. ANDANAR: Yeah. So, you just reminded me on the Cabinet meeting. The Cabinet meeting was very fruitful at doon nga naging topic iyong climate adaptation, climate change, iyong pag-ban ng paggamit ng plastic.

So, ang gusto po ng ating mahal na Pangulo ay talagang i-ban na ang paggamit ng plastic kasi kung ang gagawin natin ay lilinisin natin halimbawa, itong Manila Bay, hindi mo naman malilinis iyan in one go kasi nilinis mo nga iyong Manila Bay pero madumi pa rin iyong Laguna de Bay, iyong mga estero. So, while we are cleaning Manila Bay and the Laguna de Bay, aba ay kailangan din natin—sabi ni Presidente, itigil na natin ang paggamit ng plastic para talagang wala ng source, ‘di ba?

ASEC. ABLAN: Yes!

ASEC. ARCENA: Yes, sir.

SEC. ANDANAR: Ng pagkakalat ng mga plastic. So, iyan ay napag-usapan din and napag-usapan din iyong alternative learning system at marami pang ibang mga topics ang napag-usapan. At mahalaga din iyong sa tubig natin.

ASEC. ARCENA: Yes, sir.

SEC. ANDANAR: Iyong water challenge or issue na kinakaharap natin sa Metro Manila kung saan ay hindi na talaga kaya ng Angat Dam, La Mesa Dam, at iba pang mga dam – Ipo Dam. Hindi na kaya ng kasalukuyang mga dams to provide water for Metro Manila kasi siyempre, pataas nang pataas ang populasyon. I believe, sixteen million and itong Angat Dam ay—kailan ba ito ginawa?

ASEC. ABLAN: ‘Di ko alam.

SEC. ANDANAR: 1960—

ASEC. ABLAN: Hindi pa yata ako pinapanganak noon, Sec.

SEC. ANDANAR: 1960s pa ‘ata.

ASEC. ARCENA: Oo.

SEC. ANDANAR: 1960s pa ito ginawa eh!

ASEC. ARCENA: Pero, sir—

SEC. ANDANAR: ‘Di ba? Eh, ano ang population ng Metro Manila noong 1960s, ‘di ba?

ASEC. ABLAN: Oo, wala pang five million siguro noon?

SEC. ANDANAR: Oo, tapos isabay mo pa iyong climate change, ‘di ba Kris?

ASEC. ARCENA: Yes, oo.

 ASEC. ABLAN: Yes.

ASEC. ARCENA: El Niño!

SEC. ANDANAR: Oo. So, iyong demand ng tubig pataas nang pataas tapos iyong sa climate change, ang then isabay mo pa diyan iyong mga onerous deals with our water providers—

ASEC. ABLAN: Yes.

SEC. ANDANAR: Or water service providers.

ASEC. ARCENA: Sec!

SEC. ANDANAR: Opo?

ASEC. ARCENA: Napag-usapan ho ba sa Cabinet meeting din ninyo iyong—tutal ito po iyong topic natin tonight—napag-usapan po ba iyong mga additional response para ho sa mga biktima ng Mindanao earthquake.

 SEC. ANDANAR: Yes. Nag-report si Usec Jalad doon sa Cabinet tungkol sa response nga na ginawa sa Mindanao at kung ano pa iyong mga kailangan para ma-improve pa iyong ating pagresponde; napag-usapan din iyong ASF. So, iyong hinihingi ng Department of Agriculture na karagdagang pondo para masolusyunan iyong problema ng ASF kasi maraming problema mula doon sa mga hog raisers, doon sa mga middlemen. Ang daming problema eh! So, iyon…

 ASEC. ABLAN: But the important thing, Sec is at least the Duterte Government is on top of it, sa lahat po ng mga isyu natin.

SEC. ANDANAR: Oh yeah! Definitely on top of the entire situation and the President continues to be practical.

ASEC. ABLAN: Yes!

SEC. ANDANAR: To have his feet on the ground so alam niya kung anong nangyayari, alam niya kung anong kailangan ng tao. At doon naman sa Cabinet meeting maliwanag naman kung ano iyong direktiba ng Presidente at ang suporta rin na ibinigay niya sa ating mga Kalihim.

 

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource