MR. ARCENA: Asec., kasama rin po natin ‘no… nasa linya rin ho ng telepono si Secretary Martin Andanar. Sir good evening po, live ho tayo dito kasama si Asec. Kris at si Asec. Edgar Galvante ng LTO po.
SEC. ANDANAR: Hello, magandang gabi sa inyo Asec. Galvante, Asec. Kris at good evening din JV. Pasensiya na kayo at ako’y last two minutes dito, kalalapag pa lamang ng eroplano galing Tacloban at nagkaroon tayo Kris doon ng isang press freedom caravan sa Tacloban. I also met with our PIA Regional Director at their office, workers and also we were at Calbayog the other day.
ASEC. ABLAN: Pasensiya na po Secretary hindi kita nasamahan ‘no, pero nagsama po tayo sa Naga saka sa Legazpi. Pero hindi ko po kaya ang powers ninyo na apat po ang napuntahan ninyong bayan para magkaroon ng PCOO road show. And then sa gitna noon, alam mo ba JV, nag-attend pa ‘yan ng isang ASEAN soci—
MR. ARCENA: Bumalik dito ‘di ba…
ASEC. ABLAN: Oo, noong Wednesday bago siya bumalik. Kaya saludo po kami sa inyo Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Ay salamat po, tayo’y nagtatrabaho lamang at we were in the provinces also to promote the policies of the President. Kaya salamat po at ako’y nakahabol sa programa.
ASEC. ABLAN: Maganda po ‘yung usapan namin Sec. Martin, with Asec. Galvante at saka Senator Gordon, in trying to explain the wisdom behind the Motorcycle Crime Prevention Act.
MR. ARCENA: Yes, oo…
SEC. ANDANAR: Hindi, talagang—matagal na naman talaga dapat na aksiyunan at nasuportahan ang batas na ‘yan. Pero alam naman natin na sa bawat batas ay mayroon talagang magrereklamo, pero ito naman ay para sa kapakanan ng karamihan ng ating mga kababayan.
MR. ARCENA: Oo. Sec., bago ho tayo magtapos, may mensahe ho ba kayo o may mga—
ASEC. ABLAN: Baka may tanong siya kay Asec. Galvante o may announcement po siya.
SEC. ANDANAR: Ay, maraming salamat Asec. Galvante for visiting our program. Salamat po sa lahat ng mga nanood sa atin sa PTV at nakikinig po sa Radyo Pilipinas 738 at sa ating mga Facebook pages. Ako’y gusto lang magpasalamat sa mga host natin, sa Tacloban at sa Calbayog. At congratulations din po sa ating local government unit, especially dito po sa Calbayog dahil mayroon po silang bagong opisina ng NBI doon po. At bukod po diyan, congratulations po sa ating Regional Office dahil po sa kanilang sipag at tiyaga, napakaganda po ng information dissemination doon sa Leyte. At salamat din po sa Leyte Normal University for, of course helping us in the organizing the press freedom caravan.
MR. ARCENA: Iyon. Thank you po Secretary Martin Andanar sa inyo pong mensahe. Si Asec. Edgar Galvante po, sir may final po message ho kayo bago tayo magtapos dito sa Cabinet Report?
ASEC. GALVANTE: Marahil ang gusto ko lang iparating na mensahe doon sa mga nagkakaroon ng pangamba sa pagpapatupad ng batas na ito, lalung-lalo na iyong mga riders, isipin natin kung, in fact sa inyong organisasyon, anong maitutulong ninyo? Malaki, dahil kung pinapakita ninyo ang example ng pagsunod sa batas, eh maeengganyo ang lahat na sumunod din.
At again, inuulit namin na sa pagka-craft nitong IRR na ito, na sasangguni rin kami at tatanungin namin iyong may experience, iyong nakakaalam at iyong pang-araw-araw na gumagamit marahil ng motor at may mai-suggest sila kung paano magiging mas effective iyong implementation nito.
MR. ARCENA: Oo. Thank you po, Asec. Edgar Galvante ng Land Transportation Office. Asec…
ASEC. ABLAN: Oo JV, may sasabihin lang ako ‘no. Very related sa sinabi ni Asec. Galvante saka ni Senator Gordon. Alam mo, we have to act on all of these deaths. Sabi nga ni Senator Gordon, there are 4,000 deaths and only 8 are identified. And we really need to find solutions. Iyong iba ang solution is tanggalin ang helmet, ganoon iyon eh, sa ibang bayan kasi hindi nila nire-require ang helmet para makita mo. Kaso ‘pag ‘di mo naman nire-require iyong helmet, nilalagay mo naman sa panganib ang buhay ng rider.
So this is the next best thing, which is to encourage na we have these plates na visible, it’s for your own protection mga kababayan. Sabi po ni Senator Gordon, let’s give this law a chance and malalaman naman natin ‘pag hindi naman siya epektibo, puwede naman nilang i-repeal iyong batas. Pero alam mo, give it a chance first. Let’s see if it will work.
MR. ARCENA: Iyon, oo. Dahil nga tulad ng sinabi ni Senator Gordon, ang ganda ho ng intensiyon ng batas.
Wala na ho tayong time. Asec. Kris at Asec. Edgar at 7:59 na ho… Salamat po mga kapatid, at ito muli, ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo. Ako po si JV Arcena.
ASEC. ABLAN: At ako naman si Asec. Kris Ablan.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)