Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar with Department of Agriculture Secretary Manny Piñol by Leo Palo III & PCOO Director Vinci Beltran (Cabinet Report sa Teleradyo – Radyo Pilipinas)


DIR. BELTRAN:  On the line po, ang Secretary ng PCOO—

PALO:  Na ngayon ay guest pa rin [laughs]…

DIR. BELTRAN:  Hopefully, malapit na siyang mag-live dito. Aabangan natin ‘yan, may launching ‘yan [laughs]. Secretary Martin Andanar, hello po.

PALO:  Good evening!

SEC. ANDANAR:  Hi Director Vinci at Leo. Magandang gabi sa inyong dalawa, magandang gabi sa lahat ng nakikinig ng ating programa dito sa Radyo Pilipinas.

PALO:  Kumusta kayo, Sec.?

SEC. ANDANAR:  Ayos naman, nandito ako ngayon sa isla ng Siargao.

DIR. BELTRAN:  Wow! Nasa hometown…

PALO:  Oo, alam ko na kung bakit. Mukhang… ikaw ba magpapasinaya?

SEC. ANDANAR:  Hindi, kaso hindi natuloy eh.

PALO:  Ay, ganun ba?

SEC. ANDANAR:  Oo. So anyway, ako naman ay taga-Siargao din so I just took the opportunity para makasama ko iyong pamilya ko dito.

PALO:  Dapat tinuloy mo na para mas maganda [laughs]… Eh ano ba itutuloy mo, iyan ang tanong eh? Nagtataka tuloy kung ano itutuloy mo diyan…

SEC. ANDANAR:  Hindi, kasi alam mo marami akong mga kamag-anak na naiwan dito sa Sta. Monica at iyong huling buwan na nandito ako ay noong Agosto pa noong nakaraang taon.

DIR. BELTRAN:  Ah, matagal-tagal na rin po…

SEC. ANDANAR:  So, medyo matagal-tagal na rin ‘no.

PALO:  Masyado ka raw kasing busy…

SEC. ANDANAR:  Maganda itong Siargao, dapat mapasyalan ito ng mga kababayan natin especially during this time na ang ganda na ng kalsada, sementado na lahat; at the same time ay marami nang mga resort na na-develop. Pero alam mo, sa sobrang busy ng General Luna, kailangan munang at least one month advance booking.

PALO:  Ganoon ha…

DIR. BELTRAN:  Ganoon kadaming tao…

PALO:  Kadami na ng tao…

SEC. ANDANAR:  Oo, ganoon kadami iyong tao.

PALO:  Foreigner ito, maraming foreigner… Ano ba number one na tourist natin diyan?

SEC. ANDANAR:  Oo foreigner, mga Europeans… marami ditong mga Spanish, marami ditong mga French, German, Australian… iyong mga mahilig mag-surfing.

DIR. BELTRAN:  Parang kayo po, ‘di ba Sec. Mart nagse-surfing din po kayo?

SEC. ANDANAR:  Opo, kaso kapag tinatamaan ng—

PALO:  Parang nakikinita ko iyong sa sobrang laki niya ‘no [laughs]…

SEC. ANDANAR:  Oo, ‘pag tinatamaan ng arthritis eh mahirap itayo [laughs]… Actually, dati iyong aking surfboard ay nasa mga size 9 hanggang size 10, mga 10 feet. Pero ngayon, eh dahil mabigat na ako eh, so kailangan na ng surfboard na at least 12 feet.

PALO:  Wow! Grabe ang taas, nakatingala ka noon [laughs]…

SEC. ANDANAR:  Oo, parang ano na… Sabi ko nga doon sa kaibigan kong gumagawa ng surfboard eh, sabi ko dapat bangka na lang ginawa mo [laughs].

PALO:  Well part of your ano pa rin, trabaho… na magbigay ng impormasyon sa ating mga kababayan lalo na sa Siargao eh tourism pa rin iyan, kaya parte pa rin ng PCOO ang iyong pagtungo diyan.

SEC. ANDANAR:  Well alam mo, marami tayong nakakausap na mga local government units dito, mga kapitan dito; nalaman natin kung ano iyong problema. Alam mo ang problema ng Siargao, number one ay wala ditong radio station ang Radyo Pilipinas at wala ring signal ang PTV dito so, siguro maganda kapag nalagyan ito ng Radyo Pilipinas itong Siargao Island.

PALO:  Well invite them Sec., dahil maraming nanonood ngayon worldwide… sa Facebook at maging sa PTV eh napapanood ang—naririnig ang mga sinasabi mo.

SEC. ANDANAR:  Magandang gabi po sa lahat ng mga kababayan natin na nakikinig dito sa Radyo Pilipinas sa pamamagitan po ng ating 738 AM frequency at iyong mga nanonood po sa ating Facebook page, at iyong mga televiewers po natin sa PTV. Alam naman natin na iyong PTV ay napapanood sa buong mundo, bukod sa presence natin sa Facebook. Itong Cabinet Report po ay napakagandang programa ito ng ating gobyerno para maiparating natin sa mga kababayan natin iyong mga magagandang balita mula po sa Malacañang.

Oo, so salamat po sa inyong pag-tune in at asahan ninyo po sa mga darating na mga linggo ay mayroon pong mga pagbabago dito sa Radyo Pilipinas; hindi lang po sa Cabinet Report kundi sa lahat po ng mga programa.

PALO:  Maraming surprise na mangyayari dito po sa building na ito sa mga susunod na mga linggo. ‘Ayan, antabayanan ninyo ‘yan dahil kahit ako na-e-excite din ako [laughs] sa mga nangyayari dito, ‘ayan…

DIR. BELTRAN:  Mga progress…

PALO:  Oo, sangkatutak eh… Well Secretary sabi mo nga kanina, mga good news naririnig mula sa Palasyo, mula sa ating pamahalaan lalung-lalo na sa Pangulo. Actually ang isa po sa magiging tatalakayin tonight ay may kaugnayan po doon sa mga nalagdaan ng Pangulo – at isa na nga po dito itong rice tariffication. Well in a while ay makakasama rin natin si Secretary Manny Piñol na siyang magpapaliwanag…

DIR. BELTRAN:  Ng Department of Agriculture…

PALO:  Oo, ng Department of Agriculture. So isa iyan sa pupuntuhin namin, eh alam ko naman na—kung hindi ako nagkakamali, katuwang pa rin ang PCOO sa pagbibigay ng impormasyon sa mga bagay na ito Sec.

SEC. ANDANAR:  Opo, tama. Kaya nga gini-guest natin ngayon si Secretary Manny Piñol dito po sa Radyo Pilipinas at sa PTV para maipaliwanag iyong rice tariffication. Pero the long ang short of it is that, mabibigyan po ng pagkakataon iyong lahat ng mga negosyante na kaya pong mag-import ng bigas… ng tsansa na magnegosyo ng bigas sa bansa natin. So hindi na po ito magiging monopolized, iyong mga tinatawag natin na mga buffer stocks sa NFA, etcetera… Pero pagkakaalam ko ay mawawala na nga itong poder sa NFA, pero it will be better if Secretary Manny Piñol who will explain this.

PALO:  Yes, totoo ‘yan… Well Sec., eh alam namin ikaw ay medyo busy din at napakaraming ginagawa sa PCOO…

DIR. BELTRAN:  At ngayong nasa Siargao siya ay konting pahinga [laughs]…

PALO:  ‘Ayan… dahil ang signal din diyan medyo ano…

DIR. BELTRAN:  Deserve mo naman po, Sec…

PALO:  Ang signal niya, parang nagwa-wallop ang tawag doon eh. Parang…

SEC. ANDANAR:  Oo, nawawala-wala iyong signal kasi iyong lugar po kasi ay Sta. Monica – this is about one hour and twenty minutes from General Luna.

PALO:  Malayo pala ha…

SEC. ANDANAR:  Oo. Pero nandito ako ngayon sa Sta. Monica proper kung saan talaga iyong aming ancestral house – dito, malakas iyong signal. Pero doon sa barangay na kung saan nakatayo iyong bahay ko ay wala pong signal talaga, zero. Siguro baka marinig tayo ng PLDT o ng Globe [laughs]…

PALO:  Lalagyan daw diyan, 8888 [laughs]

DIR. BELTRAN:  Diyan didiretso, Sec. [laughs]

SEC. ANDANAR:  Eh ‘yan ang problema ho, hindi maka-dial ng 8888 iyong mga kababayan ko dito sa Barangay Tambo kaya nagagalit si Presidente [laughs]…

PALO:  Hindi ka ba tinawagan ni Presidente sabihing, “Mart, ikaw na nga magsabi doon sa dati mong boss.” [laughs]

SEC. ANDANAR:  [Laughs] Hindi naman, hindi naman ako sinabihan. Pero siguro, gets naman ni PLDT kung ano iyong mga kailangan at ng Globe din, so para mabigyan nga ng maraming access iyong ating mga kababayan para at least ay masabi nila iyong kanilang problema sa ating pamahalaan.

Pero ang daming magagandang balita Leo at Director Vinci, oo ang daming pinirmahan – iyong rice tariffication, iyong expanded maternity leave… O Vinci ‘pag ika’y mag-asawa ka at ika’y maging… eventually isang ina, o mayroon ka nang 105 days.

DIR. BELTRAN:  Oo nga po, ang haba na po…

PALO:  Tama ‘yan…

DIR. BELTRAN:  ‘Ayan… Sige po i-discuss po natin ‘yan Sec. Martin, sana po makasama ka pa namin sa pagbabalik po ng Cabinet Report sa Teleradyo.

PALO:  Break lang po tayo.

[COMMERCIAL BREAK]

 PALO: Alright, Sec.?

SEC. ANDANAR: Hello.

DIR. BELTRAN: You’re back, Sec. Mart.

PALO: So naputol tayo dahil nag-break lang tayo saglit sa kabila para—

DIR. BELTRAN: Sa PTV.

PALO: So ilan iyong ano, napakarami, Secretary Mart ang nilagdaan ng Pangulo this week and last week, ‘di ba? Sangkatutak!

SEC. ANDANAR: Oo sangkatutak ‘di ba binanggit mo na iyong tariffication, tapos binanggit na natin iyong expanded maternity leave. O nandiyan pa iyong sa SSS pero… may kilala ako diyan walang SSS eh.

PALO: Easy, easy, iyan tayo eh.

SEC. ANDANAR: Pero kapag SSS member ka at nawalan ka ng trabaho involuntarily, ibig sabihin ay hindi mo inakala na mawawalan ka ng trabaho.

PALO: Ganoon iyon eh.

SEC. ANDANAR: Bibigyan ka ng dalawang buwan ng gobyerno na may allowance so minimum of 10,000.

PALO: Ah ganoon ba iyon? Kita ninyo ha.

SEC. ANDANAR: Eh bukod doon halimbawa may 10,000 kana sa dalawang buwan tapos bigla kang nagkasakit. Mabuti na lang may Universal Health Care Law.

PALO: Iyon-iyon.

DIR. BELTRAN: Iyong sa DOH naman.

PALO: Ah ganda ng segue.

DIR. BELTRAN: Iyong pinag-usapan natin last week.

PALO: Mayroon pa! Ano pa ba, iyong Central Bank ba iyon? Ang dami!

SEC. ANDANAR: Oo iyong Central Bank Law ay nandiyan din. Alam mo nalungkot din ako dahil kahapon binisita ko ang yumaong si Central Bank Governor Espenilla.

PALO: Espenilla.

SEC. ANDANAR: Nalaman ko na siya pala iyong nag-shepherd nitong Central Bank Law.

PALO: Yes totoo iyan.

SEC. ANDANAR: So siguro mainam na i-dedicate natin sa kaniya itong batas na ito sapagka’t dati pa daw itong nilalakad at pinag-aralan ni Central Bank Governor Espenilla at nangyari ito sa ilalim ng kaniyang termino pero ironically ay hindi siya nakasama doon sa—

PALO: Paglagda.

SEC. ANDANAR: Ceremonial signing.

PALO: Yes, oo. Nasa banig ng karamdaman.

SEC. ANDANAR: Kaya malungkot.

PALO: Well, Sec., napagbigyan natin ng pagkakataon na makapiling sa ibang komunikasyon pa din, nariyan po sa linya natin ngayon – in a while ba?

DIR. BELTRAN: Hello po, Secretary Manny.

SEC. ANDANAR: Good evening, Secretary.

SEC. PIÑOL: Sec. Martin, good evening. Magandang gabi sa iyo, Leo at Vinci.

DIR. BELTRAN: Hello po, good evening sir.

SEC. ANDANAR: Live tayo ngayon, Sec. Manny sa Radyo Pilipinas.

SEC. PIÑOL: Katatapos lang ng pang-apat na yugto ng ating Rice Tariffication and Liberalization and Consultations with the stakeholders. Nagsimula tayo noong Martes sa Muñoz, Nueva Ecija, tumuloy tayo ng Lipa City, Batangas noong Miyerkules. Kahapon nasa Davao tayo at kanina iyong panghuling leg o yugto ng ating consultation dito sa Iloilo and tomorrow iko-collate na noong ating grupo sa policy and planning under Undersecretary Fred Serrano iyong mga inputs noong ating mga stakeholders during the consultations.

Medyo challenging siyempre dahil nandoon iyong pangamba noong mga magsasaka, nandoon iyong takot nila pero pinaliwanag natin na, ‘Alam mo pirmado na iyong batas at kailangan maipatupad dahil iyon ang nakasaad sa batas and…’ But we allow them to provide inputs doon sa implementing rules and regulations.

At basically ang kaba lang naman nila, halimbawa bumabagsak ang presyo ng palay, saan kami magbebenta? Iyon lang naman ang kaba nila. So ina-assure natin sila na nandiyan ang NFA which is now tasked to buffer stocking but we really have to discuss this issue very closely ‘no.

Pero alam mo, Sec. Martin nakita ko pa rin iyong Duterte magic. Kasi sa lahat noong engagements na pinuntahan namin, the moment na sinabi ko na magtiwala tayo sa ating Pangulo. Well, let’s respect his wisdom on this issue, kumakalma iyong mga magsasaka. In fact, talagang mga nagsasabi sila, ‘Para sa Pangulo sige papayag kami pero huwag ninyo kaming pabayaan?’ Ganoon lang naman ang sabi ng mga magsasaka.

Nakaka-touch at nakaka-antig damdamin sapagka’t makikita mo iyong tiwala pa rin ng mga magsasaka maski alam nila medyo natatakot sila, may pangamba sila pero kapag ang binanggit mo na pinirmahan na ito ng Pangulo, ipakita sa kaniya ang paggalang natin at magtiwala tayo sa kaniya – talagang makikita mong kumakalma iyong mga magsasaka natin na dati ay para bang balisa at hindi mapakali.

PALO: Well, Secretary sa pagkakataong ito, tutal naririnig tayo sa buong Pilipinas sa mga oras na ito eh puwede naman nating ipaliwanag muli sa ating mga magsasaka. Ano ho ba talaga ang magiging benepisyo nila kapag nangyari na nga po itong implementasyon ng rice tariffication?

SEC. PIÑOL: Well, unang una pag-usapan muna natin iyong takot nila ‘no. Ang takot nila na babagsak iyong presyo ng palay and iyan naman ay nirerespeto natin pero ang sabi nga natin ang kailangan nating gawin ngayon, palakasin iyong inyong produksiyon rather than focus on the price of the palay, let’s focus on the volume of palay that you will produce. And sa area na iyan iyong rice competitiveness enhancement fund na nagkakahalaga ng hindi bababa sa sampung bilyon bawat taon ay makakatulong: sapagka’t 5 billion of this will go to mechanization, iyong mga basura, irigasyon at iba pang mga gamit pangsaka na talagang makakatulong sa produksiyon; and 3 billion of that will go to free seeds, iyong libreng binhi; one billion of this will credit and one billion for training.

Now on top of that, kasi iyong tariffication ay 35 percent noong – paggaling sa ASEAN iyong bigas – sa estimate namin kapag ka umabot ng mga dalawang milyon na metriko tonelada ang papasok itong taon na ito na imported na bigas, aabot ng mga 26 to 27 billion ang actual na taripa na makokolekta. All of that money, on top of 10 billion, will be given to the rice industry. But the excess amount will be allocated by Congress at masasama sa budget ng Department of Agriculture, now malaking bagay iyan.

This is the first time actually sa kasaysayan ng rice industry sa buong Pilipinas na magkakaroon kami ng perang ganitong kalaki, 10 billion mula sa RCEF at kung mataas ang importasyon aabot ng mahigit 20 billion. 5 billion was released to us December 28 last year and then mayroon kaming 7 billion ngayon sa regular fund namin sa rice program sa DA. So lahat-lahat, mga this year inaasahan namin na mga 22 billion at ito ang pinakamalaking pondo na ibinigay ng gobyerno natin sa ating rice industry – so ito iyong pakinabang ng ating mga magsasaka.

SEC. ANDANAR: Okay, Sec. Manny… Leo, may tanong lang ako kay Sec. Manny. Gusto lang namin maliwanagan Sec. Manny, kasi marami din nagtatanong at nagsasabi na itong rice tariffication law ay number one mawawala na iyong monopoly pagdating sa pag-i-import ng bigas at pangalawa ay mawawalan daw ng kaunting kapangyarihan ang National Food Authority – gaano pa ito katotoo, Sec. Manny?

SEC. PIÑOL: Actually, ang NFA hindi naman mai-involve sa regulatory functions. So, ibig sabihin hindi na mag-i-issue ng lisensiya iyong NFA sa mga grains retailers, grains traders at pati importers. Ang magha-handle ngayon niyan ay ang Bureau of Plant Industry which is under the Department of Agriculture na siyang mag-i-issue ng sanitary and phytosanitary permits, na siya mong kailangan bago ka makapasok ng agricultural products. Now, in addition to that pagkatapos niyan magbabayad ka ng buwis sa Bureau of Customs and you could already bring in the rice.

Pero iyong takot ng ating magsasaka na babahain tayo ng imported na bigas actually pinapaliwanag kong maski gaano pa karami ang… maski gaano pa kasidhi ang kagustuhan ng mga importers na maparami ang pagpapasok ng imported na bigas, limitado din ang world supply ng bigas at kapag tumaas iyong ating importation siyempre tataas iyong presyo sa World Market. Kuwan iyan eh, trade and commodity iyan.

Sa buong mundo right now ang available lang na supply is about 48 million metric tons every year, of that volume mga 45 million na ang kasado ibig sabihin tatlong milyon lang ang puwede mong paglaruan na puwedeng i-access na mga bansa na kulang sa bigas. Now, so beyond that kapag um-order ka ng ganiyan ay talagang tataas na iyong presyo sa world market at makaka-compete na iyong ating mga magsasaka.

Number two: iyong sitwasyon na palagi tayong aasa sa Vietnam, Thailand at sa iba pang mga rice exporting countries will not last forever. You have to understand that each country including ours has a growing population. So kung iyong volume ng bigas na i-export ng Thailand ngayon, this is about 7.3 million metric tons, hindi na ganiyang karami 5 to 10 years from now sapagka’t dadami na din ang populasyon ng Vietnam, ganoon din ang Thailand, in fact ang Thailand nag-reduce na din ng export for this year.

So ang sinasabi natin is hindi puwedeng sabihin natin sa mga magsasaka na bitawan ninyo na rin, mag-diversify kayo because the moment we do that para nating sinintensiyahan ng kamatayan iyong ating mga susunod na henerasyon. We cannot let go of the rice industry because we could not catch up with the growing population and we have to continue planting rice to feed our people and the next generation.

DIR. BELTRAN: Secretary, kailan po natin inaasahan iyong implementasyon nitong liberalisasyon ng pag-import ng bigas?

SEC. PIÑOL: Actually, ang batas magiging effective March 5, but since binubuo pa ang implementing rules and regulations, effectively hindi mo pa ma-implement iyan. Kasi anong basehan ng implementasyon ng batas kung walang detalye on how to implement it – so iyon iyong IRR. That’s why minamadali natin ito sapagka’t… ako nga sa magsasaka, binibiro ko nga sila, hindi na natin patagalin ito kasi sabi nga ng Intsik, ‘die today, die tomorrow, same die.’

Ibig sabihin aprubahan na o i-endorse natin ito ngayon o i-endorse natin next month, ganoon din maaprubahan din ito. So sinasabi ko kapag dinelay natin ito made-delay din iyong pag-release ng pondo para sa atin at baka hindi umabot sa sunod na pagtatanim, so tayo ang kawawa diyan. So effectively—

PALO: Sa part pag-comply dito sa IRR na ito ay iyong consultation na ginagawa mo ngayon?

SEC. PIÑOL: Yes, kailangan iyon, nasa batas iyon na kailangan ang DA and NEDA should conduct a consultation, that is a process that we cannot do away with, kasi nasa provision ng batas iyan.

SEC. ANDANAR: Alam mo, maganda iyong binanggit ni Secretary Manny Piñol kanina na inevitable na tataas talaga iyong populasyon ng mga rice exporting countries like Thailand and Vietnam at ang hindi na-highlight ay napakaganda ng project ni Secretary Manny Piñol dito sa may Papua New Guinea. Baka puwede mong i-enlighten iyong mga kababayan natin, Sec. Manny, dahil napakaganda noong ginagawa mo na magkaroon tayo ng ating produksiyon ng rice dito po sa ibang bansa, dito sa Papua New Guinea?

SEC. PIÑOL:  Actually nakita mo naman iyon Sec. Martin ‘no, kinakantiyawan nga tayo… hindi pa daw natin tapos magtanim sa Pilipinas, eh naghahanap na tayo ng matataniman. You know sinasabi ko nga, and you were there during the Cabinet presentation Sec. Martin… ang sabi ko agriculture is not only about planting rice for today and producing food for today, we also have to think of the next generation. You have to understand that at the rate our population is growing, a few years from now iyong ating 3.9 million hectares will not be enough to produce rice for the Filipino people.

And kaya nga, mayroong mga private groups na nakipagkasundo sa mga land owners ng Papua New Guinea, magtatanim sila ng palay because mas maganda siguro iyong tayo na magtatanim ng palay sa ibang bansa, mga Filipino companies rather than import from Thailand and Vietnam na tayo ay nasa control ng mga exporting countries na ito. Instead kung tayo nagtatanim ng palay sa ibang bansa, ay atin iyong kumpanya ‘no.

But this is a project that is not going to bear fruit during the term of the President. In fact, I don’t even expect na madadala natin iyong bigas galing sa Papua New Guinea within the next 5 years. But this is something that we have to do in preparation for the future.

PALO:  Hmm… hindi naman isang tulog lang eh nandiyan na paggising mo. Hindi naman ganoon kadali…

DIR. BELTRAN:  Kaya kailangan talaga iyong pagtiwala sa gobyerno.

SEC. PIÑOL:  Hindi, pero talagang ano—uulitin ko, talagang nakita ko na naman iyong Duterte magic, na kapag binanggit mo na ‘ito pinirmahan na ng Pangulo, pagbigyan na natin ‘to, sundin natin siya, let’s respect his wisdom’, talagang kumakalma iyong mga magsasaka. Basta ang hiling na nila, huwag ninyo lang kaming pabayaan… maawa kayo dahil hanap-buhay namin ito para sa aming mga anak at mga apo, at buhay ng mga anak namin…

SEC. ANDANAR:  Alam mo, gusto ko personally na magpasalamat kay Sec. Manny Piñol for being a visionary and for innovating this rice sufficiency project of ours by looking beyond our shores… kasi nga, ang Pilipinas ay talagang binabagyo at naaapektuhan iyong ating rice production. At nakita ko nga iyong mga rice paddies doon sa Papua New Guinea, nagulat ako dahil si Sec. Manny mismo ang nagpaliwanag sa kanila na puwede kayong magtanim ng bigas, hindi ba Sec. Manny?

SEC. PIÑOL:  Oho… Nagulat sila, akala nila… sa mahabang panahon kasi may isang bansa na siya ang nagsu-supply ng bigas sa kanila na nagsasabing, “Hindi kayo puwedeng magtanim ng palay dito,” [laughs] tapos biglang dumating iyong mga Pilipinong magsasaka ng private company at nagtanim ng palay. Uy umani sila Sec. Martin, ang taas ng ani ha – 8.5 metric tons per hectare; samantalang dito sa Pilipinas, ang ating average lang is 4 metric tons.

SEC. ANDANAR:  ‘Ayun…

PALO:  ‘Ayun… So, may mga mensahe ba tayo diyan, mga tanong ng ating mga nanonood at sa social media? ‘Ayan alamin natin, maraming mga tanong ito—ay, naputol ‘ata si Sec. Mart…

SEC. PIÑOL:  Ah, binigyan na po ako ng permiso ng ating Pangulo na ituloy iyong negosasyon sa isang kumpanya na Israeli, iyong LR Group, dumating sila kanina at nag-submit na sila ng letter of intent. Ang sabi nila, “We are proposing the construction of solar irrigation projects enough to irrigate 500,000 hectares over the next 3 years; at iyong 44 billion pesos na kailangan, kami magpopondo, ipapautang namin sa Philippine government ng 10 years, may 2 years grace period ‘no.

So napakagandang offer at saka noong binanggit ko ‘to kay Pangulong Duterte, nasa Buluan kami; sabi ko, “Sir, tuloy ko ba itong negotiation na ‘to?” sabi niya, “Oo, ituloy mo ‘yan!” Sabi niya, “Alam mo mahal tayo ng mga Israeli kasi unang-una,” sabi niya “tinulungan natin sila noong panahon ng giyera at binigyan natin sila ng refuge; tayo din ang isa sa mga bansa na bumoto para maging bansa sila.” And more than that sabi niya, “Alam mo naman ang asawa ko, si Zimmermann ay isang Israeli, isang Jew – German-Jew, kaya malapit sila sa atin sa…” ang mga Israeli malapit sa atin.

 PALO:  Sec., marami pang mga tanong dito pero sabi ko nga… kung sinu-sino ba makikinabang sa rice tariffication bukod dito sa mga sinasabi nating mga magsasaka… Pero huwag ho kayong aalis, magbabalik agad… magbabalik po tayo sa Cabinet Report sa Teleradyo.

 ###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource