Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Secretary Martin Andanar by Noel Alamar & Ruby Tayag – Ito ang Radyo Patrol, DZMM


ALAMAR: Nasa linya natin si Presidential Communications Operations Office, PCOO Secretary Martin Andanar – Magandang hapon po, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Magandang hapon Noel at Ruby. Merry Christmas sa inyong dalawa.

TAYAG: Merry Christmas, sir.

ALAMAR: Merry Christmas po. Kumusta na po kayo sir?

SEC. ANDANAR: Aba’y of course tayo ay masayang-masaya ngayong magpapasko dahil napakadaming magagandang balita na nangyari. Kahapon lang iyong survey kay Presidente Duterte na 87% ang kaniyang approval rating, napakataas po. Tapos bago iyan ay iyong promulgation ng Maguindanao Massacre, talagang nabigyan tayo ng hustisya ang ating press industry, nabigyan ng hustisya ang mga biktima, kanilang mga pamilya at naipakita natin sa buong mundo na sa Pilipinas ay gumagana ang ating judicial system.

ALAMAR: ‘Ayun. Oo, Dahil under ninyo iyan, iyong kay Usec. Egco ‘di ba, iyong media security?

SEC. ANDANAR: Opo. Ang inyong lingkod po ang Co-Chairman ng Presidential Task Force on Media Security tapos Executive Director si Usec. Joel Egco. Tinutukan po ito ng PTFOMS mula noong ito’y itinatag noong 2016, tapos 2 years ago kinumbida po ni Presidente ang pamilya ng mga biktima at pinangakuan nga na mapabilis ang sentensiya o iyong hatol ng kaso. Kaya tayo po’y nagbubunyi dahil naipakita po natin, again, sa buong mundo na may press freedom sa Pilipinas, mayroong respeto sa human rights at ang ating judicial system, bagama’t mabagal ay nandiyan po, gumagana po siya. Siguro sa dami na rin po siguro ng mga akusado, 102.

TAYAG: Sir, considering na ini-expect ho natin na magpa-file ng Motion for Reconsideration iyong mga na-convict diyan po sa Maguindanao Massacre, may plano po ba ang ating pamahalaan o ang inyo pong tanggapan? Dahil sabi nga po nila iyong Motion for Reconsideration na posibleng maisampa po sa Supreme Court, eh parang simula na naman ito ng panibagong kalbaryo na posibleng humaba man or sana po ay mas mapaikli. Pero ano po ang puwede nating maibigay na dagdag pang ayuda kung mayroon man para po doon sa pamilya ng mga dating miyembro ng media na napasama po sa napatay diyan sa massacre na ‘yan?

SEC. ANDANAR: Ay alam mo Ruby magandang tanong ‘yan. Pag-iigtingin pa natin itong ating Presidential Task Force on Media Security na suportahan natin ang mga pamilya ng mga biktima. Tututukan natin itong kaso na ito kapag ito’y dumating na sa Korte Suprema. Pero ganun pa man, we should celebrate this—the victory, at least, dito sa Korte at siyempre lamang na lamang naman iyong pamilya ng mga biktima dahil sa nanalo na sila at nahatulan ng guilty. Pero mayroon pang singkuwenta na posibleng makasuhan at mayroon pang otsenta na pinaghahanap—

TAYAG: At large, opo. Pati sir, idugtong ko na rin. Iyong pamilya kasi ni Momay ‘di ba—

ALAMAR: Oo, hindi pa nakikita iyon.

TAYAG: Oo, dahil hindi nakita iyong body at umaapela nga iyong pamilya niya na bakit nga daw hindi nai-consider na—hindi nakasama iyong kaniyang tatay doon sa mga nabilang sa mga napatay. May plano po ba, may hakbang ang gobyerno na mag-file pa rin ng kaso although sinasabi nga po ng iba na legally speaking, double jeopardy na ‘yan ‘pag kinasuhan mo pa sila ulit?

SEC. ANDANAR: Opo. Iyong sa amin lang po, siyempre kailangan diyan, revival na i-issue ng korte. Mayroon ho tayong mga saligang batas pero independent po ‘yung judiciary, it’s an independent body, co-independent branch of government, now we need to respect it; Maraming nananawagan, “Bakit hindi parusang bitay?” Eh wala naman ho tayong capital punishment dito ‘no. So normal iyan na talagang maraming galit, marami talagang galit. But of course we need to follow the rule of law, iyon ho talaga.

Pero alam mo Ruby at Noel, mahalaga para sa atin sa media na itanong ang sarili natin: Anong susunod after this? So nahatulan na, what do we do next? Kung ako ang tatanungin ninyo, kailangan ho eh siguro suportahan natin, pag-aralan nating nang husto, tayo sa media itong Media Workers Welfare Act na nakasampa ho diyan sa Lower House. Dahil ito po ‘yung act na tutulong at magiging solusyon sa ilan sa mga economic vulnerabilities ng ating mga kasamahan sa trabaho – iyong security, iyong sa tenure… ano pa ba?

ALAMAR: Sinong naghain noong bill na iyon, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ang naghain po niyan ay ang PCOO at Presidential Task Force on Media Security. Ibinigay po natin ‘yan sa ACT-CIS Partylist at sila ho ‘yung author sa Kongreso.

ALAMAR: Magandang pag-usapan ‘yan sa mga susunod ano?

SEC. ANDANAR: Opo, sana mapag-usapan natin, opo, tama po ‘yun. Eh siyempre ito ‘yung magiging solusyon natin para iyong mga kasamahan natin sa iba’t ibang mga rehiyon o sa Metro Manila na walang regular na trabaho at hindi secure iyong kanilang trabaho: walang consistent na suweldo, walang healthcare/medicare, dapat tinutulungan natin. Kasi once na naging ganyan iyong kasamahan natin, they are very vulnerable sa temptations eh; na kung minsan mayroon tayong mga tinatawag na blocktimers, even in Metro Manila may mga blocktimers tayo. Tapos iyong mga sponsor politiko, sasabihin ni politiko, “Upakan ninyo si Politiko B, banatan ninyo… masasaktan,” eh doon nagsisimula ang problema.

ALAMAR: Oo. Kaya karamihan ng mga media killings nasa probinsiya, ano po?

SEC. ANDANAR: Opo, mga blocktimer napaka…[choppy line] Tama po kayo.

ALAMAR: Secretary kaya rin po kami tumawag, tungkol po doon sa—iyong media documentary, iyong GRAMO. Ano po ang nagbunsod sa inyo para gawin iyong documentary film and magazine na iyon?

SEC. ANDANAR: Eh kailangan ho talaga nating ipaalam sa publiko kung ano na ‘yung estado ng ating war against hard drugs, after 3 years na ito Noel at Ruby. Eh kailangan malaman, number one, ano ‘yung estado, nasaan na tayo; number two, ano ‘yung realities on the ground, ano ‘yung mga challenges natin; number three, para ipaalala sa publiko na itong war on hard drugs, it is a war to save the future of our nation. At one of the reasons also is for us to be able to give this documentary to the international media and diplomatic communities.

ALAMAR: Oho. Kasi ‘yung unang mga bugso noong mga war on drugs natin parang naging negative iyong dating ano po, parang nating negative iyong dating, pero kung titingnan mo talaga iyong accomplishments ng PNP/PDEA eh napakalaki, napakalaki noong naibawas sa supply ng droga dito sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: Aba’y tama po kayo. Sa supply pa lang, sa market price ng shabu, from P2,800 per average per gram, ngayon ay P6,800. Sa crime rate pa lang halos bumaba ito ng—o crime volume, more than 17% from 520,000 noong 2017, alam ko this year nasa mga 300,000 pa lang iyong last crime volume. Tapos may 5.4% ng mga pamilya ang nagsabi na sila ay hindi or they were victimized-less by any forms of crimes from 7%, so ibig sabihin napakalaki po ng ibinaba talaga. Kita naman natin sa approval rating ng President sa war on drugs…

ALAMAR: Sinusundan ko ‘yung war on drugs na ‘yan ni Presidente, medyo nabawasan na nga po ‘yung krimen na drug-related. Iyong nagawa itong krimen dahil sabog sa droga, parang ang laki ng ibinawas noong—sa statistics noong ganoong klase.

SEC. ANDANAR: Opo. More than 450,000 ang nag-voluntarily surrender para magpa-rehabilitate. More than 15,000 barangays ang drug clear na, drug free na siya; mayroon pa tayong 17,000 na tinitingnan kaya kailangan talaga malaman ng mga kababayan natin at international community itong war on hard drugs kaya mayroon tayong documentary na ‘GRAMO’ 50 minutes po ‘yan. At marami ding matututunan, hindi lang po ‘yung estado ng drug war ngayon kundi pati iyong history ng drugs sa Pilipinas mula kay Lim Seng all the way to today makikita ninyo.

ALAMAR: Si Lim Seng, ipin-firing squad..

SEC. ANDANAR: Opo, iyong ipin-firing squad po noong panahon ni President Marcos.

ALAMAR: Na-cover mo ba iyon, Secretary? [laughs]

SEC. ANDANAR: Ah, parang na-cover ‘ata ng tatay ko iyon [laughs]

TAYAG: Sir ito bang docu-film na ito, saan ninyo pa planong maipalabas para maipakita sa ating mga kababayan na ito ‘yung plano at ito ang nangyayari sa ngayon?

SEC. ANDANAR: Okay. Salamat sa tanong Ruby. A couple of weeks ago ito’y nag-premier na sa PTV4, sa ating government station at pinalabas sa lahat ng mga social media accounts ng Presidential Communications Operations Office. Ito po ay ipapalabas ng DILG sa lahat ng barangay; ang DOTr, ipapalabas din po ito sa mga terminal ng bus, barko, eroplano… tapos ito po ay ibibigay natin sa United Nations Permanent Mission – natin sa New York at sa Geneva. At dito po sa Pilipinas, aba’y 1st week of next year ay mayroon po tayong special viewing or screening kasama po ang mga miyembro ng diplomatic community.

ALAMAR: Sana pala humingi kami ng kahit konting tip sa inyo para habang ini-interview namin kayo pinapalabas—

SEC. ANDANAR: Ay naku, sayang ‘no…

ALAMAR: Oo, sayang.

SEC. ANDANAR: ‘Di bale, nasa Facebook naman siya… papadalan kita ng copy tapos—oo sayang nga at least napalabas sa teleradyo ‘no.

ALAMAR: Oo – Hindi bale, marami pa naman pong pagkakataon.

SEC. ANDANAR: Opo. Daghang salamat sa pagkakataong ito. Salamat din po sa patuloy na pagtitiwala kay Presidente Duterte at two weeks ago in-announce din po na bumaba iyong ating poverty incidence from 23% to 16%. Ibig sabihin, 5.9 million Filipinos ang naiahon mula sa kahirapan at we are ahead of our target na 14% poverty incidence. So mukhang by the end of 2022 eh baka maabot natin iyong 10% sa poverty incidence sa bansa natin.

ALAMAR: ‘Ayun, oo. Saka gusto ko lang sabihin, ngayon iyong opening Partner noong Cavite-Laguna Expressway, iyong first segment; first 10 kilometers ‘yan, project ‘yan ng Build, Build, Build na magmula diyan sa Mamplasan hanggang doon sa Nuvali sa Sta. Rosa, nandoon si Secretary Mark Villar ngayon nag-i-inspect siya…toll-free pa iyan hanggang December…

SEC. ANDANAR: Bumibilis na ang biyahe mo diyan, Noel…

ALAMAR: Oho. Secretary maraming salamat po. Merry Christmas.

TAYAG: Thank you, sir.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Ma’am Ruby at Sir Noel, mabuhay po kayong dalawa – Merry Christmas and Happy New Year.

ALAMAR: Mga kaibigan, Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Operations Office.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource