Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo


SEC. PANELO: [Airing starts]… basta lahat ng penalties itatapon natin sa kanila.

Q: Sir, walang legal liabilities kung sinuman… [off mic] the persons behind the [off mic]

SEC. PANELO: O, eh ‘di paimbestigahan natin kung anong violation mayroon.

Q: Sir, some analysts said the midterm election results will boost policymaking for the President.

SEC. PANELO: Boost?

Q: Yes.

SEC. PANELO: What do they mean by boost?

Q: That means the policymaking for the President, the reforms, those bills pending in the Senate will have more chances this time since he has more allies there.

SEC. PANELO: Baka naman hindi more chances kundi now they will have more time. Kasi ang palaging problema noon eh ‘di ba, palaging nagmamadali hanggang inabot na sila ng… Siguro dahil marami na silang interesadong tumulong, eh bibilisan nila.

Q: What is the President prepared to do sir after the elections in terms of pushing for these reforms?

SEC. PANELO: Well, the President has laid bare all the programs of government that he has in mind, and the senators sitting there know them, as well as I’m sure the incoming senators, so nasa kanila na iyon.

Q: And sir, analysts also said the President is also [unclear] the face increased domestic pressures over his relation to China. This is in relation to voter’s distrust of the Chinese influence. So, what is he prepared to do then?

SEC. PANELO: Which one? The what? That Chinese concerns?

Q: Yes.

SEC. PANELO: Specifically what, for instance?

Q: Voter’s concerns… voter’s distrust of China; they are saying that like he will be facing more pressure this time.

SEC. PANELO: But it would appear to me now, as I have said in my statement, that though issues raised against the President by the senatorial candidates of the opposition which includes the concerns on the South China Sea, eh tinanggihan ng electorate – rejected.

In other words, hindi sila naniniwala doon sa sinasabi ng oposisyon noon na ang Presidente walang ginagawa, ang Presidente masyadong lax, ang Presidente pinapabayaan lang ang mga violation ng Chinese – hindi naman totoo ‘yun eh.

Q: They were saying that the—you don’t expect any pressure from the public in the remaining term—I mean, years of the President in relation to China.

SEC. PANELO: In the first place, there is no need for pressure from the public. The President knows his duty as president. The Constitution mandates him precisely to serve and to protect, so he will be doing everything that is required of him to do as president of this country – and that should be, of course, to the welfare of the Filipino people.

Q: Sec., ito na lang. Can you elaborate on your statement kanina na after the recently concluded elections that showed the resounding victory of the candidates of the administration, the Palace wishes to start with a clean slate which is free from disinformation attacks. What do you mean by clean slate?

SEC. PANELO: In other words, we are putting our hands and offering our friendship to the opposition. As I said in my statement, let us unite and build a better Philippines. It’s about time we do that. The sovereign voice of the Filipino people have spoken, we have to bow to the rule of the majority. And the majority says, “Ito ang gusto naming mga officials na tutulong kay Presidente.” Eh siguro ang mensahe din sa kanila, eh tulungan ninyo na para maayos natin ang ating bansa.

Q: Pero, how about iyong dissent? Iyong [unclear]…

SEC. PANELO: O eh—sinabi nga natin, ang dissent will always be there. Pero kailangan iyong constructive, hindi iyong mudslinging.

Q: Pinapatanong ni Ate Cel, ano daw update sa Japan meeting ni PRRD, kailan exactly?

SEC. PANELO: Hindi pa ano iyong.., ang sabi, ang naririnig ko, 28, ang sabi naman nila 30, 31. I need to get the definite date. I haven’t seen the agenda yet, but definitely tuloy.

Q: Anong mga agreements daw, sir?

SEC. PANELO: Hindi ko pa rin alam iyon. That one, hindi ko pa alam – wala pa bang sinasabi ang DFA?

Q: off mic.

SEC. PANELO: Kailangan kasi merong, saka kung ano ang agenda. Saka sa Finance, tanungin mo, kina Sonny Dominguez. Sila ang nakaka-alam kung ano ang agreement.

Q: Why does PRRD blaming media outlet for accepting foreign funding when the government itself, it is foreign funding.

SEC. PANELO: Ano iyong foreign funding, baka ang sinasabi siguro niya iyong foreign funding ng Rappler, eh illegal nga iyon eh, kasi dapat ang korporasyon eh Filipino lamang. Ang sinasabi niyang foreign funding, eh iba naman iyon – loans naman iyon; hindi illegal iyon, iyon ang kaibahan nun.

Q: off mic

SEC. PANELO: Nag-isyu na nga ako ng statement eh.

Q: Sir, pa sound byte.

SEC. PANELO: Ano ang gusto mong sound byte?

Q: For TV.

SEC. PANELO: Sino ba ang taga-Inquirer dito, ikaw yata ang sumusulat eh? Ikaw iyong nag-i-slant. Eh ang pakiusap lang natin sa kung sinuman man ang sumulat ng editorial about my flimflammery – ang ganda ng lengguwahe – mukhang ginagaya mo ako ha. Ano, iyong ‘pag na-correct na, kasi Halimbawa nagkaroon ng controversial na isyu at sinabi na nga na nagkamali, eh ba’t pa pinagpipilitan nila na iyong dati. Like, di ba from the very start, sinabi ko, tiningnan ko iyong news briefing ko eh.

Iyong matrix galing kay Presidente, so, since absolute na iyong sinabing galing kay Presidente, so iyong diagram or matrix na pinadala sa akin, siyempre galing sa Presidente. Ang sinabi ko lang, hindi ko lang alam kung sino sa kanila. Kaya nga sinabi ko unknown. Tapos biglang sasabihin, oh bakit hindi na niya alam, but ano na ang origin? Eh origin nga ang Presidente eh.

Pagkatapos ito na naman iyong kay Gretchen Ho. Never ko namang sinabi na – nakita ninyo iyong news briefing – never kong sinabi na kasama sila. Tingnan n’yo uli iyong mga sinabi ko doon. Sinabi ko iyong mga personalities na kasama ng Liberal Party, saka sa Magdalo.

Pagkatapos iyong slide na iyon, lumabas iyon, kitang kita rin naman doon na pinapakita lang na ito iyong active account ni Rodel Jayme, ito iyong mga pina-follow niya. Oh so sino ba ang nagsabing kasama sila, eh iyong reporter na sumulat. Eh Inquirer siguro iyon, parang doon ko nabasa iyon eh, saka iyong Rappler.

Kumbaga, sabi ko nga, eh dapat kasi hindi n’yo muna sinulat kung iyan ang conclusion, you could have ask me kung, hindi ninyo naintindihan, eh very clear namang nakalagay ang caption. Ang caption very clear eh – na iyon yung Facebook account ni Rodel Jayme, wala naman siyang kasama doon sa matrix.

Q: Sir, tinanong kayo eh, two days after kayo sumagot.

SEC. PANELO: Unang-una paano naman ako sasagot sa inyo eh nandoon kami sa ibang…

Q: And why are you blaming the media, sir?

SEC. PANELO: Hindi kasi nagbigay kayo ng conclusion na mali. Bago kayo nagtanong meron na kaagad lumabas na conclusion eh. Conclusion was made first before you ask, di ba.

Q: Pero sir, it is your obligation to explain to the media.

SEC. PANELO: I-explain kung nagtanong kayo tungkol doon, eh nakalagay na nga, very clear naman iyong caption – eh na iyon ang Facebook account. Eh kung nag-concentrate kayo doon sa isang matrix na pinalabas, eh sana hindi na lang tayo nagkamali. But I don’t blame you. Eh ganoon talaga, sometimes you cannot make a perfect analysis.

Pero ang punto ko, eh napaliwanag na nga, inuulit niya pa rin sa editorial, ipinagpipilitan niya pa rin. Eh dapat hindi niya na lang—dapat sinabi niya na rin na ganito, ganyan, hindi naman pala.

Q: Sir, regular naman nag briefing natin, ano ba ang nakikita n’yong problema bakit laging nabe-blame ang media?

SEC. PANELO: Hindi naman. Ang sinasabi ko lang yung sumusulat. May one reporter na sumulat ipi-pickup ng iba iyon eh, pag mali ang analysis mo, talagang everybody will be writing the same.

Q: Sir, natanggap ninyo iyong mga question sir for clarification?

SEC. PANELO: Hindi. Nakita ko lang iyong ano ninyo nung ano na, kaya ko sinagot.

Q: Sir, ginawa na ba ng [unclear]

SEC. PANELO: Hindi, after that, ok naman, iyon na nga, kumbaga na-clarify na, pero iyong editorial, hindi pa rin. Parang wala pa rin, di ba?

Q: Siguro mas maganda kung [unclear]

SEC. PANELO: Hindi, huwag muna kasi kayo mag-analyze ng ano. Kumbaga if you are not sure.

Q: Walang analysis doon, the reports clearly stated that the main.., there is no analysis.

SEC. PANELO: Hindi, pero may caption doon na iyon ang kay Rodel Jayme na Facebook account.

Q: Yeah, yeah but the media reported the fact na they were there, there were no analysis.

SEC. PANELO: No, sinabi na they are part of the ouster plot eh, tingnan mo.

Q: Kasi they are in the matrix.

SEC. PANELO: No, iyong prinesent ko iyong ouster plot matrix, iba eh, malaking ano iyon eh, huge.

Q: off mic.

SEC. PANELO: Anyway, pero kumbaga nangyari na iyon.

Q: off mic.

SEC. PANELO: Pansit na lang.

Q: off mic.

SEC. PANELO: Hindi ko napanuod iyon eh, hindi ko alam iyon.

Q: Sir, he was accusing the President na behind the killing of thousand.

SEC. PANELO: Eh alam mo naman nag media sa Amerika, naniniwala doon sa mga natatanggap nilang mga false narratives, kaya ginagawa nilang ganoong uri ng pagpapatawa, pero bumabanat.

Q: off mic.

SEC. PANELO: Siguro, aalamin ko muna, hindi ko pa napapanuod eh.

Q: Iyong airing kasi noon sir is, before – a day before the election, tapos binash niya doon sina Imee Marcos, Bong Go

SEC. PANELO: sige, I’ll watch it and then I’ll make…

Q: off mic.

SEC. PANELO: Who?

Q: The comedian.

SEC. PANELO: No, I have to watch it first, I will watch it, para I will know what to say.

Q: Hindi si Andanar.

SEC. PANELO: Ah meron na ba si Martin, meron na pala si Martin, di okay na iyon.

Q: Napanood na kaya ni Presidente iyon?

SEC. PANELO: Ewan ko. Hindi ko alam.

Q: May Netflix si Presidente ‘di ba?

SEC. PANELO: Pero kung mayroon ng statement against it or speaking against it, eh okay na iyon … kay Martin [Andanar]. I need not issue any statement.

[AUDIO CUT] … viewers of the internet might believe it. Iyon lang naman ang reason. But actually, when somebody sent that to me, I was laughing. Pero kaya lang sabi ko, “Baka naman maniwala itong mga ito, might as well make a statement,” that’s why I made a statement.

Q: So may presscon tayo bukas, sir?

SEC. PANELO: Ayaw mo?

Q: Hindi naman.

SEC. PANELO: Siyempre mayroon tayo, mayroon. Kaya lang ako um-oo ngayon kasi may mga tanong kayo, I might as well … nandito na rin lang ako. Alam mo naman ako mapagbigay; always responding to your calls or text.

Q: Always?

SEC. PANELO: Always iyan, maybe late.

Q: Nasaan po si Presidente?

SEC. PANELO: Wala ba siyang schedule?

Q: Sini-secret, sir, sa MPC ang schedule.

SEC. PANELO: Hindi.

Q: Where is he now?

SEC. PANELO: Hindi ko pa alam. Baka nasa Davao pa. Kung walang schedule ngayon—kasi kapag walang schedule dito, doon may schedule siya. Mga private meetings, courtesy calls, doon niya ginagawa. Dapat alam natin iyong through ano… through Joseph and Ina.

Q: May celebration ba [inaudible]

SEC. PANELO: Hindi naman mahilig mag-celebrate iyon eh. Workaholic si Presidente.

Q: Sir, magho-host daw si Presidente ng victory party for his candidates.

SEC. PANELO: Hindi mahilig … out of character. Hindi iyon mahilig sa ganoon. Hindi nga uma-attend ng mga piyesta-piyesta iyon, gusto noon sa bahay lang eh.

Q: Sir, anong message ng Palace sa mga talunang kandidato?

SEC. PANELO: Mayroon na kami ha. ‘Di ba mayroon na?

Q: [Overlapping voices] Iyong ayaw pang mag concede.

SEC. PANELO: Well, hindi ba, we have thank you for fighting a good battle. You tried your luck and you fought well. But as the rule of majority says, whoever triumphs will have to yield to that rule.

Pero it’s not the end of the world for those who lost. I have so many friends who lost, mga personal friends. Pero ganiyan talaga ang buhay. Marami kasing … like in the local elections iba ang dynamics sa local eh. Grabe, ibang-iba.

Q: [inaudible] suporta ni Pangulo?

SEC. PANELO: What?

Q: Si Mocha Uson, sir.

SEC. PANELO: Bakit, talo si Mocha? Parang I can’t believe that.

Q: Seventy thousand.

SEC. PANELO: Seventy thousand ang nakuha niya lang na boto? Parang incredible yata yun. No, I mean, how many votes did she get?

Q: Wala pang one percent [inaudible]

SEC. PANELO: Kailangan ba ilan?

Q: [overlapping voices]

SEC. PANELO: Based on what? One percent of what? With the total number of votes? Or the total number of registered voters?

Q: Number of [inaudible] sa partylist.

SEC. PANELO: Hindi siya nakakuha—eh isa lang ang ibig sabihin niyan: Hindi siya nag-concentrate sa pagkampaniya. Baka she was overconfident considering na she has five million followers and most of them are overseas na bumuboto. Kasi alam ko nangangampaniya siya for others.

Q: [Inaudible] Hindi na translate—

SEC. PANELO: Hindi, sa tingin ko hindi siya—baka she was overconfident na siguradong … kaya sa iba na siya nangampaniya. Nagulat ako ha.

Q: Sir, hindi tumalab iyong Duterte magic sa kaniya.

SEC. PANELO: Unang-una, hindi naman nag-endorse si Presidente sa kaniya.

Q: Mayroon, sir.

SEC. PANELO: Hindi, noon pa iyon.

Q: Sir, hindi ninyo alam inindorso siya ng Pangulo?

SEC. PANELO: In-endorse siya noong the day before, two days before?

Q: [overlapping voices]

SEC. PANELO: Ang alam ko noong huli, noong miting de avance kasi nandoon siya, kasama ko siya. Pero ano iyon, palagay ko hindi nakapagkampaniya ng ano iyon—ano bang partylist niya in the first place?

Q: [overlapping voices] Hindi ninyo binoto, sir.

SEC. PANELO: That’s another thing nga pala, that’s another thing. No, that’s another thing. If it’s a new partylist, talagang mahirap. If you noticed—

Q: Sina Tulfo nga … bago iyon, bago.

SEC. PANELO: Eh may radyo iyon eh. Nasa ads iyon, ads iyon, advertisement.

Q: Sir, Ang Probinsiyano, bago iyon.

SEC. PANELO: Bago, pero kilalang-kilala iyon.

Q: Sir, kilala naman si Mocha, sir?

SEC. PANELO: Eh hindi naman Mocha ang partylist eh. Siguro kung Mocha Partylist, aba’y baka overwhelming.

Q: Message ninyo, sir, kay Mocha?

SEC. PANELO: I’m sure—hindi, the fact na nag-resign siya, ibig sabihin, marami pa siyang avenues na puwedeng gawin para makapagsilbi sa bayan.

Q: Sir, iyong mga senatorial aspirants na hindi nanalo o hindi pasok sa top 12, may balak ba si Pangulo na gawin silang Cabinet member or italaga sa ibang posisyon?

SEC. PANELO: Hindi ko alam, na kay Presidente iyon. But there are many ways of serving one’s country; it’s not only through election or being appointed in the government. Marami, marami diyan ngang ‘di ba, naninilbihan para sa bayan.

Q: [overlapping voices]

SEC. PANELO: Alam ko love ninyo si Mocha. Bakit, hindi ninyo love si Mocha?

Q: Love niya rin kami.

SEC. PANELO: Sabi ko nga si Mocha, kahit na noong wala pa sa gobyerno, marami nang naitutulong sa overseas. Siguro ipagpapatuloy niya, and hanga ako sa ginagawa niya.

Q: Pero hindi mo alam, sir, iyong partylist niya?

SEC. PANELO: Ano, ano?

Q: [overlapping voices] Kasi hindi ninyo ibinoto.

SEC. PANELO: Hindi ko alam ang partylist kasi—

Q: [overlapping voices] Anong binoto mo?

SEC. PANELO: Secret.

Q: Ah, hindi mo binoto.

SEC. PANELO: Secret.

Q: Ah, hindi mo binoto.

SEC. PANELO: Secret.

Q: Hindi mo kasi alam. Kung alam mo, ibuboto mo siya.

SEC. PANELO: Secret. Siyempre ang iboboto ko iyong mga gusto ni Presidente.

Q: [overlapping voices]

SEC. PANELO: Hindi, ‘di ba in-endorse niya iyon.

Q: Pero hindi mo binoto eh.

SEC. PANELO: Iyon ang sabi mo. Oh, sige, thank you.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource