BAJA: Secretary Sal Panelo, nalusutan ang media, nakasakay na ng jeep. Secretary Sal, magandang morning.
SEC. PANELO: Magandang umaga kritiko.
BAJA: Kritiko kaagad. Ang lakas mo sa amin Secretary, ikaw pa. Nakasakay ka na sa jeep?
SEC. PANELO: Iyong mga bata mo eh na nakaabang doon sa isang kalsada eh—
BAJA: Pina-abangang talaga kita, Sec.
SEC. PANELO: Wala, hindi nila ako nahabol. Nakasakay na ako sa jeep, hindi nila alam kung saan ako nandoon.
BAJA: Ang pinakaka-abangan, Secretary, ay kung ano ang isusuot po ninyo pagsakay ng jeep.
SEC. PANELO: Nagpadala na ako ng picture sa ano ah—
BAJA: Ayun, naka-sumbrero si Secretary Sal; nakasuot ng kulay puting sombrero.
SEC. PANELO: Nakasakay ako kay Ruben Ortega.
BAJA: Biyaheng ano po iyan, anong biyahe?
SEC. PANELO: Hindi ko na sasabihin kung anong biyahe.
BAJA: Secret ha, para patunay na kayo ay sinubukan ninyo ang pagko-commute ano.
SEC. PANELO: Alam mo Gerry, ang problema kasi hindi ninyo inintindi iyong sinasabi ko. Ang sinasabi ko, walang crisis kasi walang paralysis; pero may krisis tayo pagdating sa paghihirap ng mga kababayan natin. Hindi ninyo kasi iniintindi iyong sinasabi ko, pareho rin ng hindi ninyo pag-intindi kay Presidente pag nagsalita eh.
Walang kaduda-duda na ordinaryong mamamayan, kasama na doon pati iyong mga nagko-kotse, nakasakay sa aircon, lahat iyan naghihirap, nagdadaranas. Pero pag tatanungin mo ako na may krisis ba sa transportation, kaya ko sinasabing wala, kasi walang paralysis, may nasasakyan pa tayo. At kung may krisis sa pagsakay at sa paghatid sa kinaroroonan talagang meron. Now when I said na… nung sinabi ko na para makarating tayo sa paroroonan natin, agahan natin. Kasi nga may problema tayo eh, kaya you have to do something about it. Kaya iyon ang ginagawa ko, kahit ako na may kotse, nagigising ako ng maaga para makarating ako sa paparoonan ko. Sa madali’t sabi, hindi tayo basta magmumura na lang tayo, wala tayong gagawin, gumawa tayo ng paraan. May problema na nga tayo dadagdagan pa natin ng—
BAJA: At iyan naman talaga ang matagal nang ginagawa ng marami sa ating mga kababayan.
SEC. PANELO: Exactly! Iyon na nga sinasabi ko na I don’t have to ride the jeep, LRT para malaman ko ang kalagayan ng taumbayan.
BAJA: Oo, totoo iyon.
SEC. PANELO: Kaya si President ginagawa na ang paraan eh, kay Secretary Tugade ginagawan ng paraan. Lahat gumagawa ng paraan pero hindi ganoon kasimple iyong problema ng bayan eh, lalo na sa Metro Manila.
BAJA: Papasok na ba kayo sa Malacañang niyan, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi pa, hindi pa.
BAJA: Ah hindi pa. So sinubukan n’yo lang muna iyang biyahe. Magkano ang pamasahe?
SEC. PANELO: Sampung piso; pag senior citizen.
BAJA: May discount?
SEC. PANELO: Eh pag senior citizen ka sampung piso eh.
BAJA: So, binigyan kayo ng discount ni Mr. Ortega, ng driver.
SEC. PANELO: Hindi pa; pangalawang sakay ko na ito ng jeep eh, hindi pa ako nagbabayad. Doon sa una sampung piso ang binayad ko.
BAJA: So, iyong pupuntahan ninyo kailangan ng dalawang sakay o meron pa kayong lilipatan?
SEC. PANELO: Ang ginagawa ko talagang pinupuntahan ko iyong ruta ng mga nahihirapan na mga kababayan natin. I don’t have to tell you kung saan, nakadalawang sakay na ako. Pareho din ng iba, pumipila talaga, nakikipaghabulan ka, dahil puno na, at this time talagang puno na ang mga sasakyan eh.
BAJA: Tama, iyon nga ang itatanong sa inyo: ano ang experience ninyo mula nung kayo ay mag-abang hanggang sa kayo ay makasakay?
SEC. PANELO: Talagang—puno na eh, puno na ang jeep eh, kailangan hahabulin at sakay ka kaagad, in otherwords maiiwan ka. Alam mo ito Gerry, ordinaryo na ito sa akin. Nung mga panahon pa ganit0 na tayo, wala namang pinagbago.
BAJA: Dati naman na rin kayo nagko-commute di ba, lahat naman tayo dumaan sa ganyan.
SEC. PANELO: Matagal na akong nagko-commute, alam mo laking kalsada tayo kaya sabi ko nga nagkamali sila ng hinamon.
BAJA: Oo nga no. Wala ba kayong security?
SEC. PANELO: Wala, nag-iisa lang tayo. Isa pa, alam mo, maraming gustong mag-cover tinanggihan ko lahat kasi I don’t want to make a spectacle of this. Eh gusto yata nung mga naghahamon eh, gusto nilang gawin ang media circus, ayoko noon, kaya wala akong pina-alam kahit na sino. Katunayan maraming naki-usap kung pwede akong samahan, mga brod ko sa fraternity sa Sigma Rho, iyong mga dating sundalo, mga pulis, eh wala, hindi ko sinabi sa kanilang lahat, walang nakakaalam; pati nga anak ko hindi niya alam kung saan ako pupunta eh.
BAJA: Eh akala nga talaga namin eh hindi ninyo itutuloy, pero itinuloy n’yo pala. Eh tama po iyan kung itutuloy ninyo eh, tama na wala dapat hawi boys para—
SEC. PANELO: Alam mo kaya ko tinanggap kasi parang pinalalabas nila na kaming mga nasa gobyerno na may malaking puwesto ay hindi kayang gawin ang ordinaryong ginagawa ng mga tao; lahat iyan dinaanan namin at kaya naming balikan ulit.
BAJA: Tama iyan. Basta’t laki sa hirap, tulad nating laki sa hirap eh kayang balikan iyan.
SEC. PANELO: Kahit na hindi ka laki sa hirap kung gugustuhin mo, it’s a matter of political will lahat iyan. Kung gusto mo walang dahilan na hindi mo magagawa, kung ayaw mo, kahit isang sanlaksang dahilan maibibigay mo.
BAJA: Nakasakay na kayo ng dalawang jeep, lilipat pa ba kayo ng bus at LRT o MRT?
SEC. PANELO: Mamaya. Siguro isa pang sakay ng jeep bago ako mag-LRT.
BAJA: Aba… talaga. Pero secret pa rin ang lugar ha?
SEC. PANELO: Oo, para walang nakaka-kita.
BAJA: Sige, salamat, Secretary. Ingat kayo ha.
SEC. PANELO: Sabihin mo doon sa media bureau mo: Matalino man daw ang matsing, napaglalangan din.
BAJA: Nalusutan kayo ni Secretary Panelo. Thank you, Secretary.
SEC. PANELO: Okay, thank you.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)